ABALA ang lahat sa loob ng office nang natatarantang dumating si Eros, "Guys!"
Sabay-sabay napapihit ang ulo nila sa binata na hinihingal pa sa pagmamadaling makarating. Nagtatakang tinigil ni Lexine ang ginagawa sa laptop, "Bakit Eros?"
Nagpabalik-balik ang tingin ni Eros sa mga tao sa loob ng office. Dalawang mukha ang alam niyang hindi pwedeng makarinig ng sasabihin niya. Tumigil ang mata niya kay Makimoto at Miguel, "I need you to guys leave us."
Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Agad naman sumunod si Makimoto. Si Miguel na nagtataka man ay tumayo na rin at nag-iwan nang makahulugang tingin kay Lexine bago lumabas ng office. Nang tuluyang makaalis ang dalawa ay agad nagtungo si Eros sa gitna ng silid.
"Ano ba ang sasabihin mo Eros?" tanong ni Miyu.
Humugot nang malalim na hininga si Eros bago sumagot, "I already found a way to break the sword."
Sabay-sabay na napanganga ang bawat isa. Ang tagal nilang naghanap ng paraan kung paano masisira ang espada ni Lucas kung kaya naman isang napakagandang balita ang hatid ng Warlock.
"To the Arc room," utos agad ni Lexine.
Sabay-sabay na naglakad ang lahat patungo sa pantry sa loob ng kanilang personal office. Sa gilid ng two door refrigerator ay may secret scanner. Nilapad ni Lexine ang buong kaliwang kamay at na-scanned ang kanyang fingerprints. Na-activate ang lock. Binuksan niya ang two door at imbis na mga pagkain ay isang secret entrance ang bumungad sa kanila. Agad silang pumasok sa loob nito.
Binaybay nila ang hallway na gawa sa metal walls. Automatic na bumukas ang mga LED lights sa gilid ng daan na nagsilbing ilaw. Isang minutong paglalakad at natumbok nila ang dead end.
Nagsalita ang isang AI, "You are entering a restricted room. State your agent code"
Sumagot si Lexine, "This is agent Milih Pen."
Muling nagsalita ang AI, "Voice recognition agent Milih Pen, activated. Door unlock."
Nahati sa dalawa ang metal na dingding at bumukas. Lumabas ang mga usok mula sa pinto. Nagkatinginan ang bawat isa at sabay-sabay na pumasok sa loob.
Mula sa kadiliman ay isa-isang bumukas ang mga ilaw. Nabigyan liwanag ang kabuuan ng isang napakalaking dome. May nag-iisa at makitid na daanan na nagtutumbok sa pinakagitna kung saan matatagpuan ang bagay na iningatan at tinago nila sa loob ng isang taon.
Naglakad sila palapit hanggang sa marating nila ang gitna. Sa ibabaw ng metal table nakalutang ang espada ng pinatapon na arkanghel. Naiilawan ito ng puting liwanag.
Walang ibang nakakaalam tungkol sa secret dome kung saan nila tinatago ang espada ni Lucas kung hindi silang lima lang. Pinagmasdan ni Lexine mabuti ang armas na puno't dulo ng kasamaan ng hari ng kadiliman.
"How can we break it?" tanong niya.
"I already found the ritual that will help us. It's written in one of the secret spell book of our family, the Black book," sagot ni Eros.
Nagulat si Devorah, "Pero diba nakatago ang Black book sa library ng Gibbbon Mansion, paano mo nakuha?"
Ngumisi si Eros, "I talked with my sister Sarah, she helped me."
Napataas ang kilay ni Miyu dahil nakalaban niya ang babaeng warlock noon sa digmaan, "How could that be possible? Pumanig ang mga kapatid mo kay Lucas hindi ba?"
"Yeah that's true. But Sarah has a good heart at alam niya kung ano ang tama at mali. Bumaliktad siya kay Jacko at lihim na nakikipagtulungan sa akin. She wants our family to be complete again."
Napatungo ang bawat isa, "Mabuti kung ganoon. Ano ang kailangan natin gawin?" tanong ni Lexine.
Binuka ni Eros ang isang palad at lumabas doon ang makapal at malaking Black book. Agad niya itong binuklat hanggang sa pahina kung saan naka-nakasulat ang tinutukoy na spell, "According to this book we need two things to complete the ritual. First, we need the Devils heart."
Napakunot ang noo ni Elijah, "What is the Devils heart?"
"During the time of my great grandfather Louisse Gibbon and his deciples. They were able to kill a powerful Sea Demon, Bakunawa."
Napanganga si Miyu, she heard about that history when she was younger, "Bakunawa is a giant sea serpent. He was actually written in Phillippine Mythology."
"So he did existed," komento ni Lexine.
"Yes," sagot ni Eros, "Kinuha ni Louisse Gibbon ang puso ni Bakunawa. I was young back then when I first noticed the red diamond necklace na suot ni Lolo sa portrait niya na nakadisplay sa Gibbon Mansion. Now that I'm looking at the drawing in this spellbook. It looked exactly the same," tinuro ni Eros ang drawing ng Devils heart sa pahina.
"So you mean the Devils heart is the necklace of your great grandfather. Nasaan na ito?" tanong ni Elijah.
Bumuntonghininga si Eros, "Nasa bangkay ng lolo ko."
Napasipol si Elijah sabay napangisi, "Mukhang kailangan natin humukay ng patay."
Umikot ang mata ni Eros, "Ganoon na nga. I know where to find my grandfathers grave."
"So what is the second one?" tanong ni Lexine.
Saglit na hindi agad nakasagot si Eros at bahagyang nanigas ang bagang nito. Makahulugang tumingin siya sa mga kasama at bumalik sa mukha ni Lexine na nag-aantay ng sagot niya.
"The athame."
Mabilis na bumigat ang tensyon sa bawat isa. Napapikit si Elijah at napamura, si Devorah na napatakip ng bibig, si Miyu na umasim ang mukha, si Eros na balisa at tinatantya kung ano ang magiging reaction ni Lexine. Bawat isa ay nag-aalalang tumingin sa kanya.
Nanatiling walang imik si Lexine.
Tumikhim si Eros, "Lexine… na kay Night ang athame."
Nang marinig ang pangalan ng binata ay nagkuyom ang mga palad ni Lexine at nagdilim ang mga mata. Kinakabahan ang bawat isa sa nakitang reaksyon ng babae. Alam nila kung gaano ka-sensitibo ang pangalan ni Night dito matapos lahat nang nangyari. Sa lumipas na isang taon ay iniwasan nilang bangitin o pag-usapan ito.
Natatarantang nagsalita si Elijah, "Lexine… k-kami na lang ang bahala kumuha ng atham—"
"No," malamig na sagot ni Lexine. Mas lalong nabahala ang lahat sa labis na pagdidilim ng malamig niyang mga mata.
"Track him down Elijah, ako ang kukuha ng athame sa kanya."
Nagpalitan nang makahulugang tingin ang magkakaibigan habang nababahala at nag-aalala.
"Lexine, are you sure? Baka…" hindi maituloy ni Miyu ang nais sabihin.
Malamig na lumingon ang mga mata ni Lexine sa kanya, "Bakit naman hindi? Kailangan natin ang athame para masira ang espada ni Lucas. Kahit sinong demonyo ang dapat kong harapin para bawiin ang athame, wala akong pakielam."
"Give me the details where to find him Elijah, I need it today," mariing utos ni Lexine saka siya naglakad palayo sa mga kaibigan.
Pinagmasdan ng apat ang babae hanggang sa makalabas ito ng dome. Sabay-sabay silang napabuntonghininga. Wala silang choice, kung hindi harapin ang prinsipe ng dilim.
Naiiling si Elijah, "This is a bad idea."