Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 253 - Maybe

Chapter 253 - Maybe

NATAGPUAN ni Miguel si Lexine na naninigarilyo sa smoking area habang nakasandal sa pader at nakatingala sa madilim na langit at dagat ng mga bituin. Tinago niya ang dalawang kamay sa bulsa, naglakad palapit at sumandal sa tabi nito.

"Kanina ka pa tahimik, may problema ba?"

Humithit si Lexine ng yosi at binuga sa hangin, "No, I'm fine," sagot niya nang hindi ito nililingon.

"Sometimes it's okay to admit that you're not okay, being honest makes you feel better."

"What makes you think that I'm not being honest?"

"Nakikita ko sa mata mo," sagot ni Miguel at tinignan si Lexine.

Pero nanatiling nakatingin lang si Lexine sa langit at humihithit ng yosi. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Dahil mukhang walang planong magsalita si Lexine kaya si Miguel na ang bumasag ng katahimikan.

"Alam mo ba, noong bata ako. Napakaiyakin ko. Nabu-bully kasi ako sa school before dahil lumaki akong walang tatay. My mom is a single parent. Tinutukso ako ng mga kaklase ko at palagi akong umiiyak sa loob ng cr."

Nahinto si Lexine sa pagyosi at lumingon sa katabi. Si Miguel naman ang nakatingin sa langit habang inaalala ang nakaraan, "Anak ako ng daddy ko sa labas. But when my mom died because of breast cancer when I was fourteen, I had no choice but to come to my father. Sa puder ng tatay ko ibang iba sa kinalakihan ko. Our family is a legacy of soldiers. Bawal maging mahina, bawal maging iyakin. I had to adjust. Bawat kilos mo makikita at mapapansin nila. Bilang bastardong anak ng daddy ko, I had to to try harder to prove myself to everyone."

Lumingon si Miguel kay Lexine at nagtama ang kanilang mata, "I had to endure the pain and pretend that I'm strong in front of them. But I remember what my mom always told me when she was still alive. Sabi niya… Miguel, kapag masakit na. Okay lang na umiyak ka. Dahil mas masasaktan ka kung pipilitin mong kimkimin ang lahat sa dibdib mo."

Malumanay na tumingin si Miguel kay Lexine. Ang malamig na mata ng babae ay napalitan nang lambot sa unang pagkakataon. Dahan-dahang inangat ni Miguel ang kamay at inipit ang hibla ng buhok na nililipad ng malamig na hangin, sa likod ng tenga nito, saka maingat na pinadausdos ang likod ng kamay niya sa malambot na pisngi ng dalaga.

For a moment, both of them were silent. Tanging ihip ng hangin ang maririnig sa pagitan ng dalawa. Napalunok nang madiin si Miguel habang pinagmamasdan ang natatanging ganda ng anghel sa kanyang harapan.

There's a warm hand that caresssed his heart just by looking at her. Na para bang gusto niyang maging sandalan siya nito. Na gusto niyang gamutin ang sugat sa puso nito. Hindi man niya alam kung ano ang totoo tungkol sa nakaraan ni Lexine, ngunit nararamdaman niya na malaki ang paghihirap na pinagdaanan nito. He can see it in her almond-shaped eyes.

For the first time in ages, he felt something deeper than attraction. Maihahantulad si Lexine sa isang puting bulaklak na umusbong sa gitna ng malaking digmaan. Nabahiran ng alikabok at dugo. Handa si Miguel na maging ulan, na bubuhos sa lupa upang linisin ang mga bahid ng dumi na tumatakip sa bulaklak upang muling makita ang natatangi nitong ganda.

Unti-unting nilapit ni Miguel ang mukha kay Lexine na nanatiling hindi kumikibo. Nahigit ni Lexine ang hininga dahil hindi niya rin alam kung bakit hindi siya kumikilos. Tila isang magnet ang malalim na mga mata ni Miguel at di niya magawang bitawan ang titig nito.

Siguro dahil sa unang pagkakataon ay binuksan nito ang sarili sa kanya. Samantalang siya itong kasing tigas ng bato na kahit anong gawin ni Miguel ay nanatiling sarado ang puso at isip niya.

Siguro dahil nababasa niya sa mga mata nito ang isang init na matagal na niyang hindi nararamdaman. Dahil sa lumipas na mga buwan ay wala siyang ibang naramdaman kung hindi sakit at galit.

Siguro dahil parang isang araw si Miguel na uusbong sa umaga at magbibigay ng liwanag sa malamig na gabi.

Siguro dahil…

Isang pulgada na lang ang labi nila sa isa't isa nang pumikit si Miguel. Nanatiling naman tulala si Lexine habang nararamdaman na niya ang init ng hininga ni Miguel sa kanyang bibig. Tila tumigil ang pagtibok ng dibdib niya.

"Lexine…"

Nahinto ang dapat na pagdikit ng mga labi nila at sabay silang napalingon sa likuran. Nakatayo si Elijah na may nakakunot noo. Nanigas ang bagang nito lalo na at hindi niya gusto ang nakita.

Umayos nang tayo si Lexine at umalis sa harapan ni Miguel saka lumapit kay Elijah, "Ano yun Elijah?"

Masama ang timpla ng mukha ni Elijah na nagpabalik-balik ang tingin sa dalawa bago tumigil kay Lexine, "I already know where he is."

Mabilis na bumalik ang lamig at dilim sa mga mata ni Lexine.