Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 248 - White mask

Chapter 248 - White mask

HINDI INURUNGAN ni Lexine ang mga bampirang sumugod sa kanya. Tinadyakan niya sa dibdib ang isa sa kanan sabay hinampas ang espada sa kaliwa at pinugutan ng ulo ang lalaking bampira. May tumalon mula sa second floor at mabilis na sinungaban si Lexine sa balikat at binuka ang bibig na may pangil at handa na siyang kagatin. Pero mabilis na tinaas ni Lexine ang braso at nasapol ng siko niya ang mukha nito.

Umikot siya at hinumpas ang espada, tinamaan sa dibdib ang bampira sabay pinalabas niya ang liwanag sa malayang kamay at tumama sa mukha nito, nalapnos iyon na parang sinabuyan ng asido. Nalusaw ang umuusok nitong balat habang nagsisigaw sa sakit.

Sabay na tumalon si Eros at Devorah mula sa second floor. Sunod-sunod na nagpaputok si Devorah ng futurisitc hand gun at tinira sa ulo ang mga bampira. Habang nagpalabas naman ng sunod-sunod na asul na fire ball si Eros sa mga kalaban.

Masyadong marami ang mga bampira kumpara sa kanila na tatlo lang. Nagdikit-dikit ang likod nila habang napalilibutan na sila ng sandamakmak na bampira at demons.

"Kailangan natin sirain ang LED screen," bulong ni Lexine, "We don't have any choice, we need the everyone to run outside this club."

"Okay, ako na ang bahala," sabi ni Eros. Pinikit niya ang mga mata at nag-chant ng isang spell. Umangat ang mga paa niya mula sa sahig at lumipad sa itaas. Nagpatuloy sa pagbigkas ng spell si Eros at pinagdikit ang dalawang nagliliwanag ng mga kamay. Mula doon nabuo ang isang bilog na electric fire ball. Dahan-dahang pinaghiwalay ni Eros ang mga palad at palaki ng palaki ang bola.

Hanggang sa natapos niya ang chant. Dinilat niya ang nagliliwanag na mga mata at buong lakas na hinagis ang electric fire ball sa LED screen. Nawasak ito, sumabog at lumabas ang mga kuryente mula sa wires. Nagiba ang malaking LED screen at nahulog sa stage.

Doon biglang natauhan ang mga civilian. Naputol ang hipnotism at nagising ang bawat isa. Pero mabilis din natakot ang lahat nang makita ang mga bampira at demons sa paligid.

Nagsigawan at nagmamadaling nagtakbuhan ang mga tao. Nagkaroon ng stampede.

Sinamantala nila Lexine ang pagkakataon at tinuloy ang pakikipaglaban sa mga halimaw. Nagising na rin si Elijah at natatarantang tumulong sa mga kaibigan. Tumalon siya at hinawakan sa balikat ang dalawang bampira sabay hinagis na parang papel sa kabilang panig ng club. Lumabas ang malalaking pangil ni Elijah at pumula ang kanyang mata.

Ganoon din si Miguel na tila nagising sa mahabang panaginip. Nang makita ang mga nangyayari ay mabilis niyang binunot ang dalawang futuristic hand gun—na may special technology bullets—sa likod ng pantalon. Tinaas niya ang dalawang kamay at tinutok sa unahan at sunod-sunod na pinaputukan ang mga demons at vampires sa paligid ni Lexine at Devorah.

Nanatili na nasa itaas at lumulutang si Eros at naghahagis ng mga fire balls nang may isang Lethium Demon ang tumalon mula sa railings sa second floor at sinungaban siya. Natumba si Eros sa sahig at pinaibabawan ng Lethium Demon.

"Eros!" sigaw ni Devorah. Mabilis na tumakbo si Devorah upang iligtas ang nobyo pero nahirapan siya sa mga demons na humaharang sa kanya.

Panay ang humpas ni Lexine sa kanyang espada at patuloy sa pakikipaglaban sa mga bampira nang magawi ang tingin niya sa second floor. Isang lalaking nakasuot ng puting maskara ang natanaw niyang nagtatago sa gilid ng pader. Kalahati ng katawan at mukha nito ang nakadungaw.

"Lexine! Watch out!"

Naputol ang atensyon ni Lexine sa sigaw ni Miguel. Isang bampira ang mabilis na tumalon at tinulak siya. Natumba si Lexine sa sahig at pinaibabawan ng bampira. Nabitawan niya ang espada na tumalsik sa malayo. Nakabuka ang pangil ng bampira at handa na siyang sakmalin nang biglang sunod-sunod na pinutok ni Miguel ang baril at tinamaan sa ulo ang bampira, lumusot ang bala sa noo nito.

Tinadyakan ni Lexine ang bampira paalis sa ibabaw niya. Agad siyang dinaluhan ni Miguel at inalalayang makatayo. Buong pag-aalalang hinaplos ni Miguel ang magkabila niyang pisngi.

"Ayos ka lang ba?"

Tumungo si Lexine, "Ayos lang, salamat."

Napangiti ng matamis si Miguel, "Gwapo na ba ako sa paningin mo?"

Umikot ang mata ni Lexine at talaga nagagawa pa nitong landiin siya sa gitna ng misyon nila, "Hindi pa."

May isang bampira ang mabilis na tumatakbo sa likuran ni Lexine. Nanlaki ang mata ni Miguel at agad sinukbit ang isang braso sa batok ni Lexine at dinikit sa kili-kili niya upang hatakin ito patagilid sabay tinutok ang baril sa kalaban at pinutokan ito sa noo.

"Bang!" natumba ang bampira.

Yumuko siya upang tignan sa mata si Lexine na kayakap na niya, "Eh ngayon, gwapo na ba?" ngisi niya at mas lalo pang nilapit ang mukha sa babae na halos kadangkal na lang ang distansya nila.

Naningkit ang mata ni Lexine, "Captain Miguel Madrigo, nasa mission pa tayo wala ba talaga break time 'yang kalandian mo?"

"Walang break time ang feelings ko sa'yo."

Nag-init ang buong mukha ni Lexine sa sinabi nito at lalo siyang naiinis sa ngisi nitong nakakabwiset. Dahil ang totoo niyan, ay talaga namang napakagwapo ni Captain Miguel lalo na kapag ngumingiti ito. Pero kahit kailan ay hindi niya aaminin ang bagay na iyon.

Naputol ang pagtitigan nilang dalawa nang sumigaw si Elijah ilang dipa mula sa kanila na nakikipaglaban sa mga bampira.

"Lexine! Nakalabas na ang mga tao, it's about time!"

Doon lang napansin ni Lexine na sila na lang at ang mga halimaw ang natira sa loob ng club. Tumungo siya at agad pinindot ang earpiece upang tawagan si Miyu na nagtungo sa technical room.

"Miyu, are you ready?."

Si Miyu na handang-handa na habang nakaharap sa malaking screen. Sa likuran niya takot na takot at nakaupo sa sahig ang dalawang empleyadong lalaki habang naka-tali ng lubid at naka-tape ang bibig.

"Always ready," ngisi ni Miyu at hinanda ang kamay upang pindutin ang red button sa control board.

"Drop the bomb," utos ni Lexine.

Pinindot ni Miyu ang red button at sabay-sabay na bumukas ang mga fire sprinkle sa kisame na parang ulan at ang lahat.

Mabilis na nalapnos ang mga balat at nalusaw ang mga bampira at demons. Nilagyan nila ng poison ang water tank na konektado sa fire sprinkle system na tutunaw sa mga demons at vampires. Parang sinabuyan ng asido ang mga ito at naghihiyaw sa sakit.

Sa mga sandaling iyon. Nakapagtago na si Elijah sa isang sulok upang hindi siya mabasa.

Pero hindi pa doon natatapos ang laban dahil meron pa silang main target. Hinanap ni Lexine si Mr. Kho na natanaw niyang tumatakbo palabas ng club upang tumakas.

"Tatakas ka pang bakulaw ka!" mabilis na tumakbo si Lexine at hinabol ang Hybrid. Agad naman sumunod sa kanya si Miguel.

Meanwhile, sa itaas ng second floor tahimik na nagmamasid ang lalaking nakasuot ng half white mask. Mahigpit na nakakuyom ang dalawang kamao nito, naninigas ang bagang at madilim ang mga mata.

"Pinapatawag kayo ng Panginoon," malamig na sabi ni Winter sa likuran. Kasing tigas ng yelo ang mukha nito na hindi nagpapakita ng kahit anong emosyon.

Nanatiling nakamasid ang binata sa first floor. Sinusundan ng mata niya si Lexine na tumatakbo palabas ng club at ang lalaking nakasunod dito. Nanatili ng ilang segundo ang madilim niyang mga mata hanggang sa mawala si Lexine sa kanyang paningin.

Ilang sandali pa at pumihit paharap ang lalaki. Sinulyapan lang nito si Winter ng dalawang segundo bago naglakad palayo.

Samantala, sa isang sulok kung saan nagtatago si Elijah, hindi nakaligtas sa matalas niyang mata ang mask-man sa second floor bago ito nawala.

Naningkit ang kanyang mga mata at nanigas ang bagang.

"Night…"