Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 249 - Mr.Kho

Chapter 249 - Mr.Kho

NA-KORNER si Mr. Kho pagdating nito sa parking lot. Napaatras siya nang matanaw na papalapit si Miyu sa unahan. Umikot siya patalikod pero nandoon na rin si Lexine at Miguel. Pumihit siya sa kanan pero naka-abang na si Eros at sa kaliwa naman si Devorah na nakatutok ang baril sa kanya.

Malutong na napamura si Mr. Kho.

"Wala ka ng kawala," malamig na sabi ni Lexine.

Tumalim ang namumulang mata ni Mr.Kho at mas humaba ang pangil, "Nephilim…"

Umismid si Lexine, "Huli ka na sa balita, Milih Pen na ang tawag sa akin sa buong underworld."

Tumawa si Mr. Kho, "Hmp, Milih Pen, Nephilim, kahit ano pa ang pangalan mo, isa ka pa ring hamak na mahinang mortal."

"Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin dahil huling gabi mo na."

Nanginig ang buong katawan ni Mr. Kho pero hindi siya magpapahalata na natatakot. Binuka niya nang malaki ang bibig at nilabas ang malaking pangil. Sumigaw siya ng malakas at naglabas ng maitim at nakakatakot na kapangyarihan.

He used his demon power and summoned his biggest slave. Tumingala siya sa langit at nagsimulang mag-chant ng spell.

"Huc ancillam, Vocavique vos, Domine mortis huc, Vocavique vos."

Kumapal ang ulap sa madilim na kalangitan at dahan-dahang tinakpan ang maliwanag na buwan.

"Huc ancillam, Vocavique vos, Domine mortis huc, Vocavique vos."

Malakas na nanginig ang paligid at natumba silang lahat. Mula sa kinatatayuan ni Mr. Kho, mabilis na nag-crack ang semento hanggang sa unti-unting naghiwalay ang lupa. Sa ilalim nito makikita ang kumukulong lava. Lumalabas ang pulang liwanag at isang nakakatakot na alulong.

Nagilalas ang lahat sa nakita. Mula sa biyak ay may malaking kamay na may mahahabang kuko at kumapit sa concrete na nasundan ng pangalawang kamay, sunod na sumilip ang ulo nito at dahan-dahang gumapang palabas ang isang nakakatakot na halimaw.

"What the holy fuck?!" nanlalaki ang mata ni Miguel at namumutla siya sa labis na takot lalo na at ito ang unang beses na nakakita siya ng totoong halimaw.

Ang halimaw ay may sampung talampakan na taas. Malaki at pumuputok at bato-batong pangangatawan. Katulad ng isang baboy ramo ang mukha nito na may malalaking pangil at itim na mga mata.

"A-ano 'yan?" tanong ni Miguel.

Tumalim ang mata ni Lexine at pinalabas ang kanyang golden bow, "It's a demon Ogre."

Tumawa na parang baliw si Mr. Kho, "Nagustuhan niyo ba ang surpresa ko?" tumingala siya sa demon ogre, "Tapusin mo sila at wala kang ititira kahit isa!"

Malakas na umalulong ang halimaw, "Raaaaaawrrrr!" nagwala ito at malalaking humakbang at sumugod sa direksyon ni Lexine at Miguel. Tila isang galit na toro na handa na silang bangain.

"Miguel! Takbo!" sigaw ni Lexine.

Sabay silang tumalon ni Miguel sa magkabilang direksyon at naiwasan ang Ogre. Tumama ang ulo nito sa isang hilera ng mga sasakyan. Napipi ang mga kotse at nag-ingay ang mga busina.

"Miyu! Eros! Tie him up!" utos ni Lexine.

Agad sumunod ang dalawa at sabay na nag-chant ng spell. Lumabas ang umiilaw na mga kadena mula sa lupa at gumapang na parang ahas sa buong katawan ng Ogre.

Pero isang kilos lang nito at agad nitong nasira sa mga kadena. Mas lalo itong nagalit at sumigaw.

"Oh no…" napanganga si Miyu dahil walang ubra ang mahika nila.

Dinampot ng malaking kamay ng Ogre ang isang pick up na nakaparada sa gilid at binato sa kinaroroonan ni Miyu at Eros. Mabilis na tumalon ang dalawa palayo at nagpagulong-gulong sa sahig. Dumausdos ang sasakyan sa lupa at diretsong tumama sa ibang kotse.

Sunod-sunod na pinaputukan ni Devorah ang Ogre pero hindi man lang ito tinablan. Galit na lumingon ang Ogre sa direksyon ng babae at naglakad palapit. Patuloy sa pagpapaputok si Devorah. Alertong tumakbo palapit si Miguel at gamit ang dalawang handgun ay inasintado rin ang halimaw.

Nahinto sa paglapit ang Ogre kay Devorah at galit na lumingon kay Miguel. Pero kahit anong dami ng bala ang pinapaulan nila sa halimaw ay tila bato ang binabaril nila at walang epekto. Sunud nitong sinugod si Miguel.

Nabahala si Lexine. Mabilis niyang tinaas ang golden bow, hinila ang bow string at lumabas ang lumiliwanag na arrow. Pinikit niya ang isang mata at inasintado ang arrow head sa mata ng Ogre.

Pagbilang ng tatlo, pinakawalan niya ang nock, at tumama ang arrow sa kaliwang mata nito. Humiyaw sa sakit ang halimaw. Sinundan niya pa ito ng isa pang arrow na tumama naman sa kanang mata. Lalong umalulong ang Ogre sa sakit.

Hindi tinigilan ni Miguel at Devorah ang pagpapaputok sa katawan nito hanggang sa maubos ang kanilang bala.

"Eros, Miyu! Ngayon na!" sigaw ni Lexine.

Nagkatinginan ang dalawa at mabilis na tumakbo palapit sa halimaw. Tinaas nila ang dalawang nagliliwanag na mga kamay at nag-chant ng mas malakas na uri ng spell.

Lumabas ang malakas na asul at purple na liwanag sa kanilang mga kamay na tila laser beam at tinutok sa Ogre. Naghihiyaw ang halimaw sa sakit at hindi nagtagal ay tuluyan na nila itong nagapi. Nasunog ang katawan nito at bumagsak sa sahig. Lumindol ang paligid sa bigat nito.

Nagtagumpay sila!

Tatakas sana ulit si Mr. Kho pero mabilis na sumalubong sa kanya si Lexine, "Saan ka pupunta?"

Galit na binuka ni Mr. Kho ang mga pangil at sinungaban si Lexine pero mabilis na tinaas ni Lexine ang isang kamay at tinusok ng patalim ng arrow head ang nakabukang bibig ni Mr. Kho. Lumusot ang arrow sa likuran ng ulo nito.

Natumba si Mr. Kho at nangisay sa sahig. Lumuhod si Lexine sa Hybrid at ngumisi, "Sino ngayon ang mahinang mortal?"

Wala nang pagkakataon pang sumagot si Mr. Kho dahil tuluyan na itong tinupok ng apoy hanggang sa unti-unti itong naging abo.

Lumapit ang mga kasama kay Lexine at pinagmasdan ang nililipad na abo ng kalaban. Hingal na hingal ang bawat isa habang nagpapalitan ng mga tingin.

Napangiti si Lexine, "Good job team."

Sa tuktok ng building di kalayuan sa pinangyarihan ng labanan nakatayo at nakatanaw ang isang lalaki. Hinubad niya ang white mask na tumatakip sa mukha.

"Lexine…" tila may bagay na nakabara sa lalamunan ni Night. Mula nang makita niya ito sa loob ng club ay kanina niya pa pinipigilan ang sarili na lapitan ang babae pero alam niyang hindi iyon magandang ideya.

Sa tabi niya lumulutang ang aninong si Ira, "Master… isang taon na ang lumipas at muli mo siyang nakita."

Nagtigas ang bagang ni Night.

"Malaki ang kanyang pinagbago Master, labis siyang gumaling sa pakikipaglaban, totoo nga ang propesiya tungkol sa natatangi niyang kapangyarihan."

Nanatiling tahimik si Night at hindi kumikibo. Sinusundan niya lang ng tingin si Lexine habang naglalakad na ang mga ito palayo. Nanliit ang mata niya sa bagong mukha, ang lalaking kanina niya pa napapansin na dumidikit sa babae.

Sa labis na pangigigil na nadarama ay nayupi niya ang hawak na maskara, "I need to know everything about that guy," madiin niyang utos.

"Masusunod Master…"

Patuloy sa pagmamasid si Night sa babae habang sumasalamin sa mga mata niya ang labis na pangungulila. Isang bagay na alam niyang wala siyang karapatang maramdaman matapos ang lahat ng ginawa niya. Isang kasalanan na kahit kailan ay hinding hindi siya mapapatawad ni Lexine at habang buhay niya itong pagbabayaran.

Related Books

Popular novel hashtag