Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 247 - Jelly shots

Chapter 247 - Jelly shots

"SHOT?" inabot ni Miguel ang isang shot ng tequila kay Lexine. Nakatayo silang dalawa sa bar counter habang pinapanood ang pagsasayaw ng mga tao sa paligid.

Humiwalay na sa kanila si Eros at Devorah na nakapwesto na sa kanilang assignment, ganoon din si Elijah. Si Miyu naman ay papunta na sa techinal room. Ang plano ay gagawa ng sunog si Eros at Devorah nang sa ganoon ay lumabas at mag-evacuate ang mga civilian. Sa oras ng kaguluhan ay tutugisin ni Lexine si Mr. Kho habang si Elijah ang bahala sa ibang bampira. At dahil bilang trainee niya si Miguel kaya kailangan na buddy silang dalawa. Nag-aabang lang silang lahat ng go signal mula kay Lexine. Nag-aantay naman ang babae ng maganda tyempo.

Kinuha ni Lexine ang shot at inisang tunga. Hindi man lang ito nag-asin o kahit lemon. Samantalang si Miguel ay lukot na lukot ang mukha sa init ng tequila na gumuhit sa kanyang lalamunan.

"Ahhh!" napanganga si Miguel sa tapang ng alak pero si Lexine walang reaction at parang tumunga lang ng tubig, "I wonder kung anong alak ang weakness mo."

Sumulyap si Lexine sa katabi, "Kung iniisip mo na lasingin ako para maka-score ka sa akin, nag-aaksaya ka lang ng effort mo."

Napasipol si Miguel, "Woah! Wait, wait, my lady, hindi naman ako ganoon klase ng lalaki. I maybe looked like a playboy but I respect women."

Tumaas ang isang kilay ni Lexine, "You don't looked like a playboy."

Napangiti ng malaki si Miguel, "Talaga? You think so? Actually I'm really stick to one—"

"Kasi fuckboy ka."

Mabilis na nalusaw ang ngiti ni Miguel, "Alam mo ba 'yung kasabihang don't judge the book by it's cover?"

Sumandal si Lexine sa bar counter at lumingon sa bartender, "Two more shots please," tapos tumingin kay Miguel, "Alam mo ba din ba yung kasabihan na lahat ng lalaki pare-pareho lang?"

Binigay ng bartender ang dalawang shot nila at inabot ni Miguel ang shot kay Lexine, "Huwag mo naman kami lahatin. Hindi porque may bad experience ka sa ex mo ibig sabihin lahat na ng lalaki, pare-pareho."

Natigilan si Lexine sa sinabi ni Miguel at mabilis na nanigas ang bagang. Agad niyang tinunga ang shot at hindi pa siya nakuntento kaya inagaw naman niya ang hawak ni Miguel at ininom din ito, "Kuya! Bigyan mo na nga ako ng isang bote!"

Nagulat si Miguel sa biglang pag-iinit ng babae. Sa nababasa niyang kilos ni Lexine malaki ang hula niyang hindi maganda ang nakaraan nitong relasyon. He remembered how she reacted when he asked her if someone already owns her heart. Ngayon naman na nagbangit siya ng ex ay naging un-easy na naman ito.

Dumating ang bote ng Jose Cuervo Gold at sinalinan ni Miguel ang dalawang shot glass, "Hulaan ko, niloko ka? Third party?" aniya sabay abot kay Lexine ng shot nito.

Nag-dilim ang mga mata ni Lexine at tinunga ang shot na inabot niya, "It's none of your business Captain Miguel."

"It's my business."

Nagtaas ang kilay niya sa katabi.

"It's because I want to get you better Lexine, I told you gusto kita at hindi ako nagbibiro. So anything about you is my business," sabi niya dito ng hindi kumukurap at titig na titig sa mata.

Sinalinan ni Lexine ng tequila ang shot glass ni Miguel at ininom naman ito ng lalaki.

Sinandal ni Lexine ang dalawang siko sa bar counter at nilapit ang mukha dito, "Captain Miguel Madrigo, ipapaalala ko lang sa'yo na ako ang mag-a-assess ng performance mo sa field training na ito. In short, kapag binigyan kita ng mababang points, nanganganib ang promotion na inaasam mo. Isa sa mga qualification na pinupuntusan ko ay ang tinatawag na professionalism. Ang trabaho ay trabaho."

Nilagok ni Lexine ang tequila niya at malakas na binagsak ang shot glass sa ibabaw ng counter table sabay tinignan sa mata ni Miguel, "Hindi tayo nagpunta dito para magligawan, makipagbolahan at mas lalo ang maglandian. At wala rin akong oras o panahon sa mga bagay na 'yan. So if I were you, mag-focus ka na lang sa trabaho natin nang sa ganoon makuha mo ang inaasam mong promotion."

Walang naisagot si Miguel sa mga sinabi ni Lexine at parang bigla siyang napipi.

Umirap si Lexine at muling tinuon ang mata sa harapan at biglang natigilan sa nakita. Napakunot ang noo niya. May kakaibang visual na nagpi-play sa malaking LED screen sa dingding kung saan nandoon ang stage at ang DJ. Napakunot ang noo niya. There's a weird symbol of star and it seems like there's a face of a goat inside it.

"Something is wrong with the visual Miguel, look," kinalabit ni Lexine ang katabi.

"Huh?" nagtatakang napatingin naman si Miguel sa screen.

Mula sa kakaibang visual na nakikita lumibot ang mata ni Lexine sa paligid at ganoon na lang ang gulat niya nang mapansin na lahat ng mga guest ay nakatingin sa harapan na parang nahihipnostismo ang mga ito. Doon niya lang napansin na wala nang sumasayaw o nagkakagulo. Bagkus, lahat ay nakatulala sa LED screen.

"Miguel, look at the peo—" paglingon ni Lexine sa katabi, nagulat siya nang makitang tulala maging si Miguel, "Hey, ano'ng nangyayari sa'yo? Miguel? Miguel?" niyugyog niya ito pero hindi ito kumikibo at tila di siya naririnig habang nanatiling nakatitig sa visual.

Maging ang bartender din. Umikot pa ang mata ni Lexine sa paligid at halos lahat ng tao ay tulala maliban sa kanya.

And then, napansin niya ang empty shot glass sa tabi ni Miguel, hindi ito ang ininuman nila ng tequila dahil may red jelly na natira sa loob nito. That was the jelly shot na pinamigay kanina ng mga waiters. Hindi siya tumikhim nun but Miguel did.

Kung ganoon, posibleng may kinalaman ang jelly shot sa mga nangyayari sa lahat. At sigurado siyang iisa lang ang may pakana ng lahat ng ito. Si Mr. Kho!

Kailangan niyang mahanap si Elijah pero masyadong maraming tao sa paligid, Lexine tried to call him through the earpiece that serves as their communication device, "Elijah, where are you? Elijah?"

Pero natigilan siya nang matanaw si Elijah sa kabilang corner ng club na tulala na rin at nakatingin sa kakaibang visuals.

"No, Elijah," nababahala si Lexine sa mga nangyayari. Dalawa sa kasama nila ay under ng hipnotism.

Hanggang sa umakyat ng stage si Mr. Kho. Nagpangap si Lexine na nakatulala rin sa harapan at tumuwid ng tayo upang hindi siya mahalata lalo na ng mga galamay nito na nasa paligid lang.

"Good evening everyone! I would like to say thank you for coming to my party!" sabi ni Mr. Kho na sinundan ng tawa.

The old chinese business man is still wearing his santa clause costume with the white beard and santa red bag. Sa kabilaang gilid ng stage nakabantay ang ilang mga alipores nito.

"How was the jelly shots? Delicious isn't it?"

Nagkuyom ang mga kamay ni Lexine, sinasabi na nga ba niya at tama ang hinala niya!

"Now, time for us to have more fun for this very special event. My brothers and sisters! Enjoy the feast!" biglang umilaw at pumula ang mga mata ni Mr. Kho kasabay niyon ang pagbuka ng bibig nito at paglabas ng mga pangil.

Sa gilalas ni Lexine ay isa-isa na rin lumitaw ang mga bampira na nakakalat at nagtatago sa paligid. Muling nagsimula ang tugtugin ng Dj, nanatili na nagpi-play ang visual sa LED screen at kanya-kanyang lumapit ang mga bampira sa mga tao upang kagatin ang mga ito at sipsipan ng dugo.

No! Hindi maari! Labis na nabahala si Lexine. Kailangan niyang kumilos! The whole event is a trap! This would be a bloody sucking massacre!

Sinamantala niya na abala ang lahat at pasimple siyang nakiblend sa mga tao, "Eros, Devorah! Naririnig niyo ba ako?" bulong niya habang pinindot ang earpiece sa tenga.

"Lexine, yes we hear you," sumagot si Devorah.

Nakahinga ng maluwag si Lexine, "Thank God, I need you guys here. We have unexpected situation. Lahat ng mga tao ay under drugs or something, its because of the jelly shots, they are all hypnotized including Miguel and Elijah. Now the vampires are feeding blood from everyone. We need to stop this!"

"Okay, babalik na kami diyan!" sagot ni Eros.

Pinagmasdan ni Lexine ang sitwasyon. Napaliligiran na sila ng sandamakmak na mga bampira. Marami ding nagkalat na demons sa paligid na tuwang-tuwa sa mga nakikitang karumal-dumal na bagay. Tulala pa rin ang lahat ng tao habang nagpipiyesta na ang mga bampira. Muli niyang sinubukang gisingin si Miguel.

"Miguel, gumising ka! Do you hear me?" pero sa kasamaan palad ay nabigo lang siya. Maging si Elijah ay ganoon pa rin. Muli siyang napatingin sa visuals. Iyon ang punot-dulo ng hypnotism. Kailangan tumigil ang pinapalabas doon pero bago ang lahat, kailangan mailigtas muna ang mga bisita at pigilan ang mga bampira.

The thing is masyadong malaki ang bilang ng mga kalaban at siguradong mahihirapan siya kung lalaban siya mag-isa. Napa-atras siya sa karumal-dumal na mga nakikitang lantarang pagsipsip ng mga bampira sa dugo ng lahat nang may bumanga sa likuran niya.

Paglingon ni Lexine, isang bampira ang nakabuka ang bibig, litaw ang pangil at handa na siyang sakmalin.

Mabilis na umiwas si Lexine at lumaban dito. Tumalon muli ang bampira sa kanya pero agad niyang kinuha ang white feather na nakatago sa likuran at mabilis na pinalabas ang nagliliwanag niyang espada. Diretso niya itong sinaksak sa dibdib. Nanlaki ang mata ng bampira at lumabas ang mapulang dugo sa bibig.

Nakuha ang atensyon ng iba pang mga bampira sa paligid higit na si Mr. Kho. Napangisi ang matandang chinese at malakas na sumigaw, "Give her to me!"

Mabilis pa sa alas kwatro na kumilos at sumugod ang mga bampira palapit kay Lexine. Hinanda ng Nephilim ang sarili dahil ngayong gabi uulan at dadalak ang dugo.

"Come to mama, fucking blood suckers!"