PAGOD na pagod buong araw si Lexine kung kaya't pagdating niya sa Penthouse ng Black Jade Residences sa BGC, ay agad siyang nagtungo sa kwarto upang maligo.
Three hundred square meters ang buong unit. Mula kisame hanggang sahig ang buong window walls sa living area na overlooking sa magandang city view ng buong Metro Manila. Modern minimalistic ang interior nito at puro white ang ng pintura at tiles. Maging sa kitchen at bathroom. Nabibigyan kulay ito ng mga indoor plants at earth color na mga furnitures.
Katulad ng AI nila sa headquarters ay nagpadevelop din si Lexine kay Elijah ng sariling AI para sa kanyang unit kaya naman high-tech at centralized din ang function ng buong bahay niya.
Binili ni Lexine ang unit simula nang makuha ang malaking inheritance and insurance na iniwan ni Alejandro. Nag-hire siya ng personal financial consultant na naghahandle ng finances niya kung kaya marami siyang stocks, forex, mutual funds at iba't ibang klase ng investment sa local and international markets. Bukod pa doon ay bumili rin siya ng mga shares sa malalaking kumpanya sa iba't ibang industry tulad ng insurance, bank, real estates, hotels and food chains, constructions at mining.
Bukod sa financial support ng goverment para sa operations ng MH ay pinapasahod pa sila ng milyon dollar kada buwan. Seventy percent ng sahod ni Lexine ay dino-donate niya sa Moonhunters Home for the Orphans.
Ilang buwan matapos mabuo ang MH Agency ay tinayo ni Lexine ang Orphanage kung saan naninirahan at namamalagi ang naulila na mga batang dark-entities noong panahon ng digmaan at kaguluhan.
Mahaba at malaki ang plano ni Lexine para sa Moonhunters. Ang mga bata sa Orphanage ay plano niyang ipasok as agents pagtungtong nila ng twelve years old at isasabak na nila ito sa training. Pagdating ng eighteen ay magiging ganap na itong Moonhunter Agent.
Bukod doon ay magiging scholar din ang mga ito at bibigyan ng magandang education nang sa ganoon ay kung sakali man piliin nila na umalis bilang Agent pagdating ng panahon ay may iba pang career ang mag-aantay sa kanila.
Matapos mag-shower at magsuot ng pangtulog ay inabala ni Lexine ang sarili sa pakikinig ng zen music habang nakaupo sa balcony tanaw ang evening city lights at umiinom ng red wine. Nagbasa muna siya ng ilang pages ng "The Power" by Rhonda Byrne hanggang sa dalawin siya ng antok. Nakaubos siya ng tatlong baso bago nakatulog.
***
"Papatayin ko talaga ang kahit sinong magtatangkang halikan ka. Akin lang ito, nagkakaintindihan ba tayo…"
"You are my life Lexine, my everything. At hindi ko na alam kung paano mabuhay ng wala ka…"
"I love you so damn much…"
"Ikaw ang mundo ko Lexine… ikaw lang…"
"Mahal na mahal kita Lexine, mahal na mahal…"
"I want to marry you and we will have our own family…"
Dumilat ang mga mata ni Lexine at hingal na hingal. Pagtingin niya sa wall clock, pasado alas tres ng madaling araw. Walang ibang maririnig kung hindi ang mabibigat niyang paghinga, nag-uunahang tibok ng dibdib at ang tunog ng kamay ng orasan. Dahan-dahan siyang bumangon at pinaghilamos ang dalawang palad sa mukha.
Hindi ito ang unang beses na napaginipan niya ang mga bagay na matagal na niyang binaon sa pinakailalim ng lupa. Mga alaala na ayaw na niyang balikan. Mga salita at pangako na matagal na niyang kinalimutan.
Pero ang mga ito ay maihahantulad sa isang mabigat na anchor na nakatali sa kanyang dalawang paa. Kahit anong pilit umahon ni Lexine sa dagat, ang mabigat na bakal ang humihila sa kanya pababa at nilulunod siya sa sakit ng nakaraan.
Bumangon si Lexine at nagbihis ng shorts, jacket at running shoes. Hindi na siya makakatulog ulit dahil sa tuwing nagigising siya sa madaling araw ay nahihirapan na siyang bumalik sa kama. Kaya nag-jogging na lang siya paikot ng BGC habang nakasuksok ang wireless bluetooth airpod sa magkabilang tenga.
Nakatakbo si Lexine ng mahigit fifty kilometers sa loob ng mahigit dalawang oras. Inabot na siya ng pagliwanag ng kalangitan. Marami ang nagsisimula pa lang na mag-jogging, marami ang pumapasok na sa school o kaya naman ay sa opisina.
Pawis na pawis na siya at pagod na rin kaya naisipan na niyang bumalik ng condo. Habang nagjo-jogging siya pabalik ay nadaan niya ang High Street kung saan naabutan niya ang maagang pag-aayos ng mga trabahador sa para sa nalalapit na halloween. Kaya naman nagsisimula na silang maglagay sa park ng mga pumpkins, spiders webs, ghost at kung ano-ano pang halloween designs.
Kumunot ang noo niya nang makita ang isang itim na bagay na sinabit sa gitna ng ginagawang design sa likuran ng malaking signage ng BGC High Street. Ilang hakbang pa siyang nag-jogging palapit hanggang sa makita niya ito ng malapitan.
Nagdilim ang mukha niya nang tuluyang nakita kung ano ang sinabit ng lalaking janitor. Isang skeleton na nakasuot ng itim na black cloack at may hawak na scythe. Nag-inti ang ulo ni Lexine at nagmadaling nag-jogging paalis.
Pagdating niya sa lobby ng Black Jade Residences ay binati siya ng good morning ng mga guards at receptionist.
"Good morning," bumati rin siya pabalik at agad nagtungo sa elevator. Ilang minuto pa at bumukas na iyon. Sumakay siya at pinindot ang Penthouse. Nakasabit ang bimpo sa balikat niya habang nagpupunas siya ng pawis. Huminto ang elevator pagdating ng 15th floor at pumasok ang isang chinese guy na nakasuot ng itim na leather jacket habang nakasukbit ang hood sa ulo nito. Nanigas ang bagang ni Lexine lalo na at silang dalawa lang ang nasa loob ng elevator.
For some reason ay umiinit ang ulo niya kahit pa wala naman ginagawa sa kanya ang chinese guy. Ang aga-aga pero nasira na ang araw niya.