"MIGZ, ano pa ang tinutunganga mo diyan? I said come in," naputol ang mahabang titigan nila ni Miguel nang magsalita si General Benjamin.
Doon lang muling natauhan si Miguel sa pagkakatulala at naglakad papasok. Huminto siya isang dipa ang layo mula kay Lexine. Ngayon niya lang ito napagmasdan nang malapitan at kumpirmado niya na hindi siya nililinlang ng mga mata noong unang beses niya itong nakita sa stage. She was indeed the most beautiful woman he had ever seen.
"Miguel I would like you to meet Ms. Lexine the founder of Moonhunters, and here is my grandson Captain Miguel Madrigo from Scout Ranger," pakilala ni General Benjamin sa dalawa.
Nilahad ni Lexine ang isang kamay sa harapan niya, "Nice to meet you Captain Miguel."
The way her sweet voice said his name was like a lullaby in his ears.
Agad naman niya iyon inabot at nang sandaling magdikit ang mga palad nila ay hindi niya napigilan ang damdamin at pinisil ang malambot at maliit nitong kamay.
Ngumiti si Miguel, "My pleasure to meet you, Lexine."
Sa gulat ni Lexine ay inangat ni Miguel ang kamay niya at hinalikan ang ibabaw noon habang hindi bumibitiw ang tingin sa kanya.
'Hmp! Fuck boy moves' pinilit niyang ngumisi kahit gusto na niyang ibalibag ang lalaki sa sahig. Pasalamat ito at kaharap nila si General Benjamin. Mabilis niyang binawi ang kamay at umupo sa silya na nasa harapan ng table ni General.
Ngising tagumpay si Miguel dahil naka-isa siya doon. Ha!
Agad na din siyang umupo sa katapat na silya ni Lexine. Hindi niya inaalis ang mga mata dito. Nakalimutan na nga niya kung bakit siya nagpunta ng Camp Aguinaldo in the first place. Basta sa mga sandaling ito gusto niyang lang titigan ang maganda nitong mukha at kahit buong araw o isang buwan niya pa itong pagmasdan ay siguradong hindi siya magsasawa.
Naiilang naman si Lexine sa lantarang pagtitig sa kanya ng malanding Captain. At kesa mabwiset pa siya sa pagmumukha nitong kung makangisi ay mapupunit na ang labi, kaya kay General Benjamin na lang niya tinuon ang mga mata.
"The reason why I called you Miguel is for your special mission."
Naputol ang pagtitig ni Miguel kay Lexine nang marinig ang sinabi ng kanyang lolo. Nagtatakang napalingon siya dito, "Special mission?"
Sumeryoso ang mukha ni General, "Yes. Because you will be working with Ms. Lexine at the same time, siya din ang magiging trainer mo. You need to follow everything she says and learn from her as well."
This time ay kumunot na ng husto ang noo ni Miguel, "What? Trainer? Special mission with her?" aniya hindi makapaniwala. And then he remembered again when his lolo mentioned about Moonhunters. Teka, that was familiar to him. Hindi niya lang maalala kailan niya ito narinig nang may bumbilyang biglang umilaw sa kanyang isip.
Naalala niya kung paano nakipaglaban ang babae kay Mr. Park noong isang gabi pati ang buwis buhay nitong stunt sa helicopter. Kung ganoon ang babae ito ay walang iba kung ang kilalang secret hunter ng mga demons.
Holy shit!
A year ago, sinugod ang buong Metro Manila ng mga halimaw. That time, their unit was assigned at Mindanao at dahil hindi nila pwedeng basta iwanan ang mission nila doon kaya gustuhin man nilang tumulong ay hindi nila nagawa.
After a week ay nagpatawag ng special meeting ang buong AFP. Diniscuss sa kanila ang mga totoong nangyari. Napanood nila ang mga footages from CCTV camera's at nakita ang kalunos-lunos na digmaan at kaguluhan. Maging ang mga kakaibang nilalang na nakikipaglaban sa mga halimaw.
Since then, mas aware na sila na hindi lang terrorista ang kalaban ng mga mamayan kung hindi may mas makakapangyarihan at delikadong pang mga nilalalang na nagtatago lang sa dilim. Anytime ay maari sila ulit sugurin.
Laking pasasalamat na lang ng lahat na matapos ang nangyaring kaguluhan sa Metro Manila ay wala pa ulit nangyaring malaking pagsugod maliban sa iilang mga kaguluhan na hindi na binabalita ng media.
Naging usap-usapan sa buong AFP ang tungkol sa isang secret agency na tinutulungan ng gobyerno. Ang ahensyang ito ang sinasabing lihim na tumutugis at kumakalaban sa mga demons na pakalat-kalat sa city. Partikular na naging matunog ang pangalang Milih Pen.
Si Milih Pen, ang pinakadelikadong hunter na naririnig nila dahil sa dami ng demons na pinatay nito. Ayon sa mga kwentuhan ay kaya nitong kumitil ng mahigit isang daang demonyo sa loob ng isang araw ng mag-isa lang.
Isang bagay na kahit ang mga katulad nilang nagsanay ng taon sa military boot camp ay siguradong imposible para sa kanila.
"Don't tell me you are… Milih Pen?" hindi makapaniwalang sabi ni Miguel.
Tipid na ngumiti si Lexine, "Ako nga."
Nanlaki ang mata ni Miguel. He was dumbfounded.
"Sasama ka kay Milih Pen na tumugis ng mga demons at halimaw Miguel. It would also serves as your field training. Kailangan na matuto ka ng mabuti kay Milih Pen. In a few months from now, the President wants to train all the sections of AFP especially the Army under the Moonhunters guidance. We need to be equipped in knowledge and skills to kill supernatural beings. Nang sa ganoon ay mapagtangol natin ang mga mamamayan sa oras na muli sumugod ang mga kalaban. Ikaw ang isa sa mga aasahan kong makakatulong sa buong AFP. If you complete this mission and after Lexine's assessment with your performance. I would give you the promotion to become a Major."
That ring the bells. Miguel was fully energized after hearing the good news. Kung ganoon ay kailangan niya lang sumama sa paghu-hunting sa mga demonyo at halimaw para makuha ang inaasam na promotion. He would surely have the best of both worlds.
Ang promotion at ang babaeng nasa harapan niya. He wanted her badly. Ngayon lang siya nagka-interes ng sobra sa isang babae. After seeing first hand the things she can do. He fully confirmed that she was one of a kind, aside from her peculiar beauty and grace. And Captain Miguel Madrigo would make sure that she will fall for him in the end. By hook or by crook.
Malaki ang kanyang pagkakangiti nang muling tignan si Lexine.
"Deal."