Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 236 - Embrace of Night and Fury

Chapter 236 - Embrace of Night and Fury

Disclaimer: This book is the unrevised version. You may read this, however, expect to see some grammatical errors. I will post the revised version in the first quarter of 2021. I highly suggest for you to wait for the revised because I deleted and added some scenes that were not included in the old version.

----------

BINABAYBAY ng itim na Maserati Gran Turismo ang kahabaan ng madilim na highway habang pumapainlanglang ang malakas na tugtugin na lumalabas galing sa high quality speaker ng magarang sasakyan. Malakas ang bass nito kung kaya dinig na dinig ang "Bad Girl" by Punit ft. Kauratan & Sikander.

Nakababa ang bintana sa drivers seat habang nakapatong at nakalitaw ang kalahati ng kaliwang braso ni Lexine. Ang kanan kamay naman niya ang nakahawak sa manibela na pumapalo ng bahagya kasabay ng beat ng hiphop song. Nakatuon ang mata niya sa daan at relax na nagmamaneho.

Ilang sandali pa at pinasok niya ang kaliwang kamay upang idikit ang yosi—na nakaipit sa dalawang daliri—sa kanyang labi na napapatungan ng shocking red lipstick. Humithit siya ng ilang segundo hanggang sa maramdaman niyang naka-abot ang usok sa baga bago binitawan ng labi ang pagkaka-ipit sa stick, nagmarka pa ang pulang lipstick niya sa filter ng yosi. Agad niyang binuga ang usok galing sa bibig. Muli niyang pinatong ang braso sa bintana at pinitik ang sigarilyo.

She learned how to smoke half a year ago. Masyado kasing stressful ang pamamalakad ng Moonhunters. Nadiskubre ni Lexine na nare-relax ang utak niya sa tuwing nakahithit ng yosi.

Ilang minutong pagmamaneho pa at narating na niya ang mataas na black metal gate. Sa pinakatuktok nito nakadikit ang high-breed CCTV camera na mayroon scanning laser. Lumusot ang red laser sa front window ng sasakyan at diretsong tumutok sa mukha ni Lexine. After a few seconds of scanning her face, na-unlock ang gate at unti-unting nagbukas. Pinaandar niya ang kotse at pumasok sa loob.

May mahaba at madilim na daan pa ang binaybay si Lexine bago narating ang dead-end. Kung saan umangat at nahati sa dalawa ang sementadong daan at lumabas ang secret entrance ng underground tunnel. Pinasok ni Lexine ang Maserati at automatic na bumukas nang sabay-sabay ang mga ilaw sa magkabilang gilid ng tunnel. Di nagtagal at natumbok niya ang dulo nito at pinarada ang sasakyan sa tapat ng main entrance ng Moonhunters Headquarters.

Bumaba siya at pumasok sa automatic sliding door. Sabay na bumati pa sa kanya ang dalawang security marshal na nagbabantay. May hawak ang mga ito ng mahabang Armalite MR.15.

"Good evening Ms. Lexine," sabay na tumuwid ng tayo ang dalawa at sumaludo sa kanya.

"Good evening boys," tipid na ngumiti si Lexine sa dalawa at dire-diretsong naglakad papasok. Walang ibang maririnig kung hindi ang tunog ng kanyang takong.

Nakakasalubong niya ang mga nagkalat na mga security marshals at Moonhunter Agents na agad bumabati sa kanya. All white ang nagtataasang walls ng hallway, maliwanag ang buong pasilyo dahil sa sandamakmak na LED lights na lalong nagpa-enhance ng futuristic interior nito. Gawa sa dekalikad na mga materials ang bawat sulok at parte ng Moonhunters Agency. Bukod sa high-tech and high-quality ang security system nila, operating din ang buong MH Headquarters ng Artificial Intelligence na si Elijah mismo ang developer.

Pumasok si Lexine sa glass elevator. Nagsalita ang AI na may boses ng babaeng robot, "Good evening Ms. Lexine, which basement would you like to go?"

Lexine answered, "Bring me to B16."

Sumagot ang AI, "Request activated. We are going to B16," bumaba ang elevator sa Basement 16. Hanggang basement 20 ang buong underground HQ. In just a second ay narating na niya ang pakay na palapag. Bumukas ang elevator at bumungad sa kanya ang busy nilang office.

Sa bawat tables nakatutok at focus sa screen ng computer ang mga service assistants na may kanya-kanyang suot na headset, na siyang sumasagot hindi lang ng mga calls mula sa government, agencies and armed forces all over the world. Sila rin ang well-trained research team na nag-ta-track ng mga wanted na demons and dark-entities. Lahat sila ay mga top hacker mula sa iba't ibang panig ng mundo kung kaya't napaka-progressive ng kanilang research team. Sa magkabilang gilid naman matatagpuan ang malalaking hologram screen na ginagamit nila.

"Good evening Ms. Lexine," bati ng Team Leader na si Makimoto, nang makasalubong ang maganda at seksi nilang Boss.

"Good evening Maki, how was the Project B0160?" ang tinutukoy niya ay ang tungkol sa isang mabigat na demon na tinutugis nila.

"We're getting closer Ms. Lexine. I got some useful informations that will lead us to which event our target B0160 will come next," sagot ng geeky na twenty eight years old half Japanese half Filipino.

Pinatong ni Lexine ang kamay sa kaliwang balikat nito sabay nilapit ang mukha sa tenga ng binata. Mabilis na nanigas sa kinatatayuan si Maki.

Dinikit ni Lexine ang labi sa tenga nito, "Good job Maki, bring the report to my office," medyo sexy ang pagkakabulong ni Lexine na nagpatindig ng balahibo ni Maki.

"Y-yes… Ms. L-lexine…" nagkanda-utal na ito sa nerbyos.

Ngumisi si Lexine saka binatawan si Maki at dumiretso sa office niya sa second floor.

Pulang-pula ang buong mukha ni Makimoto. Lalo siyang ginanahan na magtrabaho dahil pinuri siya ng boss nila. Inspired talaga siya sa lahat ng projects na binibigay sa kanya dahil sa tuwing good job siya ay nakakaranas siya ng makapagtindig balahibong 'haplos' ng kanilang Boss na para sa kanya ay blessing ng Diyos.

Higit pa at crush na crush niya si Lexine at gagawin niya ang lahat upang araw-araw lang maranasan ang mga haplos nito.

Pumasok si Lexine sa kanyang 200 sqm personal office kung saan nag-aabang ang mga kaibigan. Kanya-kanyang pwesto na ang mga ito. Si Elijah na nakaupo sa pabilog na white couch sa gitna habang busy sa laptop, sa tabi nito si Miyu na naglalambing na parang pusa dahil masyadong occupied ang boyfriend niya at hindi siya pinapansin. Si Eros na abala sa mga paper works sa table nito at si Devorah na nasa kitchen at nagluluto ng kanilang dinner.

Sabay-sabay na nag-angat ng ulo ang lahat nang dumating siya. Agad tumayo si Elijah bitbit ang laptop at iniwanan si Miyu na nakabusangot. Lumapit ito kay Lexine, "Lexi, look at this. I already tracked down Mr. Park. Tomorrow night there will be an auction in Pink Ladies Nightclub."

Napakunot ang noo ni Lexine habang nakatingin sa laptop ni Elijah, "Auction?"

"Yes, ipapasubasta nila ang mga batang babae na mga kinidnap nila. Most of them are only 10-15 years old. This fucker likes Loli," pumalatak at umiling si Elijah.

Nagdilim ang mga mata ni Lexine. May isang lingo na nilang tinatrack down si Mr. Kim Park. Isa itong 54 yeard old Korean Club Owner. Bukod sa human trafficking, prostitutions at kidnapping. Isa rin itong Lethium Demon na nagbabalat kayong tao. According to their research team. Mahilig sa bata ang matandang hukluban. At ngayon ay may pa-auction pa itong gagawin.

"We need to save those innocent kids to the filthy pedophile," madiin na saad ni Lexine. Her almond-shaped eyes shifted to its deadliest state, ready for another bloody hunting game.

+++

EMBRACE OF NIGHT AND FURY

(Grim Reaper Chronicles Book Three)

Copyright © 2019 Anj Gee

All Rights Reserved

Ang kwentong ito ay kathang isip lamang mula sa author. Ang mga karakter at pangyayari ay hindi base sa kahit sinong tao o kaganapan. Ang buong nobela ay hindi maaaring kopyahin, i-post, i-print o kahit anong uri ng distribusyon nang walang pahintulot sa author. Ang taong susuway ay maaring makasuhan ayon sa Republic Act. No. 8293 at maaring managot sa batas, makulong at magmulta ng salapi.