PAGOD na pagod ang bawat sundalong nakasakay sa loob ng apat at magkasunod na Military Truck. Kakagaling lang nila sa matinding bakbakan laban sa mga Abu Sayaf sa isang bayan sa Sulu. Kalahati sa kanila ang sugatan habang tatlo sa kanilang mga kapatid ang napatay sa digmaan. Binabaybay nila ang madilim at masukal na kalsada patungo sa mas ligtas na Camp kung saan susunduin sila upang makauwi.
Sa passenger seat nang pangalawang truck, nakaupo si Captain Miguel Madrigo. Ang Captain Ranger ng "Scout Ranger." Ito ang Elite or special unit ng Armed Forces of the Philippines under 'Special Operations Command'. Ang mga assignments nila ay direct actions, jungle welfare, reconnaissance, and sniping operations against hostile positions. Nahahati sila sa limang Battalions at twenty-two companies. Nabibilang sila sa 5th Battalion na siyang pinakabata at bago.
Kumpara sa ibang unit ng AFP under Military, ang Scout Rangers ay nagdaan sa mas intensive na mga trainings. Sila ang pangsabak sa mas delikado at malakihang gyera sa field at nagbubuwis ng buhay upang protektahan ang mga Pilipino laban sa mga Terrorista, partikular sa Mindanao. Sa nangyaring Marawi Crisis noong taong 2017. Ang unit nila ang lumaban sa mga terrorista. Iyon ang isa sa pinakamadugo at mahirap na digmaan na kanilang hinarap.
Makailang ulit na bumuntonghininga si Miguel dahil sa tuwing naalala niya ang tatlong sundalong namatay sa digmaan ay bumibigat ang dibdib niya. Bilang Captain ng kanilang Team at pinamumunuan ang mahigit 100 na sundalo, walang kahit sinong leader ang matutuwa o magnanais na may mamatay sa grupo. Kahit pa alam nilang lahat na diretso silang humaharap sa impyerno sa tuwing sumasabak sa giyera. Mabigat pa rin sa kanila na makitang mamatay sa kanilang harapan ang mga kapatid.
At ang pinakamasakit sa lahat ay ang mga naulilang pamilya ng mga ito. Ngunit, ganoon talaga ang sinumpaan nilang tungkulin upang ipagtangol ang mga mamamayan ng bansang Pilipinas. Bilang isang sundalo, nawalan na sila ng karapatan o kontrol para sa sariling nilang buhay dahil lahat ay kanilang gagawin upang ipagtangol ang buhay ng mas nakakarami.
Humigpit ang kamay ni Miguel sa hawak na sumbrero ni Kenneth Sanchez o mas kilala sa nickname na "Red.' Si Red ang isa sa kanilang mga squad leader.
Agaw buhay ito nang dinala ng medical team sa loob ng kanilang tent. Isa si Red sa malapit niyang kaibigan dahil magkakababata sila. Nataon lang na kabilang siya sa pamilya ng mga High Ranking Generals sa AFP kaya nagamit niya ang connection ng pamilya at madali sa kanyang ang magkaroon ng mataas na rango.
Hindi niya makakalimutan ang mga huling habilin ni Red bago ito malagutan ng hininga dahil sa dami ng bala na tumama sa dibdib at tadyang nito.
"Cap… p-pakisabi na lang kay C-cristine na ma…hal na.. m-mahal ko siya, at p-patawad dahil hindi na ako m-makakaabot sa pinangako kong k-kasal para sa kanya," nahihirapang saad ni Red habang lumalabas ang dugo sa bibig nito.
Kahit pa kasing tigas ng bato ang mukha ni Miguel ay hindi niya pa rin naiwasan ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mata. Kapit-kapit niya ang kamay nito habang nag-aagaw buhay.
Dahan-dahan siyang tumungo, "Makakaasa ka kapatid. You did a great job as a squad leader, Red. Isa kang bayani sa ating bansa."
Malungkot na ngumiti si Red, "Cap, m-masaya akong ikaw a-ang… k-kasama ko sa h-huling… s-sandali ng… b-buhay ko…ikinararangal k-kong lumaban k-kasama m-mo…" unti-unting pumikit ang mata ni Red hanggang sa tuluyan na itong binawian ng buhay.
Dinilat ni Miguel ang nakapikit na mga mata matapos alalahanin ang mga nangyari ilang oras lang ang nakalilipas. Naputol ang malalim niyang pagbabaliktanaw nang makarinig sila ng sunod-sunod na putukan ng baril. Agad nag-break ang driver ng sinasakyan niyang truck.
Nataranta ang lahat. Pinindot niya ang radio.
Shhhk!
"This is Cap, I repeat this is Cap. Ironfist over?"
Shhhk!
"This is Ironfist over."
Shhhk!
"Saan nangaling ang putok? Over."
Shhhk!
"Cap na-amb—"
Naputol ang usapan nila dahil sa sunod-sunod na putukan.
Bratatatataatatatatatat!
"Cap! Ambush!" natatarantang sigaw ng sundalo sa drivers seat.
Napamura ng malakas si Miguel, "Lintek na mga putangina 'yan! Ayaw pa tayong pauwiin!"
Malakas niyang sinigawan ang mga sundalo sa likuran ng truck, "Men! Move! Move! Move! Dismount!"
Mabilis na bumaba ng truck ang mga sundalo.
"Contact! Contact! Contact!"
"Dismount!!!"
Bratatatatatatatatat!
Mabilis pa sa alas kwatro na kumilos at bumababa ang mga sundalo bitbit ang kani-kanilang baril habang karamihan sa kanila ay dumapa sa lupa at nagtago sa mga halaman sa gilid. Bumaba na rin si Captain Miguel at nagtago sa likuran ng truck.
Shhhk!
"Cap! This is Ironfist over!'
Shhhk!
"Cap! Over!"
Shhhk!
"We spot five armed men, north-east, 45 degress, over!"
Shhhk!
"Copy that! Roger!"
Ginala ni Miguel ang mata sa paligid. May twenty meters mula sa pinatataguang truck natanaw niya ang limang terorista na nagtatago sa mga puno na siyang uma-ambush sa kanila.
Sinenyasan at inutusan niya ang isang sniper sa team na tirahin ang mga kalaban. Nagpatuloy ang bakbakan sa pagitan ng dalawang panig. Natumba ng sniper ang tatlo sa mga ito. Habang tinaaman naman ni Miguel sa ulo ang isa pa. Nahuli naman ni Ironfist ang natitirang terorista na agad kinakaladkad palapit kay Miguel.
Isang malakas na suntok ang binigay ni Miguel sa lalaki at nasubsob ito sa lupa. Hindi pa siya nakuntento kaya pinaibabawan niya ito at binigyan ng sunud-sunud na suntok. Nilabas niya ang lahat ng galit niya lalo na't pumapasok sa isipan niya ang huling mukha ni Red nang mamatay ito sa kanyang harapan.
Para siyang sinapian ng isang demonyo at halos mabura na ang buong mukha ng terorista sa dami ng kabilaang suntok na binigay niya.