Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 235 - Epilogue

Chapter 235 - Epilogue

After 1 year

HUMAHANGOS nang takbo ang isang Lethium Demon sa madilim na eskinita. Hingal na hingal na siya pero patuloy pa rin ang kanyang mabilis na mga paa. Tinalon niya ang mga nakakalat na basura at mga kahon sa dadaanan pero isang nagliliwanag na arrow ang tumama sa binti niya at agad siyang natumba sa sahig.

Napahiyaw siya sa sakit habang hindi makatayo. Pinilit gumapang ng lalaki pero isang itim na boots ang umapak sa kamay niya at dinurog ang mga buto ng kanyang mga daliri.

"Ahhhhh!"

Tumingala ang demon at nakita ang isang babaeng nakasuot ng itim ng hood. Natatakpan ang mukha nito ng anino at tanging baba at labi lang ang lumilitaw. Hawak ng isang kamay nito ang nagliliwanag na bow. Lumuhod ang babae at sinabunutan siya.

"Huwag, maawa ka," pakiusap ng Lethium.

Ngumisi ang babae, "Awa? Hindi nararapat sa mga katulad mong demonyo ang salitang awa,"malamig na sabi nito.

Walang nang sinayang na panahon ang babae. Hinila niya ang bumaon na arrow sa binti nito at ginamit iyon upang tusukin ang ibabaw ng ulo ng demon. Tumagos ang arrow sa ilalim ng baba nito at lumabas ang mapula at malansang dugo sa ilong at bibig.

Ngumisi ang babae bago tumayo at naglakad paalis. Sa likuran niya naiwan ang nasusunog na katawan ng Lethium.

Lumabas siya sa madilim na eskinita at hinubad ang suot niyang hood. Sakto naman na may tumatawag sa cellphone niya, agad niya itong sinagot.

"Miyu," pinatunog ni Lexine ang lock ng black na 2018 Maserati Gran Turismo at agad sumakay sa drivers seat.

"Lexine, where are you? Kanina pa kami nag-aantay dito sa Black Phantom, nakalimutan mo na ba? Surprise party natin kay Elijah," narinig niya ang boses nito sa bluetooth speaker ng kotse dahil automatic na naka-connect ang cellphone niya.

Inayos ni Lexine ang rear view mirror ng sasakyan at nanalamin. Binaba niya ang zipper ng suot na jacket, hinubad ito at tinapon sa likuran. Nakasuot siya ng itim na racerback sa loob habang mababa ang neckline nito at litaw ang kanyang cleavage.

"I'm on my way, may inasikaso lang ako sandali," sagot niya sa tanong nito habang tinangal niya ang tali at nilugay ang lagpas balikat at kulot na buhok. Kinuha niya rin ang red lipstick sa compartment at naglagay sa labi.

"Okay, please make it fast kasi malapit nang dumating si Elijah, you should be here kapag sinurprise na natin siya."

Pinagdikit ni Lexine ang labi at nag-pout nang kaunti. Nang makitang pantay na ang lipstick ay nilagay na niya sa drive shift ang gear at binitawan ang break pedal.

"Got it! I'll be there in five minutes," mabilis niyang pinaharurot sa two hundred ang speedomoter ng kanyang 'baby boy.' Maririnig ang ingay ng makina.

Kasing bilis ng hangin na naiwasan ni Lexine ang lahat ng sasakyan habang nag-o-over take sa kahabaan ng Marcos Highway. Panay ang ingay ng mga busina dahil sa bilis nang pagpapatakbo niya. She even beat the red lights but she doesn't care kahit pa may sumunod na traffic patrol sa kanya dahil madali niya itong nalayasan nang lumiko siya sa A. Bonifacio Ave.

Exactly in five minutes. Pumarada ang itim na Maserati sa parking space ng Black Phantom. Sabay-sabay na pumihit ang ulo ng lahat ng dark entities na nakatambay sa parking sa bagong dating. Bumukas ang pinto ng drivers seat at bumaba sa sahig ang itim na high heeled boots na pointed ang dulo.

Tuluyang lumabas si Lexine with her leather leggings, dark racer back na hapit na hapit sa kanyang maliit na bewang, emphasizing her mouthwatering curves and mountain cleavage. Her porcelain skin as white as snow flawlessly illuminates under the moonlighting. Binigay niya ang susi sa vallet boy at naglakad papasok sa entrance.

Lahat nang mata ay nadikit sa kanya. Napanganga ang mga lalaki at kitang kita ang matinding insecurities sa mga babae. As though a blazing hot supermodel walked in a runway. Their jaw almost drops on the frigid floor in astonishment of the alluring goddess in front of them.

Napasipol ang isang bampira nang dumaan si Lexine sa harapan niya.

"Good evening Ms. Lexine," bati ng bouncer na malaki ang pagkakangiti.

"Good evening Joe," medyo flirty na hinimas ni Lexine ang balikat ng bouncer na agad namang natulala sa kagandahan at kaseksihan niya.

Tumuloy sa loob ng club si Lexine at lahat ng ulo ay napapatingin at natutulala sa kanya. Dumiretso siya sa taas ng second floor at pumasok sa private suite kung saan nag-aantay ang mga kaibigan.

Agad siyang sinalubong ni Miyu at inabutan ng maliit na party poppers, "Akala ko hindi ka naabot, hold this. Elijah will be here in two minutes," excited na sabi ni Miyu.

Napangisi si Lexine, "Super effort para sa boyfriend."

Umikot ang mata ni Miyu, "Minsan lang 'to no. Bumabawi lang ako sa kanya dahil inaway ko siya last week," ani Miyu na sinundan nang tawa.

Paano kasi at tinopak na naman siya noong nakaraan dahil lang nakalimutan ni Elijah na "monthsarry" nila. Kaya naghimutok siya at pinatulog si Elijah sa labas ng kwarto at hinayaan itong lamigin sa labas.

Umiling na lang si Lexine. Three months ago, natuloy din sa totohanan ang pag-aasaran ng dalawa. They became official. And she's truly happy for both of them.

Ilang sandali pa at narinig na nila na paparating si Elijah. Pinatay ni Eros ang ilaw. Nagtago na sa kanya-kanyang pwesto ang lahat.

Binuksan ni Elijah ang pinto at sumalubong ang madilim na kwarto.

"Surprise!!!" sabay-sabay na lumabas ang lahat, bumukas ang ilaw at pumutok ang mga poppers at ang bottle of champagne na hawak ni Ansell.

Nasa gitna si Miyu at hawak ang cake na may candles na 478, "Happy birthday babe!" malaki ang ngiti nito.

Gulat na gulat si Elijah sa supresang hinanda sa kanya, at pagkatapos ay naluluha pa na lumapit at humalik kay Miyu, "Babe… I'm so touched," anito na malapit nang umiyak.

"Ang babaw ng luha mo Elijah! You're so gay!" tukso ni Eros. Na ikinatawa nang malakas ng lahat.

Isa-isang bumati ang bawat isa sa bampira. Nagsimula na ang kasiyahan at inuman.

Nasa kalagitnaan sila nang celebration nang muling tumunog ang cellphone ni Lexine. Isang notification ang na-receive niya. Pinindot niya ang screen at nag-launch ang app at lumitaw ang umiilaw na pulang tracker, showing where to find her next target.

Tumaas ang sulok ng bibig niya, "Another insect to kill," nilagay ni Lexine sa bulsa ang cellphone at kinuha ang gamit.

"Hey, alis lang ako sandali. Babalik din agad ako," paalam niya kay Miyu at Elijah.

Nalukot agad ang mukha ni Miyu at napabuntonghininga, "My God Lexine, pang ilang mo na ba 'yan ngayong araw? Naka twenty-one ka na diba? Hindi ka pa rin ba pagod?

"Twenty-two to be exact. I killed one before I came here," pagtatama niya at naglakad patungong pinto.

"Make sure na babalik ka!" pahabol na sigaw ni Miyu.

"Promise!" aniya sabay kindat at nag-byebye sa lahat.

Nagkatinginan ang magkakaibigan at sabay-sabay na napailing. For the past few months, walang ibang ginawa si Lexine kung hindi i-hunting ang mga demons na pakalat-kalat sa city. Sinasamahan naman nila ito sa ibang mission nito lalo na kung marami ang kalaban. Pero madalas na kumikilos nang mag-isa si Lexine.

Hinayaan na lang nito, lalo na at hindi naman ito nagpapa-awat. That way, she was able to move on with Alejandro's death.

Malaki ang pinagbago ni Lexine ever since the incident. Matapos nitong dumaan sa matinding depression, isang himala na lumabas ito ng kwarto na tila may bagong katauhan.

Lexine spent all her time and effort in her intensive trainings to become a best hunter. Nagpalakas ito nang husto, gumaling sa pakikipaglaban, nag-aral ng iba't ibang martial arts, maging sa pag-gamit ng mahika and different weapons.

Tinayo nilang magkakaibigan ang "Moonhunters" almost a year ago. Isa itong underground agency na humuhuli at pumapatay sa mga demons at dark entities na nanakit ng mga tao. Dahil sa nangyaring pag-atake sa Metro Manila. Nakipag-ugnayan ang grupo nila sa UN secret forces.

Suportado sila financially, hindi lang ng gobyerno ng Pilipinas kung hindi maging buong mundo. Lahat ng operation expenses nila including, headquarters, training academy, high breed equipment at kung ano-ano pa ay pinagkakaloob sa kanila ng ASEAN at UN.

Si Lexine ang founder ng Moonhunters at co-founders niya si Elijah at Eros. Lahat ng leaders ng iba't ibang angkan na kaanib nila ay miyembro nito. Pinagkatiwala ni Lexine sa mga ito ang pamamalakad ng mga branches sa iba't ibang bansa.

In less than a year, nakapag-branch out sila ng 24 sub-agencies all over the world. Nag-deklara ng malaking digmaan si Lucas, kung kaya't gagawin ni Lexine ang lahat upang protektahan ang buong mundo sa mga masasamang nilalang na katulad nito.

Tumigil si Lexine sa pag-aaral dahil ginugol niya ang focus at lahat ng oras niya sa pagpapatakbo ng Moonhunters. Lihim na nakipag-usap din si Lexine sa pinagkakatiwalaan family Lawyer ni Alejandro. Sa tulong nito. Napatunayan sa korte na buhay pa siya. Nakuha niya ang malaking inheritance at insurance ni Alejandro.

Isa lang ang hiniling niya dito, na huwag nang ipaalam sa iba na buhay pa siya lalo na sa mga kamag-anak at kaibigan niya. Pinalabas nila na karamihan sa mga assets ni Alejandro ay na-i-donate nito sa iba't ibang charity at organizations nang sa ganoon ay hindi makuwestiyon ng mga kamag-anak nila na nag-iinteres sa yaman ng lolo niya.

Hindi na niya problema pa ang pera kung kaya't nabibigyan niya rin nang magandang suntento ang pamilya niya sa Bicol. Nakapag-retiro nang kumportable ang mga magulang niya at nakapag-aral sa magagandang eskwelahan ang mga kapatid niya.

Patuloy na pinahaharurot ni Lexine ang kanyang Maserati habang sinusundan niya ang tracker sa kanyang cellphone.

Ngumisi si Lexine at diretsong tumingin sa kalsada. Di nagtagal at huminto ang sasakyan niya sa madilim na port. Nagkalat ang mga patong-patong na container paligid. Bumaba si Lexine ng sasakyan at nilabas ang isang piraso ng puting balahibo na agad umilaw at naging espadang dyamante.

"Time to kill some fucking demons again," she smiled with smug on her face as she equipped herself for another bloody hunting game.

To be continued...

(Book 3: Embrace of Death)

***

ANJ NOTE:

Again, maraming salamat sa lahat ng sumusubaybay sa story ni Lexine at Night. Malapit na tayo sa 1Million views! Sobrang masaya si Author. To give you an idea, I created MBIAGR or formerly "a kiss of death" wayback 2014-15. Sa wattpad ko po ito naisulat. For some reasons, I stopped writing for almost four years. Tinuloy ko ang pagsusulat nito at pinost sa Webnovel na EXTENDED version from the Original.

Mahilig talaga akong magbasa, manood ng movies at magsulat. Alam niyo ba na ang unang naisulat kong novel ay noong grade 6 pa lang ako? Haha, so maybe, it was born in me. Honestly, I don't see myself as a "good" writer or something, kasi po until now, I still practice and challenge myself everyday to improve at the same to learn from my readers. Kaya importante sa akin ang mga reviews niyo, kapag nababasa ko ang mga comments niyo. It helps me a LOT, it motivates me and inspires me to continue with what I'm doing.

Sana sa book 3 (Embrace of Death) samahan niyo pa rin si Lexine at Night, pati na rin si Author Anj Gee. Alam ko maraming drama at mabibigat na eksena, pero huwag kayong mag-alala. Ayoko rin ng sad ending! Hahaha

ANO ANG AABANGAN SA BOOK/ VOLUME 3 (Embrace of Death)

** The new Lexine! Fiercer, braver, stronger, smarter and... hotter! Bet niyo ba ang bagong Lexine? Hehehe

** Ano ang totoong nangyari kay Night?

** Ang-babangon-ako-at-dudurugin-ko-kayo-bitch-face-slapping-revenge of Lexine!

** Night vs Lexine??! Bwahaha! (Ano kaya ang mangyayari sa muli nilang paghaharap?)

** Selosan moments? Love conflicts? Love triangle?

** Isang bagong character ang magpapa-KILIG sa inyo! :-) Hehehe...

** At mas marami pang aksyon, rebelasyon, drama, kilig at syempre... mas mainit at intense na mga.. *ehem* ang paborito niyo! EROTIC LOVE SCENES! Intensity Level 10! Ganern! Pang end of the world levels! HAHAHA!

** Malupit na ending! Tatalunin natin ang finale ng AVENGERS! Wahahaha!

JOIN OUR FAMILY!

FB GROUP: Cupcake Family PH

PENGE NAMAN NG REVIEW SI AUTHOR! SALAMAT!

Related Books

Popular novel hashtag