LABIS NA NABIGLA hindi lang ang Pilipinas kung hindi maging buong mundo sa nangyaring pagsalakay ng mga halimaw sa buong Metro Manila. Naging matunog ang balita sa buong mundo. Agad nagpadala ng tulong ang ASEAN at United Nations sa bansa. Maraming pinadalang mga volunteers para sa medical at relief operation. Nagpadali rin ang US ng kanilang mga special Armed Forces para i-rescue ang mga Pilipino.
Nag-subdue ang kaguluhan dahil isa-isang umalis ang buong hukbo ni Lucas. Maraming bilang ang namatay,sugatan at higit na malaki ang pinsala sa mga properties at infrastracture ng buong capital.
Nangamba ang lahat at namuhay sa takot. Maraming speculation ang kumalat sa social media. May mga nagsasabing ito na ang end of the world. May mga nagsasabing may epidemya o kaya ay Zombie apocalypse.
Nag-meeting ang buong United Nations at ASEAN upang maghanda ang bawat bansa kung sakaling sila ang susunod na aatakihin.
Lumipas ang mga araw. Bakas pa rin sa bawat mamamayan ang trauma na naranasan. Paunti-unti ay bumabangon ang Pilipinas.
Nilibing si Alejandro pagkatapos ng isang lingo. Sinikap nang lahat na mag-move on, lalo na at halos kalahati ng kanilang hukbo ay namatay sa labanan. Mas dumoble ang takot at galit na naranasan ng bawat isa sa hari ng kadiliman. Tumunog na rin ang balita tungkol sa pakikipag-isa ng Tagasundo sa ama nito. Na lalong nagbigay nang mas matinding pangamba sa lahat. Kung si Lucas pa lang ay mahirap nang talunin. Paano pa ngayon na kasama na nito ang prinsipe ng kadiliman?
Alam din ng lahat na ito pa lang ang simula nang paghahasik ng lagim ni Lucas at mas marami pa silang laban na kailangan paghandaan.
May isang buwan na ang lumipas simula nang inilibing si Alejandro. Pero hindi pa rin lumalabas si Alexine sa kwarto. Hindi rin ito kumakain nang maayos. Hindi nila ito makausap kahit anong gawin nila. Nag-aalala ang lahat sa kalagayan nito ngunit, alam nilang nagdadalamhati pa ito sa pagkamatay ni Alejandro.
Gabi-gabi din itong binabangungot at umiiyak. Matiyagang umaalalay lang si Winona at Miyu sa tuwing inaatake ng matinding anxiety at depression si Lexine.
Hanggang isang araw, nang binisita ni Ansell si Lexine ay nawawala ito sa kwarto.
"Lexine?!" nabitawan ni Ansell ang dalang bulaklak at natatarantang hinanap si Lexine sa buong silid.
Natagpuan niya ito sa loob ng kubeta. Nakabukas ang shower, nasa loob ito ng bathtub, basang-basa at may hawak na piraso ng nabasag na salamin at nakadikit iyon sa pulsuhan nito na may sugat na at dugo.
"Lexine! No!!!" mabilis na pinigalan ni Ansell si Lexine at inagaw ang basag na salamin, "What are you doing!?"
"I want to die! Ano ba! Bitawan mo ako! Gusto ko nang mamatay! Ahhhhhh!" nagwawala si Lexine at iyak nang iyak, "Just please let me die…. I want to end this pain… please…ayoko na!"
Masyadong masakit para kay Lexine ang mga pinagdaanan. Paulit-ulit na bumabalik sa alaala niya ang itsura ni Alejandro noong pinatay ito ni Night. At mas doble ang sakit dahil si Night ang gumawa noon.
Ang pagmamahal sa puso niya ay napalitan nang galit, matinding pagluluksa at kalungkutan. Pakiramdam niya wala nang silbi ang buhay niya. Paano pa siya babangon tuwing umaga gayong patay na ang lolo niya? Ngayong wasak na wasak na ang puso niya sa matinding paghihirap. Hindi niya matangap na nagawa iyon ni Night. Ang pinakamasakit ay nagtiwala at naniwala siyang mabuti ito.
Pero sa bandang huli. Mali ang paniniwala niya. Tama nga ang sabi ni Yna. Ang siyang dahilan nang pagtibok ng puso niya ay ang siya ding magiging dahilan nang tuluyang pagkadurog niya.
At durog na durog na si Lexine. Wala nang natitira sa kanya. Ano pa ang rason niya para patuloy na lumaban sa malupit na mundo?
She wanted to end this endless torment and misery. She attempted to stop everything because it hurt so damn much. Lexine felt like she was dying every second of the day. If only she has all the power to forget all the memories she had with Night, she will do it.
Gusto niyang burahin lahat sa puso niya. Gusto niyang kalimutan ang pagmamahal niya para dito. Dahil kung gaano kalaki ang pag-ibig niya para sa prinsipe ng dilim ganoon din kalalim ang sugat na binigay nito sa buong puso at kaluluwa niya.
"Lexine please… please hold on… don't give up," umiiyak na pakiusap ni Ansell habang yakap-yakap si Lexine sa mga bisig.
"Hindi ko na kaya Ansell, ang sakit sakit na. Hindi ko na kaya gusto ko nang matapos ang lahat ng ito."
Mahigpit na hinagkan ni Ansell si Lexine at hindi niya ito iniwanan hanggang sa tumahan ito, mapagod umiyak at tuluyang makatulog.
**
NAGISING si Lexine sa pamilyar na lugar. Naghahalo ang purple, pink at orange sa payapang kalangitan habang sumasalamin ang repleksyon nito sa tubig sa kanyang paanan.
Paano siya nakarating dito?
"Alexine…"
Unti-unting pumihit si Lexine sa likuran at nagulat siya nang makitang nakatayo si Daniel.
Malungkot ang mukha nito at dahan-dahang lumapit sa kanya. Tila nanigas lang si Lexine sa kinatatayuan at inantay na makalapit ito. Hinaplos ni Daniel ang pisngi niya at pinunasan ang mga luhang lumalandas doon.
"Anak…"
Masarap sa tenga niya nang tawagin siya nitong anak. Tila ba isa itong mainit na kamay na humaplos sa nagyeyelo niyang puso.
"Alam kong nahihirapan ka. Alam kong nasasaktan ka. Pero alam ko din na matibay ang puso mo at makakaya mong muling bumangon."
Ilang segundong walang kibo si Lexine bago siya sumagot, "Bakit kailangan mawala lahat ng taong mahalaga sa akin? Si mommy, si daddy, si Kristine ngayon pati si Lolo. Ito ba talaga ang gusto Niya para sa akin? Ito ba ang kapalit sa misyon na pinatong niya sa balikat ko?"
Malungkot ang mga mata ni Daniel, "Anak, alam kong mahirap maunawaan ang mga bagay na nangyayari sa buhay lalo na kung nangingibabaw ang sakit at kalungkutan. Walang ibang nais ang Ama, kung hindi ang kabutihan para sa bawat anak niya. Mahirap ipaliwanag subalit, ang mga pagsubok na katulad nito, ang magiging pundasyon sa buhay ng bawat tao upang mas maging matibay sa pananampalataya at mapalapit sa Kanya."
Nanatiling tahimik si Lexine. Inangat ni Daniel ang isang kamay at lumitaw mula sa tubig ang isang bubbles. Lumutang ito at marahang tinulak niya sa harapan ni Lexine. Nasa loob nito ang piraso ng nakaraan kung kailan pinanganak ni Leonna si Lexine sa mundo.
Nandoon si Andrew at Alejandro sa tabi ni Leonna habang nasa delivery room. Inabot ni Leonna ang sangol sa mga kamay ni Alejandro. Kitang-kita sa mga mata nito ang lubos na kaligayahan na makita ang anghel na pinagkaloob sa kanila ng ama.
"Ano ang pangalan niya Leonna?" sabik na tanong ni Alejandro.
"Ikaw Papa, ano ang gusto mo?" balik na tanong ni Leonna.
Pinagmasdan mabuti ni Alejandro at nakapikit na mata ng sangol. Napakaganda nito kahit pa panay ang iyak at nababalot ng dugo. Matapos ang ilang sandali, ngumiti si Alejandro.
"Alexine… her name is Alexine."
Nawala ang bubbles sa harapan nila. Patuloy na tumutulo ang luha ni Lexine sa mga mata. Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Hinagkan niya ang sarili at pumikit.
"Lolo… I love you so much," unti-unti siyang lumuhod at patuloy na umiyak.