TINULAK ng demon ang lalaki at nasubsob ito sa harapan niya. Sugatan ito at labis na bugbog ang buong katawan. Nanginginig ang buong katawan ni Lexine sa matinding kirot na nararamdaman. Dahan-dahang nag-angat ng mukha ang lalaki at nanlaki ang mga mata nito nang makita siya.
"Alexine?" anito na tila nakakita nang multo.
"L-lolo… lolo… lolo!" mabilis na hinagkan ni Lexine si Alejandro.
"Apo, my darling you're alive," naiiyak sa sobrang saya si Alejandro na muling mayakap ang apo. Na tila ba nakalimutan na niya lahat nang paghihirap na dinanas sa kamay ng mga kalaban. Wala siyang ibang nararamdaman kung hindi ang mainit nitong mga yakap. Na tila, sapat na ang pakiramdam ng katawan nito upang maibsan ang mga kirot at hapdi sa buong katawan niya.
"Lolo… ano'ng ginawa nila sa'yo…." hindi na napigilan ni Lexine ang hagulgol.
Bakit kailangan madamay pa ang lolo niya sa lahat ng ito? Lumayo na siya upang protektahan ang abuelo pero ano ang nangyari? Hindi pa rin ito pinatawad ng mga kalaban.
Kasing talim ng kutsilyo at kasing init ng nag-aalab na apoy ang mga mata niya nang tinignan niya si Lucas at Night.
"Hayop ka! Napaka sama mo talaga Lucas! Ano'ng ginawa mo sa lolo ko?! Papatayin kita!' galit na galit niyang sigaw.
Tumawa nang malakas si Lucas. Naaliw siya sa mga nakikitang paghihirap ng Nephilim. Lumapit siya kay Alejandro at binitbit ito na parang basahan.
"Lolo!" Tumakbo si Lexine para bawiin ang Lolo niya pero mabilis siyang hinawakan ni Night sa magkabilang braso.
"Night! Bitawan mo ako! Ano ba! Lolo! Lolo! Hayop ka Lucas! Lolo!" kahit anong pilit niyang makawala sa mga kamay ni Night ay hindi siya pinapakawalan nito.
Tinulak ni Lucas si Alejandro at natumba ito sa sahig. Hinang-hina at wala ng natitirang lakas. Patuloy na umiiyak si Lexine dahil wala siyang magawa para mailigtas ang lolo niya. Hirap na hirap ang kalooban niyang makita ito sa ganoong sitwasyon.
"Alexine… my darling…" mahinang bulong ni Alejandro habang nakatingin sa apo.
Hinablot ni Lucas at buhok ni Alejandro at tiningala ang mukha nito.
"Huwag! Huwag maawa ka! Huwag! Lolo!!!!"
Pero walang kahit katiting na bahid ng awa si Lucas. Tuwang-tuwa itong makita ang paghihirap sa mukha ni Lexine.
Biglang kuminang ang mga mata niya, "Ano'ng gusto mong sabihin sa Lolo mo Alexine… Come on, you can now tell him everything."
"Alexine apo… mahal na mahal ka ni Lolo," mahinang saad ng nanghihinang si Alejandro.
"Lolo… please, Lucas…. Night… huwag, Night please nagmamakaawa ako sa'yo. Huwag ang lolo ko, maawa ka…" pagsusumamo ni Lexine sa lalaki pero tinignan lang siya ni Night nang malamig.
"Okay, sige ibibigay ko kay Alexis ang pagkakataon," naguluhan si Lexine sa narinig na sinabi ni Lucas.
Nagtinginan ang mag-ama. Kinaladkad siya ni Night at tinulak sa harapan ng lolo niya.
"Gusto mong magkaawa Lexine? Sige,magmakaawa ka sa prinsipe ng dilim."
Lumakad palapit si Night kay Alejandro at tinutok ang talim ni Gula sa leeg ni Alejandro habang hawak ni Lucas ang buhok nito.
Nagilalas sa matinding takot ang buong sistema ni Lexine.
"Night… please… please… don't do this. Night, I'm begging you! Please… huwag…. huwag Night!" labis na ang paghagulgol ni Lexine pero walang epekto ang mga iyak niya sa harapan ng lalaki.
"Alexine… apo… masaya akong makita kang muli. Always remember that I love you so much, my darling. Whatever happens, always conserve your heart pure and good. Never let hatred and anguish swallowed you," madamdaming pamaaalam ni Alejandro at dahan-dahang pinikit ang mga mata na tila handa na sa kamatayan na nag-aantay dito.
Mabilis at sunod-sunod ang pag-iling ni Lexine. Hindi.. hindi mangyayari ang lahat ng ito. Nagsusumamo ang mga tingin niya kay Night. Naniniwala siya na hindi magagawa ni Night ang bagay na kinakatakutan niya.
"Night… please… nakikiusap ako Night, 'wag ang lolo ko… maawa ka… please… 'wag… 'wag Night…"
Tumaas ang sulok ng bibig ni Night, "Times up, pagod na ako sa drama."
In a blink of an eye. Night ripped Alejandro's neck in front of Lexine. She watched how the red and sluggish blood spurted promptly from Alejandro's neck until the life departed from his eyes. Her entire world crashed down, as though the Universe exploded in front of her leaving nothing but thin ashes, misery and agony.
Tumumba ang walang buhay na katawan ni Alejandro sa tapat ni Lexine. Nanginginig ang buong katawan niya habang dahan-dahan siyang gumapang papalapit sa lolo niya. Hiniga ni Lexine ang lolo niya sa ibabaw ng hita. Nanginginig ang mga kamay na hinaplos ang mukha nito.
"Lolo… no, no, no… lolo…" nag-uunahan ang mga hikbi sa kanyang boses. Labis na naninikip ang dibdib ni Lexine kasabay nang malaking bagay na bumara sa kanyang lalamunan. Niyakap niya nang mahigpit ang lolo niya at humagulgol nang humagulgol.
Sobrang sakit, sobrang hapdi. Durog na durog ang puso niya na para bang paulit-ulit siyang nilulunod sa dagat ng sakit at pighati. Bakit kailangan madamay muli ang isang inosenteng buhay? Mas doble ang sakit na nararamdaman niya ngayon kumpare noong namatay din si Kristine sa kanyang harapan.
Ang nag-iisang taong higit na pinapahalagahan niya kanino man, ang lalaking nagpalaki at nag-aruga sa kanya at tumayong kanyang magulang. Nagmahal sa kanya nang walang katulad. Mabilis na bumalik sa mga alaala ni Lexine ang masasaya nilang memories ni Alejandro.
Noong 13th birthday niya at niregaluhan siya nito ng kwintas. Sa tuwing sinasabi nito sa kanya kung gaano ito ka-proud sa kanya dahil isa siyang magaling na ballerina. Ang mga mainit na yakap nito at sa tuwing tinatawag siya nitong 'darling.' Mula pagkabata hanggang sa pagdalaga.
Lumaban si Lexine noon na mabuhay para sa lolo niya, lumaban siya noon para iligtas ito sa kapamahakan. Lumaban siya para ilayo ito sa mga kaaway. Pero ano ang nangyari? Sa bandang huli ay nauwi sa wala ang lahat ng sakripisyo at paghihirap na ginawa niya upang protekahan ang pinaka-importanteng tao sa buhay niya.
Ang pinakamasakit sa lahat, ang siyang dumikdik ng buong pagkatao niya hanggang sa maliliit na piraso, ang taong pumatay sa lolo niya, ay walang iba kung hindi ang taong minahal niya nang lubos at totoo.
"Lolo….. ahhhh…. ahhhh… Lolo ko….. lolo ko….. ahhhh…." walang ibang maririnig nang mga sandaling ito kung hindi ang sakit at pighati sa mga hagulgol ni Lexine.
Umismid si Lucas. Sapat na ang mga nakita niya sa araw na ito. Tinapik niya si Night sa balikat na nanatiling nakatitig sa naghihinagpis na si Lexine. Walang pinapakitang kahit ano ang mukha nito.
"You made me so proud of you my son," bulong ni Lucas sa tenga ni Night saka ito naglakad palayo.
"Sa muling pagkikita natin… Nephilim."
Mabilis na naglaho sa usok si Lucas. Ganoon din si Winter at ang iba pang mga demon. Tumahimik ang buong paligid at tanging si Lexine lang ang maririnig.
Sa huling pagkakataon ay tinignan ni Night si Lexine bago dahan-dahang naglakad palayo.
Pero agad na tumingala si Lexine, "Night!"
Nahinto ang prinsipe ng dilim pero hindi siya lumingon.
Matalim ang mga mata ni Lexine. Sa mga sandaling ito, wala siyang ibang nararamdaman kung hindi sakit, pighati at matinding pagkamuhi. Pinatatag niya ang loob at binitawan ang mga sunod na salita nang buong diin at galit.
"Magbabayad ka. Sinusumpa kong magbabayad kayong lahat."
Hindi sumagot si Night. Hindi niya rin tinignan si Lexine.
"I'll wait for it," ito lang ang huling sinabi ng prinsipe ng dilim bago ito naglaho at naging itim na usok.
Mabilis na lumapit ang mga kaibigan ni Lexine sa kanya. Nakatayo lang ang mga ito at pinalibutan ang dalawa. Bawat isa ay labis na malungkot sa mga nasaksihan. Umiiyak na rin si Winona at Devorah. Si Elijah at Eros na tahimik lang. Si Miyu na pinipigilan ang mga luha at si Ansell na dahan-dahang lumapit kay Lexine.
Patuloy na umiyak si Lexine at nagdalamhati sa pagkamatay ni Alejandro.