Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 228 - Under attack! [2]

Chapter 228 - Under attack! [2]

ILANG BESES nang tinatawagan ni Ansell ang cellphone ni Lexine ngunit, hindi ito sumasagot. Alam niyang ngayong gabi mangyayari ang digmaan. Pasakay na dapat siya ng kotse na nakaparada sa gilid ng kalsada nang marinig niya ang malalakas na sigawan.

Napakunot ang noo niya at naglakad upang sundan ang pinangagalingan ng kaguluhan. Nanlaki ang mata ni Ansell nang makitang nagkakaroon ng stampede. Nagmamadali ang mga tao na tumakbo habang may mga takot sa mukha.

Agad nasagot ang tanong sa isip niya nang matanaw niya ang mga taong sinapian ng mga ravenium demons na tumatakbo at humahabol sa lahat. Nakakatakot ang mga itim na ugat sa mukha nila at mga namumuting mata. Kasama nila ang mga Lethium Demons, na walang awang pinapaslang ang kahit sinong maabutan ng mga ito. Sinasaksak, hinahagis at sinasakal. Dumadalak ang dugo at hiyaw sa kapaligiran.

Isang matandang babae ang natanaw ni Ansell na nadapa at tinatamaan ng mga taong tumatakbo. Bumaluktot ito sa sahig habang umiiyak at humihingi ng tulong.

Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Ansell at tumakbo patungo sa matanda, agad niya itong inalalayang makatayo. Isang ravenium na sumanib sa isang pulis ang mabilis na umatake sa kanila. Pinangtakip ni Ansell ang buong katawan sa matanda. Akala niya ay katapusan na niya nang biglang may lobong tumalon at sinalubong ang ravenium.

Nag-angat ng mukha si Ansell at nakita niya ang color light brown at hindi kalakihang lobo. Parang kasing laki lang ito ng syberian husky. Nilapa nito ang ravenium hanggang sa mawalan ng buhay, nasunog ng apoy at naging abo.

Di nagtagal at mas marami pang lobo ang sunud-sunud na dumating at lumaban sa mga ravenium at lethium demons. Sabay-sabay na lumabas ang mga ito at inatake ang mga kalaban.

Inalalayan ni Ansell ang matanda na makarating sa mas ligtas na lugar bago siya bumalik sa kalsada. Tumakbo sa kanya ang brown na lobo at sa gulat ni Ansell ay tinalon siya nito. Natumba sila sa sahig. Parang aso na dinilaan ng lobo ang mukha niya habang napahiga naman siya at pumaibabaw ito sa kanya.

"Shit! What the fuck!" nalukot ang mukha ni Ansell dahil parang nagpa-facial na siya sa laway nito.

Tumigil ang lobo sa ginagawa at nagliwanag ang buong katawan hanggang sa nagtransform ito sa totoong anyo.

Nagulat si Ansell nang makita ang nakangiting mukha ng babae sa kanyang itaas, "Hello Ansell!"

"O-olive? A-anong nangyaya—" nahinto ang pagtatanong niya nang marealize niya kung ano ang position nila.

Nakaupo sa tiyan niya si Olive habang nakatukod ang dalawang braso nito sa magkabilang gilid ng kanyang mukha. Bumaba ang mga mata niya at nanlaki nang husto ang mga iyon nang makitang nakahubad ito. At maging ang dalawang cute na bundok sa dibdib nito ay nag "hello" sa kanya.

Napalunok siya nang madiin at mabilis niyang naramdaman ang pag "hello" din ng kanyang kapatid sa ibaba.

Nang mapansin ni Olive na nakatitig si Ansell sa dibdib niya ay agad siyang nataranta at pinag-krus ang dalawang braso saka ito sinipa sa mukha, "Pervert!"

"Aww!" napabangon si Ansell habang sapo ang ilong, "Anong pervert ikaw nga 'tong tumalon sa akin at dinilaan mo pa ang mukha ko!"

Natameme naman si Olive, nasanay kasi siya na kapag nagta-transform ay kuya niya o ibang werewolves sa pack lang nila ang nakakakita. Wala naman sa kanila ang makitang hubo't hubad ang isat isa. Pero iba si Ansell at bigla siyang nakaramdam nang matinding hiya.

"P-pwede bang, pahingi ng damit!" sigaw niya na may namumulang mukha.

Napaungol si Ansell dahil masakit ang ilong niya sa lakas ng sipa nito. Pero agad na din siyang nagtungo sa kotse at kumuha ng jacket sa trunk at hinagis kay Olive habang nakatalikod at hindi makatingin.

"Huwag kang maninilip!" singhal nito.

Napikot ang dalawang mata ni Ansell. Ano pa ang itatago nito eh nakita na niya? Well… pera lang ang "lower" part nito.

Nanatili siyang nakatalikod, "Wala naman akong nakita sa'yo. Eh parang pang twelve years old 'yang katawan mo."

"Tse! Shut up!" sigaw ni Olive. Matapos ang ilang sandali ay nakapagbihis na ito.

Mabilisang kinuwento ni Olive kay Ansell kung ano ang mga nangyari. Agad silang sumakay ng kotse ni Ansell at nagmaneho palayo upang hanapin si Lexine at ang iba pa.

**

METRO MANILA UNDER ATTACK!

(Tv Patrol)

"Kasalukuyang nagkakagulo sa buong Metro Manila dahil sa mga kakaibang nilalang na umatake at nangugulo."

(24 Oras)

"Makikita ninyo ang napakalaking sunog na nagaganap dito sa Edsa Shangrila Mall. Habang nagkakagulo ang lahat dahil sinugod ang buong mall ng mga nakakatakot na nilalang. Katabi ko dito ang isang witness sa mga nangyari. Sir ano po ang mga nakita niyo?"

Nilapit ng babaeng reporter ang microphone sa security guard, "May mga pangil sila at mabibilis silang kumilos. Ang iba naman ay parang mga zombie, puti ang mga mata at maraming ugat sa mukha. Bigla na lang silang lumitaw at marami silang sinaktan."

(CNN Philippines)

President Duterte in National TV:

"Pagbabaralin niyo lahat ang mga putang-inang halimaw na 'yan! Nasaan ba si Bato?! Putangina kumilos kayo kung hindi kayo ang babarilin ko!"

**

SABAY-SABAY na nananalangin ang lahat sa loob ng The Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of Imaculate Conception. Punong-puno ang simbahan ng mga mamamayan na umiiyak at takot na takot. Marami sa kanila ang sugatan gawa nang pagtakbo at pakikipaglaban sa mga halimaw na sumugod sa buong Metro Manila.

"Our Father, Who art in Heaven, hallowed be Thy name; Thy Kingdom come, Thy will be done on earth as it is in Heaven. Give us this day our daily bread; and forgive us our trespasses as we forgive those who trespass against us; and lead us not into temptation, but deliver us from evil. Amen."

"Father, nakatawag na po kami sa 911. May darating ng medical at PNP team para sa atin," sabi ng isang binatilyong sakristan kay Father Geronimo.

Nakahinga nang maluwag ang matanda, "Salamat sa Diyos. Halika, sumama kang magdasal. Alam kong hindi tayo pababayaan ng ating Panginoon."

"Sige po Father."

Samantala, sa labas ng simbahan nagkakaroon ng malaking digmaan laban sa mga Warlocks at Sorceress. Sa gitna nakatayo si Eros habang nakataas ang dalawang nagliliwanag na kamay. Sa likuran niya nakatayo ang mga kakampi.

Sa kabilang panig nakatayo si Jacko, pangatlo sa kilalang Gibbon Siblings.

"Talagang tinalikuran mo na ang pamilya natin kuya!" sigaw ni Jacko habang katabi niya ang iba pang mga kapatid.

Tumalim ang mata ni Eros, "Kayo ang tumalikod sa pamilya natin, sa mga ninuno natin! Nakalimutan niyo na ba kung ano ang mga sakripisyong ginawa ng great grandfather natin para lang protektahan ang mga tao laban sa kasamaan? Our great grandfather gave all his life and power to create an athame to kill a demon. Pero ano'ng ginawa niyo? Sumanib kayo sa kanila!"

Nagdilim ang mukha ni Jacko, "Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa pamilya natin! Ito ang makabubuti sa buong Gibbon family! Sa anino ni Lucas, magiging mas malakas tayo."

Umiling si Eros, "Isa kang hangal! Ginagamit niya lang kayo na parang mga puppet na pasusunurin sa mga kamay niya."

"Tigilan mo na ito Eros!" sigaw ng pangalawa sa magkakapatid na si Sarah, "Sumama ka na samin. Hindi natin kailangan maging magka-away."

"No, Sarah. Nang sandaling pumanig kayo sa kadiliman, tinalikuran ko nang pamilya ko kayo," matatag niyang sagot.

Lalong nagdilim ang mukha ni Jacko, "Edi kung ganon. Pasensyahan na lang kuya. Walang kapatid-kapatid dito," inangat ni Jacko ang dalawang kamay at sumigaw nang malakas kasabay ang pagliwanag ng kanyang mga mata.

Isang napakakas na hangin ang pumaloob sa buong paligid. Kapangyarihan ni Jacko ang kumontrol ng hangin. Lumilipad ang mga puno sa paligid, mga sidecar, motor at sasakyan na nakaparada sa tabi, mga kahoy, bato at kung ano-ano pa.

Hinampas ni Jacko ang mga kamay at hinagis ang lahat sa direksyon nila Eros. Pero alertong nagpalabas si Eros nang malaking shield na pumaloob sa lahat kaya hindi sila tinamaan.

"Miyu!" sigaw ni Eros habang nahihirapan siya sa pagpapanatili ng shield dahil masyadong malakas ang kapangyarihan ni Jacko.

Tumungo si Miyu at tinaas ang dalawang kamay at nagpalabas ng mga bolang apoy.

Tumalim ng husto ang mga mata niya, "Gusto niyo nang laban. I'll give you the best war you'll ever have!"

Mabilis siyang sumugod at sunod-sunod na hinagis ang mga bolang apoy sa mga kalaban. Nagtuos sila ni Sarah habang kumilos na rin ang iba pang mga warlock at Sorceress sa kanilang panig at nagpalabas ng iba't ibang mahika.

Isang matinding labanan ang naganap at walang kahit sino sa kanila ang magpapatalo.