Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 225 - Welcome home

Chapter 225 - Welcome home

"HINDI AKO PAPAYAG na saktan mo sila. Hindeeee!!!" umalingawngaw ang malakas na hiyaw ni Night sa gitna nang masukal at madilim na kakahuyan. Sa labis na lakas nito, nabulabog ang mga ibon sa puno at sabay-sabay na lumipad sa himpapawid.

Napaluhod si Night sa putikang lupa habang patuloy na nilalabanan ang halimaw sa kanyang kalooban.

STOP OPPOSING ME NIGHT! HINDI BA'T NASARAPAN KA RIN SA KAPANGYARIHAN NA PINATIKIM KO SA'YO? THIS IS WHAT YOU WANTED. JUST BE OBEDIENT AND I CAN GIVE YOU MORE.

"No, I don't need any of your power," nangigigil niyang utas. Hinihingal si Night habang patuloy na kumakapit sa katinuan. Mula niyang naalala ang mga salita ni Lexine. Gusto niyang lumaban katulad nang ginagawa nito. Subalit, isang napakalakas na halimaw ang kailangan niyang talunin at nahihirapan siya.

HAHAHA! WHO ARE YOU FOOLING? YOU'RE A DEMON NIGHT. OUR KIND EXIST FOR POWER AND EVILNESS. KAHIT ANONG PAGTANGI ANG GAWIN MO, SARILI MO LANG ANG NILILINLANG MO. PAREHO NATING ALAM NA AKO AT IKAW AY IISA.

Nagkuyom nang husto ang dalawang kamao ni Night at pinangigilan ang putik habang nanatiling nakaluhod. Pinagsusuntok niya ang lupa sa galit. "Arghhhh! Arghhhh! Arghhhh!"

Alam ni Night na totoo ang sinasabi ng halimaw. Dahil ang nilalabanan niya ay walang iba kung di ang kanyang sarili. Ang kadiliman na natutulog sa kailaliman ng kanyang pagkatao at kaluluwa. Ito ang demonyong minana niya mula sa kanyang kinamumuhiang ama.

"Arrrrrrrrgggghhhhhh!" nagpatuloy si Night sa pagsuntok at pagwawala hanggang sa kumulog nang malakas at sunod-sunod ang paglabas ng kidlat sa madilim na kalangitan.

Bawat dagundong ng kulog kasabay na tumatama ang liwanang ng kidlat sa basa at nakabaluktot na katawan ni Night. At sa kabila nang malakas na tunog nang walang tigil na pagbuhos ng ulan. Nangibabaw sa pandinig ni Night ang mabibigat na yabag na dahan-dahang lumalapit sa kanya.

Agad natigilan si Night nang maramdaman ang napakalakas nitong presensya. Nagtigas ang buong mukha niya kasabay ng buong katawan. Sa kabila nang napakatagal na panahon na hindi sila nagkita, kailanman ay hindi niya makakalimutan ang pakiramdam ng presensya nito.

Magkahalo ang dahilan kung bakit nanginginig ang katawan ni Night nang mga sandaling ito. Una, sa lamig na dulot ng ulan at pangalawa, sa lalaking huminto sa kanyang likuran.

"Alexis," a deep voice called his name. It prevailed against the heavy sound of the rain, making Night shivered in immense anger.

Nanigas lalo ang kanyang bagang at dumilim ang buong mukha. Dahan-dahan niyang nilingon ang lalaki.

Nakatayo si Lucas na kasing tigas ng isang rebulto na tila ba hindi alintana ang lakas ng ulan. Sa likuran niya nakatayo at may hawak na itim na payong si Winter, ang babaeng Lethium Demon na kabilang sa malalakas niyang hukbo.

Nangingibabaw sa dilim ang makintab at kulay silver nitong buhok na nakatirintas at umaabot hanggang puwetan. Matulis ang charcoal gray nitong mga mata na hindi nagpapakita ng kahit anong emosyon.

"What the hell are you doing here?" punong-puno nang pagkasuklam ang bawat salitang binitawan ni Night.

Bahagyang tumaas ang sulok ng bibig ni Lucas habang ang napakakisig nitong mukha ay higit na malamig kaysa sa panahon.

"I am here to fetch my dearest son."

Mas lalong tumalim ang mga mata ni Night na para bang gusto niyang sumuka sa harapan nito nang tawagin siya nitong anak.

"Son? I am not your son. I despise to be your son!" sigaw niya.

Wala siyang ibang nararamdaman sa mga sandaling ito kung hindi matinding pagkamuhi at galit. Kahit napakaraming taon na ang lumipas ay para bang kahapon lang kung kailan nito pinatay ang kanyang ina mismo sa harapan niya. At habangbuhay niyang dadalhin sa puso ang galit na iyon.

Isinumpa ni Night na ipaghihiganti niya si Eleanor at hanggang ngayon ay inaasam niya pa rin na mangyari 'yon. Higit na makapangyarihan lamang si Lucas kumpara sa kanya gayunpaman, hindi pa rin niya binibitawan ang pag-asang balang araw ay siya mismo ang tatapos sa kasamaan nito.

Mahinang tumawa si Lucas, hindi na bago sa kanya ang asal ng sutil na anak. Nakapamulsa ang dalawa niyang kamay habang hindi gumagalaw at nanatiling nakatayo sa kinatatayuan.

"Alexis, alam natin pareho na ang dugong nanalantay sa akin ay mismong dugong nanalantay sa'yo. Ilang taon mo pa ba akong kakalabanin anak? We should be allies, we're a family. You and me, we can conquer the entire world and we can make this our own. I am the king and you are my prince, together we are the most powerful creature in this universe."

Mabilis ang pag-iling ni Night, "Hinding-hindi ako papanig sa'yo dahil mas gugustuhin ko pang mamamatay kaysa tangapin ka bilang ama ko," buong gigil niyang sambit.

Tumila na ang ulan kaya nagsimula nang humakbang si Lucas papalapit sa anak habang naiwan si Winter at nakamasid sa kanila.

Tumigil si Lucas sa tapat ni Night at umupo. Mas lalong nanginig sa galit ang buong katawan ng prinsipe ng dilim ngayon na mas malapit ito sa kanya.

"Of course you won't. Anak kita at talagang matigas ang bungo mo. Pero ako pa rin ang ama mo at wala kang magagawa kapag ginusto kong sumama ka sa akin. Kalimutan mo na ang pag-asang malalaban mo pa ako Alexis, you are under my power."

Napakunot ang noo ni Night sa narinig. Umismid si Lucas at tinaas ang dalawang daliri saka pumitik.

Biglang nangisay ang buong katawan ni Night na para bang nakukuryente siya. Gumapang ang matinding kirot sa kanyang buong sistema.

"Arrrrrrrgghhhhhhhh!" natumba siya sa lupa at bumaluktot.

Di nagtagal at lumabas mula sa anino sa kakahuyan ang batang si Santi at dahan-dahang lumapit sa kanila. Naka-angat ang isang kamay nito habang nakabuka ang palad. Sa gitna niyon may lumulutang na bolang kristal. Ito ang ang kaluluwa ni Night na hawak niya. Sa loob nito makikita ang napakaitim na usok na siyang sumasakop sa buong pagkatao ng Tagasundo.

"Tama na ang laro. Gawin mo na ang gusto ko Satan," malamig na sabi ni Lucas.

The little fucker mischievously curved his lips like the real serpent himself, "As you wish Lucifer," umilaw ang dalawang mata ni Satan at mas lumaki ang itim na usok na pumapalibot sa bolang kristal.

Mas lumakas ang paghiyaw at pangingisay ni Night na umaabot sa bawat sulok ng kagubatan. Patuloy na nabali ang kanyang mga buto, gumapang ang malalaki at itim na ugat sa buong katawan hanggang sa umabot ito sa kanyang mukha. Tumirik ang mata ni Night at muling binalot ng itim ang mga mata niya. Higit sa lahat, tuluyan na siyang nilamon ng kapangyarihan ng kadiliman.

Paglipas ng ilang sandali, tumigil sa pagwawala si Night. Mula sa pagkakabaluktot sa lupa, dahan-dahan siyang bumangon at tumayo. Humakbang si Night at humarap sa tatlong nilalang na malaki ang pangkakangiti. Unti-unting nalusaw ang mga itim na ugat sa kanyang mukha at bumalik sa dati ang kulay tsokolateng mga mata.

Tumayo si Lucas at sinalubong ang prinsipe ng kadiliman. Sumasalamin sa mata niya ang labis na kasiyahan at sa wakas, hawak na niya sa kamay ang kanyang anak.

"Welcome home, my son."

Related Books

Popular novel hashtag