Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 224 - Will you still love a monster? [2]

Chapter 224 - Will you still love a monster? [2]

HINDI NA NAGDALAWANG isip si Night at mabilis sialng sinugod. Maliksi rin na kumilos si Cael at sinalubong ang demonyo. Sabay nilang hinumpas ang mga espada at nagkrus ito sa pagitan ng dalawa habang nakikipagtagisan nang lakas. Labis na magkadikit ang kanilang mukha.

"Tigas din talaga ng mukha mo at sinusubukan mo pang sulutin sa'kin si Lexine," nangigigil na sabi ni Night.

Mas tumalim ang mata ni Cael, "Talagang susulutin ko siya sa'yo dahil hindi ako papayag na mapunta siya sa demonyong katulad mo."

Mas nagliyab sa galit ang itim na mata ni Night at buong lakas na sinipa si Cael. Tumalsik ito at nagpagulong-gulong sa lupa. Lumaki lalo ang madilim at nakakakilabot na aura na pumapalibot kay Night. Wala siyang ibang gusto ng mga sandaling ito kung hindi patayin si Cael.

Nagsimula siyang humakbang palapit dito nang biglang tumalon si Elijah sa likuran niya at inipit ang kanyang leeg gamit ang dalawang braso nito.

"Stop this bullshit Night and get a grip of yourself! Bumalik ka na sa katinuan mong tarantado ka!" mas hinigpitan ni Elijah ang mga braso habang nakalabas ang kanyang mga pangil at namumula ang mga mata.

Night snickered, "Sorry brother, pero hindi na ako babalik sa dati," hinablot ni Night si Eliijah sa buhok at tinapon na parang basahan. Tumama sa malaking puno ang ulo ni Elijah, bumagsak sa lupa at nawalan ng malay.

Si Miyu ang sunod na sumugod. Ginamit niya ang mahika at nagpakawala ng mga bolang apoy pero lahat ng tira niya ay naiwasan ni Night. Sa isang iglap nasa harapan na niya ito at mabilis siyang hinablot sa leeg.

"Night!" nagpakawala si Lexine nang malakas na puting liwanag mula sa kamay at tinutok kay Night, "Bitawan mo siya. Ako ang harapin mo!"

KILL HER NIGHT! KILL HER!

Binitawan ni Night si Miyu at naglakad palapit kay Lexine.

Umismid si Night at ngumisi, "Go on. You want to fight me? Go on Lexine, kill me…" he provoked her.

"Night. Alam mong hindi kita gustong saktan. Please, makinig ka sa akin. Huwag kang magpatalo sa kanya. Mas malakas ka sa demonyong 'yan at kaya mo siyang labanan."

"Lexine, don't you still get it? This is the real me. I'm a devil and a horrendous beast. Why would I fight myself?"

Umiling si Lexine, "Hindi totoo 'yan. Alam kong hindi ikaw 'yan."

Tumawa si Night, "Akala ko ba mahal mo ako? Bakit hindi mo mahalin ang totoong halimaw sa harapan mo Lexine?"

"No, this is not you," mariing giit ni Lexine.

"Yes, this is me. I'm not the man you've thought I am Lexine. This?" tinuro niya ang sarili, "It's beneath me all this time. Now, I freed him like an eagle. I can feel more power and strength running in my veins. I was born for this, I'm from the deepest and darkness part of this world. Now tell me… will you still love the monster standing in front of you?"

"Will you still embrace the evilness wrapping my soul? Will you still kiss the blood in my lips? Huh, Lexine? Answer me!!!" he shouted.

Sa kabila nang malakas at nakakatakot na sigaw ng demonyo ay hindi kumurap si Lexine. Dahan-dahang binaba ni Lexine ang mga kamay hanggang sa tuluyan nalusaw ang mga liwanag nito. Unti-unti niyang hinakbang ang mga paa palapit kay Night habang hindi binibitawan ang mga mata sa mukha nito. Sumasalamin sa mga mata niya ang naghahalong lungkot at pagmamahal na nararamdaman ng mga sandaling iyon.

Tumayo siya sa harapan ni Night sa distansyang halos wala ng hangin na makakasingit sa pagitan nila. Gamit ang nanginginig na mga kamay, unti-unting hinaplos ni Lexine ang mukha nito.

Natigilan si Night nang maramdaman ang pamilyar at malambot na mga palad ni Lexine sa kanyang balat. Para bang pansamantala ay pinakalma nito ang nag-aalab niyang damdamin.

Marahan at dahan-dahang hinaplos ng daliri ni Lexine ang mga itim na ugat na bumabalot sa mukha ni Night at pinakatitigan ang itim nitong mga mata. Na tila ba minimemorya ang bawat isa, animo pilit na hinahanap ang kagandahan sa kapangitan ng mga ito.

Isang nakakatakot na nilalang ang kanyang nasa harapan pero wala siyang pakielam. Dahil kahit ano man ang maging itsura nito. Ito pa rin ang lalaking tinitibok ng kanyang puso at buong pagkatao.

Isa-isang bumagsak ang mga butil ng luha mula sa kanyang mata. Under the warm gazed of her beautiful almond shaped eyes, Night was stunned and speechless. He furrowed his brows as he was trying hardy to fight the tender feeling of her touch that makes his entire body melt.

"Night…" the way her sweet voice called his name shocked all the raging cells in his body, "Naaalala mo ba noong una tayong nagkita?"

Natigilan si Night. He didn't expect her questions.

"I was dying, helpless and naïve. We made a deal in exchange of my second chance to live and you tied me with a curse. That cursed that turned my life upside down in a most frightening yet beautiful ways. But despite that darkness that you've showed me, despite all the cruelty that you wanted me to see. What prevailed in my eyes is your heart."

"Night… you've taught me how to be brave, to believe in myself and above everything else, you've taught me how to love. At kung tinatanong mo kung mamahalin pa rin kita sa kabila ng halimaw na sumasakop sa'yo. O sa demonyo na nagtatago sa'yo? Oo, mamahalin ko pa rin lahat, lahat, lahat sa'yo. Because no matter how evil you think you are. No matter what kind of monster you are in the eyes of many. For me… you will always have the biggest heart who is capable to love."

"Hindi ako titigil hangga't hindi ka bumabalik sa dati. Kung ikaw sumuko na, pwes ako hindi. Kasi kahit ano'ng mangyari, kahit ano ang pagsubok ang ibigay sa atin, lalaban ako. Ipaglalaban kita dahil mahal na mahal kita Night…"

Hindi na namalayan ni Night na tumutulo na rin ang kanyang mga luha. Ang mabagsik na anyo niya ay tuluyang nalusaw nang init ng pagmamahal ng nag-iisang babaeng nagbibigay sa kanya ng liwanag sa kadilimang bumabalot sa kanya.

Hinawakan ni Night ang dalawang kamay ni Lexine na nakapatong sa kanyang mukha at ninamnam ang init niyon.

"I love you so much Lexine…"

Nabuhayan nang bagong pag-asa ang puso ni Lexine nang marinig ang boses ng totoong Night.

"But I can't let him hurt you. He will kill you. All of you. Hindi ko hahayaan mangyari 'yon. That is why I need to escape away from you. He's strong and I can't fight him."

Umiling si Lexine, "No Night, we can fight him. Tutulungan kita nandito ako."

"You don't understand Lexine. Hindi ko na nakokontrol ang sarili ko. He's all over me—arghhhhhhhh!"

Muling nakaramdam nang matinding sakit ng ulo sa si Night.

KILL HER! KILL HER NIGHT!

Muli na naman nagbabalik ang kadiliman sa kanyang katauhan.

"Night…"

"Arghhhhhhh! Lexine, umalis na k-kayo!"

"No Night, hindi kita iiwan!"

"Please Lexine… hindi ko na siya kayang pigilan. Please, umalis na kayo—argggggghhhhhhh!" namilipit si Night.

"Lexine! Tara na!" lumitaw si Cael sa likuran niya at pinilit siyang ilayo kay Night. Wala nang nagawa si Lexine nang pagtulungan na siya ng mga kaibigan.

"Lexine we need to get out of her, it's too dangerous," giit ni Elijah.

"No! Hindi natin pwedeng iwan si Night. We need to help him!"

"We can't do anything for him anymore Lexine," malungkot sa sabi ni Elijah.

"Hindi totoo 'yan! Bitawan niyo ako! Night!" sinubukan niya pa rin lapitan ito pero hindi siya pinapakawalan ng mga kaibigan.

KILL THEM NIGHT! KILL THEM!!!

Humiyaw nang mas malakas si Night, "NOOOO! I won't let you!"

DON'T OPPOSE ME! KILL THEM NOW!

"Hindi! Tumigil ka naaaaaaaa!" pinagsusuntok ni Night ang sariling ulo.

Mas lalong nabahala ang lahat sa nakikita.

"Tara na!" sigaw ni Miyu habang pasan niya sa likod ang binatilyong sugatan at walang malay.

"Umalis na kayooooo—arghhhhhhh!!!"

Muli na namang nagbabago sa pagiging halimaw si Night. Pinilit niyang labanan ang demonyo. Hindi siya papayag na mapahamak ang mga kaibigan. Kailangan niyang kumilos. Tumayo siya at tumakbo palayo sa kanila. Narinig niya ang mga sigaw ni Lexine subalit, mabilis na siyang nawala sa loob ng kakahuyan.