IT'S BEEN THREE days since Night disappeared. Hirap na hirap mag-concentrate si Lexine sa pag-aaral at pagtatrabaho dahil sa labis na pag-aalala sa nobyo. She decided to file a week leave at work habang nagpaalam naman siya sa school na a-absent ng ilang araw. She focused on finding Night, but she failed.
Elijah used all his hacking skills to find any clues where they can track Night. Unfortunately, he failed as well.
Eros, Miyu, and Devorah focused on talking with the leaders from different entities. Ilang araw na lang bago mag-full moon, kung kailan inaasahan ng lahat na magaganap ang malaking digmaan laban sa hari ng kadiliman at sa buong hukbo nito.
"Lexine, nandito na ang lahat. Ikaw na lang ang inaantay, are you ready?" tumayo si Miyu sa gilid nang nakauwang na pinto ng kwarto.
Sa tapat ng two-way mirror nakatayo si Lexine habang natatanaw ang mga entities na nagpupulong-pulong sa first floor ng black phantom. Napabuntonghininga siya. Nagpatawag si Eros nang malaking pagpupulong upang kausapin ang lahat ng leaders na pumanig at nakipagkaisa sa kanila sa digmaan.
Muling humugot nang malalim na hangin si Lexine at inipon lahat sa dibdib. Sa totoo lang, kinakabahan siya. Ito ang unang pagkakataon na magpapakita siya sa buong underworld. Higit sa mga ginagalang at makakapangyarihang pinuno. Hindi niya alam kung paano sila haharapin. Paano kung hindi siya magustuhan ng mga ito? Paano kung magkamali siya ng sasabihin? Paano kung…
Napakadaming bagay ang tumatakbo sa isip niya. Ilang araw na siyang walang tulog at hindi makakain nang maayos dahil iniisip niya si Night. Pero kailangan niyang magpakatatag. Kailangan niyang humarap sa lahat at patunayan sa kanila na karapat-dapat siyang maging natatanging Nephilim na siyang sinasabi sa propesiya.
Para sa mga pamilyang nag-aasam na makalaya sa kasamaan ng hari ng kadiliman, sa mga lahi na sinaktan at sinira nito. Sa mga inosenteng nilalang na nadamay sa kasamaan ni Lucas. Sa mga kaibigan at mga taong pinapahalagahan at pino-protektahan ni Lexine. Para sa misyon na ipinagkaloob sa kanya ng Ama.
Kailangan niyang maging matatag at lumaban.
Dahan-dahan siyang humarap kay Miyu nang may mas buong loob.
"Handa na ako."
**
NATAHIMIK ang lahat nang marinig ang maliliit na yabag ng isang natatanging babae. Tila napipi ang lahat kasabay nang sabay-sabay na pagpihit ng kanilang mga ulo habang lahat ng pares ng mga mata ay nakatuon sa bagong mukha.
Iba-iba ang reaksyon ng bawat isa. Mayroon mga namangha lalo na't napakaganda pala sa personal nang natatanging Nephilim na naging matunog sa buong underworld. Hindi rin maiiwasan ang ibang mga nangungutyang mga mata dahil nagdududa sila kung ito ba talaga ang babaeng tinutukoy sa propesiya na siyang nagtataglay nang natatanging kapangyarihan.
"Siya ba talaga ang Nephilim?"
"Sa itsura pa lang ay lampa na! Talaga bang siya ang sinasabi sa propesiya?"
"Paano siya lalaban sa digmaan sa payat ng katawan niya?"
"Siya ang anak ng Arkanghel na si Daniel hindi ba? Nakuha niya ba ang kapangyarihan ng kanyang ama?"
"Pero ang naririnig ko ay palagi lang siyang nagtatago sa anino ng Tagasundo, siguradong hindi niya kayang ipagtangol ang kanyang sarili."
"Pero totoo pala ang tsismis na napakaganda niya. No wonder that she enticed the prince of darkness."
"Mukhang puro ganda lang at walang ibubuga."
Pinilit ni Lexine na 'wag pansinin ang mga naririnig sa lahat. Huminto siya sa unahang gitna at hinarap ang humigit tatlumpung mga pinuno mula sa iba't ibang panig ng mundo.
Sa tabi niya taimtim na nakatingin ang mga kaibigan at sinasabi ng mga mata na nandito sila upang suportahan siya. Tumungo sa kanya si Miyu na pinapahiwatig na kaya niya ito.
Tipid na ngumiti si Lexine at pinilit na magsalita sa kabila nang nag-uunahang mga kabayo sa kanyang dibdib.
"M-magandang g-gabi sa inyong lahat. Salamat at pinaunlakan niyo ang i-imbitasyon namin," hindi napigilan ni Lexine ang panginginig ng kanyang boses.
Nakatingin lang ang mga ito sa kanya habang taimtim siyang sinusuri mula ulo hanggang paa. Animo, sinusuyod ang bawat himay ng kanyang pagkatao. Nasa mga mukha nila ang malaking pagdududa at kawalan ng tiwala sa kanya. Lalo pa at wala pa naman siyang napapatunayan na kahit na ano.
Nabalitaan ng lahat ang tungkol sa pagkamatay ni Lilith ngunit, alam nang lahat na si Night ang nakapatay sa sarili nitong tiyahin. Kumalat na rin ang tungkol sa muli niyang pagkabuhay pero ang tingin pa rin sa kanya ng lahat ay isang mortal na mahina at nagtatago lang sa anino ng makapangyarihang Tagasundo.
Hindi nakatiis na hindi magkomento ang leader ng bampira mula sa Greyson Family, "Siya ba ang sinasabi nilang tatapos kay Lucas? Nagbibiruan lang ata tayo dito. Paano naman tatalunin ng mahinang babae ang napakamakangyarihang hari ng kadiliman?" malakas na pagkakasabi nito.
Lalong nagbulungan ang lahat. Marami ang sumasang-ayon sa sinabi ni Silver.
Mabilis na nag-init ang ulo ni Miyu lalo na at nasa mukha ni Lexine na labis itong nahihiya sa harapan ng lahat. Paano nila nagagawang husgahan na lang basta ang kaibigan niya lalo na at wala naman silang alam? Gusto niyang sabihin at ipagmalaki sa lahat kung paano pinaslang ni Lexine ang mga Lethium at Ravenium demons noong niligtas nila si Olive. Siguradong matatahimik ang mga ito.
"Tama si Silver, masyadong makapangyarihan si Lucas. Walang kahit sinong nanalo laban sa kanya. Kahit pa ang mga malalakas na lahi ay tila mga insekto lang na kayang-kaya niyang tirisin. Talaga bang lalaban tayo sa kanya?" dugtong ng babaeng pinuno ng mga Warlock mula sa China.
"Marami na ang pumanig kay Lucas. Ang balita ko ay halos kalahati ng mga bampira at sorcerres ay nakuha niya. Maging ang Gibbon family ay pumanig sa kanya. Ano ang magiging laban natin?" sabi naman ng isang Alpha mula sa tribu sa Ilongo.
Nagtigas ang bagang ni Eros sa narinig. Alam niya ang tungkol sa bagay na iyon. Sinubukan niyang kausapin ang mga kapatid, tiyahin at tiyuhin ng kanilang angkan ngunit, nabigo siya. Sa katunayan ay galit ang mga ito sa kanya lalo na at hindi siya pumanig kay Lucas at lantaran niyang sinabi sa kanila na hinding hindi siya magdadalawang isip na kalabanin ang buong pamilya kung ito lang ang paraan upang mapigilan ang kasamaan ni Lucas.
Lalong nagkagulo ang lahat. Hindi na alam ni Lexine kung ano ang dapat sabihin. Paano niya makukuha ang loob ng mga ito? Ano ang dapat niyang sabihin. Kung sana ay nandito si Night, siguradong pakikingan ito ng mga pinuno. Pero kung aasa lang siya palagi kay Night, pinatutunayan niya lang sa lahat na tama ang mga paratang nila.
Nagkuyom ang mga palad ni Lexine. Pilit niyang pinatatag ang loob. Hindi siya bibitaw, hindi siya magiging mahina. Kailangan niyang magpakatatag.