Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 219 - Where is God?

Chapter 219 - Where is God?

SA ISANG MADILIM na eskinita. Umaalingawngaw ang matinding hiyaw ng galit at sakit. Nagwawala si Night habang pilit na nilalabanan ang demonyong sumasakop sa kanyang katauhan.

"Arggggghhhhhh! Lubayan mo na ako! Argggghhhh!" paulit-ulit na inuuntog ni Night ang sarili sa pader na bato.

HAHAHA! PAANO KITA LULUBAYAN NIGHT? I AM PART OF YOU. WE ARE ONE.

"No! Hindi! Umalis ka na! Umalis ka naaaaaa! Arghhhhhhhh!" sinasapak na niya ang sariling ulo, napaupo siya sa sahig at bumaluktok na parang bata.

I AM YOU NIGHT. I AM THE REAL YOU!

"Hindi! Hindi totoo 'yan! Arggggghhhhh! Lubayan mo na ako!"

WHY ARE YOU RESISTING ME? I AM YOUR GREATEST POWER.

"Hindi kita kailangan! Hindi! Hindeeeeeee!"

HAHAHA! WHO ARE YOU FOOLING? YOU WANT ME THE WAY I WANT YOU. YOU DESIRE AN IMMENSE POWER. YOU CRAVES TO KILL EVERYONE THAT WILL BLOCK YOUR WAY! WE ARE ALLIES NIGHT. TOGETHER WE CAN RULE AND CONQUER THE WORLD.

"No! Hindi ko gusto ang mga sinasabi mo! I only want nothing but… her…"

WE CAN MAKE HER LIKE US.

"Hindi! She will never be tainted by monster like you! Hindi ako papayag!"

SA TINGIN MO BA PAPAYAG ANG BATHALA NA MAGKATULUYAN KAYONG DALAWA?

Natigilan si Night, "Anong sinasabi mo?"

HAHAHA! NAHIHIBANG KA NA KUNG INIISIP MONG MAGIGING MADALI ANG LAHAT. HINDI BA'T MINSAN KA NIYANG PINAASA? PINATIKIM NANG KALIGAYAHAN, PINATAKAM NG LAMAN AT TAMIS NG ISANG ANGHEL. PERO ANO ANG GINAWA NIYA? BINAWI NIYA RIN SA'YO. HINAYAAN KA NIYANG MALUGMOK SA KALUNGKUTAN AT PANGUNGULILA. SA TINGIN MO BA AY HINDI NIYA ULIT BABAWIIN SI LEXINE?

Hindi nakasagot si Night. Natahimik, natulala, napipipi. Parang kahapon lang kung kailan nangyari ang matinding sakit na pinagdaanan niya noong namatay si Lexine. Iyon ang pinakamatinding impyerno na dinanas niya. Sobrang sakit. Sobrang lungkot. Sobrang hirap.

NAIS KA LANG NIYANG UMASA PERO KAHIT KAILAN AY HINDI NIYA IPAGKAKALOOB SA'YO ANG ISANG ANGHEL. HE REPENT OUR KIND. PINATAPON NIYA TAYO MULA SA KANYANG PARAISO. HINAYAANG MALUGMOK SA KADILIMAN HABANG ANG MGA ANGHEL SA KALANGITAN AY NAMUMUHAY NANG MASAGANA AT WALANG KALUNGKUTAN. HINDI BA'T PINABAYAAN KA NIYANG MAG-ISA NOONG KINUHA NIYA ANG BUHAY NI ELEANOR?

Isang malaking kutsilyo ang tumusok sa dibdib ni Night nang marinig ang pangalan ng kanyang ina. Lumaki siyang nag-iisa, nangungulila sa pag-aaruga ng isang ina. Namuhay na may galit sa kinamumuhiang ama. Pinabayaan ng kanyang tiyahin na nabaliw sa pag-ibig. He was on his own dark world, living the hell of pain and loneliness.

"But Lexine is my hope… she's my hope…" bulong niya at umiiyak.

Lexine showed him the way out of his infinite forlorn. She taught him how to love. She showed him all the brightest stars and moon that prevailed in the night.

HAHAHA! YOU'RE A FOOL FOR BELIEVING THAT YOU CAN HAVE HER.

"Hindi, mahal ako ni Lexine! Mahal namin ang isa't isa."

MAHAL? HAHAHA! NILILINLANG KA LANG NANG PANINIWALA MO SA PAGMAMAHAL. THERE'S NO SUCH THING AS LOVE NIGHT. WHAT YOU FEEL FOR HER IS LUST AND DESIRE. BUT, CAN YOU HAVE HER IN THE END? WOULD HE ALLOW THE SUN AND MOON COLLIDE TOGETHER IN THE SKY?

Isang anghel si Lexine, isang natatanging babae na biyaya mula sa kalangitan upang kalabanin ang kasamaan. Nilikha ito upang maging instrumento nang kabutihan at pagmamahal. Ngunit, siya? Isang bunga ng kadiliman at kasamaan. Isang batang umusbong sa mundo upang maging makasalanan. Anak ng pinatapon na arkanghel na si Lucifer. Pagbibigyan ba talaga ng Diyos na magsama sila ni Lexine? O sa bandang huli ay babawiin din muli? Katulad nang kung paano nito kinuha sa kanya si Lexine noon.

WHERE IS HE NOW, NIGHT? NASAAN NA SIYA NGAYONG NAGHIHIRAP KA? WALA! HINAYAAN KA NIYANG MAGING MALUNGKOT, MAGDUSA, AT LUMAKING NAG-IISA. NASAAN NA ANG DIYOS NA PINANINIWALAAN NG MGA TAO NA SASAGIP SA KANILA? NA SIYANG MAGBABABA NG PINANGAKO NITONG LANGIT? NASAAN NA SIYA?

Where's God? Bakit hindi siya nito tinutulungan? Bakit hinahayaan siya nitong magdusa nang nag-iisa? Ngayon na kailangan niya nang tulong bakit wala ito? Nasaan ito noong namatay ang kanyang ina? Nasaan ito noong pinabayaan siya ni Luwinda? Nasaan ito noong nagdurusa siya sa pagkamatay ni Lexine? Nasaan ito ngayon labis siyang nahihirapan?

"Bakit mo ako pinabayaan?" mula sa pag-iyak at pagkabaluktot, dahan-dahang inangat ni Night ang ulo at tumingala sa madilim na kalangitan, "Nasaan ka ngayon? Bakit mo ako pinahihirapan nang ganito? Bakit ako pa? Bakit sa akin pa? Bakit hindi mo na lang kami hayaan maging masaya ni Lexine? Bakit mo kami tinututulan? Bakeeeeeeeeet!" pumailanlang ang malakas niyang sigaw.

TAMA NIGHT! MAGALIT KA SA KANYA DAHIL PINABAYAAN KA NIYA. PINATAPON. INABANDUNA NA PARANG TUTA AT INIWANG SUGATAN AT LUHAAN.

Tila ba narinig ng langit ang kanyang pighati at biglang bumuhos ang malakas na ulan. Animo, pinaparamdam sa kanya ang bigat at sakit. Ang lamig at dilim. Ang hapdi at kabiguan.

Samantala, sa black phantom. Namatay na ang sunog at bawat isa ay nagpapahinga at nagpapagaling. Ngunit, nanatili si Lexine na nakatayo sa bintana kung saan tumalon si Night. Pinagmamasdan ang umuulan na kalangitan at umaasa na babalik ito.

"Night…"

Pinikit ni Lexine ang mga mata at ninamnam ang lamig na nagmumula sa labas.

"Ama, kung nasaan man po si Night, tulungan niyo siya. Sana'y malaban niya ang demonyong pilit na sumasakop sa kanya. Sana mangibabaw ang pagmamamahal sa puso niya. Mabuti si Night, at naniniwala ako na hindi niyo po siya pababayaan. Ama, kayo na po ang bahala… Alam kong lahat nang ito ay pagsubok lang sa aming dalawa. Hindi po ako bibitaw. Hindi po ako susuko. Lalaban ako sa ngalan ng pag-ibig at kabutihan. Patnubayan niyo po si Night…."

"ARRRRRRRRRRRGGGGGGGHHHHH!"

Patuloy na nagwawala si Night sa ilalim ng walang tigil na buhos ng ulan. Hingal na hingal na siya. Pagod na pagod. Hirap na hirap. Hindi na niya kaya.

Humiga si Night sa basang daan habang tinatangap ang galit ng kalangitan. Sa nanlalabong paningin, at madilim na mga ulap at bituin. Nangingibabaw sa kanyang paningin ang magandang mukha ni Lexine.

Tinaas niya ang mga kamay na tila hinahaplos ang pisngi nito. Inaasam ang mga labi nito. Ninanais na mahagkan ito nang buong higpit panlaban sa lamig ng gabi. Ngunit, unti-unting nalusaw ang mukha ni Lexine at naiwan siyang nag-iisa. Basang-basa, umiiyak, nasasaktan at naghihirap.

"Lexine….."

Dahan-dahan niyang pinikit ang mga mata at tuluyang nilamon ng kadiliman.

Do not be overcome by evil, but overcome evil with good. (Romans 12:21)