"Tagasundo! Alam ko naririnig mo ako! Labanan mo ang demonyo! Gumising ka!" sigaw ni Cael.
KILL HIM NIGHT! KILL THE ANGEL! HE'S AN ENEMY. INAAGAWAN KA NIYA. INAAGAW NIYA SI LEXINE. KILL HIM
Mas lalong nagdilim ang buong mukha ni Night at mabilis na hinakbang ang mga paa upang sugurin si Ansell. Muli niyang tinaas ang espada at hinumpas. Panay ang tunog ng metal sa bawat pagkiskis ng kanilang mga espada. Wala siyang ibang gusto kung hindi ang pumatay, dumalak ang dugo at sunugin ang kahit sinong makikita ng kanyang mga mata.
Sa huling atake ni Cael, nahuli ni Night ang talim ng espada nito. Hindi ininda ang hiwa sa kamay. Inagaw niya ang armas. Sa gulat ni Cael, mabilis na naging abo ang espada niya at parang pulbos na tumapon sa sahig.
Ngumisi ang demonyo at hinablot sa leeg si Cael. He penetrated his nails deep on his skin until it bleeds. He enjoy the sight of pain and torture shown on his face, he wanted to break and tear him limb from limb.
Kill. Kill. Kill. Kill. Kill.
Mas diniin niya ang kuko, nagkulay asul na ang buong mukha ni Cael, "N-night… t-tama na… N-night…" pinilit pa rin nitong magsalita kahit tumitirik na ang kanyang mga mata.
Pero walang ibang pinakikingan si Night kung hindi ang halimaw sa kanyang kalooban. Papatayin niya ito. Papatayin niya silang lahat at wala siyang ititira.
Patuloy na lumalakas ang sunog sa paligid, napakainit ng temperatura at kumalat ang makakapal na usok na umiikot sa kapaligiran. Lumiliyab ang natataasang mga apoy na tumutunaw sa bawat kagamitan. Gumagapang ang mga ito sa bawat sulok ng silid. Tila isang impyerno. Sa mga sandaling ito, nagpakita sa kanilang lahat ang tunay na demonyo.
"I'll show you what hell feels like," ngumiti si Night at buong pangigigil na piniga ang kamay sa leeg ni Cael.
Unti-unti na itong nalalagutan nang hininga habang nagdudugo na ang ilong. Nang sigaw ang pumailanlang kasabay ng malakas na pwersang tumama sa likuran ni Night. Sa sobrang lakas nito nabitawan niya si Cael at napaluhod siya sa sahig.
Umuusok ang likuran niya, nalusaw ang leather jacket at nalapnos ang balat niya sa likod.
Napahiyaw siya sa sakit. Dahan-dahan niyang nilingon ay may gawa nito.
Sa kabilang panig ng kwarto ilang dipa ang layo sa kanya nakatayo si Lexine, nakataas ang kamay nito habang naglalabas ng puting liwanag. Hirap na hirap ang mukha, namumuo ang mga luha sa mata at pilit na nagpapakakatatag.
"Night, please stop this," tuluyang tumulo ang mga luha ni Lexine. She don't have any choice but to fight him. At sobrang nadudurog ang puso niya ngayon sa mga nakikitang nangyayari sa prinsipe ng dilim.
Unti-unting tumayo si Night at humarap sa kanya. Tinitigan siya ng maitim nitong mga mata habang nangingibabaw ang itim na mga ugat sa kanyang gwapong mukha.
"Lexine… are you going against me?"
Nahigit ni Lexine ang hininga at umiling, "Please, itigil mo na 'to. Nakikiusap ako Night."
"Aren't we going to fight together?" nagsimulang humakbang si Night. Napaatras si Lexine sa takot.
"No… hindi sa ganitong paraan, Night, please… itigil mo na 'to." patuloy ang pagpatak ng kanyang mga luha.
Dahan-dahang lumalapit sa kanya si Night, "Are you now opposing me Lexine?"
Muling umatras si Lexine at tinaas ang dalawang nagliliwaag na mga kamay, "Please, I don't want to fight you."'
NIGHT! KILL HER!!!
Isang malakas na sigaw ang dumagundong sa isip ni Night.
Kill her? Tinitigan niyang mabuti ang umiiyak na mukha ni Lexine. Why would I kill her?
KILL HER NIGHT! SHE WILL KILL YOU! YOU NEED TO KILL HER!
No! Not her, I can't kill her. She's Lexine.
NO NIGHT! SHE IS NOT LEXINE! KILL HER! NILILINLANG KA LANG NIYA. GINAGAMIT NIYA ANG MUKHA NI LEXINE. KILL HER!!!
Kill. Her.
Dumilim ang mukha ni Night at sa isang iglap hawak na niya sa leeg si Lexine.
KILL HER! KILL HER! KILL HER!
"N-night… please, I know you can hear me," pinilit ni Lexine na magsalita sa kabila nang paghihirap na makahinga. Pinili niyang inangat ang mga kamay ay hinaplos sa mukha si Night habang patuloy na tumutlo ang kanyang luha.
"Lumaban ka Night, please, alam kong m-mabuti… ang p-puso mo. Labanan mo siya. Alam kong k-kaya mo… p-pigilan ang demonyong sumasakop sa'yo," tinitigan ni Lexine nang buong pagmamahal ang mga itim na mata ni Night.
Sa kabila nang nakakatakot nitong itsura, nangingibabaw pa rin ang pag-ibig niya dito at sa paniniwala na mabuti itong nilalang. Na mas nangingibabaw ang pagmamahal at kabutihan sa puso nito.
KILL HER NIGHT DON'T GET FOOLED BY HER!!!
Mas humigpit ang hawak ni Night sa leeg ni Lexine, umuubo na si Lexine sa labis na hirap pero hindi siya susuko. Lalaban niya ang demonyo, sabay silang magtutulungan ni Night. Hindi niya ito bibitawan katulad nang hindi nito pagbitaw sa pagmamahal nila. Kahit na anong mangyari o pagsubok man ang kailangan nilang pagdaan.
Mahal niya ang prinsipe ng dilim at naniniwala siyang mabuti ito.
"Night…. I love you…" aniya sa naghihirap na tinig.
Ang tatlong salita ang nagpabalik sa katinuan ni Night. Tila isa itong mainit na ilaw na nagbigay ng liwanag sa kadilimang bumabalot sa kanya. Mga tatlong salitang nagmula sa nag-iisang babaeng nagbibigay sa kanya ng pag-asa na lumaban sa mundong makasalanan. Mga tatlong salitang pinanghahawakan niya upang patuloy na magpakabuti at magmahal.
Pagmamahal.
"Lexine?" binitawan ni Night ang leeg nito. Unti-unting bumalik ang kanyang diwa. Nanlaki nang husto ang mga mata niya sa gulat. Ano ang nangyari?
Napaupo si Lexine habang umuubo at hinahabol ang hininga. Inikot ni Night ang mata sa paligid, nasusunog ang buong suite, magulo ang buong paligid habang bawat isa ay sugatan at takot na takot ang mga mata na nakatitig sa kanya.
Siya ba ang may gawa ng lahat ng ito?
"What have I done?" bulong niya sa sarili.
Tumingala si Lexine at sinubukang lumapit, "Night…"
Napailing si Night sabay umatras. Sinaktan niya si Lexine. Sinaktan niya ang mga kaibigan niya. Muntik na niyang patayin ang mga ito at kasalanan niya ang lahat.
Binalot siya nang matinding takot. Paano kung sa susunod tuluyan na niyang masaktan si Lexine? Bumalik sa alaala niya ang masamang panaginip.
No! Hindi niya hahayaan na magkakatotoo ang panaginip niya. Hindi niya sasaktan si Lexine. Hindi siya papayag. Hindi niya hahayaan na magtagumpay ang 'demonyo.'
Kailangan niyang lumayo.
Tinignan niya sa huling pagkakataon si Lexine, gagawin niya ang lahat upang protektahan ito. Lalong lalo na sa kanyang sarili.
"I'm sorry Lexine… I'm so sorry…"
Ito ang mga huling salitang binitawan niya bago mabilis na hinakbang ang mga paa at tumalon sa sirang bintana.
"Night!" nagmadaling humabol si Lexine at dumungaw sa bintana pero wala siyang ibang nakita kung hindi madilim na daan. Nawala na agad ito.
"Night! Night! Night!"
Paulit ulit niyang tinatawag ang pangalan nito pero tanging malamig na kadiliman ang sumagot sa kanya.