NAABUTAN ni Devorah si Lexine kasama si Miyu at Ansell sa isang coffee shop. Biglang nanlisik ang mata ni Lexine sa galit nang makita na nakatayo si Devorah sa likuran nila.
Si Miyu naman na mabilis na tumayo at tila dragon na susugurin na ang babae, "How dare you show your face here!"
Agad siyang pinigilan ni Ansell. Napatingin na ang ibang customer sa kanila dahil sa lakas ng sigaw niya but she don't give a damn.
"Anong ginagawa mo dito?" matigas na sabi ni Lexine.
Dahan-dahang lumapit si Devorah, "Lexine please, listen to me first. Mali ka nang iniisip. Wala kaming ginagawang masama ni Night, mahal na mahal ka ni Night hindi niya magagawang lokohin ka."
Natigilan si Lexine.
"Pero ano ang tinatago niyo sa akin?"
Nasa mukha ni Devorah ang labis na paghihirap. Sana mapatawad siya ni Night sa gagawin niya. Pero ito ang alam niyang tama.
"Sumama ka sa akin, may kailangan kang malaman tungkol kay Night."
Nagtatakang nagtinginan ang tatlo.
Matapos ang kalahating oras nakabalik na sila ng Black Phantom. Nagulat ang lahat nang marinig ang napakalakas na sigaw kahit paakyat pa lang sila ng second floor. Nanlaki ang mata ni Lexine dahil kilala niya ang boses na iyon. Agad silang tumakbo patungo sa presidential suite.
Nagilalas ang lahat sa naabutan nila.
Sa gitna ng sala may pentagram habang napaliligiran ng mga kandila, nakapikit si Eros at pawis na pawis habang paulit-ulit na bumibigkas ng orasyon. Si Elijah na namumutla habang nakakayo sa isang tabi at si Night na nasa gitna ng pentagram habang nakaluhod at nakayuko. Hingal na hingal na si Night at hirap na hirap na siyang labanan ang matinding kadiliman na bumabalot sa kanya.
"Night!!!" natatarantang tumakbo si Lexine upang lapitan si Night pero maagap siyang pinigilan ni Elijah sa bewang, "Bitawan mo ako! Ano ba Elijah!"
"Lexine no! It's too dangerous!" pigil ni Elijah, "Night is not himself, you can't go near him."
Lalong nagimbal si Lexine, "An'ong nangyayari sa kanya? Ano'ng ginagawa niyo?"
"Lexine this is the consequence of the fruit of sin," umiiyak na sagot ni Devorah.
Napasinghap si Miyu sa gulat habang natulala si Lexine, "Fruit of sin? Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Nakipagsugal si Night sa dragon ng kadiliman sa kagustuhan niyang mabawi ka sa mundo ng mga kaluluwa. Ito ang kapalit," malungkot na sagot ni Devorah.
Hindi makapaniwala si Lexine. Panay ang pag-iling niya. Bakit? Bakit kailangan umabot sa ganito? Ginawa ni Night ang lahat ng 'yon para sa kanya. He sacrificed so much for her and all she did was to doubt him.
"Kasalan ko 'to… this is all my fault," nanghihina niyang sambit. Lalong nadudurog ang puso niya habang wala siyang magawa kundi pagmasdan si Night sa paghihirap nito.
Namimilipit si Night sa loob ng pentagram habang naliligo sa sariling pawis.
Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang dumating sila nag-angat ng ulo si Night. Lalong nagimbal si Lexine nang makita ang mukha ni Night na binabalot ng itim na ugat habang itim ang mga mata.
Natulala si Night nang makita si Lexine. At galit na tumitig kay Devorah, "Dev… you promised me…" naghihirap niyang sambit.
"I'm sorry Night but I need to do this," iling ni Devorah.
Dahan-dahang lumapit si Lexine, sinubukan siyang pigilan ni Elijah pero pinigilan naman ito ni Miyu.
Tila napipi si Lexine habang umiiyak at unti-unting lumuhod sa tapat ni Night, sa labas ng pentragram.
Hindi makatingin si Night sa kanya. Hindi nito kayang harapin si Lexine sa itsura niya.
"Night…" bulong ni Lexine, "Night bakit mo ginawa 'yon? Bakit mo kailangan isakripisyo ang sarili mo?"
Sa kabila nang sakit na nadarama pinilit ni Night na magsalita habang hindi pa rin siya makatingin, "It's because I love you so much Lexine. There's nothing in this world that I won't do for you."
Mas lalong nadurog ang puso ni Lexine. His love for her is as vast as a universe, it's scares her. Nalulunod siya sa pagmamahal ni Night. Pagmamahal na pakiramdam niya hindi niya nagagawang pantayan. Masyado na itong maraming sinakrispisyo at nadudurog ang puso niya. Napapikit siya at napailing.
"Night… I'm so sorry if I doubted you… kasalanan ko ang lahat ng ito, kung sana nalaman ko agad na ako si Samm—"
"No Lexine!" Night suddenly growled in a deep doubled voice, he scared everyone. Nahigit ni Lexine ang sariling hininga dahil mabilis na tumayo lahat ng balahibo niya sa takot. He sounded like a beast.
Pinilit ni Night na pakalmahin ang sarili at labanan ang halimaw na nasa loob niya, "Hindi mo kasalanan, wala kang kasalanan. I did it because I wanted to."
"Night…" Lexine tried to reached him pero umatras si Night.
"No… stay away from me Lexine. I … I c-cant… he… he is… c-controlling me…" nasa boses ni Night ang matinding paghihirap na labanan ang kadiliman na pumipilit sumakop sa buong katauhan niya.
"Sino? Sino ang gumagawa nito sa'yo?
Sa gulat ng lahat ay bigla naman sumigaw si Night sa mas nahihirapang boses. Tila magigiba na ang buong presidential suite na nakagigimbal na itim na kapangyarihan na pumapalibot dito.
"Lexine!" hinatak ni Elijah si Lexine pero nagpumiglas ito, "Night! Ano ba bitawan mo ako!"
"Take her away from me!!!" Night voice suddenly turned into a 'real' demon.
Nagimbal ang lahat sa takot. He's… changing.
"Ano'ng nangyayari?" nababahalang tanong ni Lexine.
"Arggghhhhhhh!!!!' labis na nagwala si Night, nagpatay sindi ang mga ilaw, namatay ang mga kandila at sabay-sabay na nabasag ang mga bintana at salamin, "Argggggghhhhhh!"
Biglang huminto sa pagbigkas ng orasyon si Eros dahil masyado nang malakas ang itim na kapangyarihan na pumapalibot kay Night hindi na niya kaya. Diretso siyang natumba sa sahig.
"Eros!" dinaluhan siya agad ni Devorah.
Namumutla si Eros habang nakatingin kay Night, "I can't protect him anymore, he's too powerful…" anito sa naghihirap na boses.
Napatakip sa bibig si Lexine nang biglang tumayo si Night, tumingala habang nababali ang mga buto nito. Patuloy ito sa pagsigaw nang malakas. Bigla nang lumindol ang paligid. Lalong nabahala ang lahat sa nangyayari.
Napakalakas na kapangyarihan ng halimaw na pilit pumapasok sa loob ni Night at kinokontrol siya. Alam niyang malapit na siyang matalo. Pagod na pagod na siyang lumaban.
"Eros! Elijah! Tie me up!"
Natulala ang dalawa sa sinabi nito.
"NOW!!!"
Kahit nanghihina ay tumayo si Eros at gumawa ng spell, tinulungan na ito ni Miyu at sabay nilang ginamit ang mahika. Mga umiilaw na kadena ang lumitaw mula sa sahig at parang mga ahas na gumalaw at gumapang sa dalawang kamay at paa ni Night.
"What are you doing?!" hindi makapaniwala si Lexine. She tried to potest pero maagap siyang pinigilan ni Ansell.
"Lexine! Hindi na siya si Night, something is controlling him."
Napailing si Lexine, "No… no, no, no…"
Bumaluktot si Night at hingal na hingal habang patuloy ito sa pag-ungol, "Get out! All of you get out!"
"No.. Night, hindi kita iiwan!" sigaw ni Lexine.
"Putangina Lexine! Hindi ko na kaya! Hindi ko na siya kaya… labas! Lumabas kayong lahat! Arghhhhhhhhhhhh!"
"Umalis na kayo, kami na ang bahala dito!" sigaw ni Miyu habang patuloy nilang nilalabanan ni Eros ang nagwawalang si Night. Tila isa itong hayop na nais kumawala sa kadena.
"No… hindi ko iiwan si Night!"
Pero wala nang nagawa si Lexine nang hatakin siya ni Elijah, "Bitawan mo ako! Night! Night!" tila batang binitbit ni Elijah si Lexine palabas ng kwarto habang sumunod sa kanila si Ansell at Devorah.
Agad sinara ni Elijah ang pintuan nang makalabas sila.
"Elijah ano ba! Papasukin mo ako!"
"Lexine!!! Mapapahamak ka kapag lumapit ka sa kanya!" sigaw ni Elijah.
"Tama siya Lexine, Night is not himself anymore, please don't make this hard on him. Nahihirapan na siya."
Natahimik si Lexine sa sinabi ni Devorah wala siyang nagawa kung hindi magtakip ng mukha at nanghihinang sumandal sa pader habang naririnig ang mga sigaw ni Night sa loob. Tinakpan niya ang dalawang tenga dahil hindi kinakaya ng puso niya na marinig itong naghihirap.
"Eros, we need to put a barrier," suwestiyon ni Miyu. Nahihirapan na sila dahil anumang sandali maaring makawala si Night at katapusan na nilang lahat sa oras na mangyari ito.
"Okay, I'll do it. Keep the chain," sabi ni Eros.
Tumungo si Miyu, this time dalawang kamay na ang ginamit niya at binuhos ang lahat ng lakas upang kontrolin ang mga kadena upang hindi makawala si Night.
Pumikit si Eros at mabilis na nagbigkas ng ritual upang bumuo ng barrier. Umangat ang nagliliwanag niyang mga kamay habang isang asul na transaparent na liwanag ang pumalibot kay Night. Binuhos niya ang lahat ng natitirang lakas upang gawin ang pinakamatibay na barrier. Nang masigurong sapat na ito. Dahan-dahan niyang binaba ang mga kamay.
Labis na nagimbal ang dalawa nang sumigaw si Night na parang isang napakabagsik na halimaw. "Raaaaaaaawwwwr!!!"
Sinubukan ni Night na tumalon sa kanila upang umatake pero nakuryente ito sa barrier. Lalong nagwala si Night at tila isang mabagsik na hayop na paulit-ulit na binabanga ang sarili sa barrier pero sa tuwing ginagawa niya iyon ay nakukuryente siya.
Hindi makapaniwala si Miyu sa nakikita. Labis na nakagigimbal ang itsura ni Night maging tuhod niya ay nanginginig na sa takot pero pinipilit niyang magpakatatag. Kailanman hindi niya naisip na makikita mismo ng dalawa niyang mga mata ang pinakanakakatakot na halimaw sa buong mundo.
"Raaaaaaaaaaaawwwwwrrrr!!!"