Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 211 - Cursed mountain

Chapter 211 - Cursed mountain

SA LUMIPAS na napakaraming taon, nanatiling tago ang Cursed Mountain sa buong mundo. Matatagpuan ito sa gitna ng malaking kagubatan sa probinsya ng Ilocos Norte. Ngunit, dahil sa isang protection spell na gawa ng kapangyarihan ni Yna. Invisible ito sa mata ng mga tao.

"Nandito na tayo," tumigil sila sa tapat ng dead end na parte ng kagubatan.

Napakunot ang noo ng bawat isa. Wala silang nakikita kundi batong pader.

"Saan?" tanong ni Miyu kay Devorah.

"Dito. Dito ang sikretong lagusan patungo sa cursed mountain," may kinuha si Devorah sa bulsa niya na isang maliit na telang pouch. Sa loob nito ay may lamang puting pulbos. Kumuha siya ng kaunti at tinapon sa pader na bato.

Biglang nalusaw ang dead end at unti-unting lumabas ang totoong tanawin na tinatago ng spell.

Sabay-sabay na napanganga si Eros, Elijah, Lexine, Night at Miyu nang tuluyang lumitaw sa harapan nila ang madilim at nakakatakot na daanan. Magkakadikit ang mga sanga ng patay na puno na tila naging isang tunnel na kailangan nilang sundan upang marating ang cursed mountain.

"How did you know about this Dev?" tanong ni Elijah.

"Yna is a good friend of our ancestors," sagot ni Devorah.

Muling pinagmasdan ni Elijah ang daan na tatahakin nila. Napakakapal ng fogs, napakadilim, walang makikita kundi patay na mga sanga at puno. Kinalibutan siya nang husto.

"Fuck, this looks like a horror movie," he can't hide the chill in his voice.

Maging si Lexine ay natatakot. Tumataas ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Humigpit ang kapit niya sa braso ni Night at siniksik ang sarili na parang batang nakalingkis at ayaw bumitaw sa magulang.

"Hey… I'm here. I'll protect you," hinaplos ni Night ang kamay niyang nakakapit.

Kahit paano ay nawala ang kaba niya, "Sige, basta sasapakin mo ang multo ha," aniya.

Night chuckled, "Don't worry kapag may lumabas na halimaw diyan itutulak ko si Elijah," sagot ni Night.

"Hey! Bakit ako?"

"Come on, simulan na natin maglakad para matapos na 'to," nag-unat ng leeg si Miyu saka ito na ang naunang naglakad papasok sa nakakatakot na daan.

Sumunod na rin ang lima sa kanya.

Magkahawak kamay si Eros at Devorah, Night at Lexine habang nauunang naglalakad si Miyu. Si Elijah na panay tingin sa kaliwa't kanan na parang batang natatakot sa isang horror house.

Nang may narinig silang kaluskos sa isa tabi ay natatarantang sumiksik si Elijah kay Miyu at parang batang lumingkis sa braso nito.

"Babe, I'm scared," he pouted like a three year old.

"Ano ba, bitawan mo nga ako," binawi ni Miyu ang braso pero hindi siya binitawan ni Elijah.

"You're so mean. Tignan mo sila doon ang sweet nila hindi ka ba naiingit?" nginuso ni Elijah ang dalawang couple sa likod.

Umikot ang mata ni Miyu, "Bakit naman ako maiingit? At pwede ba bitawan mo nga ako, ang laki ng katawan mo natatakot ka sa puno?"

Pero syempre arte lang ni Elijah 'yon hindi naman talaga siya takot, gusto niya lang maka-tsansing kay Miyu.

"I'm scared nga…" mas lalo niya pang siniksik ang mukha sa balikat nito.

Bumungtonghininga na lang si Miyu at umiling. Nagpatuloy pa sila sa paglalakad ng ilang minuto nang makarinig sila ng sunod-sunod na tunog ng nababaling sanga.

"Ano 'yon?" alertong umikot ang ulo ni Eros.

Hinanap nila ang pinangagalingan ng tunog. Masyadong madilim kaya nahihirapan silang makita ang paligid. Paglingon ni Devorah sa likuran nanlaki ang mata nito at may tinuro.

"Guys!"

Sabay-sabay silang lumingon sa tinuturo nito. Isa-isang nagkabuhay ang mga patay na puno. Dumilat ang nagtatagong pulang mga mata at humiwalay ang mga ugat nito sa lupa saka dahan-dahan humakbang palapit sa kanila.

"Shit!"

Mahigit anim ang nabuhay na puno. Agad pinalabas ni Night ang espadang si Gula, lumabas ang pangil ni Elijah at namula ang mga mata, Si Eros naman at si Miyu ay nagtaas ng nagliliwanag na mga kamay na handa nang gumamit ng mahika.

Agad sumugod ang mga halimaw na puno sa kanila. Hindi nila inaasahan ang humahaba pala ang mga sanga nito at parang si Lastikman at inatake sila. Nasira ang lupang tinamaan nito kasabay nang pag-iwas nila. Nagkahi-hiwalay ang lahat dahil sa dami ng mga sanga na umaatake..

Nagpalabas ng mahika si Eros at Miyu upang labanan ang mga ito, habang hinuhumpas naman ni Night si Gula upang sirain ang mga sanga. Bumagsak sa lupa ang isang piraso nang pinutol na sanga ni Night. Pero nagulat si Lexine nang biglang nagkabuhay ang sanga at lumaki na parang higanteng bulate. Mabilis itong tumalon papunta sa kanya.

"Lexine!" mabilis na hinampas ni Night ang espada, lumabas ang asul na apoy mula doon at tinamaan ang sanga. Nasunog ito at bumagsak sa sahig.

"Fire…" bulong ni Lexine. Kailangan nila ng apoy para masunog ang mga kahoy.

"Night! Apoy, sunugin natin sila!" sigaw ni Lexine.

Narinig ni Miyu at Eros ang sigaw niya.

"Sige, kami na ang bahala!" sabi ni Eros.

Nagdikit ang likod ng Eros at Miyu at sabay na nag-chant ng isang spell. Umilaw pareho ang kanilang dalawang kamay, kasabay ng mga mata. Lumabas ang mga bolang apoy at isa-isa nila itong hinagis sa mga halimaw na puno.

Tinamaan ang bawat isang halimaw at natupok ng apoy. Natalo nila ang mga kalaban.

Pero hindi pa man sila nakakapagdiwang nang muli nilang narinig ang ingay ng mga napuputol sa sanga. Nabubuhay pa rin ang ibang mga puno sa paligid.

"Shit! Takbo!" sigaw ni Night.

Sabay-sabay silang tumakbo palayo habang hinahabol ng mga halimaw na puno.