"REMEDIUM INVENIRE, remedium invenire, ostende mihi responsum, interficere ac tenebras…"
Patuloy na binibigkas ni Eros ang ritual habang nakaupo si Night at napagigitnaan ng mga kandila. Sa tabi niya tensyonadong nanonood si Devorah, umaasa na sana ay magtagumpay sila.
Ngunit, matapos ang ilang ulit na pagsubok ay nabigo pa rin si ang warlock. Naputol ang orasyon ni Eros at bumagsak ang balikat. Kasabay nitong namatay ang mga nakasinding kandila.
Dahan-dahang dumilat sa Night.
Malakas na bumuntonghinga si Eros, "I'm sorry, Night. I did try but… it's hard to reversed," apologetic na sabi ni Eros.
Lalong nanlumo si Devorah sa narinig samantalang nanatiling walang imik si Night.
"Pero hindi tayo susuko, kung kinakailangan na aralin ko lahat ng mga ritual sa iba't ibang spellbook ng aming pamilya, gagawin ko Night. We will find a way to break the curse."
Tipid na tumungo si Night pero halata sa mata nito ang kabiguan, "Thanks Eros, Dev, I need to go, susunduin ko pa si Lexine," agad tumayo si Night at humakbang papuntang pinto.
Bago pa man siya makalabas ay nagsalit ulit si Devorah.
"Night!"
Natigil si Night.
"Hindi mo pa rin ba sasabihin kay Lexine? She needs to know about your situation."
Nagtigas ang bagang ni Night. Muli niyang naalala ang masamang bangungot kagabi at ang mga salita ni Santi sa kanya. A big part of him was saying no, he can't let her know. Natatakot siya hindi dahil sa maaaring maging reaksyon ni Lexine. Dahil ang totoo ay natatakot siya na baka totoo ang sinasabi ni Santi. Hindi niya kakayanin kung magiging dahilan siya upang mapahamak si Lexine. Hindi siya papayag.
"No, she can't know about this."
Ito ang huling sinabi ni Night bago nagmadaling umalis. Naiwan si Eros at Devorah. Nagkatanginan sila at parehong napabuntonghininga.
**
TAHIMIK na nag-aabang si Ansell sa loob ng pulang hyundai genesis habang nakaraparada sa tapat ng school gate ng X University. Hawak niya ang dalawang ticket para sa Black Swan, isa itong ballet show na gaganapin sa Solaire Theater. He wanted to surprise Lexine kaya bumili na siya agad ng ticket.
Chineck niya ang wrist-watch, five minutes before five pm. Inabala niya muna ang sarili sa pag-aayos ng buhok sa rear view mirror nang matanaw niyang huminto ang pamilyar na black R8 Audi Coupe.
Lumabas mula sa drivers seat si Night saka naman sakto na lumabas ng gate si Lexine kasama si Miyu. Masayang sinalubong ni Night si Lexine at hinalikan sa labi. Di nagtagal at sumakay na sila ng sasakyan at humarurot paalis ang kotse.
Naiwang tulala si Ansell at napabuntonghininga. Shit, bakit kasi umaasa pa siya na magkakaroon ng time sa kanya si Lexine gayong naka-bakod ang nobyo nito bente kwarto oras. Nanghihinayang na tinignan niya ang dalawang ticket sa kanyang kamay. Sa inis niya, binaba niya ang bintana at tinapon ang ticket.
Sakto naman na napadaan si Olive at nakita ang nangyari. Napakunot ang noo niya, kilala niya niya ang lalaking 'yon. Isa ito sa mga kaibigan ni Lexine na nakita niya nang magising siya sa Black Phantom. Napansin niya agad ang dalawang yellow ticket na nasa sahig.
Bago pa man tuluyang umandar paalis si Ansell ay mabilis niyang kinuha ang ticket at humabol sa lalaki.
"Wait! Sandali!"
Agad napaapak sa break si Ansell nang mapansin sa side mirror na may babaeng humahabol sa likuran niya. Teka, hindi ba't ito ang werewolf na niligtas nila Lexine noong isang araw?
Nakaabot si Olive sa kotse ni Ansell at parang batang nilusot ang ulo sa bintana sa drivers seat. Nagulat sa Ansell sa kilos nito.
"Hey! Bakit mo 'to tinapon? Sayang naman," nakangusong sabi ni Olive.
Kumunot ang noo ni Ansell, "Hindi ko na kailangan."
Lalong humaba ang nguso ni Olive, "Ha? Sayang naman."
"Kung gusto mo sa'yo na gamitin mo," walang ganang sagot ni Ansell.
Nanlaki ang mata ni Olive sa tuwa, tapos agad may naisip.
"Eh dalawa 'to. Malungkot naman kung manood ako ng mag-isa, bakit hindi na lang tayo pareho manuod?"
Napatingin si Ansell sa babae. Malaki ang pagkakangiti nito na mas maliwanag pa sa araw. Ngayon niya lang napansin na cute pala ito sa malapitan. Singkit, maliit ang mukha at may dimples.
Napaisip siya sandali. Sayang din ang binayad niya, "Okay, hop in."
Parang bata na animo pinayagan maligo sa ulan si Olive at nagmamadaling sumakay ng kotse. Agad itong nag-seatbealt pagkaupo sa passengers seat na para bang handa na sa roller coaster ride.
"Let's go!" masiglang sigaw sabi nito.
Napangisi si Ansell, parang may kasama siyang seven year old.
**
ANG KALIWANG kamay ni Night ang nakahawak sa manibela ng kotse habang ang kanan naman ang nakahawak sa kamay ni Lexine. Tahimik lang ang tatlo sa loob. Panay ang tinginan ni Miyu at Lexine sa rear view mirror.
Dahil sobrang awkward ng katahimikan kaya naisipan ni Lexine na buksan ang entertainment function sa screen at sinimulang magpatugtog. Nasa kalagitnaan na sila ng "Boy with Luv" by BTS nang biglang mag-ring ang ringing tone ng cellphone ni Night na naka-connect sa bluetooth speaker. Isang unknown number ang tumatawag.
"Hindi mo ba sasagutin baka importante?" tanong ni Lexine nang mapansin walang balak sagutin ni Night.
Tumikhim si Night bago sumagot, "Hmm… baka, telemarketing lang 'yan…"
Naningkit nang husto ang mata ni Miyu sa narinig. Napatingin si Lexine sa likuran at nagtama ang mata nila ni Miyu. Bumuka ang bibig nito na walang tunog pero naintindihan niya ang sinabi nito.
"Babae niya yan!"
Pakiramdam ni Lexine tinapon ang kaluluwa niya sa ibang planeta.