NAGKITA-KITA ang lahat sa Black Phantom upang simulan ang ritual. Sa maluwag na sala ng presidential suite ni Elijah nasa gitna ang malaking bilog na pentagram na ginuhit gamit ang himalayan salt. Sa gitna ng mayroon dalawang tatsulok na magkabaliktad kung kaya't nakabuo ng bituin.
Sa palibot ng pentagram nakasindi ang sandamakmak na kandila na siyang nagsisilbing liwanag sa kadiliman. Umaalingasaw ang amoy ng nasusunog na wax na humahalo sa alat ng asin at malamig na temperatura ng paligid. Nakatayo si Lexine sa gitna at sa palibot ng pentagram nakatayo naman si Eros, Miyu at Madame Winona. Hawak ni Eros ang spellbook. Samantalang, si Night at Devorah na nakapwesto sa isang sulok at tahimik na nanonood.
Kumpara noon sa ginawang ritual ni Lilith na nag-alay ng limang buhay dahil kapangyarihan ng kasamaan ang ginamit nito. May ibang ritual na ginagamit ang mga warlock at sorceres, at kumukuha sila ng lakas mula sa kalikasan.
Hinanda ni Lexine ang sarili at taimtim na tumingin kay Night. Ilang sandali pa at nagsimula nang sabay-sabay na bumigkas ang tatlo ng ritual.
"Terra mater, terra mater, audi nos Ut vos…"
"Terra mater, terra mater, audi nos Ut vos…"
"Terra mater, terra mater, audi nos Ut vos…"
Bumaba ang temperatura ng silid, nagliyab ang mga kandila sabay pumikit nang mariin si Lexine habang unti-unting binabalot ang katawan niya nang kakaibang init.
"Terra mater, terra mater, audi nos Ut vos…"
"Terra mater, terra mater, audi nos Ut vos…"
"Terra mater, terra mater, audi nos Ut vos…"
Maririnig ang sabay-sabay at sama-samang boses ni Eros, Miyu and Winona. Palakas nang palakas ang kanilang pagbigkas, umihip ang malakas na hangin, tumaas ang apoy mula sa kandila, hanggang sa binalot si Lexine nang kadiliman at hinatak palayo sa kasalukuyang mundo.
***
NAGMULAT ng mga mata si Lexine sa pamilyar na lugar. Ang payapang langit sa naghahalong kulay orange,purple at pink. Ang malamig na tubig na kinatatayuan niya na nagsisilbing salamin na gumagaya ng repleksyon ng kalangitan. Tila isa siyang maliit na langam sa walang hanggang mundo.
Nagtagumpay sila. Nakarating siya muli sa mahiwagang lugar.
Inikot ni Lexine ang mata, kailangan niyang magmadali at gawin kung ano ang kanyang pinunta. Tinaas niya ang kaliwang kamay at hinawakan ang gintong feather ring na nakausot sa palasingsingan. Pinikit niya ang mga mata at nag-concetrate mabuti.
"Please… ipakita mo sa akin ang hinahanap ko," aniya at dinilat ang mga mata. Tinaas ni Lexine ang dalawang kamay na sabay nagliwanag. Ilang sandali pa at nag-simulang lumitaw ng sabay-sabay ang maraming bubbles mula sa salaming tubig.
Napangiti si Lexine, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na kaya niyang gawin ang bagay na ito.
Napakaraming bubbles of past ang lumulutang sa harapan niya. Tila mga jelly fish na lumalangoy ang mga ito sa dagat at pumapalibot sa kanya habang naglalaman ang bawat ng isa ng iba't ibang piraso mula sa nakaraan.
Saan niya mahahanap ang pakay?
Pinagalaw ni Lexine ang mga kamay habang kinokontrol ang mga bubbles, sinubukan niyang hanapin ang panahon kung kailan nahulog si Lucas. Napakatagal na kung kailan iyon nangyari, napakarami nang bagay ang nagdaan sa mundo.
Para bang naririnig ng mga bubbles kung ano ang nasa isip niya at hindi nagtagal ay lumiwanag ang isang bubbles hindi kalayuan sa kinatatayuan ni Lexine. Napangiti siya.
Tinaas niya ang kanang kamay at kusang lumapit ang bubbles hanggang sa huminto ito sa kanyang harapan. Nasa loob nito ang panahon kung kailan nangyari ang pagbagsak ng mga Anghel mula sa Paraiso ng Eden. Tila nanonood siya ng telebisyon.
Dahan-dahang inabot ni Lexine ang bubbles habang kinabahan. Nang sandaling dumikit ang daliri niya dito, agad itong sumabog, binalot siya nang nakasisilaw na liwanag, at hinigop papasok.
***
HINDI MAINTINDIHAN ni Ansell kung saan nangagaling ang energy ng batang katabi niya. Obviously, sa klase ng classical music na sinasayaw ng mga ballerina na nagpe-performed nang mga sandaling 'yon, hindi naman nakakabigla ang ginagawa nila para pumalakpak nang ubod ng lakas at sumigaw.
"Wooooh! Bravo! Splendid! Amazing! Woooooh!"
Kanina pa sila pinagtitinginan ng mga taong nanonood din sa paligid nila. Hindi nakatiis si Ansell sa kahihiyan na dinadanas kaya pinigilan na niya si Olive.
"Shhh, can you please quiet down? Hindi naman tayo nanoood ng concert, ballet play ito," saway niya sa babaeng nakalaklak ata ng isang galon ng milo at walang ka-energy-energy gap sa katawan.
"Ang galing kasi nila. Parang wala silang buto sa katawan, kahit bending nga hirap na hirap akong gawin," masiglang sabi ni Olive.
Napalatak si Ansell sabay napakamot sa ulo, "I know, but toned down. Nakakahiya sa ibang tao," aniya.
Tila doon lang napansin ni Olive ang paligid at nahihiyang bumaling sa mga tao na panay ang pag-iling sa kanya habang nakabusangot ang mga mukha.
Napalunok siya sa hiya sabay nag-peace sign sa mga ito. Halos magpalamon na sa lupa si Ansell sa labis na hiya at umiiling na pumalumbaba sa arm rest ng upuan sabay takip ng isang palad sa mukha. Umusog pa siya kahit wala na siyang uusugan. Kinahihiya niyang kasama niya si Olive. Bakit ba kasi siya sumama sa batang ito?
Natapos ang show at lumabas na sila ng theater.
"Ang ganda, nag-enjoy ako!"
Umikot ang mata ni Ansell at umismid, "Mukha nga, in fact, ikaw ang pinakanag-enjoy sa lahat ng mga nanood," he sarcastically said.
"First time ko kasi makanood ng ballet show. Teka nga, bakit pala may ticket ka ng Black Swan? Wala sa itsura mo na fan ka ng ballet."
Sinuot ni Ansell ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa, "It's not really for me. It's for…"
Natigil si Ansell at hindi maituloy ang sasabihin. Napakunot ang noo ni Olive at dinikit ang mukha sa kanya. Napaatras naman si Ansell sa akto ng bata.
Naniningkit ang mga mata nito na nakatitig sa kanya ng mabuti, "Hulaan ko. Sa babaeng gusto mo."
Agad namula ang tenga ni Ansell. May pagka-mind reader din ba ang mga werewolves?
Lumaki ang pagkakangisi ni Olive, "Sabi ko na eh. Ano, nabasted ka ba?" pag-uusisa nito.
"It's not like that. Hindi ko naman sinabi sa kanya na bumili ako ng ticket."
"Ahh… kaya pala tinapon mo. Teka, sa university ba namin nag-aaral ang babaeng gusto mo kaya nakita kita doon?"
Nagtaas ang isang kilay ni Ansell, "Ang dami mong tanong. Mabuti pa, kumain na lang tayo. Saan mo gusto?"
Nanlaki ang mata ni Olive, "Libre mo?"
Napangisi si Ansell, para talaga itong cartoon character sa facial expressions ng mukha nito. She's small and petite. He can't imagine na isa itong werewolf sa nipis ng katawan at kung kumilos parang hindi na nakaalis ng elementary school. Sa katunayan sa liit nito papasa pa itong grade six.
"Okay fine, ano nga gusto mong kainin?"
Olivie shrieked like a little girl who got her candy, tinusok pa nito ang hintuturo sa pisngi, tumingala sa kisame at nag-isip.
"Japanase!"
"Okay, japanese. I know a good place."
Dinala niya si Olive sa paboritong japanese restaurant nila ni Lexine sa BGC, Taguig. Napakarami nitong order daig pa ang tatlong tao. Isang malaking bowl ng ramen, twelve pieces na california maki, at katsudon.
"Sigurado kang kaya mong ubusin lahat 'yan?" pinagmasdan ni Ansel ang orders nito kumpara sa order niya na isang maliit na bowl ng ramen.
"Oo naman. Kulang pa nga 'yan eh. Pero nakakahiya naman sa'yo kaya eto lang muna ang inorder ko."
He chuckled, "Nahiya ka pa sa lagay na 'yan?"
"Duuh! Ano akala mo sa akin makapal ang mukha?"
"Kung ano ang nipis ng katawan mo siyang laki ng bituka mo."
Olive giggled, "Hindi mo maiintindihan kasi tao ka. Iba ang appetite naming mga werewolves."
Kumibit balikat na lang si Ansell, "Mabuti pa kain na tayo. Itadakimasu!" at parang batang gutom na kumain si Olive.
Naiiling na lang si Ansell at kumain na rin. Habang pinagmamasdan niya si Olive, biglang sumagi sa isipan niya si Lexine. Naalala niya na ang huling beses na kumain sila dito ay noong pagkatapos nitong mag perform sa FAMAS Awards, bago sila nagpunta ng concert.
He remember how Lexine nagged her about his ex Coleen. That time, when Lexine asked him kung sino ba ang babaeng gusto niya. He badly wanted to say its her. It's Lexine all along. Mula noon hanggang ngayon.
Sometimes, he still cant help to reminisce those moments. Ang mga panahon na normal pa ang lahat sa buhay nila ni Lexine. Walang demonyo, walang peligro, walang Lucas, walang Night.
Mga panahon na masaya lang sila, nag-aasaran at nagkukulitan. Kung magkakaroon lang siya nang pagkakataon na balikan ang lahat. Sasabihin niya kay Lexine ang totoong nararamdaman. Liligawan niya ito.
Pero ang mali niya ay hindi niya ginawa dahil naduwag siya na masisira ang pagkakakibigan nila. At hanggang ngayon ay duwag pa din siya.
Pumasok sa alaala niya ang mga salita ni Miyu.
"Just be a man and tell her, that's it."
Humigpit ang hawak niya sa chopstick. He badly hopes he can have all the courage to say to Lexine how much he loves her.