Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 205 - Can I do it?

Chapter 205 - Can I do it?

"WHAT IS YOUR plan Lexine?" tanong ni Eros.

Kasalukuyan silang nagpupulong-pulong sa private room. Matapos nilang malaman ang sikreto ni Lucas mas lalo silang nakaramdam ng kaba at takot. Ngunit, kailangan nilang magpakatatag at lumaban.

Nakatayo si Lexine sa gitna at tumingin sa bawat isa, "Noong dinukot ako ni Lilith, may ginawa siyang ritual upang lumabas ang natutulog kong kakayahan. Dinala niya ako sa isang mahiwagang lugar. Hindi ko alam kung ano ang tawag doon basta ang naaalala ko lang, sinabi ni Lilith sa lugar na 'yon hindi gumagana ang oras at panahon. Noong tumalon ako sa mata ng Samsara at narinig ang isang mahiwagang boses. Nakabalik ako ulit doon."

Tahimik lang ang bawat isa habang nakikinig sa kanya, "Kailangan kong makabalik sa mahiwagang lugar na 'yon dahil doon ko magagamit ko ang kakayahan ko. Nagawa kong makita ang mga bubbles of past, present and future when I was there. I need to see the past when Lucas was fallen…" saglit siyang huminto at humugot ng hangin sa dibdib.

"Makikita ko kung sino ang kumuha. Kailangan natin maunahan si Lucas. Hindi ko siya hahayaang makuha ang espada, we need to find and destroy it!"

Mas bumigat ang tensyon sa paligid ngunit, lahat ay sang ayon sa gusto niyang mangyari.

"Tama si Lexine, kung masisira natin ang espada ni Lucas. Hindi na niya ito magagamit, mas malaki ang tsansa natin na matalo siya," paliwanag ni Night.

"We have the athame with us, we can use that to kill him," dugtong ni Eros.

"But I need your help Miyu, Eros at pati na rin si Madame Winona. Kailangan kong makabalik sa mahiwagang lugar na 'yon," saad ni Lexine.

Sumagot si Miyu, "Don't worry, we can do it. I'll call my mom," nagpalitan sila nang tingin ni Eros at tumungo ang huli sa kanya.

"Yes, I know which ritual to do," dugtong ni Eros.

"Thank you!" sinserong pasasalamat ni Lexine.

"But… pwede bukas na lang natin gawin ang ritual? It's been a very exhausting day for everyone. We need to rest," Elijah suggested.

Sumangayon si Devorah, "Yeah. Magpahinga muna ang lahat at maari natin simulan ang ritual bukas."

Everyone agreed to call it a day.

**

MABILOG AT MALIWANAG ang buwan sa madilim na kalangitan. Taimtim na pinagmamasdan ni Lexine ang ganda nito habang nakatayo siya sa harap ng malaking bintana.

Ilang sandali pa nang maramdaman niya ang pamilyar na init ng katawan ni Night sa kanyang likuran. Kinulong siya ng mga braso nito at pinagdikit ang kanilang ulo at sabay nilang pinagmasdan ang buwan.

Bumuntonghinga si Lexine, "Night… sa tingin mo ba ay makakaya kong mahanap ang espada?"

Saglit na natigilan si Night, nagpatuloy si Lexine, "Minsan… sa totoo lang. Hindi ko alam kung kaya ko ba talaga ang mabigat na misyon na binigay sa akin ng Diyos. Nakakatawang isipin pero, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko. All I want is a simple life… mag-aral, magtrabaho, mabuhay nang tahimik. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mabitawan ang mga bagay na 'yon… I still doubt myself Night. I'm still afraid. Pinipilit ko lang na maging matatag, maging matapang at kayanin ang lahat ng ito."

Pinihit ni Night si Lexine paharap sa kanya. He can see the fear and uncertain in her almond shape eyes. He understand what she's been going through. Lexine is a dreamer, she grew up in a normal family. And then one day, everything changed in a snap. Dalawang beses itong nabuhay, dalawang beses na lumaking normal, at dalawang beses din na binigla ng tadhana.

Hindi madaling tangapin para sa katulad nito ang lahat. Sino ba ang magnanais na maging kumplikado at mapanganib ang buhay nila? But Lexine is a strong girl and he believes in her.

Hinaplos niya ang magkabila nitong pisngi, "Lexine… you are more than what you think you are. You just have to believe in your heart. You don't have any idea how powerful you are. Kahit ang isang napakasamang demonyo na katulad ko ay nagawa mong palambutin at turuang magmahal. You opened the hidden light in my dark heart. You melted the stone ice in my soul. Now tell me… ano ang hindi mo kakayanin sa mundong ito?"

Napangiti si Lexine sa mga narinig mula sa nobyo. Hinalikan siya ni Night sa noo, "Hindi ka nag-iisa sa labang ito. Marami ang tutulong sa'yo. This mission was given to you because you can. There's nothing imposible in this world with a heart as pure as yours."

Muling naalala ni Lexine ang mga salita ng kanyang ina na si Leonna, ganito rin ang mga bagay na sinabi nito sa kanya. Tama ang kanyang ina, tama si Night, tama ang mga kaibigan niya. She can do this. She win this fight. At nagpapasalamat siya nang lubos sa Maykapal dahil pinagkalooban siya nito ng mga kaibigan na magiging sandalan niya at mapagkukuhanan ng lakas.

"Salamat Night, ikaw ang nagbibigay sakin ng lakas para lumaban," hinaplos ni Lexine ang palad nitong nasa pisngi niya.

"Mahal na mahal kita Lexine, pangako, pagkatapos ng digmaan ito… matutuloy mo ang mga pangarap mo."

Lumobo ang puso ni Lexine sa narinig mula sa nobyo, ang mga salita nito ang pinagkakapitan niya para magpatuloy sa malupit na mundo. Na patuloy na mangarap na may magandang bukas ang darating.

"Mahal na mahal din kita Night."

Nagtagpo ang kanilang mga mata at sa ilalim ng magandang buwan, milyong-milyong bituin at malamig na gabi, unti-unting binaba ni Night ang mukha at hinalikan ang kanyang labi.

Binuhat siya ni Night patungong kama nito at pinaulanan ng mas maraming halik. Sa mga labi nito lumalakas siya, sa mga haplos nito tumitibay ang puso niya, sa piling ng kanyang prinsipe mula sa dilim, lalaban siya at walang katatakutan. Hangga't nasa tabi nila ang isa't isa walang makakasira sa kanila.

Night warm kisses went down her neck as his hand gently crawled on her thighs, reaching her underwear. Napapikit si Lexine sa sarap na dulot ng mga halik at haplos nito, mabilis na uminit ang buo niyang katawan kasabay nang pamamasa ng kanyang gitna.

In one swift move, nahubad na ni Night lahat ng saplot niya sa katawan. Bumangon si Lexine at inalalayan itong hubarin ang itim na tshirt. Malaya niyang napagmasdan ang napakamatipuno nitong katawan na burdado ng iba't ibang tattoo. Dahan-dahang hinaplos ni Lexine ang mga tattoo ni Night na tila ba minimemorya ang bawat disenyo nito. Bawat linya, bawat kurba, bawat simbolo.

Related Books

Popular novel hashtag