Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 202 - She will never know

Chapter 202 - She will never know

NAALERTO si Miyu at Elijah. Tumayo si Elijah, "Saan ka pupunta?"

"Stay here," mariing sabi ni Elijah kay Miyu saka ito lumabas ng truck.

Labis na kinabahan si Miyu pero pinilit niyang magpakatatag. Pinagmasdan niya ang mga matatanda na kasama nila sa loob ng truck. Kailangan niyang protektahanan ang mga ito.

"Don't worry, I'll protect everyone. I'm a sorcerres," pumikit si Miyu at pinagdikit ang dalawang palad sa dibdib, sinimulan niyang mag-recite ng isang protection spell para sa limang truck.

Umihip ang malakas na hangin, mas naging alerto ang bawat isa. Tumayo si Elijah sa ibabaw ng truck sa unahan at pinatalas ang mga senses. Matagal na katahimikan ang namayani nang isang iglap, sabay-sabay na lumabas ang mga ravenium demon mula sa apat na direksyon.

Umalulong nang malakas si Orgon at agad nag-transform sa pagiging itim at malaking lobo. Agad na nakipaglaban ang bawat werewolf sa sandamakmak sa demons.

"Fuck, ang dami nila," nababahalang saad ni Elijah. Kung tama ang bilang niya nasa mahigit singkwenta ang sunod-sunod na lumalabas mula sa kakahuyan.

Isang mabagsik na lumilipad na ravenium na may pakpak ng paniki ang sumugod sa kanya mula sa langit, maliksing nakatalon paiwas si Elijah pero may sumugod naman na isa pang ravenium sa kanyang likuran at pinaibabawan siya.

Bukas-sara ang bibig nito habang tumutulo ang itim na likido sa kanyang mukha, "Shit, ang baho nang hininga mo ano ba kinakain mo, tae?"

Mas lalong nagwala ang halimaw, umilaw ang pulang mata ni Elijah, lumabas ang matutulis na pangil at buong lakas na tinadyakan palayo ang ravenium.

Tatlong mababagsik na ravenium demon ang sabay-sabay na sumugod kay Orgon. Umalulong sa galit sa Orgon nang pinagkakalmot siya ng mga ito. Nasundan pa ng dalawa mula sa likuran. Napaliligiran na ito ng mga halimaw.

Nakita ni Elijah ang nangyayari at mabilis na tumakbo upang tulungan si Orgon. Samantala, marami na rin ang umatake sa mga truck. Umiiyak na ang mga bata, babae at matatanda sa labis na takot. Kailangan mag-concentrate mabuti ni Miyu nang sa ganoon ay hindi masira ang kanyang protection spell. Hindi makakapasok ang mga demons sa loob ng truck.

Hinablot ni Elijah ang isang ravenium na nakalingkis sa isang paa ni Orgon at walang awang kinagat ito sa leeg at tinapyas ang balat. Sumirit ang dugo doon at buong pwersa niya itong hinagis sa malayo, tumama ang katawan nito sa dalawa pang halimaw na susugod.

Nagwawala sa galit si Orgon at nahuli nang malaki niyang bibig ang tadyang ng isang ravenium demon at walang awang nilapa nito. Sinipa naman ni Elijah ang isa pang halimaw na nasa likod ni Orgon at hinarap ang natitirang dalawa.

Dumalak ang maraming dugo at umulan ng abo ng mga nasusunog na demonyo. Masyado silang marami at marami na din ang sugatan na mga werewolves. Nababahala na si Elijah dahil maging si Orgon ay masama na rin ang mga sugat.

Napansin ni Miyu ang sitwasyon, kailangan niyang tumulong. Kaykayanin manatili ng spell niya ng ilang segundo. Dinilat niya ang mga mata at hinarap ang mga kasama.

"Huwag kayong matakot, hindi agad masisira ang protection spell. Kailangan ko silang tulungan babalikan ko kayo."

Mabilis na lumabas si Miyu mula sa truck. Mas nagilalas siya sa mga nakita. She need to help them. Tumayo siya sa ibabaw ng truck, pinikit niya ang mga mata at tinaas ang dalawang kamay.

"Ostena mindi sabim!"

Unti-unting gumalaw ang pinakamalaking puno sa isang tabi, mula sa malalim na pagkakatanim sa lupa, kumawala ang mga ugat nito at tila galit na higante at naglakad patungo sa kanila.

Gumalaw ang mga naglalakihang sanga ng puno at mabilis na tinuhog ang mga ravenium demon, sabay-sabay na kumilos ang mga sanga nito upang patayin ang mga halimaw.

Isang nagtatagong lalaking Lethium demon ang nag-oobserba lamang sa mga patayan. Natanaw niya ang biglang pagkabuhay ng malaking puno, hinanap niya kung sino ang may gawa. Napaismid siya ng makita ang babaeng sorcerres.

"Hmp, little witch," mula sa kinatatayuang sanga maliksi siyang tumalon at tumakbo patungo kay Miyu.

Pagharap ni Elijah nakita nang mga mata niya ang pagsugod ng Lethium sa likod ni Miyu, nanlaki ang mata niya at alertong tumalon.

"Miyu!"

Huli na para makakilos pa si Miyu at paglingon niya sa likod malapit na ang Lethium at nakahanda na hawak nitong espada para saktan siya, akala niya katapusan na niya nang biglang lumitaw si Elijah sa kanyang harapan at ito ang tinamaan ng espada sa balikat. Napahiyaw si Elijah sa sakit.

"Elijah!" niyakap ni Miyu ang bampira at galit na hinumpas ang kamay sa Lethium, "Magbabayad ka!"

Lumiwanag ang kamay niya at inangat sa hangin ang Lethium, nanlilisik ang mata niya sa galit. She's ready to give him the final blow.

"Ahhhh!"

"Huwag! Maawa ka, huwag mo akong patayin," pagsusumamo ng demon.

Napaismid si Miyu, "Sana naisip mo 'yan bago kayo sumugod at walang awang pumaslang ng mga inosente."

"P-please… napag-utusan lang ako ng aming Panginoon."

Kahit nanghihina ay pinilit na humarap ni Elijah sa demon, "Ano'ng pinaplano ni Lucas?"

"S-sige sasabihin ko b-basta huwag niyo lang akong patayin," nanginginig sa takot ang demon.

Nagkatinginan si Elijah at Miyu. Tapos bumalik sa mukha ng Lethium Demon.

**

NAKAHIGA si Night sa sofa at nakapikit, sa tulong ng kapangyarihan ni Devorah, ginawaran niya si Night ng proteksyon upang maibsan at malaban ang sakit na nararamdaman nito.

Unti-unti nang kumalma si Night. Bumangon ito at inalalayan ni Devorah. Hindi pa rin bumabalik si Eros kaya mag-isa niyang tinulungan si Night.

"Kamusta na ang pakiramdam mo? Masakit pa rin ba?"

Nakaupo na si Night at bahagyang nalulukot pa rin ang mukha, "I feel better Dev, thanks," he muttered.

Napabuntonghinga si Devorah. Malaki na agad ang hinala niya sa nangyayari kay Night, nag-aalalang tinignan niya ito.

"Night, this is the consequence from the fruit of sin."

Nanigas ang bagang ni Night, hindi siya makatingin nang diretso kay Devorah. Lalong nahabag si Devorah sa nakitang reaksyon nito.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko, masyadong delikado ang ginawa mong pakikipagsugal sa fruit of sin.Alam na ba ni Lexine ang—"

"Please Dev don't tell her," maagap na pakiusap ni Night. Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Devorah, "She can't know about this, please Dev don't tell Lexine, promise me."

Nagtatalo ang kalooban ni Devorah hindi siya agad makasagot na nangungusap na mata ni Night. Tuluyan na rin nawala ang mga ugat sa katawan nito at bumalik na sa dating kulay ang mata ni Night.

"I don't want to make her worry, masyado nang maraming problema si Lexine. I can handle this Dev so please don't tell her."

Nauunawan ni Devorah si Night dahil siguradong mag-aalala si Lexine sa oras na malaman nito kung ano ang nangyayari sa Tagasundo. Sa huli ay napagdesisyunan niyang manahimik muna.

"Okay, but we will tell this to Eros. Kailangan natin ng tulong niya para makahanap nang solusyon to break the cursed of the fruit," mariin niyang saad.

Nakahinga nang maluwag si Night, "Okay. Thank you Dev."

**

MASAYANG sinalubong nang yakap ni Lexine si Night. Pinulupot niya ang braso sa leeg nito at binigyan naman siya ni Night nang matamis na halik.

"How's your day?"

Umikot ang mata ni Lexine at bumungtonghiniga, "Nakakapagod ang dami kong kailangan tapusin na research paper, malapit na ang finals kaya naghahabol na kami."

Sumandal si Night sa kotse habang nakapalupot ang braso niya sa maliit nitong bewang, she really looked stressed.

"Don't worry, I'll help you feel relax tonight," aniya sabay pilyong kumindat.

Natawa si Lexine, "Ayan ka na naman ha, papagurin mo na naman ako."

"No, I'll do all the work, just lay back and relax," he huskily whispered and kiss her on the neck.

Nakiliti si Lexine, "Night, nasa labas pa tayo mamaya na 'yan."

He chuckled, "Let's go home, gusto na kitang ma-solo."

Masarap sa tenga niya ang mahinang hagikgik ni Lexine. Pinagmasdan niyang mabuti ang maganda nitong ngiti. Nang biglang sumagi sa isip niya ang boses ni Santi.

"Would Lexine still love you once you reveal the true monster hiding beneath you Night?"

Nanikip ang dibdib ni Night at isang kakaibang takot ang bumalot sa buong puso niya.

No, he can't let her know. Lexine will never know.

Related Books

Popular novel hashtag