Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 199 - Nephilim

Chapter 199 - Nephilim

"NIGHT!!!" umiiyak na sigaw ni Lexine. Labis na namimilipit sa sakit si Night sa sahig habang walang awang pinagtatadyakan ng Lethium Demon.

Hindi siya maaring tumunganga habang nanonood na mahirapan si Night. Kailangan niyang tulungan ang nobyo at mga kaibigan. Nilingon niya si Miyu na hanggang ngayon ay nakadapa sa sahig at inaapakan ng ravenium, ganoon din ang babae na bihag ng isa pang janitor.

Ang isang ravenium na kumalmot kay Night ay nanatiling nakatayo sa tabi ng Lethium Demon. Sinamantala niya na walang nagbabantay sa kanya. Ginala ni Lexine ang mga mata at natagpuan ang patong-patong na tubo sa isang gilid. Tumakbo siya at mabilis na dumampot ng isa at buong lakas na sinugod ang ravenium na umaapak kay Miyu.

Agad inangat ng ravenium ang palad nito upang sangain ang atake niya, kaya kamay nito ang natusok ng matulis na dulo ng tubo. Humiyaw ito sa sakit.

Sinamantala ni Miyu ang pagkakataon at kahit bali-bali ang mga daliri sa kamay, pinilit niya pa rin itong tinaas at naglabas ng mahika, "Ostende!" tinutok niya ang nagliliwanag na kamay sa kinaroroonan ng mga tubo.

Umangat ang dalawang natitirang tubo sa hangin at maliksing lumipad patungo sa ravenium. Natusok ito sa leeg. Humiyaw at namimilipit sa sahig. Ang pangalawang tubo naman ay lumipad sa janitor na may hawak sa kanilang schoolmate ngunit, maliksing nasanga ng janitor ang tubo at tumilapon 'yon sa kabilang panig.

Kumawala ang babae sa mga kamay ng janitor at buong lakas na sinipa ito sa tagiliran. Natumba ang janitor sa sahig.

Mabilis na inalalayan ni Lexine si Miyu na makabangon, masama ang bali nito sa balakang kaya nahihirapan itong makatayo ng maayos.

Napansin ng Lethium ang mga nangyari at mabilis na inutusan ang katabing ravenium na sugurin sila. Nagwawala na tumakbo ito at tumalon upang dakmahin si Lexine. Nakaangat ang matutulis nitong kuko pero mabilis na hinarang ni Miyu ang sarili at pinailaw ang kamay, tumilapon ang ravenium palayo.

Subalit, nakabangon naman ang ravenium na may tama ng tubo at maliksing tumalon kay Miyu, nagpagulong-gulong silang dalawa. Pumaibabaw ang nagwawalang halimaw. Bumubuka ang bibig nito at lumalabas ang matulis na dila. Nakipagtagisan nang lakas si Miyu sa ravenium.

Labis na natataranta si Lexine. Sino ang una niyang tutulungan: ang schoolmate nila na napaibabawan na rin ng janitor at pinagkakalmot, si Miyu na malapit nang lapain ng ravenium o si Night na patuloy na binubugbog ng Lethium?

Isang malakas na hiyaw ang narinig niya sa kanyang likuran.

"Lexine watch out!" sigaw ni Miyu sa kanya.

Pagharap ni Lexine tumalon na sa itaas niya ang nagwawalang guard at handa na siyang sakmalin. Awtomatiko na inangat ni Lexine ang kaliwang kamay at isang ubod ng lakas na pwersa ang lumabas mula doon. Sa sobrang lakas nito nanginig ang buong paligid na tila lumindol sabay tumilapon ang katawan ng ravenium sa malayo. Parang naging langam ito sa liit nang lumipad ito sa langit.

Nahinto sa pakikipaglaban ang lahat at napatunganga kay Lexine. Maging ang Lethium Demon ay nagulat habang si Night na sa kabila nang pamimilipit ay napanganga sa nangyari.

Nanlaki ang mata ni Lexine nang ma-realized ang dahilan nang kakaibang lakas. Suot-suot niya sa daliri ang gintong feather ring na binigay sa kanya ni Daniel. Dito nangaling ang pwersa.

May kapangyarihan ang singsing!

Nangagalaiti sa galit ang Lethium Demon, "Fuck this bitch!" tumakbo ito sa pasugod kay Lexine.

"Lexine!" sigaw ni Night na hindi pa rin makakilos. Ang pinagtataka niya ay may kakaibang pwersa ang tila ba kumokontrol sa katawan niya kaya labis na nanghihina siya at hindi makalaban.

Alertong lumingon si Lexine. Sa isang iglap nasa harapan na niya ang Lethium at agad siyang sinakal sa leeg.

"Lexine!" sigaw ni Miyu, iniipit pa rin siya ng ravenium na nasa itaas niya. Nahihirapan siyang makitagisan nang lakas dito.

Ang schoolmate naman nila ay marami nang kalmot sa mga braso habang duguan sa ilalim ng janitor at si Night na walang magawa at nanatiling paralisado sa sahig.

"Matigas ka, tignan natin kung hanggang saan," nangigigil na hinigpitan lalo ng Lethium Demon ang kamay nito sa leeg ni Lexine. Gumapang ang mga itim na ugat sa buong mukha nito at lumabas sa katawan ang ubod ng itim na aura. Mas higit na lumakas ang demonyo.

"L-lexine…" pinilit ni Night na kumilos at gumapang patungo kay Lexine. Bakit hindi siya makakilos? Ano'ng nangyayari sa kanya?

Nahihirapan si Lexine at nauubusan na siya ng hangin sa dibdib. Lumuluhang tumingin siya kay Night na nanghihina at pumipilit na kumilos patungo sa kanya. Si Miyu naman ay sinasakal ng ravenium maging ang schoolmate nila na wala na ring laban. Hindi siya maaaring sumuko, kailangan niyang maging malakas at iligtas ang mga kaibigan niya.

"Ano natatanging mortal? Masaya bang panooring ang paghihirap ng mga kaibigan mo?" nanunudyong sabi ng Lethium.

Nagliyab sa galit ang mata ni Lexine, "A-ako a-ang N-nephilim na i-itinakda ng p-propesiya…"

Pinilit niyang magsalita sa kabila nang paghihirap na makahinga, "… at papatayin k-ko a-ang m-mga demonyong k-katulad mo."

Isang napakalakas na enerhiya ang bumalot sa buong katawan ni Lexine. Nararamdaman niya ang matinding pag-iinit ng singsing sa kanyang daliri, ito ang nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan.

Sumigaw si Lexine nang buong lakas at pinilit na lumaban, "Aaaaah!!!"

Umilaw ng husto ang kanyang kaliwang kamay at buong pwersa niya itong nilusot sa dibdib ng Lethium. Nabigla ito sa ginawa niya. Natulala hanggang unti-unting nanghina.

"Welcome back to hell," madiin na sambit ni Lexine.

Kinuha niya ang puso ng Lethium at tinapon na parang basura. Natumba ang katawan ng Lethium sa sahig na dilat ang mata. Nanlilisik ang mata ni Lexine nang lumingon siya sa natitirang dalawang ravenium. Binalot siya ng isang napakalakas na kapangyarihan at mabilis na hinakbang ni Lexine ang mga paa at hinablot ang ravenium na sumasakal at nakaibabaw kay Miyu.

Gamit ang nagliliwanag na kamay, pinasok niya ang palad sa gitnang likuran ng janitor at hinablot palabas ang ravenium sa katawan nito. Naglabas naman ang kamay ni Lexine ng apoy at mabilis na nilamon ang katawan ng ravenium. Agad itong naging abo at nilipad ng hangin.

Sunod na nilingon ni Lexine ang natitirang ravenium. Nilubayan na nito ang katawan ng isa pang janitor at nagtangkang tumakas. Isang portal na ang nakabukas. Bago pa man makatalon ang ravenium papasok sa portal ay nahablot na ito ni Lexine at walang sabing binaklas ang leeg nito mula sa katawan. Bumagsak ang bangkay ng halimaw sa sahig, tinupok ng apoy, at hanggang sa naging abo.

Sumarado ang portal.

Hingal na hingal si Lexine pagkatapos. Hindi makapaniwala si Miyu sa mga nasaksihang kakaibang lakas na pinakita ni Lexine. Ganoon din si Night na kahit nanghihina ay nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwala.

Ilang sandali munang nanatiling nakatayo si Lexine. Walang nagsalita sa kanilang lahat habang namayani ang mahabang katahimikan. Ilang segundo pa at unti-unting nang kumalma si Lexine at nawala na ang pag-ilaw ng kanyang kamay at singsing. Bumalik na rin sa normal ang mukha niya.

Tila doon lang siya nagising. Nababahalang nilingon niya si Night at nagmamadaling nilapitan ito, "Night…"

Inalalayan niya ang nanghihinang nobyo. Tuluyan nang naglaho ang kumokontrol na pwersa kay Night pero hindi pa rin siya nakakabawi nang lakas. Mahigpit siyang hinagkan ni Lexine. Kinulong niya ito sa mga bisig habang sinubsob naman ni Lexine ang mukha sa leeg niya.

Nilapitan ni Miyu ang babaeng schoolmate nila. Wala na itong malay at duguan, "She's badly hurt."

Lumapit na rin ang dalawa kay Miyu. Nakaakbay si Night sa nobya habang inaalayan siyang maglakad, "Who is she?"

"I don't know, ngayon ko lang din siya nakita, "sagot ni Miyu. Hiniga niya ang ulo nito sa kanyang hita. Masyado itong maraming natamong kalmot at sugat sa buong katawan.

"Bakit siya inatake at gustong dukutin ng mga ravenium?" tanong ni Lexine.

Nagkatinginan ang tatlo. Malalaman lang nila ang sagot kapag nagkamalay na ito. Napagpasyahan nilang dalhin ang babae sa Black Phantom. Gamit ang kapangyarihan ni Night ay nagteleport na sila.

Samantala, sa likod ng isang pader kanina pa nagtatago ang pitong taon batang lalaki na nakasuot ng pulang jumper shorts, pulang sneakers, pulang sumbrero at white tshirt na may avenger logo.

Siya ang may gawa kung bakit naparalisado ang buong katawan ni Night, gusto niya munang laruin ang prinsipe ng dilim at subukan ang epektibo ng kapangyarihan niya dito.

Hawak na niya si Night sa leeg. Nagtagumpay siya.

Pero ang higit na nakadagdag ng tuwa niya ay nang masaksihan mismo ng kanyang mga mata ang kakaibang kapangyarihan na nilabas ng natatanging Nephilim.

"Interesting," gumuhit ang nakakakilabot na ngiti sa labi ni Santi. Labis siyang na-e-excite sa laro na kanyang sinimulan.

HELLO I CREATED A DISCORD CHANNEL "CUPCAKE-FAM" FOR EVERYONE FEEL FREE TO JOIN HERE'S THE LINK : https://discord.gg/sz7rHfN

Related Books

Popular novel hashtag