SA TULONG ng babaylan na si Devorah, mabilis na gumaling ang mga bali sa buto ni Miyu. Ganoon din ang mga sugat at kalmot sa katawan ng babaeng schoolmate ni Lexine. Sa ngayon ay hinihintay na lang nila itong magkamalay.
Naka-recover na rin si Night mula sa matinding panghihina. Nararamdaman niyang may problema sa kanyang katawan ngunit, hindi niya ito masyadong binibigyang pansin. Higit na importante ang kaligtasan ni Lexine. Ang mahalaga lang sa kanya ay hindi nasaktan ang iniingatang nobya.
Lumapit si Lexine kay Night na may dalang halamang gamot na gawa ni Devorah, inabot niya ito sa lalaki at tumabi dito sa sofa.
"Inumin mo ito para mas mabilis na bumalik ang lakas mo."
Ngumisi si Night at inakbayan si Lexine, "Ikaw lang babalik na ang lakas ko."
Pasimpleng tinusok ni Lexine ang tagiliran nito, "Bolero."
Mahinang tumawa si Night at hinarap si Lexine, hinaplos niya ang pisngi nito, "I got so worried with you a while ago cupcake, I'm sorry if I wasn't able to protect you."
Hinaplos ni Lexine ang kamay nito, "Night, hindi mo kasalanan. Walang may kasalanan, buti na lang tinulungan ako ng singsing na 'to," inangat niya ang kaliwang kamay at pinakita ang singsing, "This is a gift from my father, Daniel."
Hinaplos ni Night ang daliri niya, "I'm glad it helped you. I won't forgive myself if something bad happened to you Lexine."
Ngumuso si Lexine at siniksik ang sarili sa mga bisig ni Night, "Stop blaming yourself please. Mahalaga ligtas tayong lahat."
"Okay," hinalikan ni Night ang tuktok ng ulo ni Lexine. Pero ang totoo ay hindi mapalagay ang kanyang isipan. Malakas ang kutob niya na may kinalaman si Santi sa nangyari sa kanya kanina.
**
NAGISING SI OLIVE sa hindi pamilyar na kwarto. Nararamdaman niya ang lambot ng kutson sa kanyang likuran. Magaan ang pakiramdam niya at walang masakit sa kanyang katawan samantalang ang huling naalala niya ay halos mamamatay na siya sa kamay ng ravenium demon.
Unti-unti siyang bumangon at umupo. Sakto naman ang pagbukas ng pinto ng kwarto at pumasok si Devorah.
"Finally, gising ka na," nakangiting lumapit siya sa dalaga.
"W-where am I? Who are you?" nagtatakang tanong ni Olive.
Umupo si Devorah sa gilid ng kama, "I'm Devorah, kaibigan ako. I helped you to heal dahil isa akong babaylan. Dinala ka ng mga kaibigan ko dito. Sila ang nagligtas sa'yo."
Nang muling maalala ni Olive ang mga nangyari at masama niyang pinagdaanan ay hindi niya naiwasang maiyak. Laking pasasalamat niya sa mga taong nagligtas sa kanya.
"Tatawagin ko sila," iniwanan siya sandali ni Devorah at pagbalik nito kasunod na si Lexine, Night, Miyu, maging si Elijah, Eros at Ansell ay pumasok na rin.
Si Lexine ang unang lumapit, "Kamusta ang pakiramdam mo?"
Bahagyang nagliwanag ang mukha ni Olive. Naalala niya na ito ang babaeng pumaslang sa mga demonyo. Napakagaling nito at labis siyang namamangha sa kapangyarihan pinamalas nito.
"M-mabuti naman. Maraming salamat sa pagtulong niyo, lalo na sa iyo. Ikaw ang natatanging Nephilim hindi ba?"
Tipid na ngumiti si Lexine, "Ako nga, just call me Lexine," isa-isang pinakilala niya ang mga kasama, "Ikaw ano'ng pangalan mo at bakit ka gustong dukutin ng mga ravenium?"
Muling namuo ang mga luha ng babae, "Ako si Olive, kabilang ako sa Tribu ng 'Mutawi' mula sa Bukidnon."
Nagulat ang bawat isa, si Eros ang unang nagsalita, "You're a werewolf. That tribe is lead by Orgon right?"
Tumungo si Olive, "Oo, kuya ko ang aming Alpha."
"Then why are they hunting you?" tanong ni Miyu.
Humugot nang malalim na hangin si Olive bago nagkwento, "Sinunog nila ang buong lugar ng aming Tribu. Nawalan ng tirahan ang mga kapatid at magulang namin. Tumangi ang kuya ko na makipagsanib puwersa sa hari ng kadiliman kung kaya't isa-isa nila kaming tinutugis. Nais nila akong gawing pain upang sumuko si kuya."
Bumigat ang tensyon sa buong kwarto. Hindi nakapagtimpi si Lexine, "Napakasama talaga ni Lucas."
"Hindi lang kami ang tinatakot ng hari ng kadiliman maging ang iba pang mga tribu sa iba't ibang lugar sa loob at labas ng bansa. Ang balita ko ay marami na siyang napapayag mula sa mga tribu sa Visayaz at Mindanao," dugtong ni Olive.
"Pero bakit ginagawa ni Lucas ang lahat ng ito. Ano kaya ang pinaplano niya?" Napaisip ng husto si Lexine. Sigurado siyang may nilulutong hindi maganda si Lucas at kailangan nilang malaman kung ano ang totoong pakay nito.
Natahimik ang bawat isa. Mahabang katahimikan ang pumagitna nang biglang tumuwid nang tayo si Olive at alertong suminghot-singhot. Napakunot ang noo ng lahat sa naging asal niya dahil para itong aso na amoy ng amoy.
"May problema ba?" tanong ni Devorah.
"Ang kuya ko, nandito siya. Naaamoy ko siya."
Hindi nagtagal at dumating ang bagong bisita. Nakareceive ng tawag si Elijah mula sa security. Hinabilin niya na papakyatin ito sa private suit number four. Ilang sandali pa at nakarating si Orgon.
Matangkad ito nasa pitong talampakan, malaki at pumuputok ang pangangatawan, moreno ang balat at maraming etnikong tattoo sa katawan. Itim ang kanyang hanggang ilalim ng tengang buhok at maitim ang mga mata.
Nagliwanag ang mukha ni Olive at masiglang sinalubong ang kanyang kapatid, "Kuya!"
Tumakbo at tumalon si Olive kay Orgon na sinalubong nito nang mainit na yakap, "Olive!"
Naalala ni Lexine kung sino si Orgon, ito ang malaki at itim na lobo na nakipaglaban sa grupo ng mga bampira from Rosewidow family noong nagkagulo sa loob ng Black Phantom.
"Maraming salamat sa pagligtas niyo sa kapatid ko, malaki ang utang na loob ko sa inyo. Lalo na sa'yo, natatanging Nephilim," nagulat ang lahat nang biglang lumuhod gamit ang isang tuhod sabay yumuko si Orgon sa harapan ni Lexine.
"Asahan mong sa panahon na kailangan mo nang tulong ay hindi ako magdadalawang isip na dumating."
Hindi sanay si Lexine na isang pinuno ng tribu ng mga werewolves ay luluhod sa kanya, agad niya itong inalalayan makatayo, "Your welcome, ginawa ko lang kung ano ang tama."
Tumungo at tipid na ngumiti si Orgon bago bumuntonghininga at nagseryoso, "Maraming namatay at nasaktan sa sunog na gawa ni Lucas, ngayon ay wala nang matitirahan ang aming Tribu. Iniipit niya ako katulad nang ginawa niya sa ibang tribu nang sa ganoon ay sumanib ako sa kanya."
Dumilim ang mata ni Lexine, mas tumitindi ang rason niya upang pigilan ang kasamaan ng hari ng kadiliman. Hindi niya maatim na marami pang inosenteng buhay ang madamay sa kabaliwan nito.
"I have a vacant property in Ilocos, it's about ten hectares. You can use that place. Bring everyone there," biglang sabi ni Night.
Lumiwanag ang mukha ni Orgon, "Maraming salamat Tagasundo."
Nilahad ni Night ang kamay, "In exchange, I want you to fight with us. Kailangan namin ang tulong mo at ng buong pack para kalabin si Lucas."
Taimtim na tinignan ni Orgon ang palad ni Night at lumipat sa mukha ni Lexine, malaki ang utang na loob niya sa Nephilim at bilang isang Alpha mayroon siyang isang salita. Inabot niya ang kamay ni Night.
"Makaasa kayo na makikiisa ang buong Tribu ng Mutawi sa inyo."
Labis na natuwa ang bawat isa sa narinig. Unti-unti ay dumadami na ang kanilang kakampi. Kung kakalabanin nila ang hari ng kadiliman kailangan nila nang karagdagang pwersa.
"Maraming salamat," buong pusong saad ni Lexine.
Kung inisip ni Lucas na magiging madali ang labanan at digmaan nagkakamali ito. Dahil sisiguraduhin ni Lexine na lalaban sila hanggang kamatayan maipagtangol lang ang kabutihan at buong mundo.
HELLO I CREATED A DISCORD CHANNEL "CUPCAKE-FAM" FOR EVERYONE FEEL FREE TO JOIN HERE'S THE LINK : https://discord.gg/sz7rHfN