Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 194 - Last embrace

Chapter 194 - Last embrace

NAGPASAMA si Lexine kay Miyu na magtungo sa SMX Convention Center. Halos nakapustura ang lahat ng mga empleyado ng VIPC. Naka-gown ang mga babae at naka-suit and tie naman ang mga lalaki. May naka display pa na latest model ng white Honda Civic sa labas ng event hall na siguradong ipapa-raffle ng company.

Magarbo talaga mag-celebrate ng mga event ang kanyang Lolo lalo at mahal na mahal nito ang kumpanyang pinaghirapan nito. Mahal na mahal din ni Alejandro ang mga employees. Maganda ang mga compensation at benefits na pinagkakaloob nito sa lahat. Hindi rin ito madamot magbigay ng bonus at maganda ang kultura sa loob ng kanilang kumpanya.

Kung kaya naman naging sobrang successful ng VIPC dahil sa magandang pag-trato ni Alejandro sa mga taong nagtatrabaho para dito. Ang pilosopiya kasi ng lolo niya na mamahalin ng empleyado ang kanilang trabaho kung minamahal din sila ng kumpanya.

Sa tulong ng magic ni Miyu ay na-hipnotismo nila ang bantay na marshal kaya nakapasok sila sa private event. Nakiblend sila sa mga tao. Kinakabahan si Lexine at sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano'ng gagawin sa oras na makita si Alejandro.

Hindi nagtagal at nagsimula na ang program. Nagsimula na ang host at matapos ang ilang minutong pagsasalita ng scripts ay tinawag na nito ang pangalan ng magbibigay ng opening speech.

"Let's give around of applause to our great CEO, Mr. Alejandro Vondeviejo!"

Nagpalakpakan at hiyawan ang bawat empleyado. Lahat ay labis na humahanga at nagmamahal sa kanilang butihing Big Boss. Kumabog nang mas malakas ang puso ni Lexine nang matanaw niyang umakyat ng stage si Alejandro.

"Lolo…" nanikip ang dibdib ni Lexine at mabilis na namuo ang mga luha sa kanyang mata.

Sobrang saya niyang makitang maayos ang kalagayan nito. Malaki ang pinayat ni Alejandro ngunit, hindi pa rin nakabawas sa tindig at kisig nito. Sa kabila nang katandaan ay lumilitaw pa rin ang kagandang lalaki ng abuelo niya.

"This company had changed my life in a wonderful and amazing way. I built this from scratch and spent my whole life making VIPC one of the best Petroleum company in Asia. Honestly, VIPC would never be as succesful as today without all your hardwork and effort. So everyone, thank you so much. You are all part of this celebration because I can never do this alone without your help."

Mas lumakas ang palakpakan at hiyawan ng mga tao. Kung mayroon isang pinakagusto ang lahat sa katangian ni Mr. Vondeviejo ito ay pagiging napaka-humble nito sa kabila ng success at karangyaan sa buhay.

"I dedicate this victory to my one and only angel, Alexine. I hope you can hear me from heaven."

Sunod-sunod na bumuhos ang luha ni Lexine sa mga mata. Maingat na hinimas naman ni Miyu ang balikat niya.

"I missed you everyday my dearest darling, each morning I woke up looking at your picture. Wishing that wherever you are. I hope you're happy. Alexine, Lolo will always love you."

Pinunasan ni Alejandro ang lumandas na luha sa mga mata. Maging ang mga empleyado ay naiyak rin sa speech nito.

"Matanda na ako at gusto ko na lang i-enjoy ang mga natitira kong taon dito sa mundo. Marami na akong nagawa para sa kumpanyang ito kaya naman I'd like to use this chance to announce that I will soon retire. My brother Agustino will take over. You are all in good hands."

Nabigla ang lahat sa anunsyo ni Alejandro. Marami ang nalungkot ngunit, mayroon din ang naging masaya lalo na't alam nilang ito ang kailangan ng matanda.

Muling nagbigay ng palakpakan ang lahat bago tuluyang nagpaalam si Alejandro at bumaba ng stage. Nakatanaw lang mula sa kinatatayuan si Lexine. Gustong-gusto niya itong takbuhin at yakapin pero napako ang mga paa niya.

"Lexine," hinimas ni Miyu ang magkabila niyang braso. Hindi na tumigil ang luha niya.

"Masaya na ako na makita siya kahit sa malayo Miyu, mas mabuti na rin ang ganito. Mas magiging ligtas at tahimik si Lolo kung wala na ako sa tabi niya. Minsan na siyang nalagay sa panganib ng dahil sa akin. Ayoko nang maulit pa 'yon."

Pinunasan niya ang kumalat na luha sa pisngi, "Patay na si Lexine at mananatili siyang patay. Sa ganitong paraan, mapo-protektahan ko ang lolo ko."

"Pero ayaw mo ba siyang mayakap kahit saglit?" tanong ni Miyu.

Umiling si Lexine, "Hindi ko kayang ipaliwanag sa kanya Miyu kung bakit buhay pa ako."

"Hindi ka magpapaliwag kung hindi ka niya makikilala."

Napakunot ang noo niya sa kaibigan. Makahulugang ngumiti si Miyu at hinatak siya sa restroom. Pumasok sila sa loob ng isang cubicle.

"Ako ang bahala, iibahin ko ang mukha mo para hindi ka niya makilala," hinumpas ni Miyu ang kaliwang palad nito at tinapat sa mukha ni Lexine. Lumiwanag ito at mabilis na nagbago ng anyo.

Hinatak siya ni Miyu palabas ng cubicle at nanlaki ang mata ni Lexine nang makita ang reflection sa salamin. Nag-iba nga ang itsura niya! Naging morena ang kutis, singkit ang mata, nag-iba rin ang hugis ng ilong at labi niya. Humaba naman ang kanyang buhok hanggang bewang.

"Thank you Miyu," sinsero niyang saad sa kaibigan.

Hindi na sila nag-aksaya ng panahon at nagtungo kung nasaan si Alejandro. Naabutan nila itong naglalakad palabas ng event hall kasama ang ilang body guards.

"Go, kaya mo 'yan!" tinulak siya ni Miyu.

Kinakabahan man ay nilakasan ni Lexine ang loob at hinarap ang lolo.

"Mr. Vondeviejo!" sigaw niya.

Natigil sa paglalakad si Alejandro nang makita ang isang dalagang nakatayo sa likuran at tumawag sa kanya, dahan-dahan itong lumapit. Ito ang unang beses na nakita niya ang dalaga.

"Yes, how can I help you?"

Napalunok nang madiin si Lexine. Pinipigilan niyang maiyak at ayusin ang sarili, "N-narinig ko p-po ang speech niyo tungkol sa apo niyo, si Alexine."

Napakunot ang noo ni Alejandro at tahimik lang na nakinig.

"G-gusto ko lang po s-sabihin na… nakakatouched po ang sinabi niyo. Kasi ano… uhm, m-may lolo rin po ako at naaalala ko lang po siya sa inyo."

Lumiwanag ang mukha ni Alejandro. Sa di maipaliwanag na dahilan ay magaan ang loob niya sa dalaga, "Kung nabubuhay pa ang apo ko, ka-edad mo siya."

"Sigurado po ako na kung nasaan man siya ngayon, narinig niya po ang mga sinabi niyo at mahal na mahal niya rin po kayo."

May mainit na kamay ang humaplos sa puso ni Alejandro. This girl reminds him of her late grandchild. He was happy to hear those words even from a stranger.

"Thank you darling."

"P-pwede po bang mag-request?" kinakabahang tanong ni Lexine. Sana lang ay hindi siya pag-isipan ng masama sa gusto niyang gawin.

"Yes, ano 'yon?" tanong ng matanda.

Humugot ng hangin sa dibdib si Lexine, ito na ang huling pagkakataon na makikita at makakausap niya ang abuelo kaya hindi niya ito dapat palagpasin.

"Pwede ko po ba kayong mayakap? Nami-missed ko lang po kase ang lolo ko. K-kamukha niyo po kase siya," aniya nahihiya.

Natawa nang malakas si Alejandro pero labis siyang natutuwa sa dalaga, "Oo naman, halika," binuka niya ang dalawang braso.

Walang pag-aalinlangan na lumapit si Lexine at hinagkan ang abuelo ng buong higpit. Pinikit niya ang mga mata at nilasap ang init ng mga bisig nito. Oh how she badly missed his arms. This feels home for her. Pansamantalang naging payapa ang buong mundo niya sa ilalim ng pamilyar nitong katawan. Nabubusog sa sobrang saya ang puso niya.

Hindi maintindihan ni Alejandro pero kakaiba ang init na naramdaman niya nang mahagkan ang dalaga. Pakiramdam niya ay nayakap niya rin si Alexine. Hindi niya napigilan ang pamumuo ng luha sa kanyang mata.

Tumagal pa ng ilang minuto ang yakapan ng mag-lolo bago naisipang bumitaw ni Lexine. Umiiyak na siya at ganoon din si Alejandro.

"Maraming salamat po."

Pinunasan ni Alejandro ang luha sa kanyang pisngi at matamis na ngumiti, "Thank you. I felt like I hugged my little princess."

Nagpaalam na ito at masayang sinundan nang tingin ni Lexine ang kanyang lolo hanggang sa tuluyan itong makalayo.

Related Books

Popular novel hashtag