Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 193 - Mr. Clingy

Chapter 193 - Mr. Clingy

KASALUKUYANG kumakain si Lexine at Miyu sa cafeteria. Kasabay nila sa lamesa ang ibang mga kaklase. May humigit isang buwan na rin ang nagdaan simula nang mga nangyari. Tahimik naman ang buhay nila sa mga lumipas na araw at ipinagpapasalamat iyon nang lubos ni Lexine.

Sa umaga pumapasok siya sa school, sa gabi magta-trabaho sa bar, at sa weekends uuwi siya kay Night. Hatid-sundo rin siya ng nobyo, mas dumoble ang pagiging over-protective nito sa kanya. Oras-oras din siya nitong tinatawagan at ang gusto pa ay video call. Gaya ngayon na tumatawag na naman ito sa facetime.

"Ayan na naman si Mr. Clingy," naiiling na sabi ni Miyu nang mabasa ang pangalan sa screen ng smartphone ni Lexine na nakapatong sa lamesa.

Natawa si Lexine, "Naku, mag-aalburoto 'yan kapag hindi video call," aniya bago sinagot ang tawag.

"I missed you so much," nakangusong mukha ni Night agad ang bumungad sa kanya.

Ang laki ng ngiti ni Lexine na umaabot hanggang tenga habang umikot naman ng three hundred sixty degrees ang mata ni Miyu. Dahil magkaklase sila ni Lexine sa karamihan ng subjects kaya bilang niya rin kung ilang beses tumatawag si Night. Mas marami pa sa pinagsamang daliri niya sa paa at kamay. Ang kinaiinis niya pa dahil kapag hindi nasagot ni Lexine ang tawag nito, siya naman ang kukulutin ng gunggong. Sa bwiset niya ay binlock niya ang number nito.

"Ikaw naman, kanina lang tayo magkasama eh," natatawang sagot ni Lexine, "Kumain ka na ba?"

"Yup, nandito ako kela Elijah we're having lunch," tinutok ni Night ang camera sa paligid at kumaway naman sila Devorah, Eros at Elijah.

"Hi Lexine!" bati ng tatlo.

"Hi guys!"

"Lexine, nandyan ba ang babe ko?" biglang sumingit si Elijah sa screen, "Pakisabi naman kay babe miss ko na siya."

"Hoy miss ka na daw ng babe mo," natatawang tinutok ni Lexine ang front camera sa katabi na ang laki ng pagkakabusangot.

Imbis na ngiti ay middle finger ang sinagot ni Miyu sa pilyong bampira.

Sumipol si Elijah, "I'm very willing to fuck you babe, anytime you're ready," pilyong sagot nito sabay kindat.

Bwisit na inirapan ni Miyu si Elijah pasalamat ito at tinatamad siyang makipag-asaran dahil gutom na gutom siya at gusto niyang mag-concentrate sa pagkain.

Tinabig ni Night ang mukha ni Elijah at ito na ang humarap sa camera, "I'll pick you up at five, can't wait to see you."

"Sige, see you later," sagot ni Lexine, "I love you."

"I love you too," hinalikan ni Night ang screen at pinatay na niya ang tawag.

Umungol nang malakas si Miyu, "Hindi ka ba nauumay diyan sa boyfriend mo?"

"Hindi pa naman," nakangiting sagot ni Lexine at pinagpatuloy ang pagkain.

"My God, ako umay na umay na ako sa inyong dalawa. Maghiwalay naman kayo minsan. Mabuti pa after natin dito samahan mo ako kasi may bibilin ako sa mall."

"Huh? Eh may dalawang subjects pa tayo."

"Sammie wala si Mr. Cruz naka-leave, nag advice naman si Mrs. Dimaculangan na hindi siya aattend ng class kanina kasi may emergency daw," ang kaklase nilang si Sarah ang sumagot.

"See, kaya may four hours pa tayo para mag-mall, doon ka na lang magpasundo kay Night," saad ni Miyu.

"Okay, sige."

**

NAGPUNTA sila ni Miyu sa SM Mall of Asia upang bumili ng damit dahil sale sa H&M. Kung katulad pa rin siguro noon sa previous life na mayaman siya ay siguradong makikisabay siya sa pagsa-shopping ni Miyu. Pero dahil iba na ang estado ng buhay niya ngayon kaya kailangan niyang maging matipid. Lalo na at next week ay midterms exam na nila. Magbabayad na naman siya ng tuition fee. Magbabayad din siya ng renta sa dorm at magpapadala ng pera sa Bicol dahil magbi-birthday na ang kapatid niyang bunso na si Sevi.

Madalas siyang kinukulit ni Night na babayaran na nito ang mga gastusin niya pero malaki ang pagtutol ni Lexine. Alam niyang mayaman ang kanyang nobyo at wala na itong magawa sa pera pero hindi niya maatim na iasa dito ang mga bagay na responsibilidad niya. She wants to stand on her own. Isa pa, may utang pa nga siya ditong isang milyon sa pinangpa-opera sa Papang niya.

Noon sa previous life niya kahit anong hilingin niya ay nakukuha niya. Never niya naranasang maghirap. Pero ngayon sa bagong buhay bilang si Sammie, natuto siyang tumayo sa sariling paa. Na hindi umasa sa mga tao sa paligid niya. Natuto siyang maging mas masipag sa buhay at paghirapan ang mga bagay.

Habang abala si Miyu sa pagsusukat sa wardrobe, inabala naman ni Lexine ang sarili sa facebook. Nag-scroll lang siya sa newsfeed nang may isang article ang pumukaw ng kanyang atensyon.

"Vondeviejo International Petroleum Corporation celebrates its 40th annivesary"

Isang mabigat na bagay ang biglang bumara sa lalamunan ni Lexine nang makita ang thumbnail picture ng article, "Lolo…"

Pinindot niya ang article at binasa ang nakasulat doon. Sinasabi na kasalukuyang ginaganap ang anniversary celebration ng company sa SMX Mall of Asia. Mabilis na kumabog ang dibdib niya. Nandito ang lolo niya!

Mula nang bumalik ang memories niya from her previous life ay laging naiisip ni Lexine si Alejandro. Naisin man niyang bisitahin ito ngunit, pinanghihinaan siya ng loob na magpakita at hindi niya alam kung paano ipapaliwanag na buhay pa siya.

Pero ngayon na nandito lang sa malapit ang pinakamamahal na abuelo ay kating-kati siya na makita ito. Kahit matignan lang ito sa malayo ay magiging masaya na siya.