NAGSASALO na sa hapag si Eros, Devorah, Miyu, Winona, Ansell at si Elijah na umiinom ng dugo sa coffee mug. Pinatuloy ni Elijah sa private suite ang mga bisita dahil na rin lahat sila ay nalasing kagabi sa party.
Ilang sandali pa at dumating na si Lexine at Night. Nang magtama ang mata ni Elijah at Lexine ay labis na namula ang dalaga sa sobrang hiya. Nagdilim naman ang mukha ni Night at pinukol ng nakamamatay na tingin si Elijah na ang laki ng pagkakangisi.
Wala naman talaga siyang nakita bukod sa maumbok na pwet ni Night at hindi niya nakita ang katawan ni Lexine dahil nakaibabaw si Night dito. Pero alam niyang delikado na ang buhay niya sa mga susunod na araw. Mukhang kailangan na niyang magbook ng flight paalis ng bansa at magbakasyon muna ng ilang lingo.
"Good morning anak, tara mag-almusal na kayo," bati ni Winona.
Ngumiti si Lexine at umupo sa tabi ni Miyu, tumabi naman si Night sa kanya na katabi si Eros, sa tabi nito si Devorah. Katapat nila si Elijah at Ansell.
Nagsalo-salo sila sa hapag, pinagsandok ni Lexine ng sinangag si Night sa plato nito at nilagyan ng bacon at fried eggs, matamis na ngumiti ang binata sa simpleng gestures ng nobya. Tahimik na nakamasid si Ansell na bahagyang natigil sa pagsubo ng kanin. Si Miyu naman na ang nag-oobserba sa mga kilos ni Ansell at si Elijah kay Miyu.
Todo asikaso naman si Devorah sa pagkain ni Eros at talagang sinusubuan pa ito na parang bata kahit kaya naman nitong kumain. Umakbay si Night kay Lexine na halos wala nang itirang space sa pagitan nila habang sinubuan siya ni Lexine ng bacon.
Nagpabalik-balik ang tingin ni Elijah sa dalawang couple na magkatabi at walang pakundangan mag-PDA. Hindi na siya nakatiis, "Valentines day na ba? Landian kayo ng landian!"
Nagkatawanan ang lahat, si Eros ang sumagot, "Magseryoso ka na kasi sa babae para hindi ka naiingit."
"Seryoso naman ako sa kanilang lahat kaya pantay-pantay lang ang tingin ko sa kanila. I treat all of them equally."
Umikot ang dalawang mata ni Miyu, "Cassanova," she murmured.
"I heard that," ani Elijah sabay simsim ng dugo sa coffee mug. Irap ang sinagot ni Miyu dito. Napangisi na lang ang bampira. He likes making her pissed because she looks cute in his eyes.
Tumikhim nang malakas si Elijah, "By the way, I have things to discuss with everyone," nag-seryoso na ito at binuksan ang laptop, "Kumakalat ngayon ang isang balita sa underworld."
Bumigat ang tensyon sa paligid, si Night ang unang nagtanong, "Anong balita?"
Nag-type sandali si Elijah bago hinarap ang laptop sa direksyon ng lahat. Nabigla sila nang makita ang slideshows ng mga pictures ng madugo na bangkay ng iba't ibang dark entities. Pinapakita doon kung gaano sila ka brutal na pinatay, may pugot ang ulo, kinuha ang puso, may sunog at chinop-chop ang katawan.
Halos maduwal si Ansell sa nakita, ang apat na babae naman ay mabilis nalukot ang mukha. Si Eros at Night lang ang hindi apektado.
Umungol ng malakas si Miyu, "What the hell, nakita mong kumakain kami tapos ipapakita mo sa amin 'yan!"
Doon lang narealized ni Elijah ang ginawa niya, palibhasa kasi sanay siya sa dugo kaya wala lang sa kanya ang lahat ng nasa slideshow. Nakakaloko siyang napangisi, "Oh, I'm sorry, my bad."
"What happened to them?" nababahalang tanong ni Lexine at tinitiis na tignan ang mga pictures kahit naduduwal na din siya.
"That is the big mystery, walang nakakaalam kung sino ang gumagawa ng walang awang pagpatay sa mga dark entities sa Underworld. I hacked the website of Underworld Investigation Agency and found some informations. This gruesome killings started happening early this year. They tried to hide it to prevent the chaos pero may mga nag-leaked na pictures. Matagal nang nangyayari ang pagpatay. The worst is iniisa-isang ang bawat lahi, pamilya at mga angkan sa iba't ibang panig ng mundo. My guess is whoever the fucker behind all of this wanted to imply fears to the whole underworld. He is showing power," mahabang kwento ni Elijah.
Saglit na natahimik ang bawat isa at taimtim na nag-iisip kung sino kaya ang may pakana. Si Devorah ang unang nagsalita.
"Hindi kaya… may kinalaman si Lucas dito?"
"Pero bakit naman niya papatayin ang mga inosenteng dark entities? Isn't he starting a war sa ginagawa niya?" nababahalang komento ni Miyu.
"You don't know the mad man. Wala siyang kahit sinong sinasanto at takot din ang lahat sa kanya kaya walang naglalakas loob na kalabin siya," paliwanag ni Night.
"I agree with Night but the big question is why is he doing all of these kung siya nga ang may pakana?" Si Eros.
"Siguradong mayroon binubuong masamang plano si Lucas at kung hindi titigil ang patayan na ito nanganganib na mapahamak ang mas maraming inosenteng dark entities sa buong underworld," seryosong saad ni Elijah.
"Napakasama talaga ni Lucas. Kawawa naman ang mga naiwang pamilya ng mga pinatay niya," maluha-luhang saad ni Lexine. Kahit pa magkaiba ang mga tao at dark entities, may buhay pa rin sila na pinagkaloob ng Diyos at may karapatan pa rin silang mabuhay sa mundong ito.
"Kailangan natin siyang mapigilan," nababahalang saad ni Winona, "Siguradong mas maraming inosenteng buhay ang madadamay kapag hindi siya tumigil."
"Pero paano?" Si Devorah.
Mas bumigat ang tensyon sa hapagkainan. Mas lalong tumibay ang loob ni Lexine sa misyon niyang paslangin ang hari ng kadiliman. Dahil buong mundo ang gusto nitong sakupin. Gusto nitong maging pinakamakapangyarihan na nilalang at hinding-hindi siya papayag na magtagumpay ito sa masama nitong plano.
"He always wanted to be God, mula noon hanggan ngayon," nagtigas ang bagang ni Night. Dumilim ang kanyang mata.
Buong loob na humarap si Lexine sa lahat, "Hindi mangyayari 'yon. That's why I'm here. Kaya nagkaroon ng propesiya dahil nakatakda akong ipanganak para kalabin ang hari ng kadiliman. Ito ang misyon na pinagkaloob sa akin ng Ama at gagawin ko ang lahat para tuparin 'yon."
Hindi niya napigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay sa ibabaw ng lamesa, hinawakan ni Night ang mga 'yon at tinignan siya sa mga mata.
"Tutulungan kita, I'll be here to protect you. We will fight him together."
"Tama si Night si Lexine, hindi ka nag-iisa sa labang ito. Nandito kaming lahat at sama-sama natin tatapusin ang kasamaan ni Lucas," matatag na saad ni Eros.
"Makakaasa ka na hindi ka namin pababayaan," si Elijah.
Ganoon din ang tingin mag inang Sorceres sa kanya, maging si Ansell. Pinapahiwatig ng bawat isa na sama-sama silang sa labanan. Lubos na nagpapasalamat si Lexine sa Maykapal na biniyayaan siya ng mga kaibigan na katulad nila. Mas lumakas ang loob niya sa kahaharaping digmaan at hinding hindi siya papayag na magtagumpay ang hari ng kadiliman. Dahil sisiguraduhin niya na tutuparin niya ang propesiya.