KASALUKUYANG binabaybay ng babae ang pasilyo patungo sa kanyang silid. Kakatangap niya lamang nang pabuya na pinagkaloob ng mga Elders, isa itong magandang uri ng alahas. Gawa sa dekalidad na ginto at isang malaking jade stone ang palawit. Kung tutuusin ay wala naman siyang pakielam sa mga material na katulad nito. Ginawa niya lang kung ano ang alam niyang tama.
Oras na nang pagtulog ng mga Keepers na katulad niya kaya wala nang makikitang ibang nilalang na gumagala sa kastilyo bukod sa mga kawal na rumoronda.
Lingid sa kaalaman ng babae na may isang lalaking palihim na sumusunod sa kanya, si Night.
Mula pa kanina sa bulwagan ay nagwawala na ang kalooban ni Night matapos makita si Lexine. Labis na pagkokontrol ang ginawa niya sa sarili na huwag itong sungaban at halikan lalo na at maraming mata ang nakatingin. Nang makalabas ito mula sa silid ng mga Elders, agad niya itong sinundan.
Pinagmasdan niya ang paligid, madilim ang buong pasilyo at tanging liwanag mula sa bilog na buwan na tumatagos sa mga bintanang salamin sa dingding ang nagsisilbing ilaw. Wala na rin ibang mga kawal o Keepers ang bumabaybay maliban sa kanilang dalawa. Ito na ang pagkakataon upang malapitan niya ito.
Hindi na makapag-antay si Night na muli itong mahagkan, labis na naninikip ang dibdib niya habang pinagmamasdan ito sa malayo. Lumiko si Lexine pagdating sa dulo ng pasilyo. Mas binilisan niya ang mga hakbang at handa na siyang ilabas ang sarili.
"Delikado ang ginawa mo kanina."
Nahinto ang mga paa ni Night nang marinig ang isang boses ng lalaki. Sinandal niya ang likod sa dingding at dahan-dahang sumilip sa kadugtong na pasilyo. Nakatayo si Lexine habang kausap ang isa pang Keeper. Ngunit, nang makilala niya kung sino ang kausap nito ay mabilis siyang nakaramdam nang galit.
"Alam ko iyon Abitto, pero hindi ako maaring tutunganga na lang at hayaang mapamahak ang mga anghel."
"Buti na lamang at napapayag mo ang mga Elders, kitang kita ko sa mata ni Kreios ang labis na pagtutol. Nais niyang patayin ang mga anghel," sagot ni Abitto.
"Taksil talaga 'yan si Kreios, kailangan natin makahanap ng sapat na pruweba na maari natin magamit laban sa kanya," dugtong ng babae.
Bumuntonghinga si Abitto, "Huwag kang masyadong magpadalos-dalos, kailangan maging maingat tayo sa ating mga galaw, nag-aalala ako pa sa iyo," hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.
Hindi na napigilan ni Night ang sarili dahil sa nakita. Mabilis na nagdilim ang kanyang paningin at buong bilis na sinugod si Abitto.
"Don't touch her!" tila hangin na lumitaw si Night sa pagitan nila at walang hirap na sinakal si Abitto, umangat ang paa nito sa sahig at malakas na dumikit ang katawan sa dingding. Sa lakas ng impact ay nag-crack ang dingding. Mabilis na pinalabas ni Night ang kanyang espada na si Gula at tinutok ang patalim kay Abitto.
"T-tagasundo," gulat na gulat si Abitto.
"Sinabi ko sa iyo noon wag na wag mo siyang hahawakan dahil papatayin talaga kita nang paulit ng paulit," nanlilisik sa galit ang mga mata niya, "Now face your death again."
Inangat niya ang espada at tinutok sa mukha nito.
"Huwag!"
Isang pulgada na lang ang layo ng patalim sa mata ni Abitto nang huminto si Night, dahan-dahan siyang humarap kay Lexine. Nanlalaki ang mga mata nito at takot na takot sa kanya.
Binitawan ni Night si Abitto at nanginginig na lumapit kay Lexine, mabilis na nangilid ang kanyang luha. Ang tagal niyang inantay ang pagkakataon ito at sa wakas ay muli na niya itong makakapiling.
"Lexine…" bulong niya. Namamasa ang kanyang mata.
Mula sa nanlalaking mga mata, napakunot ang noo ng babae at tinitigan siyang mabuti.
Mas bumigat ang kalooban ni Night, tuluyang tumulo ang kanyang mga luha, hinawakan niya ito nang mahigpit sa magkabilang braso at bahagyang yinugyog.
"Lexine, I'm here. I'm here… we'll be together again," mahigpit niya itong hinagkan.
Pero sa gulat niya ay mabilis siya nitong tinulak.
"Nagkakamali ka binata, hindi ako si Lexine."
Natigilan si Night. Pakiramdam niya biglang bumagsak sa balikat niya ang buong mundo. What the fuck is this?
"What?" halos hangin na lang ang lumabas sa bibig niya. Hindi siya makapaniwala, ano 'to? Bakit palaging maling Lexine ang nakikita niya? Mababaliw na siya.
Nagkatingin si Abitto at ang babae.
"Halika, sumama ka sa akin. Hindi ka pwedeng makita," mabilis siya nitong hinatak at dinala sa isang silid. Maingat na sumunod si Abitto at sinara ang pinto.
Nalilito na si Night sa mga nangyayari. Gusto na niyang magwala sa galit. Ano ibig sabihin nito? Nagpabalik-balik siya nang lakad at nanginginig ang panga na humarap sa dalawa.
"What the fuck is this?!" tumaas na ang boses niya.
Nababahalang nagtinginan ang dalawa. Dahan-dahang lumapit ang babae sa kanya. He's getting out of control already. Sumasabog na ang labis na emosyon ni Night.
"Huminahon ka pakiusap, makinig ka muna sa akin," sabi ng babae.
Pinilit pinakalma ni Night ang sarili. Hindi siya pwedeng mabulilyaso. Pinikit niya ang mga mata at ilang ulit na humugot ng hangin sa dibdib. Hanggang sa unti-unti na siyang kumakalma.
Pagdilat niya, mukha pa rin ni Lexine ang nakikita niya. Oh fuck!
"Ikaw ang Tagasundo hindi ba? Ikaw si Night?" tanong ng babae.
Tumungo siya, "Oo."
Nagliwanag ang mukha nito, "Napakadaming kinuwento sa akin ni Lexine tungkol sa iyo."
Napakunot ang noo ni Night at nilapitan ang babae, "You know her? Where is she? I need to see her."
Bumagsak ang balikat nito at malungkot na tumingin sa kanya, "Wala siya dito."
"What! Anong wala?" matalim na tumitig siya kay Abitto, "Putangina ka saan mo dinala si Lexine?" dinuro niya ito, "Ginagago niyo ba ako? Ilabas niyo si Lexine!"
"Tagasundo, makinig ka muna!" sinubukan siyang awatin ng babae.
Sa galit ni Night ay natulak niya ito, naalerto si Abitto at nilapitan ang babae.
"Tama na Tagasundo, huwag mong saktan ang kanyang ina."
Doon tuluyang kumalma si Night. Ina? Nanlalaki ang mga mata niyang tumitig sa babae. Malaki ang pagkakahawig nila ni Lexine. Kung ganoon ang babaeng ito ay…
"Ikaw si Leonna?"
Inalalayan ni Abitto na makatayo si Leonna, "Ako nga Tagasundo. Ako ang ina ng babaeng iniibig mo."