Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 174 - Where is she?

Chapter 174 - Where is she?

MAHABANG KATAHIMIKAN ang namagitan sa buong silid. Tanging madilaw na ilaw mula sa lampara ang nagsilsilbing liwanag sa kadiliman. Sa mundong ito, hindi sila gumagamit ng kuryente.

Taimtim lang na pinagmamasdan ni Night si Leonna, ngayon kumalma na ang kanyang emosyon, ngayon niya lang ito natitigan nang mabuti. Sa unang tingin, malaki talaga ang pagkakahawig ng dalawa subalit, sa pagtagal na tinitignan niya si Leonna may pagkakaiba ang kanilang mukha.

Namana ni Lexine ang puti at kinis ng kutis ng ina, maging ang hugis ng maliit nitong mukha pati na rin ang natural na maalon at tsokolate nitong buhok. Kung may naiiba, ito ay ang kanilang mata. Mas mabilog ang mga mata ni Leonna kumpara kay Lexine, mas maitim din ang kulay.

"Pansamantalang namalagi dito si Lexine matapos siyang dalhin ni Abitto. Nagkaroon kami ng maiksing panahon na magkasama," nagsimulang magkwento si Leonna.

Taimtim na nakikinig si Night habang prenteng nakatayo si Abitto sa gilid ng pinto at nag-aabang kung may paparating.

"Labis akong nagpapasalamat sa Maykapal na muli kong nakapiling ang aking anak, marami siyang bagay na naikwento sa akin tungkol sa iyo," lumiwanag ang mukha ni Leonna at tumitig sa binata, "Mahal na mahal ka ng aking anak Tagasundo."

Natusok ang damdamin ni Night, "And I love her so much too, that's why I'm here. Dahil gusto ko siyang bawiin."

Tumungo si Leonna, "Alam ko. Nagpapasalamat ako na tunay mong iniibig ang aking anak, subalit, hindi basta-basta ang mga balakit na kailangan niyong kaharapin."

Sumeryoso ang mukha ni Leonna, nanatiling nakatitig si Night, "Isa sa mga Elders ang lihim na nakikipagtulungan sa hari ng kadiliman."

Nagdilim ang mata ni Night sa narinig, "Lucas…" aniya.

"Oo, ang iyong ama na si Lucas. Isang gabi, narinig at nakita ni Abitto ang lihim na pakikipag-usap ni Kreios kay Lucas. Wala silang plano na dalhin si Lexine sa gates of Judgement dahil gusto nila itong gamitin sa masasama nilang plano. Kaya nakipagtulungan sa akin si Abitto na itakas ang aking anak bago pa siya makita ni Lucas."

Nagkuyom nang husto ang palad ni Night. Mas sumiklab ang matinding galit na nararamdaman niya para sa ama. Namatay nga si Lilith pero si Lucas ang totoong kalaban nila.

Pinatakas ko ang aking anak, pinahiram ko sa kanya ang kabayo at sinabi kong kailangan niyang magtungo sa tuktok ng bundok ng Samsara. Iyon lang ang magiging solusyon upang tuluyan siyang makaalis sa mundong ito."

Nagkunot ang noo ni Night, "Bundok ng Samsara?"

Si Abitto ang nagpatuloy ng kwento, "Iyon ang pinakatamaas na bundok sa mundong ito. Maraming kwentong nagsasabing sa sandaling talunin mo ang mata ng Samsara, makakarating ka sa ibang lugar na walang nakakaalam."

"Kung ganoon, bakit niyo siya hinayaang pumunta sa lugar na 'yon?" tumaas ang boses ni Night.

"Iyon lang ang tanging paraan Tagasundo, dahil kung mananatili ang aking anak dito mas lalo lang siyang mapapahamak," sagot ni Leonna.

Tumayo si Night at nagpabalik-balik ng lakad, "Then where the fuck is she? Saan siya dinala ng mata ng Samsara?"

Nagpalitan ng tingin si Leonna at Abitto, bumuntonghininga si Leonna, "Iyon ang hindi namin alam."

Napanganga si Night, he's more frustrated now, "Fuck!"

Naninigas ang kanyang buong katawan, bakit patuloy silang pinaglalayong dalawa? Bakit hindi sila hayaan magsama muli?

No, hindi siya susuko. Kung kinakailangan sundan niya si Lexine kahit sa kabilang kalawakan gagawin niya. Hahanapin niya ang babaeng mahal at walang makakapigil sa kanya.

Buong loob siyang humarap sa dalawa, "Bring me to that fucking mountain."