Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 167 - Montru min, la deziro de la menso

Chapter 167 - Montru min, la deziro de la menso

SUNOD-SUNOD na tunog ng doorbell ang nagpatalon kay Winona, kasalukuyan siyang nasa kusina at umiinom ng mainit na tubig, kanina niya pa inaantay si Miyu at mukhang dumating na ito.

Agad siyang naglakad patungong pintuan ngunit, pagbugkas niya ng pinto, bukod kay Miyu at Ansell isang babae ang nagpataas ng lahat ng balahibo sa kanyang katawan at nabitawan niya ang hawak na mug.

Nabasag ang baso sa sahig at tumalsik ang mga bubog.

Nanlalaki ang dalawa niyang mata na animo nakakita ng multo, hindi siya makapaniwala sa nakikita.

"L-Lexine?"

Napakunot ang noo ni Miyu, "You know her mom?"

"Madame Winona…" maging si Ansell ay nagulat din.

Mas lalong naguluhan si Winona, ano ang nangyayari? Ang tagal na panahon ang ginugol niya upang subukang mahanap ang kaluluwa ni Lexine pero nandito ito ngayon sa kanyang harapan at buhay na buhay?

Namumuo ang luha sa kanyang mata haban nanginginig ang mga kamay na humawak sa mukha ng dalaga, "Paano nangyari ito? Buhay ka anak? Ang tagal kitang hinanap akala ko may nangyaring hindi maganda sa iyo sa mundo ng mga kaluluwa."

Napakunot noo nang husto si Miyu, so all along her mom was trying to find Lexine too?

Patuloy na naninigas sa kinatatayuan si Sammie at humihingi ng tulong na tumingin kay Miyu. Doon lang natauhan ang huli at mabilis na hinatak si Winona papasok sa loob ng condo.

"Mom, she's not Lexine. Her name is Sammie," aniya.

Pumasok na rin si Sammie at Ansell sa loob, dumiretso sila sa sala. Naguguluhan pa rin si Winona habang nagpabalik-balik ang tingin sa tatlong batang kaharap.

"A-ano ang nangyayari dito? Miyu what is the meaning of this?"

Malakas na napabuntonghininga si Miyu at inalalayan umupo sa sofa ang naghi-hysterical na ina.

"Okay, I'll explain everything to you…"

**

MATAPOS ma-i-kwento ni Miyu ang lahat, nahimasmasan na rin sa wakas si Winona. Ngunit, hindi niya pa rin maaalis ang mga mata kay Sammie. Nang mahawakan niya ito ay agad niyang naramdaman ang presence ni Lexine.

Pinakita ni Miyu ang gintong singsing, "We can use this ring to find her, I know coz I had read a spell before… about trying to connect someone from the spirit world."

Napabaling si Winona sa anak at pinagmasdan ang feather ring na iniwan ni Daniel para kay Lexine. Hinawakan niya iyon. Totoo ang sinabi ng kanyang anak, naisip niya na baka kaya nahihirapan siyang mahanap ang kaluluwa ni Lexine dahil kailangan niya ng isang matibay na bagay na magkokonekta sa kanya sa dalaga.

Tama!

Tumayo si Winona at nagmamadaling pumasok sa kwarto. Nagkatinginan ang tatlo sa naging akto nito. Ilang sandali pa at lumabas si Winona na may dalang green na aklat, isang spellbook. Faded na ang hardbound cover niyon at naninilaw ang mga pahina. Nilapag ni Winona ang libro sa lamesita sa gitna ng sala at sinimulang buklatin at hanapin ang kailangan nilang spell.

Nakilala naman ni Miyu ang aklat, ito ang isa sa mga spellbook na sinulat ni Eros Gibbon, inaral niya ang mga mahika doon noong bata pa siya.

Ilang sandali pa at may tinuro si Winona sa isang pahina, "Ito ang kailangan nating ritual," lumingon ito kay Miyu.

Nilapit ni Miyu ang mukha at binasa ang spell na nakasulat. Napasilip din si Sammie at Ansell pero nalukot lang ang mga noo nila dahil wala silang naiintindihan.

Matapos mabasa ang lahat ng nakasulot doon mas kumislap ang mata ni Miyu, finally, she can use her magic powers again. She was waiting for this moment.

"Okay Mom, I know what to do."

Mula sa mukha ni Miyu napabaling ang tingin ni Winona kay Sammie. Napalunok naman ang huli at kinakabahan sa maari nilang gawin.

Lumapit si Winona sa dalaga at hinawakan ito sa magkabilang kamay, "Anak handa ka na ba? Sigurado ka na ba sa gusto mong gawin? Hindi basta-basta ang orasyon na ito. Hindi ito isang laro."

Tumitig si Sammie nang may buong loob sa mata ng ginang, "Handa po ako sa kahit na ano. Wala po akong katatakutan."

Tipid na ngumiti si Winona, nababasa niya sa mga mata nito ang tapang na nakita niya rin noon kay Lexine at Leonna.

"Kung ganoon halika."

Ginayak niya si Sammie sa loob ng silid. Doon natumbok nila ang maliit na bilog na lamesa na may tatlong upuan. Napalilibutan ito ng napakaraming kandila. Sa gitna nakapatong ang isang bolang kristal at may mga nakakalat na tarot cards.

Pinaupo siya ni Winona sa isang upuan habang sa magkabilang gilid niya umupo ang mag-ina. Tumayo naman si Ansell sa gilid ng pinto, napatingin siya sa ibaba nang maramdaman na may lumilingkis sa kanyang binti. Natagpuan niya ang pusang si Amethyst na nakatitig sa kanya.

Binuhat niya ito at nilagay sa mga bisig habang nanatili siyang tahimik na nagmamasid sa taltong babae. Hinimas himas niya ang maliit nitong mukha.

Tinangal ni Winona ang mga nakalagay sa ibabaw ng lamesa at pinatong sa gitna ang gintong singsing.

"Kahit ano ang mangyari, huwag na huwag kayong bibitaw upang hindi masira ang ating ritual," mahigpit na habilin nito sa dalawang babae.

Sabay na tumungo ang dalawa. Naghawak kamay sila.

Tumingin si Winona kay Miyu, nag-uusap ang kanilang mga mata, sa hudyat nito sabay nilang pinikit ang mga mata, binuka ang mga bibig at sinimulang bigkasin ang isang chant.

"Montru min, la deziro de la menso, montru min, la deziro de la menso, montru min, la deziro de la menso."

Napalunok si Sammie at kinakabahang lumingon kay Ansell. Tumungo ito na sinasabing magtiwala siya. Binalik niya ang atensyon sa dalawang babae na patuloy sa pagbigkas ng chant.

Humugot siya ng malalim na hangin, pinatibay ang loob at hinanda ang sarili dahil ngayong gabi magkikita sila ni Lexine.