Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 160 - Can I see you?

Chapter 160 - Can I see you?

"GOOD GAME, BRO!" Habol ang hininga na nakipag-shake hands si Ansell kay Joseph, isa sa mga nakalaro siya from Xavier University.

"Yeah! I had fun, next week ulit," sagot nito.

Kakatapos lang nila maglaro ng practice game at tulad ng inaasahan ang team ni Ansell ang nanalo. Kasalukuyang silang nasa male locker's area. Isa-isa nang nagpaalam ang ibang ka-team mate niya at naiwan siya upang maligo.

Nagbibihis na siya ng sweat nang mag-ring ang cellphone niya na nakapatong sa ibabaw ng bag niya sa bench. Pagtingin niya sa caller ID ay nabasa niya ang pangalan ni Sammie. Nagmadali niyang sinuot ang pants, halos madulas pa siya sa basang tiles nang abutin niya ang cellphone, "Hi, Sam! What's up?" Bakas sa boses niya ang saya.

"Hi, Ansell, busy ka ba?" Narinig niya ang malambing nitong tinig sa kabilang linya. Mas lumaki ang ngiti niya sa labi. "No, hindi naman. Napatawag ka?

Niloud-speaker niya ang phone at mabilisang sinuot ang t-shirt. Umupo siya sa bench at pinunasan ng towel ang basang buhok.

Ilang sandali bago sumagot si Samm. "Uhm. Pwede ba tayong magkita?"

Napatuwid nang tayo si Ansell. Kumabog ang dibdib niya. Ang ngiti niya ay umabot na hanggang tenga. "S-sure!" nautal pa siya sa kaba. Tumikhim siya upang ayusin ang saril. Putsa naman, para siyang teenager! "When?"

"Pwede ka ba ngayon?"

Umabot na sa batok ang ngiti niya. "Oo naman, basta ikaw!"

Narinig niya ang maliliit na tawa ni Sammie. Parang lumukso ang puso ni Ansell. For some weird reason, it reminds her of Lexine.

Bakit pati sa pagtawa ay kamukha ni Sammie ang best friend niya? Just like the old days, isang tawag lang sa kanya ni Lexine noon ay iiwan niya agad ang kahit anung ginagawa. Maging kahit nasa kalagitnaan siya ng date o basketball game ay mag-aapura siyang puntahan ito.

Sinabi nito kung saan sila magkikita.

"Alright. See you in a bit."

"See you, Ansell."

Pinindot niya ang end button. Namatay ang tawag at bumungad sa kanya ang screen ng iphone. Naroon sa wallpaper niya ang picture nilang dalawa ni Lexine noong high school graduation. Pareho pa silang nakasuot ng puting toga at masayang magkaakbay.

Napangiti siya. "Just like the old days."

***

TILA ISANG NILALANG na may nakahahawang sakit ang punyal sa ibabaw ng lamesa. Nanatili lang na nakatitig dito ang apat ng pares ng mga mata. Nakatayo si Elijah sa isang sulok, sa sofa nakaupo si Devorah, palakad-lakad si Eros habang nagbabasa ng spell book at tahimik naman na nakatayo si Night sa tapat ng punyal. Ilang oras na silang ganoon. Matapos ibigay ni Valac ang athame sa kanya ay agad na silang bumalik ng Black Phantom.

Malakas na sinara ni Eros ang malaking spell book. Nakagawa ito ng ingay na gumising sa diwa ng tatlong nilalang na naroon. "I already memorized the spell," he announced.

Nag-angat ng tingin si Night. "Good. Now let's start."

Nagbuga ng mabigat na hangin si Eros. Mukhang talagang wala nang tsansang magbago pa ang "Where's the fruit?"

Agad pinasok ni Night ang kamay sa loob ng jacket at kinuha mula roon ang pulang mansanas. "Here." Inabot nito ang prutas sa kanya.

Dahan-dahan at madiin na napalunok ang warlock habang pinagmamasdan ang hawak ni Night. Unang tingin pa lang ay ramdam na agad niya kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng pinagbabawal na prutas.

The fruit that had started the sin of humanity. When Satan deceived Adam and Eve to eat the fruit from the forbidden tree of Good and Evil, the Heavenly Father cast out the two from the Garden of Eden. The man needs to scratch from the soil to make a living, they need to make clothes and grow food, nothing will come easily, not even childbirth. And one day, they need to face death and mortality began.

Unti-unting inabot ni Eros ang makasalanang mansanas mula sa palad ni Night nang biglang sumigaw si Devorah. "Stop!" Natigil ang kamay ni Eros.

Sabay pumihit ang ulo ng dalawang binata rito. Agad itong humarang sa pagitan ni Night at Eros. "Night… Please, pag-isipan mo munang mabuti. Mapapahamak ka sa oras na gamitin mo ang kapangyarihan ng fruit of sin."

Isang pares ng malamig na mata ang sumalubong kay Devorah. "Pagdating kay Lexine, wala na `kong kailangang pag-isipan pa."

Maging si Elijah ay hindi na rin nakapagtimpi at tila batang nagdadabog sa isang sulok. "Fuck man! I can't take this anymore!" Elijah frustratedly scratched his hair. Ilang beses na niyang sinubukang pigilan si Night pero talagang matigas ang ulo nito.

"If you don't want to participate in this fucking ritual then get the hell out of here. You guys are free to leave this room," malamig na sabi ni Night.

Nalaglag ang panga ng bampira. He can't believe what he just heard from him. Ngayon tuloy parang nagsisisi na siya na kinunsinti niya ang kabaliwan ni Night kay Lexine. Siya rin naman ang naging dahilan kung paano nito nakilala si Devorah at Eros. Hindi naman niya gusto na magkaganito. He just wanted him to be happy again. Pero wala siyang ideya na kailangan ma-involve ang nakakatakot na prutas. Hindi niya kayang makita kung paano nito ipapahamak ang sarili.

"Fine! I don't want to be part of this bullshit!" Mabigat ang mga yabag na naglakad si Elijah palabas ng private suite. Binagsak niya pa ang pintuan. Tila malakas na kulog ang tunog niyon na umalulong sa buong silid.

Nagpabalik-balik ang tingin ni Devorah kay Night at Eros. Gusto man niyang sundan si Elijah pero hindi niya kayang pabayaan ang dalawa lalo na at kailangan ni Eros nang titingin dito sa oras na simulan ang orasyon. Naalala niya kung paano siya tignan ni Night noon unang beses niya itong nakilala sa Sagada. Kung paano nito sinabi na si Lexine ang mundo nito at handa itong gawin lahat para sa babaeng lubos na iniibig.

She badly wished to see both of them together again. It's the kind of eternal love that would get through anything this cruel world will bestow. Tutulan man ng langit, lupa at kahit pa ang kamatayan at kabilang buhay. Mukhang wala na siyang magagawa pa kundi suportahan ang binata at manalangin sa Maykapal na sana ay huwag itong tuluyang mapahamak at magtagumpay ang prinsipe ng dilim sa mithiing mabawi si Lexine.

Dahan-dahan niyang hinawakan sa braso si Night at pinakatitigan mabuti sa mga mata. "Please Night, mag-iingat ka."