MASAYANG kumaway si Sammie nang matanaw niyang pumasok si Ansell sa Starbucks. Gwapong-gwapo ito sa suot na pulang varsity jacket, maong pants at white Yeezy.
"Hey," bati nito nang makalapit sa couch kung saan siya nag-aantay.
"Hi, Ansell. Thank you sa pagpunta. Sorry kung naistorbo kita."
Umupo si Ansell sa katapat niyang. "No worries. Kakatapos lang ng basketball game ko nang tumawag ka kaya libre naman ako."
Napangiti siya sa sinabi nito at inabot ang Java Chip na inorder niya kanina. "Here, for you."
Napangisi nang malaki si Ansell nang abutin ang frapuccino. "How did you know that this is my favorite drink?"
Uminit ang pisngi niya. "Ah, last time kasi nung nag-starbucks tayo, ito `yung nakita kong inorder mo."
Napatungo si Ansell habang nakatingin sa inumin at lalong lumapad ang ngiti na tila may naalalang nakatutuwang bagay. "You know what, Lexine always do this before. Madalas kasi na nauuna siya sa `kin makarating sa coffee shop at everytime na dumarating ak. n-order na niya ang favorite drink ko. This one."
"Sobrang close niyo siguro `no?"
"Yeah. We were best friends since grade school. Sabay na kaming lumaki. Alam namin ang gusto at ayaw ng isa't isa. Lexine knows everything `bout me: secrets, ambitions, even my problems. Lahat sinasabi ko sa kanya at ganoon din siya sa `kin."
Nababasa ni Sammie sa mata ni Ansell ang labis na pangungulila. Nakipagkita siya rito dahil marami siyang gustong malaman tungkol kay Lexine. Simula nang napaginipan niya ang babae na hinahabol ng mga taong nakatago sa puting balabal. Hindi na siya natahimik. May boses na bumubulong sa kanya at nagsasabing alamin niya ang lahat tungkol sa dalaga. Hindi niya rin maipaliwanag kung bakit siya nakakaramdam ng ganito. This is beyond curiosity; it's more than that.
"Bakit mo pala naisipan makipagkita" mayamaya ay tanong ni Ansell.
Humugot si Sammie ng hangin sa dibdi. This is it. Ito lang ang pag-asa niya. "Ansell, I know na hindi naman tayo close para humingi ako ng pabor sa `yo pero…" Pinaglaruan niya ang mga daliri at kinagat ang ibabang labi. "Gusto ko sanang malaman ang lahat tungkol kay Lexine. Lalo na kung paano at bakit siya namatay."
Hindi iyon inaasahan ni Ansell. He was caught off guard. Natigilan ito at natulala sa kanya. Mabilis na bumigat ang tensyon sa pagitan nila. He remained quiet for a moment before he finally recovered. Tumikhim ito. "Bakit mo naman gustong malaman?"
Muling kinagat ni Sammie ang ibabang labi at tinitigan ng taimtim si Ansell. Kung mayroon man taong higit na nakakakilala kay Lexine iyon ay walang iba kundi ang best friend nito. Ito lang ang susi niya sa pinto ng mga sikreto tungkol sa pagkatao ng babaeng nadidikit sa kanya.
Ilang beses niya rin itong pinag-isipang mabuti at buo na ang kanyang desisyon. Kailangan niyang malaman kung ano ang totoo. Malakas ang kutob niyang hindi lang basta coincidence kung bakit niya kamukha si Lexine. Kahit pa hindi niya sigurado kung ano ang ibig sabihin nang napaginipan niya. Something inside her was urging her to know the truth. As though the answer she was looking for were the life vest that she needed to survive the deep water that keeps on pulling her down. She was drowning in the sea of ambiguities, mysteries, and danger. She needs to get that life vest by hook or by crook.
"Alam ko magiging sobrang weird nitong sasabihin ko sa `yo pero pakiramdam ko…"
Nag-aabang ang mga mata ni Ansell sa kanya. Upang matulungan siya nito ay kailangan niya rin na pagkatiwalaan ang binata. "Pakiramdam ko nakikipag-ugnayan sa `kin si Lexine."
Lalong nagsalubong ang kilay ni Ansell. "What do you mean by that?"
"Noong isang gabi, nanaginip ako. May babaeng tumatakbo. Takot na takot siya at may mga taong humahabol sa kanya. Hindi ko sila makita nang maayos dahil madilim at nagtatago sa puting balabal ang mga taong nakasunod sa babae. Naputol din ang panaginip ko kaya hindi ko nakita ang mukha niya pero pakiramdam ko may kaugnayan ito kay Lexine. Parang si Lexine ang nakita ko."
That caught Ansell's full attention. Tumuwid ito nang upo. "Tingin mo... Lexine's soul was trying to connect with you?"
Tumungo si Sammie. "Siguro? I'm not really sure pero iba kasi talaga ang naramdaman ko sa panaginip na `yon. Kung pa'no kumabog nang malakas ang dibdib niya, kung paano niya habulin ang hininga niya, kung paano manlamig ang pakiramdam niya sa labis na takot. Everything… it felt so real to me."
Napaisip nang husto si Ansell. Kung mahahanap nila ang sagot sa tanong na gumugulo sa kanilang isip at para sa alaala ng yumaong kaibigan. Wala siyang hindi handang gawin.
"Okay, come with me. I'll tell you everything about her."