"SO WHAT IS the important matter why you wanted to see me?" tanong ni Eros habang pinagmamasdan nito ang pinapaikot na gintong alak sa basong hawak. Kaharap nito nakaupo si Night habang nagsasalin din ng alak. Sa gilid nakaupo si Elijah habang nakatayo at nakahalukipkip naman si Devorah sa isang sulok. Lumipat sila sa kabilang private room upang makapag-usap nang maayos. Naiwan si Miyu at Sammie sa suite number two.
Nagpalitan ng makahulugang tingin ang tatlo. Matalino si Eros, alam niyang ginagawa lang ng mga ito na pain si Devorah upang magpakita siya. Gayunman, dahil magiging dahilan ito upang muling makita at makausap niya ang dating nobya kung kaya kinagat niya ang laro ng dalawang lalaki. Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya si Devorah na palaging nag-iiwas ng tingin. Napangisi si Eros. Kahit lumipas na ang maraming taon ay napakaganda pa rin nito.
Nang sandaling unang beses na nagtama ang kanilang mga mata mabilis na bumalik sa kanya ang lahat ng alaala na pinagsaluhan nila. He never loved any woman more than Devorah. She was his one and greatest love. Kaakibat ng masasayang alaala ang lungkot at pait nang paghihiwalay nilang dalawa. Lalo na ang malalim na sugat na naiwan sa dibdib niya nang mas pinili ni Devorah ang pamilya nito kaysa sa kanya. Isang bagay na mahirap man ngunit pinili niyang tanggapin.
Sa loob ng maraming taon, pinilit ni Eros na kalimutan si Devorah. Nagpalipat-lipat siya ng tirahan. Nakipagrelasyon sa iba't ibang babae. For a while, he was able to forget his pain beneath the soft arms of different women. But every night whenever he's alone, all the memories of Devorah would come back all at once, never wanted to leave out his system, like a scar deeply engraved on his skin. Nang makita niya ang unang mensahe na pinadala nito ay pakiramdam niya huminto ang buong mundo niya. Paulit-ulit niyang binasa ang mensahe. He felt the familiar pain but at the same time, happiness bloomed on his chest like a flower. He tried to calm his mind for a few more days that's why it took him weeks before he decided to show his self. He wanted to be ready––for her. Ngunit sa sandaling nakita niya ito, ang matibay na pader na binuo niya sa napakaraming taon ay mabilis na gumuho. One look and he was shattered again.
Matapos i-bottoms up ang alak, relax na sumandal si Night sa couch. Tamad na dumikwatro at humalukipkip. Pinagmasdan niya si Eros habang nananatili pa rin ang atensyon ng warlock sa pinapaikot nitong baso ng alak. He's been waiting for this day. He doesn't want to lose any more fucking seconds. He wasted enough time already.
"I need you to kill me," he said in a voice as flat as the land beneath them.
Nag-angat ng tingin ang makisig na Warlock sa Tagasundo. Nagtama ang tsokolateng mata ni Night at kulay karagatang mata ni Eros. One monster tornado and a horrendous tsunami crashing down together. The result?
Big chaos.
Kumislap ang mga mata ni Eros. "Hmm… the most powerful Grim Reaper wanted to die?" Nanatili ang titig niya sa baso na para bang isa itong magandang piraso ng alahas. Umangat ang sulok ng bibig niya. "Fascinating."
Binaba niya ang baso sa lamesa at dinikit ang dalawang siko sa magkabilang tuhod at pinagsaklop ang mga daliri. Pinatong niya ang baba sa kamay at sinalubong ang hindi kumukurap na titig ng prinsipe ng dilim. "Why?" Naningkit ang kanyang mata.
"Because I want to bring her back. The woman that I love so deeply," walang kurap na sagot ni Night.
Eros smirked. Here we have, another victim of the thing called love. Hindi naman lingid sa kaalamanan niya ang tungkol sa kumalat na balita. Pero hindi niya inaasahan na matindi pala talaga ang kabaliwan ng makisig na Tagasundo sa natatanging Nephilim. But he needed to test the water first.
"And why do you think that I would help you?" aniya na di rin bumibitaw ng titig dito.
Umangat ang isang sulok ng bibig ni Night. This guy is just like him. Acting tough and mighty, but solely a one woman could make him tumbled to his knees. Behind that mask was a man who would do anything for the person he loves the most.
"I belived you know the feeling of intense longing for someone and desiring her to come back in your arms again."
Nagtigas ang bagang ni Eros.
""Bulls-eye!" malaki ang ngisi na bulalas ni Elijah.
Tumalim ang tingin ni Eros sa bampira pero lalo lang itong napangiti nang malaki. Si Devorah naman ay namumula na sa isang tabi at nag-iwas ng tingin.
"You guys are crazy as shits!" dagdag pa ng bampira.
Lumipat ang mainit na mga mata ni Eros kay Devorah. Nagkatinginan ang dalawa. Mabilis na sumagi uli sa alaala niya ang masasayang sandali nila ng dating nobya. Ang mga harutan nila sa bawat sulok ng kanyang bahay habang tila mga batang naghahabulan at nagpapagulong-gulong. Ang mga umaga na gumigising siyang katabi ito at mahimbing na natutulog. Mga maiinit na gabi na nag-iisa ang kanilang mga katawan. Unti-unting naninikip ang kanyang dibdib. Kahit sa matagal na paglipas ng panahon ay sariwa pa rin sa kanya ang lahat.
"I love you so much, Devorah. Please be with me forever."
"Yes, I'll marry you!"
Hindi niya makakalimutan ang pinakamasayang araw ng buhay niya nang tanggapin ni Devorah ang alok niyang kasal. Ngunit sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib ay iniwan siya ng babae na umiiyak sa altar.
"I'm sorry Eros, I can't marry you."
"Devorah! Devorah, please don't do this to me."
"My family needs me, Eros. Sana mapatawad mo ako."
Hindi na napigilan ni Devorah ang nag-uumapaw na damdamin at nagtuloy-tuloy na ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Bago pa man siya magmukhang baliw na humahagulgol ay mabilis na niyang dinala ang mga paa palabas ng kwarto.
Naiwan ang tatlong lalaki. Mahabang katahimikan ang namagitan sa apat na sulok ng silid na tila dumaan ang isang anghel. Ilang sandali pa at nagsalita ulit si Eros. Tumitig ito sa Tagasundo.
"Okay, I'll help you in one condition."
Night smirked, hindi pa man nito sabihin. Alam na niya kung anung gusto nitong kapalit.
"I want Devorah back."