Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 148 - Vampire vs Werewolves

Chapter 148 - Vampire vs Werewolves

NAGULAT SI SAMMIE at Miyu nang biglang lumitaw kung saan ang isang napakalaking itim na lobo. Sa sobrang laki at lakas nito ay walang laban ang mga lumalapit na security team dahil tumitilapon lang ang mga ito na parang basahan.

"Anung klaseng hayop `yun?" namumutlang tanong ni Sammie.

"Werewolves," sagot ni Miyu.

Halos lumuwa ang mga mata niya. Nagwawala ang malaking lobo habang sinisira nito lahat ng gamit sa paligid. Anim na mga bampira ang pumapalibot dito. "Sinu naman ang mga `yun?"

"They're the Rosewidow Family. Vampire and werewolves have been a long time enemies. Normal na ang mga ganitong pangyayari rito sa Black Phantom." Tinuro ni Miyu ang lobo. "Siya ang pack leader ng tribung Mutawi mula sa Bukidnon."

Sabay-sabay na tumalon ang tatlong lalaki mula sa Rosewidow at inatake ang itim na lobo. Ngunit isang hampas lang ng ulo ng lobo ay tumilapon ang dalawang bampira sa kabilang panig ng club samantalang dinakma naman ng malaking bibig ng lobo ang ulo ng isa at walang hirap na pinutol pahiwalay sa katawan.

Mas lalong umiyak sa galit ang mga bampira. Ang babae na siyang panganay sa anim ang sunud na umatake. Lumilitaw ang matutulis nitong pangil at namumulang mga mata. Maliksing naiwasan nito ang bawat sugod ng lobo. Tumalon ito paikot sa itaas at magaan na lumanding ang mga paa sa likuran ng lobo. Gamit ang matutulis na kuko, kinalmot ng babaeng bampira ang batok ng lobo. Dumagundong sa buong club ang malakas na alulong ng lobo na nagpatayo ng balahibo ng lahat ng nilalang na naroon.

Tumulong na rin ang iba pang bampira at sabay-sabay ng mga ito na pinagkakalmot ang malaking lobo. Akala ng lahat ay tuluyan nang magagapi ang pack leader but another werewolf with ash fur suddenly leaped from the shadow. Its monstrous fangs dig deep into the flesh of the vampires surrounding the pack leader.

Isang dalagita na may nakatirintas na puting buhok ang lumitaw mula sa mga nagsisiksikang pulong sa isang gilid. Pumuwesto ito na parang hayop sa sahig sabay umalulong. White smoked enveloped her and soon transformed into a white nine-tailed fox with ocean blue eyes. Her tails dance in the air like snakes.

Mas lalong nagkagulo ang lahat. Dalawang werewolves at isang fox laban sa limang bampira. Sunud-sunud na nagsilabasan ang mga security team at hinarap ang parehong grupo. Nakahanda ang mga futuristic gun ng mga ito na naglalaman ng special technology bullets. Manghihina ang kahit anung dark entities sa oras na tamaan ng bala.

Ngayon, sabay-sabay na nagtutugis ang mga lobo, bampira at security team.

Sa kabilang banda, ang lahat naman ng members ng Black Phantom ay kanya-kanya ng hiyawan habang nag-aabang kung sino ang mananalo sa dalawang panig. Para sa mga ito ay labis na nakaaaliw ang labanang nagaganap. Palakasan at pagalingan. Sino ang magtatagumpay: ang mga lobo o bampira?

"Oh, sino ang pupusta? Vampires o Werewolves? Akin na ang mga taya niyo!"

Isang pandak at singkit na binatilyong warlock ang tumayo sa ibabaw ng lamesa habang malakas na sumisigaw. Sa magkabilang kamay nito nakahanda ang dalawang sumbrero na naglalaman ng libo-libong pera. Sa kanan ang bampira! Sa kaliwa ang mga lobo! Give me your bets!" Sabay-sabay naman nakipag-pustahan ang lahat at kanya-kanyang bigay ng salapi sa binatilyo. "

Napanganga si Sammie sa nasasaksihan. Talagang nagawa pa ng mga itong pagkakitaan ang nagaganap na patayan ng dalawang lahi? Sa gilid ng mata, naaanig niya si Miyu na bumunot ng tig-iisang libong papel. "Sa bampira ako!" sigaw nito sabay abot ng pera sa binatilyong warlock.

Nanlaki ang mata niya. "Pati ba naman ikaw?"

Napangisi ito nang malaki. "Ikaw? Sino sa tingin mo ang mananalo?"

Kahit tense na tense na sa mga nangyayari ay nag-isip pa rin si Sammie. Pinagmamasdan niya ang walang tigil na pagpapatayan ng dalawang lahi sa gitna ng club. "Uhh, werevolves?" sagot niya pagkuwan.

Nagliwanag ang mukha ni Miyu. "Sige, five thousand para sa werewolves." Bigla itong bumunot uli ng pera at tinaya sa pustahan.

"Baliw ka talaga!" bulalas niya rito.

Mas lumaki ang ngiti ni Miyu. "Just watch! This is going to be fun!"

Napilitan na lang din manuod si Sammie. Na-culture shock man siya pero wala siyang choice kundi ang mag-adapt nang mabilis. Or else, she's a dead meat. Nagpatuloy sa pakikipaglaban ang tatlong panig. Marami na'ng sugatan na mga security team, ganun din ang mga bampira. Mukhang sa pagkakataong ito ay nakalalamang ang mga lobo.

Kasalukuyang pinagtutulungan ng dalawang bampira ang lobo na may ash gray na balahibo. Nagwawala ito sa galit habang panay ang pagbukas-sara ng nakakatakot nitong bibig. Sabay na tumalon ang magkapatid na bampira at binigyan ng flying kick ang galit na lobo. Sa lakas ng pagkakasipa ng mga ito, tumilapon ang malaking katawan ng lobo sa direksyon na kinatatayuan nila Sammie.

Mabilis ang pangyayari. Nagkagulo ang lahat. Nagkaroon ng tulakan at hiyawan.

"Sammie!" sigaw ni Miyu. Sinubukan siya nitong abutin ngunit nagkahiwalay sila nang masama si Miyu sa tulakan ng lahat.

Tila napako si Sammie sa kinatatayuan habang nanlalaki ang mga mata niya. Sa harapan niya lumilipad na papalapit ang katawan ng lobo.

Huli na nang mapansin ni Night na nasa isang sulok lang pala si Sammie. Matapos nilang marinig ang kaguluhan mula sa second floor ay agad silang bumaba upang pigilan ang gulo. Nanlaki ang mata ng Tagasundo nang makitang naninigas si Sammie sa kinatatayuan habang mabilis na patungo sa direksyon nito ang tumilapon na katawan ng lobo. Kinilos agad ni Night ang mga paa at tumakbo patungo sa babae.

Ilang pulgada na lang ang distansya ng lobo. Pinikit ni Sammie ang mga mata at pinangtakip ang dalawang braso sa sarili. Katapusan ko na ba?

Isang liwanag ang biglang sumabog at pumalibog sa dalaga. Sa sobrang lakas ng enerhiya ay nasilaw ang lahat ng nilalang na naroon. Maging si Night ay nahinto sa pagtakbo at nagtakip ng braso sa mukha. Tumigil ang nangyayaring labanan. Lahat ay nagulat sa malaking liwanag na lumamon sa kabuuan ng buong club. Tila isang nuclear bomb ang sumabog sa harapan ng lahat.

Ang buong akala ni Sammie ay mamamatay na siya. Pero matapos ang ilang segundo ay wala ng kahit na anung bagay ang tumama sa katawan niya. Dahan-dahan niyang dinilat ang mga mata at binaba ang mga braso. Napasinghap siya nang makita ang isang maliwanag na green shield––na gawa sa malinaw na tubig—na kasalukuyang pumapalibot sa kanya. She was like inside a huge bubble.

Nakita niya ang katawan ng lobo na nakahandusay sa sahig ilang dipa mula sa kinatatayuan. Na para bang nag-bounce iyon palayo nang tumama sa shield na pumuprotekta sa kanya Ano'ng nangyayari? Paano at saan ito nanggaling?

`Di nagtagal, unti-unting nalusaw ang liwanag na sumakop sa buong paligid ngunit nanatili pa rin ang harang. Tuluyang nakadilat si Night, nanlaki ang mga mata niya nang nakita ang mahikang pumuprotekta sa dalaga. Lahat ng mata at atensyon ay nasa mortal na babae. Tuluyang natigil ang labanan ng dalawang lahi.

Nagpalitan nang nagtatakang tingin sina Elijah at Devorah. Nang bigla nilang naramdaman ang biglang pagbabago sa ihip ng hangin. Nasamyo ng matalas na pang-amoy ni Elijah ang pamilyar na halimuyak na hinding-hindi niya makakalimutan. Naninigas ang mukha na sumulyap siya sa kabilang panig ng club. Ganoon din si Devorah. Malayo pa lang ay ramdam na nila ang malakas na presensya. Parehong namutla ang mukha ng dalawa.

Nangibabaw sa katahimikan ng lugar ang tunog ng sapatos na tumatama sa sahig. Mula kay, Sammie ay unti-unting nalipat ang atensyon ng lahat sa pinagmumulang ng ingay. Isang makisig at matangkad na lalaki ang dahan-dahang naglakad papasok ng Black Phantom. Nakatago ang mukha nito sa suot na cowboy hat. Naka-angat ang isang kamay nito na binabalot ng berdeng liwanag.

Napalingon na rin si Night sa bagong bisitang dumating. Ganoon din si Miyu at Sammie.

Huminto ang tibok ng puso ni Devorah habang hindi bumibitaw ng tingin sa lalaking nasa gitna. She was frozen on her feet. Dahan-dahang tumingala ang makisig na lalaki. Tinamaan ng ilaw ang kabuuan ng mukha nito. Unang mapapansin ang asul nitong mga mata na maihahantulad sa karagatan. His eyes were vast and endless deep but achingly beautiful. It was vicious like a monstrous wave. At Kahit lumipas na ang maraming taon ay kailanman hindi naalis sa isipan ni Devorah ang mga matang iyon.

Lumingon ang makisig na lalaki sa direksyon niya. Sa sandaling magtagpo ang kanilang tingin, tuluyang pumatak ang luhang kanina niya pa pinipigilan.

"Eros."

Samantala, sa kabila ng kaguluhan ng lahat, isang lethium demon ang tahimik na naglakad palabas ng naturang club. Sumasabay sa hangin ang itim, mahaba at nakapusod nitong buhok. Kinuha ng demon ang kanyang cellphone mula sa bulsa at agad tinawagan ang isang nilalang na paniguradong masisiyahan sa kanyang balita. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "Panginoon, natagpuan ko na siya."