Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 147 - I need to die now

Chapter 147 - I need to die now

BINAGSAK ni Night ang baso sa ibabaw ng lamesita. Pinanghilamos niya ang isang palad sa buong mukha sabay sinandal ang ulo sa headrest ng couch. Ilang beses siyang nagbuntong-hininga habang pilit na pinakakalma ang sarili. "It's been already a goddamn week pero ni balahibo ni Eros hindi ko pa rin nakikita. Fuck! Nag-aaksaya lang ba tayo ng oras?"

Nagtinginan si Devorah at Elijah. Prenteng nakasandal ang bampira sa two way mirror habang naka-upo naman sa katapat na sofa si Devorah. Ang inaasahan kasi nilang tatlo o apat na araw ay umabot na ng isang linggo pero hindi pa rin nagpapakita ang kanilang pakay.

"Just chill man, lilitaw din `yon," ani Elijah. "Baka naman busy lang at hindi agad nakapag-check ng emails or––"

"Bullshit!" Sinipa niya ang glass table na nasa harapan at mabilis itong tumilapon sa kabilang panig ng kwarto.

Tumikom ang bibig ni Elijah sabay umakto na nag-zipper ng labi.

Bagsak ang mukha ni Devorah na bumaling sa kanya. "I'm sorry, Night. Don't worry. I'll send him another email or maybe better… a voice message."

Night grunted in frustrations. Sa bawat araw na nasasayang ay mas lumiliit ang tsansa niyang mabawi si Lexine sa mundo ng mga kaluluwa. "Just fucking kill me please… I need to die, now!"

Hindi pa siya nakuntento sa lamesita kaya ang isang buong sofa naman ang hinagis ng niya. Tumama ang malaking sofa sa ninety-eight inches flat screen television na nanahimik sa gitna ng kwarto.

"Fuck, dude! That's worth two hundred thousand. `Yung table, twenty-five thousand at `yang sofa? That's one hundred sixty fucking thousand. Total ng lahat ng sinira mo kasama ang interior design service fee, five hundred thousand!" Bulalas ni Elijah. Naiiling na pinagmasdan na lang nito ang lahat ng nasirang gamit. nagbuntong-hininga ito. "The last time I tracked him down, he's at Japan," anito pagkuwan.

"Then let's go to Japan! Kaysa nakatunganga tayo rito. Why don't we just go wherever the fuck he is?"

Pinindot ni Elijah ang pagitan ng mga mata nito. " I told you, It's not easy like that. Sa oras na maramdaman ni Eros na sinusundan siya lalong hindi magpapakita `yon. Maghahabol lang tayo ng multo. Trust me, Night. Mas mainam na siya ang kusang lalapit sa `tin. That is the only way."

"I agree with Elijah," segunda ni Devorah. "Matagal ko nang kilala si Eros. Kabisado ko ang ugali niya. For sure, nag-iinarte lang `yun. Give us another few days. Kapag hindi pa rin siya nagparamdam. Then we'd track him down. Kung kinakailangan na suyurin natin lahat ng sulok ng mundo. Sasamahan kita, hahanapin natin si Eros." He saw the assurance in her green eyes.

Wala nang nagawa si Night kundi ang sumangayon sa dalawa. Sana lang talaga ay lumabas na ng lungga si Eros. Hindi na siya makapag-antay na mabawi ulit si Lexine. Isang malakas na sigawan ang nagpatigil sa mainit nilang usapan. Dumungaw agad si Elijah sa two-way mirror at tanaw roon ang kaguluhan na nagaganap sa first floor.

"What is that?" tanong ni Night.

Nanlaki ang mga mata ni Elijah at napalunok nang madiin. "Uhh… guys, I think… I might need your help."