HUMINTO ang itim na R8 Audi Coupe V10 sa tapat ng two storey glass house. Modern at futuristic ang architecture design ng buong bahay. Habang napapalibutan iyon ng nagtataasang pine trees. Ilang oras din ang naging biyahe nina Night at Elijah upang makarating sa Sagada Province.
Nag-iisa lang ang private property sa gitna ng masukal na gubat. Ubod ng lamig ang temperatura habang nagkalat ang fogs sa paligid sanhi upang maging malabo ang daan. Sa bawat paghinga nila ay lumalabas ang usok sa kanilang bibig.
"Finally! We're here!" saad ni Elijah pagkababa ng sasakyan habang nag-uunat ng buong katawan.
Ang dose oras na normal na biyahe mula Manila patungong Sagada ay ginawang walong oras ni Night sa bilis niyang magpatakbo ng sasakyan. Tahimik niyang pinagmasdan ang kabuuan ng bahay. Nagsimula na silang maglakad patungo sa gate. May twenty four steps na stone stairs ang kailangan akyatin bago matumbok ang malaking metal gate. Sa tuktok niyon ay may cctv camera at isang high-tech digital door lock.
"Hello, good morning! Welcome to Dela Fuentes residences may I know your name?" agad na nagsalita ang isang female voice robot.
Nagliwanag ang mukha ni Elijah na tila isang batang nakakita ng panibagong laruan. "The most handsome, sexiest and fucking richest bachelors in the history of humankind," sagot ng bampira.
"Oh, and don't forget… the most popular vampire too."
Umikot ang dalawang mata ni Night. Kung mayabang at mahangin siya mas makapal naman ang mukha ni Elijah.
"Welcome Mr. Elijah Gridwood and Mr. Night Fuerdo," sagot ng artificial intelligent.
Napangisi nang malaki si Elijah. "I like this thing."
Automatic ng bumukas ang gate. Naiiling na unang pumasok si Night, sumunod naman si Elijah. Bumungad sa kanila ang malawak na garden. Nagkalat ang bermuda grass habang sa gitna agaw pansinin ang fish pond na may lumalangoy na mga koi fish. Two minutes walk patungo sa main door. Tanaw mula sa labas ang minimalist na interior design sa loob ng naturang bahay.
"You know what this glass house was made of double glazed low E windows." Tinuro ni Eljah ang bahay na tila isang tourist guide. "Energy efficient `yan at safe sa environment. Apparently, nature lover ang Dela Fuentes family."
Hindi pa man sila tuluyang nakakalapit sa wood na double door nang bumukas iyon at masiglang lumabas ang isang magandang babae. She is wearing a black turtle neck and long sleeves maxi dress. Her auburn hair was neatly tied in a ponytail. She has a dark green eyes with long curly lashes, heart shaped face and a natural pouty lips. Lumilitaw nang husto ang lahing espanyol sa mukha nito.
"Elijah!"
"Devorah!"
Naunang tumakbo si Elijah at sinalubong ng mahigpit na yakap ang babae. Tila naging mga bata ang mga ito at nagpaikot-ikot. Pumainlanglang ang malakas na tawanan sa paligid bago binaba ni Elijah si Devorah.
"It's good to see you again!" bulalas ni Devorah. Panay himas nito sa balikat ng bampira.
Elijah smiled back. "Yeah, it's been what? Two decades since we last saw each other?"
"Two and half to be exact."
Nagtawanan ang dalawa. Tumikhim si Night na nakatayo sa isang tabi. Ngumisi si Elijah sabay tapik sa balikat niya. "By the way Dev, this my friend, Night."
Biglang nagliwanag ang mukha ni Devorah nang mapagmasdan siya. Her lips formed a letter "o" while her eyes were twinkling in astonishment. "So, you are the man behind the chaos of all the women in the underworld."
Pasimpleng umismid si Night. "The one and only."
Elijah snorted. "The fuck? I'm the most popular vampire in the history, pangalawa lang siya sa `kin. Honestly, dahil palaging nakadikit sa `kin `tong si Night kaya nahahawa na rin siya sa charisma ko."
Ang lakas ng tawa ni Devorah. Nagtaas naman ng kilay si Night. "Kaya pala lahat ng babaeng hindi ko pinapansin sinasalo mo?"
Napanganga ito nang malaki. "Hey! That's not true! I'm a real gentleman and I can't bear to see a woman cry, you know. I'm just offering them a shoulder to lean on. At least I'm not a douchebag like you. The only time a woman cry with me it's because I make them wept in pleasure on my bed."
Nakakalokong ngumisi si Elijah. Walang reaksyon si Night. Tumirik ang mga mata ni Devorah at natatawang hinatak ang dalawang lalaki papasok ng bahay.
***
WHITE, GREEN and brown ang makikitang kulay sa loob ng glass house na pagmamay-ari ng mga Dela Fuentes. Sagana sa indoor plants ang bawat sulok habang gawa sa kahoy ang mga muwebles. Puro white naman ang paint ng bawat dingding. Si Devorah na lang ang tumitira sa malaking bahay dahil nasa ibang bansa na ang mga kapatid niya. Ang mga magulang naman niya ay abala mag-travel all over the world.
Pinagtimpla ng mainit na kape ni Devorah ang dalawang bisita. Nakaupo si Night sa puting couch habang nakatayo si Elijah sa tapat ng malaking glass wall sa sala at nagmamasid sa overlooking view ng buong mountain province.
"Wala pa rin masyadong pinagbago ang lugar na ito," komento ng makisig na bampirta. "It has been more than two decades since the last time I visited this place. Na-preserve pa rin nila ang natural na ganda ng kabundukan."
Sumandal si Devorah sa katapat na couch na inuupan ni Night at sumimsim ng kape. "Indeed, that's why I love this place; the whole town. The life here was ingenuous and peaceful. Unlike in the city, people were always crazy and fast pacing. I like my life to be slow and melow." Sumimsim siya uli ng kape bago tumikhim. "So, what brings you here, Elijah? It was very rare for you to visit this mountain. You're a city guy, mabilis kang mabo-bored dito."
Nagpabalik-balik ang mata ni Elijah sa kanya at kay Night. Tumigil ang titig nito sa binata at nagpalitan ng makahulugang tingin. Lumapit si Elijah at kinuha ang isang baso ng kape sa lamesita. Sumimsim ito bago sumersyoso at nagsalita. "Well, I need to ask you a favor, Dev." His gray eyes gazed at her with intense. "Ikaw lang ang kilala kong may kayang makapagpalabas sa kanya."
Napatayo nang tuwid si Devorah kasabay nang pagtigas ng kanyang mukha. An icy breeze slithered on her skin as her pulse swiftly bounded faster. Suddenly, the warm coffee felt cold on her palms.
Ilang minutong nagpalitan ng titig ang dalawang lalaki habang nanatili naman siyang walang imik. She does not know how to respond. She was suddenly caught off guard by Elijah.
Nang wala pa ring makuhang sagot mula sa kanya ay nagbuntong-hininga ang bampira bago muling nagsalita . "I know, Dev that you and Eros were not in good terms and I'm truly sorry for being insentitive to ask you to help me. Pero ikaw lang ang pag-asa namin para makausap si Eros."
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Devorah sa dalawang lalaki. Halos nakababatang kapatid na ang turing niya kay Elijah. Devora first met him during her vacation in Russia decades ago. On her third night, she went with her friends and spend their evening at Mendeleev Bar in Moscow when Elijah approached their table and introduced himself. He had always been an exceptional charmer with his lips that was made for sweet words that could make any woman wet in fervor. He'd tried to flirt with her but unfortunately for him, her eyes landed on his friend, Eros. Unang tingin pa lang niya sa asul nitong mga mata ay naramdaman na agad niya ang kakaibang pagtalon ng puso niya. It was love at first sight. Her one true love. But also the love she should never have.
Marami silang pinagsamahang tatlo noong mga panahon ng masayang relasyon nila ni Eros. Hindi man naging maganda ang hiwalayan nila ng kanyang ex-boyfriend, nanatili pa rin ang friendship nila ng makisig na bampira.
"Why do you need to talk to him?" Sa wakas at nagsalit siya.
Sasagot sana si Elijah pero naunang nagsalita si Night. "I need him to kill me."
Napasinghap si Devorah. "Why do you want to kill yourself?"
Hindi siya makapaniwalang gusto nitong hanapin si Eros para lang magpakamatay. Pero sa uri ng tingin na binibigay nito sa kanya ay sigurado siyang hindi ito nagbibiro. Marami na siyang naririnig tungkol sa makisig at makapangyarihang Tagasundo na kinatatakutan ng lahat. Kalat din ang balita kung gaano ito kababaero at kasikat sa mga babae. Marami na itong pinaiyak ng dugo.
The prince of darkness has known to be a sex god and merciless heartbreaker. Parang bagay na tinatapon lang nito ang isang babae matapos pagsawaan. Hanggang isang araw, pumutok ang isang balita na naging labis na maingay sa buong underworld.
Napasinghap uli si Devorah nang may ideya ang biglang umilaw sa kanyang isipan. Pinagduktong-duktong niya ang mga kwentong naririnig hanggang sa nakapag formulate siya ng sagot. Her eyes narrowed at him. "Don't tell me that you want to die so you could bring her back? The Nephilim?" Nanigas ang bagang nito.
"Bulls-eye!" bulalas ni Elijah sabay higot ng kape.
Napakunot ang noo ni Devorah. She still can't believe that the famous demon prince would be so damn serious about a girl. At talagang magpapakamatay pa ito para lang sa isang babae.
For a moment, she was too shocked to utter a word, and then soon she felt her chest warming. Living for a hundred of years, marami nang nasaksihan si Devora na iba't ibang relasyon na sinubok ng tadhana. Pero karamihan dito ay hindi nagtatagal including her own relationships.
Hinakbang niya ang mga paa at umupo sa tabi ni Night. Tinignan niya ito ng mabuti sa mga mata. "Are you really willing to do anything for her? Even to sacrifice your own life?"
The demons brown eyes rested on her. Ngayon lang napagmasdan mabuti ni Devorah ang mga mata ni Night. They were so beautiful and captivating. Like his eyes were absorbing your whole being. Hindi na siya magtataka kung bakit maraming babae ang nababaliw rito. At sa likod ng nakabibighaning mga mata ng makisig na Tagasundo, naroon at sumasalamin ang labis na kalungkutan at pangungulila.
"Lexine is my world, Devorah. She's the reason of my existence. There's nothing that I would not do for her."
Devorah's heart melted like a candle. She sighed. It has been centuries since the last time she saw a man deeply and madly in love like him. Naalala niya si Eros. If only she has this kind of strong determination to fight the person she loves hindi sana siya mag-isa at namumuhay ng malungkot ngayon. Behind Devorah's grace and eternal beauty was a desolate soul. Binubuhay ni Night ang pag-asa at paniniwala niya sa tunay na pag-ibig. Kung magiging masaya ang dalawang nagmamahalan ay wala siyang sapat na dahilan para hindi ito tulungan. If she could not have this kind of tremendous love in this life at least someone else would.
Pinatong niya ang palad sa dalawang kamay nito at pinakatitigan itong mabuti. "Makakaasa ka, tutulungan ko kayong muling magkasama."