Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 132 - Gold Label

Chapter 132 - Gold Label

"MAMSHIEEEE! You will not believe what just happened to me last night!" Ito agad ang bungad ni Brusko kay Sammie pagkalapit niya sa bar counter.

"Ano?" tanong niya rito sabay sandal sa pader at hinagkan ang hawak na round tray.

"So, diba nagpunta kami sa Revel after shift. Naku, mamshie sayang at `di ka sumama. Julanis morisette ng mga chopopo at afam! (Umuulan ng mga gwapo at foreigner) Busog na busog ang mata ko pati na rin ang kepams (vagina) ko dahil may nakilala aketch! (ako)."

Nanlaki ang mga mata ni Sammie sabay hampas sa bato-bato nitong braso. "Ang landi mo talagang bakla ka! Sino na naman `yang binooking mo kagabi aber?"

Tumulis ang nguso ni Brusko at dreamy na pumalumbaba sa ibabaw ng counter top. Halos tumirik na ang mata nito sa sobrang kilig. Daig pa ang bulateng sinabuyan ng asin. "His name is Jack! At ako naman ang kanyang Rose. Siyempre ang lola mo hindi papayag na hindi makaka-aura `no! Sayang ang muk-ap! (make-up.) Kaya naman nung inaya niya `ko na mag-overnight sa condo niya, siyempre sumama na `ko," kwento nito na may kasama pang pangingisay.

"Wala ka talagang delicadeza! Sumama ka sa lalaking hindi mo naman kilala? Eh, kung sindikato pala `yon o kaya murderer?" Pinandilatan ito ng mata ni Sammie.

"Correct ka riyan, mamshie dahil tinalo niya pa ang murderer sa sobrang dugo ng labanan namin kagabi. Feeling ko nga dating member `yon ng spartan dahil napa awoo-awoo ako sa kanya kagabi! Nakakalurkey! Na-wasok (wasak) ang tumbong ko dahil dakota harrison (malaki) pala ang nota (penis) ni Jack! Oh, my Jack! Come back… come back… come back!" Umarte pa ito at tinaas ang isang kamay na animo nasa last drama scene ni Rose at Jack sa Titanic nung binitiwan ni Rose si Jack at lumubog ito sa dagat.

Natatawang pinagkukurot ni Sammie sa tagiliran ang malanding kaibigan. Kung gaano kalaki ang katawan nito ay ganoon naman ito kalambot sa pagdating sa mga gwapo at matsong lalaki.

"Ang landi-landi mo talaga!"

"Vhaklang tuwoh! At least ako nadidiligan, eh, ikaw? Ano? Jojonda (tatanda) ka na lang na birhen?"

Lalong pinandilatan ng mata ni Sammie ang loka-loka at pinaghahampas ito sa braso. "Shut up! Pinapahalagahan ko lang kasi `tong puri ko dahil ang gusto ko, ibibigay ko `to sa lalaking karapat-dapat. Hindi sa kung sino-sino na lang!"

Lumaki ang butas ng ilong ni Brusko sabay umirap-irap. "Edi ikaw na! Ikaw na ang dalagang pilipina… yeah!" Kumindat ito.

Ang lakas ng tawa ni Sammie sa pinaggagawa ni Brusko. Halos malukot ang mukha nito na parang na-eepilepsi. "Tumigil ka na nga at mag-trabaho na tayo."

Nagsimula nang dumami ang mga customer nila sa bar pagsapit nang alas onse ng gabi. Naging aabala si Sammie sa pagkuha ng mga order at pagdeliver sa bawat table. Naging mas busy ang operations nila ngayon dahil Saturday night. Idagdag pa na dumikit sa araw ng sahod kaya maraming pera ang mga tao para uminom at mag-aliw. Matapos ang tatlong oras na non-stop na pag-iikot. Saka lang nakapag-break si Sammie sa employees lockers area.

"Hay, ang daming tao ngayon," aniya at bagsak balikat na umupo sa mono-block chair.

"Sinabi mo pa! Siguradong magpapa-over time na naman `yang si sir Kenny dahil kulang tayo sa tao. Nag-sick leave pa si Jason kasi may trangkaso raw," sabi ni Candy habang nagdudutdog ito sa cellphone nito at abala sa pagseselfie sa instagram stories.

"Buti na lang at linggo bukas, wala akong pasok," sagot ni Sammie. Nagkuwentuhan pa sila ng mga kasamahan niya tungkol sa trabaho nang biglang pumasok ang manager nilang si Mr. Kenny Rodriguez.

"Samantha!"

"S-sir?" Agad tumayo ng tuwid si Sammie. Bigla tuloy kumabog ang dibdib niya dahil kung makatawag ito sa pangalan niya ay parang may ginawa siyang mali.

"Come with me," mariin nitong utos.

"B-bakit po sir?"

"Tsk! Basta, bilis!" Agad na itong lumabas ng lockers area. Nagtataka na nagpalitan ng tingin si Sammie at ang mga co-worker niya. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Paglabas niya sa pintuan, agad siyang hinigit ni Mr. Kenny sa braso na tila madaling-madali. "Puntahan mo `yung customer sa table number six, ngayon na bilis!"

"Po? Eh, hindi pa tapos ang break ko, sir."

"Huwag ka nang mag-reklamo, bilisan mo dahil mainitin ang ulo nun at kanina ka pa hinahanap. Sige na!" Halos ipagtulakan na siya ni Mr. Kenny.

Nagtataka man ay nagmadali nang nagtungo si Sammie sa table number six. Isang lalaking nakatalikod at naka-upo sa sofa ang inabutan niya. Batok at balikat pa lang nito kumabog na agad nang malakas ang dibdib niya. Anung ginagawa ng bastos na lalaking `to dito? Humugot ng malalim na hangin si Sammie `tsaka dahan-dahang lumakad papalapit sa gilid ng lalaki. Nanatili itong nakatingin sa harap at hindi siya nililingon. Sapat na ang presensya nito para manlambot ang mga tuhod niya.

"G-good e-evening, sir. May I take your o-order?" Pinilit niyang labanan ang kabang nararamdaman pero maging kamay at daliri niya ay nanginginig na rin.

Pigil-hininga si Sammie nang dahan-dahan itong nag-angat ng tingin. Mas lalong nag-rambulan ang mga paru-paru sa loob ng tiyan niya nang muling masilayan ang napakaganda at mapang-akit nitong mga mata. His deep brown eyes were so icy; it directly sent chills to her spine.

Nanatili itong nakatitig sa kanya at hindi nagsasalita. Nandoon na naman sa mga mata nito ang lungkot at labis na pangungulila. Kumpara kagabi na sobrang lasing at wala ito sa sarili, ngayon aay mas kalmado na ang lalaki. Gayunman, hindi pa rin nawawala sa mga mata nito ang kawalan ng kulay.

Tumikhim si Sammie at mukang hindi siya nito narinig dahil malakas ang tumutugtog na speakers sa buong bar. "May gusto po ba kayong alak, sir?"

Lumilikot ang mga mata niya dahil hindi niya matagalan ang napakalalim nitong mga tingin na para bang isa-isang tinatapyas bawat layers ng pagkatao niya. Pakiramdam ni Sammie nakatayo siya sa ilalim ng araw habang tanghaling-tapat at nalalapnos ang balat niya sa init ng mga titig nito. Masyadong intense ang mga mata nito at `di niya mapigilan ang kakaibang pagtibok ng kanyang pulso. After almost like a decade, sa wakas at nagsalita ang binata.

"Just give me a bottle of Gold Label."

Kalmado man ang malalim at buong boses nito, nagsitayuan pa rin ang mga balahibo ni Sammie sa katawan. Bakit ba parang siya pa ata ang mas affected kaysa sa kanilang dalawa? Hindi ba dapat siya nga itong mas matapang dahil siya ang inargabyado kagabi? Siya ang biktima pero parang siya pa ang kriminal kung matakot sa lalaki.

"O-okay, sir. How about food or appetizers?"

"No, that's all."

"Okay, sir. Repeat ko lang po ang order niyo. One bottle of Gold Label."

"Hmm."

"Sige po, thank you sir."

Nagmamadaling hinakbang ni Sammie ang mga paa palayo sa table at parang nahugutan ng malaking tinik ang dibdib niya nang tuluyang makarating sa bar counter. "Isang bote ng Gold Label for table six," aniya kay Brusko.

"Huy! `Di ba `yun si Papables of the Century? Bumalik ulit?" agad usisa sa kanya ng bading.

Mabigat na nagbuntong-hininga si Sammie at sumandal sa pader. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya at hindi niya alam kung bakit. May mali sa paraan nang pagkakatitig nito sa kanya na gumugulo ng buong sistema niya. The way he looked at her was so aggravating like he was slowly absorbing all her sanity. Ngayon pa lang kumpirmado na si Sammie na hindi dapat siya dumidikit sa lalaking iyon. Napaka-weird nito at hindi maganda ang pakiramdam niya sa tuwing malapit ito.

O baka siya lang itong praning at masyadong affected?

"Huy, `te! Kinakausap kita!"

Naputol ang pag-iisip niya dahil kay Brusko. "H-ha?"

Tumirik ang mata nito. "Sabi ko, hindi ba siya `yung lalaki kagabi?" wika nito sabay nguso sa kinaroroonan ng table six.

"Oo, siya nga."

"Homaygulay! Tapos ikaw ang magse-serve sa kanya? Jackpot ka ngayong gabi, mamshie! Pagkakataon mo na kaya galingan mo at baka siya na ang hinihintay mong karapat-dapat kumuha ng pinaka-iingatan mong ubod nang puti at ubod nang linis na puri!"

Sa inis ni Sammie ay binatukan niya si Brusko. "Kung ano-ano na naman `yang lumalabas sa bibig mo, nasaan na `yung order ko?"

"Heto na nga, oh!" Kumuha si Brusko ng bote sa nakahilerang mga alak sa display rack at mabilis na inabot sa kanya. "Go, go, go! Chupi! (alis.) Asikasuhin mo nang mabuti si Papables at siguraduhin mong ilalapit mo ang jogabells (dibdib) mo sa mukha niya `pag kinakausap mo siya para matukso siya sayo at—arouch!"

Kinurot niya ito sa ilalim ng kili-kili at pinandilatan ng mata. "Shut up!"

"Baklita ka nakakarami ka na sa `kin, ah!"

Inirapan lang ni Sammie si Brusko. Humugot siya uli ng malalim na hangin bago sinimulang humakbang papalapit sa table six. Huwag kang kabahan Sammie, trabaho lang.