Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 133 - She’s a mystery

Chapter 133 - She’s a mystery

TAIMTIM lang na nakamasid si Night sa bawat kilos ng babaeng waitress habang sinisimsim ang gintong alak. Mahigit dalawang oras na siyang naka-upo sa sofa. Pangalawang bote na rin niya ng Gold Label. Pinagmamasdan niya lang si Sammie sa pagkuha ng mga order, pag-iikot at pag-asikaso sa ibang customers sa loob ng bar. Muli siyang nag-salin ng alak sa whisky glass at inisang tungga iyon. Nalasahan niya ang pait at init ng guhit sa kanyang lalamunan. Binagsak niya ang baso sa salaming lamesita sa harapan.

How is this possible? The more he looks at her, the more he confirms she really looks like Lexine. Her eyes, nose, lips, shape of the face. Her complexion, body built, height, and voice. Everything. If there's one thing that was different, it's the hair. Lexine has a long and natural wavy brown color. But this Sammie girl has it dark and short; the length was just above her shoulders. Hindi rin siya nito nakikilala o hindi talaga siya kilala. Kanina pa nilalabanan ni Night ang kalooban. Nang makita niya uli ito ay kanina halos sunggaban na niya ito at paulanan ng halik. Nanginginig ang bawat kalamnan niya sa labis na emosyon.

Pero imposible na ito si Lexine dahil patay na ang babaeng minamahal niya. Kung totoo ang balitang nakarating sa kanya na hindi pa nakakatawid ng Gates of Judgement si Lexine, ibig sabihin ay isa pa itong lost-soul.

Abitto was there to get Lexine's soul. He saw everything with his eyes. Every single day, he visits the boundary between the world of the living and the world of the dead. The pyramid made of the skull is the only door to enter and exit the spirit world. Using his power, he would know if Lexine went out of that door. But after a year of monitoring all the spirits passing from that pyramid ay never nakalabas si Lexine. And all he knows, she was just inside the world of the dead.

It doesn't makes sense. Sino ang babaeng ito at bakit kamukhang-kamukha nito si Lexine? Higit pa sa malaking tanong ay kung bakit hindi pa nakakatawid ng Gates of Judgement si Lexine? Mas lalong tumitibay ang pakiramdam niya na may mali. Kailangan na niyang kumilos sa lalong madaling panahon. Hindi siya mapapalagay hangga't hindi niya nalalaman ang totoo, nakadagdag pa sa problema niya na hindi siya makapasok sa loob ng pyramid. Hanggang pag-hatid lang ang kaya niyang gawin. That's why his power was limited. Whatever was happening inside the spirit world, he remained clueless for hundred of years.

Unlike the angels made of majestic lights, a part of him is still a human. Compare to Luwinda, he was born with demon blood. Immortality was given to him when he'd accepted the power from Valac as the new Grim Reaper. Subalit dahil hindi pa siya tuluyang nagpapasakop sa kapangyarihan ng kanyang kinamumuhiang ama ay may limitasyon ang mga bagay na kaya niyang gawin.

Kinuha ni Night ang iPhone mula sa bulsa at nag-dial ng numero. Pagtapos ng tatlong ring at sumagot ang lalaki sa kabilang linya. "I need you to find everything about a girl named, Samantha De Leon. Give me the report in five minutes, or else I'll burn your bloody nightclub with your fucking body inside." Walang sabing pinutol niya ang linya.

Humalukipkip si Night, nagsalin ulit ng alak sa baso at muling tinungga. Hindi niya pa rin inaalis ang mga mata kay Sammie. Paminsan-minsan ay sumusulyap ang babae sa pwesto niya at sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata ay umiiwas agad ito ng tingin. At sa tuwing nangyayari iyon ay may mga maliit na karayom ang tumutusok sa kanyang dibdib.

Ang isa pa sa mga pinagtataka ni Night ay wala siyang makita na kahit na ano kay Sammie. Bilang isang Tagasundo, sa unang tingin pa lang sa mata ng isang tao ay nalalaman na niya agad kung kailan, paano at saan ito mamamatay. But whenever he looks at her eyes, he sees… nothing.

Who the hell is this girl? Why he can't get through her?

Isang malakas na hangin ang umihip. Pagpihit ng mata ni Night sa kanyang kaliwa ay kampanteng naka-upo na roon si Elijah. "Fuck, dude! Dinaig ko pa ang nag-marathon. In my four hundred years of living in this world, ngayon na lang ulit ako pinagpawisan."

Hindi pinansin ni Night ng reklamo nito. "Where's the file?"

Umismid si Elijah sabay abot ng isang white folder na naglalaman ng lahat ng impormasyong hinihingi niya. Binuksan ni Night ang laman at binasa ang lahat ng nandoon.

Name: Samantha De Leon

Age: 19

Birthday: March 28, 1999

Place of Birth: Legazpi City, Albay Bicol Region

Height: 154 cm

Weight: 48 kg

Mother: Katherine De Leon

Father: Sergio De Leon

Siblings: Sandy De Leon, Sevi Michael De Leon

Other info: xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Sinasabi sa report na tubong Albay ang babae. May restaurant na pinapatakbo ang mga magulang nito. Nag-aaral sa grade four at eleven sa probinsya ang dalawang nakababatang kapatid nito. Kasalukuyan itong nasa ika unang taon sa kolehiyo sa kursong BS in Journalism. Last year lang ito nag-transfer sa Manila at may tinutuluyan itong female dormitory sa Ermita. May sampung buwan na rin itong nagtatrabaho bilang waitress sa Mighty Bar and Grill.

Lahat ng mga papeles ni Sammie ay original mula sa birth certificate, passport, nbi clearance, etc. Registered voter din ito sa probinsyang kinalakihan nito. Nakita rin ni Night ang mga litrato ni Samantha mula pagkabata: baby pictures, kasama ang pamilya nito, maging mga litrato nito mula elementary, high school at hanggang ngayong college. Wala ni bakas ng pagkatao ni Lexine. Imposible rin na maging kakambal ito ng babae dahil ipinanganak ito nang late ng tatlong taon.

"I was wondering, habang sini-search ko ang mga information niya using my top skilled hacking skills, parang pamilyar siya sa `kin. Now, seeing her closely in person. I realized that she looks exactly like that girl… Lexine."

Nagtigas ang bagang ni Night nang marinig kay Elijah ang pangalan ng yumaong nobya.

"She's not her," matigas niyang saad.

"I can tell, dahil legit ang mga information na nakuha ko. Sabi nila mayroon ka raw anim na kamukha sa mundo. Baka naman kamukha niya lang talaga si Lexine?"

Napaghigpit ang kapit ni Night sa hawak na folder.

"Or maybe she's Lexine long lost sister? The odd thing here is why are they look so alike? Twin sister perhaps? But her birth certificate is legit; they were born in different years. Shit man! This is confusing as fuck!"

"Walang kapatid si Lexine. It's impossible," sagot niya. Dahil kung mayroon man, he should know. She's a Nephilim. The one and only in her generation. Ngunit nang maaalala ni Night na inabot ng mahigit limang taon bago niya nalaman ang tungkol sa katotohanang iyon ay hindi niya maitatanggi na marami pa rin siyang hindi alam sa pagkatao ni Lexine. What if indeed, she has a sister who looks exactly like her? He remembered the sorcerers, Winona. Maybe she has an answer. He needs to talk to her as soon as possible.

***

NAGBUNTONG-HININGA si Elijah at naiiling na kinuha ang bote ng Gold Label at nagsalin ng alak sa sariling baso. He feels bad for his friend. Looking at him now, Night used to be a carefree guy. He always smiles, jokes around, flirts with different girls. He was a goddamn cool guy. But ever since Lexine's death. The demon turned into an ice prince. Night has become darker and… desolate. Like a man hiding inside his cold and lonely cave and never wanted to get out.

Hindi nagku-kwento sa kanya si Night noon pero dahil mabilis ang balita sa underworld kung kaya nakarating sa kanya ang tungkol sa natatanging Nephilim at kung paano binali ng Tagasundo ang isang patakaran para lang sa babae. He used all his skills to hack information about her. Honestly, hindi na siya magtataka na nabaliw si Night kay Lexine. She was no doubt a living Goddess disguised in a human body. Dumating na lang isang gabi na hindi na niya nakikita ni anino ng kaibigan sa kanyang club. Iyon pala ay natali na ito sa isang babae.

Then one day, he heard about the shocking news. Lexine was dead, together with the powerful demon queen Lilith. Agad niyang pinuntahan si Night sa mansion nito sa Paris at buti na lang ay dumating siya agad kung hindi ay nasunog na nito ang buong lugar sa labis na paghihinagpis sa pagkamatay ng nobya nito.

Elijah sighed. Sakit talaga sa ulo ang mga babae. Kahit kailan hindi siya ma-iinlove. By merely looking on how his friend ruines his life, sapat na dahilan na iyon para matakot siya sa pag-ibig na `yan.

"Na-contact mo na ba ang kaibigan mo?" maya-maya ay tanong ni Night.

Sumimsim ng alak si Elijah bago prenteng sumandal sa sofa. "I can't reach him now. Sabi ko naman kasi sa `yo, medyo mahirap hagilapin ang lalaking `yon. But I heard he was somewhere in New Zealand."

"Then let's go to New fucking Zealand, and track him down. Ano pa'ng silbi ng top skilled hacking skills mo kung `di mo siya makita?"

Muling nagsalin si Night ng alak sa baso niya. "You don't know Eros, I'm telling you, dude, mas matindi pa sa multo ang isang `yon. Hindi magpapakita `pag ayaw magpakita. Useless lang ang puntahan natin siya at kahit ikutin pa natin ang buong New Zealand, we can never find him. He has to show himself by his own will," paliwanag ni Elijah.

"Then we should make him to come for us."

"The question is… how?"

Nagpalitan ng tingin ang dalawang binata. Nang mga sandaling ito, nakita ni Elijah sa mga mata ni Night ang determinasyon na makahanap ng paraan kung paano mapapalabas sa lungga si Eros. This man is really a psycho beast. He knows him like how he knows how many moles he has in his body. Kapag ginusto nito ay walang makapipigil. Lalo na kung ang babaeng kinababaliwan nito ang pag-uusapan ay siguradong lahat titibagin nito.

Bumagsak ang balikat ni Elijah. Hindi man aminin ni Night, alam niyang siya ang pinakamalapit nitong kaibigan. At sa dami nang pinagsamahan nila ay naging mahalaga na ang lalaki sa buhay niya. Kapatid na nga ang turing niya rito at hindi niya gusto na makita itong sinisira ang buhay nang dahil sa isang babae.

"Don't worry. I think I know someone who can help us," saad niya.

Night smirked. "Good." Muli niyang binalik ang mga mata kay Sammie, limang table mula sa kinauupan niyang sofa. Nahuli na naman niya itong sumusulyap sa kanya habang naglalapag ng order. This time hindi ay hindi na nag-iwas ng tingin ang babae. Bagkus, nakipagtagisan ito ng tingin sa kanya. Mabilis na nanikip ang dibdib ni Night. The way Sammie looks at him reminds him of Lexine. Her eyes were innocent yet full of courage, like a burning phoenix hiding inside a white flower.

She's not Lexine, Night. Lexine is dead, and you need to bring her back. Paulit-ulit niyang pinaalalahan ang sarili.