Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 127 - He’s crazy

Chapter 127 - He’s crazy

GWAPO SANA PERO mukhang may pinagdadaanan. Ito ang naisip na Sammie habang pinagmamasdan ang lalaking customer na mag-isang lumalaklak ng alak sa isang sulok ng bar. Hindi man siya ang nagte-take ng orders nito nalalaman naman niya kay Brusko at according sa kanyang friend, nakaka-limang bote na raw ito ng Gold Label. Ilang beses siyang napa-iling sabay tingin sa kanyang wrist-watch. Mahigit dalawang oras na ring nasa bar ang lalaki at naka-ubos agad ito ng limang litro ng alak. Ang malala pa niyan, mag-isa lang itong umiinom.

"Suicidal naman pala itong si Papables of the Century. Magpapakamatay ata sa alak `yan!" komento ni Brusko.

nagbuntong-hininga si Sammie. "Baka may problema lang."

"Obviously meron, lalaklak ba ng ganyan kadaming bote `yan kung wala? Hulaan ko, brokenhearted si papables. Tignan mo naman ang mga mata, sobrang lungkot."

Napakibot ang bibig ni Sammie habang tahimik na pinagmamasdan ang lalaki. Mukhang sasang-ayon siya sa sinabi ni Brusko. Madilim man sa pwestong kinauupuan nito, hindi `yon naging hadlang para ma-sense niya ang labis na kalungkutan ng binata. Nagra-radiate na parang mainit na usok mula sa sauna ang gloomy vibes nito.

"Kawawa naman pala. Ano sa tingin mo, iniwanan ba siya ng girlfriend o asawa?"

Sumandal na rin si Brusko sa counter top habang maiging nakamasid. "Hmm, siguro? Pero kung ako ang girlfriend o asawa niyan, hay, naku! Hinding-hindi ko siya iiwan! Never ever in forever!"

Natapos nang shift ni Sammie at nakapagpalit na rin siya ng damit. Nagmamadali siyang makauwi. Muntik na siyang hindi patakasin ni Brusko dahil kinukulit siya nitong mag night-out silang dalawa.

"Mamshie, sa lahat ng may birthday ikaw `tong boring! Kahit man lang two bottles of beer, i-celebrate natin ang araw na iniluwa ka ng mudra mo mula sa kanyang kipay!"

Iyon ang bukambibig sa kanya ni Brusko. Pero hindi siya nito napilit nang sinabi niyang kailangan niyang umuwi agad dahil maaaga pa ang klase niya bukas. Isa pa, wala siyang tiwala sa 'two bottles' na dialogue nito. Alam niya ata kung gaano kawalwal ang baklang iyon na ginawa na atang tubig ang alak. Ayos na siya sa simpleng pansit at cake bilang celebration na binili sa kanya ng roomate niyang si Isay kagabi. Nakapagvideo call na rin sila ng pamilya niya at nabati na siya ng mga ito. Isa pa, wala rin naman siyang enerhiya para mag-night out. Ang kailangan niya ay tulog lalo na't naghahabol pa siya ng requirements for finals.

Tuksuhin man siyang boring ni Brusko, na laging bukambibig nito, ay ayos lang basta masisigurong wala siyang ibabagsak na subject at hindi siya magrerepeat. Hindi naman niya pinupulot ang pangbayad ng tuition fee.

Saktong kakalabas lang ni Sammie galing employees exit nang matanaw ang gwapong lalaki sa loob ng bar kanina. Napakunot noo siya habang tinatanaw itong susuray-suray na naglalakad patungong open parking area. Halos madapa na nga ito sa sobrang kalasingan.

"Don't tell me na magda-drive ka pauwi?" bulong niya sa sarili.

Sinundan niya lang ng tingin ang lalaki hanggang sa tumigil ito sa tapat ng isang itim at magarang sasakyan. Hindi niya alam kung anung model iyon pero sigurado siyang mamahalin. Hmm, pati kotse gwapo. Napasinghap si Sammie nang biglang sumubsob ang lalaki sa sementadong sahig.

Nagmadali siyang tumakbo patungo rito. Naabutan niya itong nakahandusay sa gilid ng drivers side ng kotse. Hindi naman ito nagsuka at mukhang sobrang lasing lang talaga. "Ah… sir? Okay lang kayo? Sir?"

Umungol lang ang lalaki habang nakapikit ito at nakahilata sa lapag. Napalunok si Sammie. Ano na ngayon ang gagawin niya? Sinipat niya ang paligid pero sa kasamaang palad ay walang ibang tao roon kundi silang dalawa lang. Wala rin ang security guard na nagbabantay sa employees exit. Kawawa naman ito kung hahayaan niya rito sa parking lot nang mag-isa. Mukhang mayaman pa naman. Baka mamaya, manakawan pa ito ng snatcher o ng mga loko-lokong pulubi sa tabi-tabi.

Lumuhod siya at tinapik ito sa pisngi. "Sir? Sir, excuse me? Saan ka ba nakatira? Wala ka bang kaibigan o kapamilya na pwede kang sunduin? Sir?" Pero wala siyang nakuhang sagot mula rito. Mukhang tuluyan na itong nakatulog. Nagbuga siya ng hangin. "Tss, bakit kasi maglalasing ka kung `di mo naman pala kayang umuwi."

Wala naman siyang magagawa at kargo-de-kunsensya niya pa kapag may nangyaring masama rito. Malayang napagmasdan ni Sammie ang binata. `Di niya namalayang unti-unti na pala niyang nilalapit ang mukha rito. Hindi niya naiwasan ang kiliting gumuhit sa kanyang balat. Sa kabila ng matapang na amoy ng chico na umaalingasaw sa katawan nito, hindi iyon nakabawas sa kakisigan ng lalaki. Tumutubo na ang stubble nito sa mukha at mukhang nakalimutan nang mag-shaved ng ilang linggo. But his rugged look makes him more appealing and in-deniably sexy. Mas makinis pa pala ang mukha nito sa malapitan. Wala man lang ka pores-pores. Mas marami pa ata ang tigyawat niya sa mukha kesa rito. Namumula na rin ang magkabila nitong pisngi.

Lumaki si Sammie sa probinsya kaya simula nang lumipat siya ng Maynila ay mas marami siyang nakitang magagandang lalaki at babae pero ang binatang ito na ata ang namumukod-tangi sa lahat. He has a vicious atmosphere around him––like a shadow of cloth––ominous and cold. He seemed like the sort of guy that you wouldn't dare to provoke, but ironically, he has the face of an angel. Is it possible for a man to possess this unearthly beauty and yet looked ravishingly dangerous? He is a living God of all the Gods.

Iyon nga lang, halata sa mukha nito ang kawalan ng tulog at pagod. Lubog na ang pisngi nito. Malalim at bahagyang nangingitim ang ilalim ng mga mata nito. Naalala niya ang itsura nito kanina noong umiinom nang mag-isa sa bar. Buong gabi lang itong nakatulala sa kawalan habang dire-diretso sa pagtungga ng alak.

Bumagsak ang balikat ni Sammie. "Bakit ang lungkot-lungkot mo?"

Mas dinikit niya pa ang mukha rito hanggang halos kadangkal na lang ang distanya nila. Napalunok si Sammie nang malayang mapagmasdan ang labi nitong natural na mapupula. She can't help but wonder kung magaling kaya itong humalik? Sa itsura nitong mala-Diyos sa kagwapuhan, malamang sa malamang ay good kisser ito. Mentally ay binatukan niya ang sarili. Kung ano-anong kalokohan ang pumapasok sa isip niya. Napapasama pa ata ang pagiging madikit niya kay Brusko at pati kalandian ng baklang `yon, eh, na-aabsorb na niya.

Umungol ang lalaki at biglang dumilat. Nanigas si Sammie sa kinauupuan. Lalo na nang magtagpo ang kanilang mga mata. His chocolate brown eyes were beyond the word beautiful, and yet his eyes were devoid of any trace of soul; he has the saddest eyes she'd ever seen. Pakiramdam niya naging racing track ang dibdib niya at may mga kotseng nagkakarera roon. She can literally hear the crazy beating of her heart.

"Le… xine?"

Napakurap-kurap si Sammie. Pinagkakamalan ba siya nitong ibang tao?

"A-ah, sir, sorry hindi ako si––"

Bigla na lang siya nitong kinabik sa batok at siniil ng madiin na halik. Nagulantang ang buong sistema ni Sammie sa mga nangyayari. Nalalasahan niya ang alak at sigarilyo sa labi nito pero ang nakakapagtaka ay hindi siya nababahuhan doon, imbis, ay nag-iinit pa nga nang husto ang buong katawan niya.

"Lexine… my cupcake. I fucking miss you so much," he whispered between their lips.

Sasabat sana siya na nagkakamali ito pero hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon lalo na at muli siya nitong hinapit sa batok at hinalikan nang mas madiin. Nang magsimulang gumalaw ang dila nito upang pasukin ang bibig niya, doon nagising si Sammie sa kahibangan at buong lakas niya itong tinulak sa balikat sabay sinapak ito sa ilong.

"Aw! Fuck!" Nasapo nito ang ilong.

Nag-aalab na tila bulkan ang puso ni Sammie sa galit at mabilis na tumayo. Pulang-pula ang buong mukha niya habang nag-iinit naman ang magkabilang pisngi. Puro pula ang nakikita niya at literal na umuusok na tila tambutso ang ilong niya. She can't believe she was kissed by this freaking maniac! Gwapo nga walang-modo naman!

"Bastos ka, hambog!"

"Shit my nose! Ah, fucking shit!"

Tumataas-baba ang dibdib ni Sammie. Pansamantala siyang nanghinayang sa perpekto nitong ilong. Napalakas ata ang suntok niya at baka nabalian pa ito ng buto. Siguradong maraming babae ang luluha ng dugo kung tuluyang nasira ang mukha nito. Pero hindi dapat siya naaawa sa gunggong na hambog dahil deserve nito iyon!

Ilang sandali pa at nag-angat ng tingin ang lalaki sa kanya. Mula sa pagkakalukot ng mukha, biglang nanlaki ang mga mata nito na animo nakakita ng multo.

Teka lang! Siya nga itong binastos diba? Bakit kung makatingin ito sa kanya ay para siya pa ang nang-molestiya?

Dahan-dahang tumayo ang lalaki habang taimtim siya nitong tinitignan mula ulo hanggang paa. Bawat hagod ng tingin nito sa kanya ay tila nalulusaw na kandila na nag-iiwan ng nakapapasong patak sa balat niya. Muling bumalik ang titig nito sa mukha niya. Namumutla ito at lalong namilog ang mga mata. But the shock in his eyes instantly changed into despair and longing. It mirrors a knife of loneliness, and it punctured directly to her soul. Her chest compressed.

"Lexine… Lexine… is it really you?"

"Ha?" Gulong-gulo na si Sammie. Mukhang lasing pa rin ito kaya nagdedelihiryo na at pinagkakamalan pa siyang ibang tao. Hay naku! Bakit niya pa kasi ito tinulungan? Naisahan tuloy siya ng halik!

"S-sorry pero hindi ako si Lexine." Natatarantang humakbang si Sammie palayo. Kailangan na niyang umalis dahil hindi maganda ang tibok ng dibdib niya sa harapan ng lalaki.

Walang lingon na naglakad-takbo si Sammie palabas ng parking lot nang tila ihip ng hangin na biglang lumitaw sa harapan niya ang lalaki. "Ay, kalabaw!" Halos tumalon ang puso niya palabas ng ribcage niya. "Ano ba, aatikin ako sa puso sa `yo!" bulalas niya rito habang sapo ang kanyang dibdib.

Mas lalong kumunot ang noo ng lalaki. Pinaniningkitan siya nito ng mga mata na para bang sinusuri nito hanggang kailaliman ng pagkatao niya. Nagtitigas ang bagang nito at para bang may malaki itong digmaan na nilalabanan sa kalooban. Ano ba ang problema nito? Naka-drugs pa ata.

Napaatras na si Sammie dahil nawi-weirduhan na talaga siya sa mga kinikilos ng lalaki. Hindi kaya ex-convict ito o baka nakatakas sa mental? Kinilabutan siya sa mga naisip.

"Lexine…"

"Ano ba? Ang kulit mo! Hindi nga sabi ako si Lexine!" Katakot-takot na irap ang pinukol niya rito at tinalikuran ito pero mabilis nitong kinuha ang braso niya. Hinapit siya ng lalaki pabalik sa katawan nito at siniil muli ng nag-aalab na halik.

"Hmm––" Pinilit niya itong itulak pero para itong bato sa tigas. Walanghiya talaga! Napaka-walang modo ng lalaking ito!

Patuloy niya itong pinaghahampas at tinatadyakan pero hindi siya nito binibitawan, bagkus, mas lalo pa nitong dinidiin ang halik na tila ba hinihigop nito ang lahat ng enerhiya niya sa katawan habang mahigpit ang pagkakakapit ng dalawang palad nito sa kanyang panga at batok. Natigilan si Sammie nang naramdaman niya ang mainit na tubig na pumatak sa kanyang pisngi.

Is he… crying?

Matapos ang tila walang hanggang na pagkakadikit ng mga labi nila, sa wakas at pinakawalan na siya nito. Pinatong ng lalaki ang noo nito sa kanya habang pareho nilang habol-habol ang paghinga.

"Lexine, nanaginip pa rin ba ako? Dahil kung panaginip pa rin ito, please lang ayoko nang magising."

Napalunok si Sammie. Tila pansamantalang nawala ang inis niya sa lalaki at napalitan ng awa. Ramdam niya sa boses nito ang labis na kalungkutan. Para bang napakatagal na nitong naghihirap at may mabigat na bagay na pinapasan. Sino ba kasi ang tinatawag nitong Lexine? Ito ba ang babaeng nanakit dito?

Sigurado siya na nagha-halucinate lang ang lalaking ito sa sobrang pagkalunod sa alak. Malas niya lang na sa kanya na-timing. Hinugot ni Sammie ang buong lakas upang ilayo ang sarili sa binata. Pinatigas niya ang mukha at hinarap ito.

"Uulitin ko sir, hindi Lexine ang pangalan ko. My name is Samantha De Leon. Bente uno anyos, dalagang pilipina mula sa probinsya ng Legazpi Albay. Hindi kita kilala at sigurado akong ngayon lang tayo nagkita. Lasing ka lang kaya patatawarin kita sa ginawa mong pambabastos sa `kin ngayon gabi. So, if I may excuse myself, uuwi na `ko at maaga pa ang pasok ko bukas!"

Walang lingong hinakbang niya ang mga paa at mabilis na lumakad palayo. Sana lang talaga `wag na siya nitong habulin pa dahil makakatikim na talaga ito sa kanya ng upper cut sa mukha.

Nakailang hakbang na si Sammie nang `di niya napigilan ang sarili at lumingon sa likuran. Akala niya makikita niya pa itong nakatunganga roon pero sa gulat niya wala kahit anong bakas ng lalaki sa parking lot.

Nagtatakang pinaikot niya ang mata sa paligid. Saan `yon napunta?