Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 118 - Nothing can stop him

Chapter 118 - Nothing can stop him

THE RAINDROPS from the sky did not stop pouring as though the clouds above were mourning. Each heart cried out their anguish for the loss of the life of an angel.

Marami ang nagulat sa biglang pagpanaw ng isang babaeng lubos na minahal ng lahat. Higit ang lakas nang hagulgol ni Belle sa mga katabi nito. Sa tuwing naaalala ng dalaga kung paano natagpuan si Lexine sa kwarto nito na hindi na gumigising o humihinga ay mas lalong lumalakas ang tunog ng pag-iyak ng dalaga.

Sudden arrhythmic death syndrom o bangungot sa madaling salita ang naging cause ng biglaang pagpanaw ni Alexine according sa mga doctor sa hospital na pinagdalhan nila. Marami ang nagulat lalo na at wala naman silang alam na may complications sa puso ang dalaga. Ayon kasi sa mga eksperto, cause ang heart failure nito kung kaya't hindi na ito naggising. Napaka-rare ng mga ganitong cases subalit hindi imposible.

Kasalukuyang ibinababa ang puting kabao sa ilalim ng lupa habang isa-isang hinahagis ng mga kamag-anak at kaibigan ng yumao ang puting rosas kasama nito. Panay ang paghagulgol ni Xyrille, Janice higit na si Ansell. Katabi nito si Alejandro na walang tigil sa pagdadalamhati. Sa gilid nito nakaalalay si Winona na hindi rin mapigilan ang mga luha. Lahat sila ay nakasuot ng puting damit na sumasalamin sa kabutihan ng puso ni Alexine. Para sa lahat, isa itong tunay na anghel sa kanilang buhay.

Walang magawang magdiwang sa buong mansion na sa wakas at gising na si Alejandro dahil kasabay ng buhay na naligtas ay isang buhay na nawala. Halos mabaliw si Alejandro nang malaman na patay na ang pinakamamahal niyang apo. Kakagising lang niya isang umaga at narinig na niya agad ang nagwawalang sigaw ni Belle. Parang gumuho ang buong mundo ng matanda habang naghihinagpis at yakap-yakap ang malamig na bangkay ng apo.

Habang ginagawa ni Winona ang orasyon upang pigilan ang tuluyang pagkalat ng lason mula sa sumpa ni Lilith sa katawan ni Alejandro ay isang napakalamig na hangin ang bumalot sa buong katawan niya. Tumigil ang pagtibok ng puso niya matapos ma-sense na patay na si Lilith. Dahilan ng tuluyang paggaling ni Alejandro.

Ngunit kasabay ng ginhawa niyon at sa katotohanang nagapi na ang kalaban, saka naman ang muling pagsikip ng puso ni Winona nang makita ang images sa isipan niya. Nabitawan ng sorceres ang hawak na bote ng potion na ginagamit niya sa orasyon. Nanlalaki ang mga mata niya––patay na rin si Lexine. Alam ni Winona na nakita na niya noon ang pangitaing iyon noong unang beses na hinulaan niya ang dalaga ngunit umasa pa rin ang sorceres na baka saklaing magbago ang kapalaran.

Pero talagang Diyos lamang ang may alam. Marami itong plano sa mundo na hindi man naiintindihan, sigurado naman na may dahilan.

Hinatid ni Cael ang malamig na bangkay ni Lexine sa kwarto ng dalaga at maingat itong hiniga sa kama. Kung kailan naman saktong pumasok si Winona sa kwarto at naabutan ang kalunos-lunos na kalagayan ng katawan nito. Halos matulala at hindi makapagsalita ang ginang sa nakita. Gamit ang mahika ay tinanggal niya ang mga dugo, bali sa buto at mga pasa sa katawan ni Lexine. Para bang walang kahit anong hirap na pinagdaan ang dalaga mula sa pagkakahulog nito sa mataas na building. Sa ganoon paraan matatakpan ang totoong nangyari at palalabasin nila na ordinaryong bangungot lang ang ikinamatay nito.

Alam ni Ansell ang lahat, pinagtapat iyon sa kanya ni Cael. Halos magwala ang binata sa labis na galit dahil sinisisi niya ang sarili na wala man lang siyang nagawa upang protektahan si Lexine. Puro suklam at poot ang nararamdaman ni Ansell kasabay ng matinding pagdadalamhati sa pagkawala ng babaeng pinakamahalaga sa kanya. Kung sana nagawa niyang sabihin kay Lexine ang totoong nararamdaman noong may pagkakataon pa siya subalit, huli na ang lahat.

Sa bandang likuran naroon din ang lahat ng miyembro ng Primera Belle na pare-parehong tinatago ang lumuluhang mga mata sa ilalim ng shades at panyo. Walang nakakaalam kung bakit biglang nawala si Ms. Garcia. Hanggang ngayon ay pinapahanap pa rin ng pamilya nito ang babae dahil hindi man lang ito nag-iwan ng mensahe sa kahit sino sa kanila. Lahat ng gamit nito ay iniwan sa condo at nawawala pa ang sasakyan nito na kasalukuyan pa rin pinaghahanap ng mga awtoridad. Tuloy ang imbestigasyon lalo na at may mga testigo na nakapagsabing si Ms. Garcia ang huling nakitang kasama ni Lexine nang gabi na namatay ito at kaduda-duda para sa lahat ang biglang pagkawala ni Ms. Garcia.

Ngayon, isa ito sa main suspect. Kahit pa sinabi ng doctor na bangungot ang kinamatay ni Lexine ay hindi pa rin binibitawan ni Alejandro ang kaso lalo na at `di nito matanggap ang biglaang pagkamatay ng apo.

***

MAY DALAWANG oras na rin ang lumipas simula nang makaalis na ang lahat ng bisita na nakidalamhati sa libing ni Lexine. Hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak ang kalangitan, nakadagdag pa na malamig ang panahon. Subalit walang makahihigit sa lamig na nararamdaman ng puso ni Night habang tahimik na pinagmamasdan ang lapida sa kanyang harapan.

In loving memory of

Alexine Vondeviejo Alonzano

September 12, 1996 – March 08, 2017

Your memories remain in our hearts forever

Nanatili lang siyang nakatingin sa bawat kurba ng letra na nakaukit sa itim na marble. Hindi alintana na basang-basa na siya ng ulan. His whole body feels numb and lifeless. He can't even feel his own blood flowing in his veins. There's a big hole inside his heart, like an abyss of endless pain and torture.

Lumipas pa ang mas maraming oras hanggang sa abutin na siya ng dilim. Pero nanatili pa rin si Night na nakaupo sa pwesto at hindi gumagalaw. Gusto niyang magalit, magwala, gusto niyang ilabas lahat ng pagdadalamhating nakakulong sa dibdib niya. Pero masyado nang manhid ang lahat ng parte–hindi lang ng kanyang katawan kundi maging ang buong pagkatao niya. Wala siyang maramdaman na kahit na ano maliban sa sakit.

Paulit-ulit na dinidikdik ang puso niya hanggang sa maliliit na piraso. What does it feels like to be dead? Para sa katulad niyang makapangyarihang demonyo na nagsusundo ng mga taong namamatay, ni minsan, hindi niya naisip na ganito pala kasakit… ganito pala kalupit. Sa sobrang kirot pakiramdam niya pinapatay siya ng paulit-ulit. Bawat segundo tila nalalagutan siya ng hininga. Kung sana ay mamatay na lang din siya nang sa ganoon ay makapiling na niya si Lexine sa kabilang buhay.

Pero sa kasamaang palad––immortal siya.

Ito na ba `yon? Ito na ba ang karma niya sa lahat ng kasalanan niya sa mundong ito? Bakit? Bakit binigay sa kanya ang isang babaeng nagparamdam sa kanya ng tunay na kaligayahan, pag-asa at liwanag? Bakit pinatikim sa kanya ang sarap ng pakiramdam ng magmahal at mahalin kung sa huli ay babawiin din pala?

Matagal na niyang kinalimutang maging isang tao. All his life, he embraces the darkness of the demon inside him. His father is the evilest being existing in this world, but he doesn't want to be like him. Deep down inside, Night is secretly hoping that someday he could kill the monster he inherited from his father.

And when he met Lexine, he started to believe it was possible. She showed him the way out to this infinite forlorn. Lexine gave him new hope, and she had opened the door of change for him. He starts to dream of a different life with her: a family, a new beginning, a new home.

Pero paano niya gagawin ang lahat ng iyon kung wala na ang nag-iisang taong gusto niyang makasama sa lahat ng pangarap na binuo niya? Doesn't he deserve a better life because of all the sins he has? Maybe, God forbids him to be happy. Ano nga ba naman ang aasahan niya sa mundong ito? Para sa katulad niyang sinumpa ng kalangitan, ipagkakait sa kanyang maging masaya.

"Do you want to bring her back?"

Tumila na ang ulan. Malinaw sa pandinig ni Night ang maliit na tinig ng isang batang lalaki. Hindi man siya lumingon, kilala na niya kung sino ang halimaw na nagtatago sa katawan nito.

A seven-year-old boy is standing at his side. He's wearing round eyeglasses accentuating his round face, he has chubby and red cheeks, and his small lips were sucking a strawberry flavor lollipop. The kid looks cute on his red jumper, white tees with an avenger logo, paired up with red sneakers.

Night smirked without looking at the kid. "Nice outfit," aniya.

Kumibit balikat ang bata. "Thanks, I bought these at Uniqlo Kids. I look adorable, right? Haha! Ang daming babae ang natutuwa sa `kin. Halos malunod na nga ako sa malalambot at malalaki nilang boobsies every time they hug me. I like this body, I am the one being molested by female humans."

"Fucking pervert," he hissed under his breath.

Umismid ang bata at naglakad papalapit kay Night. Inabot nito ang isang pulang mansanas. "Just one bite and you can bring her back."

Matalim na tumingin si Night sa makintab at nakakaakit na prutas na nakapatong sa maliit nitong kamay. Napalunok siya. The smell of the power is so tempting for his nostrils. He can feel the wickedness and tremendous energy inside it. It is the same fruit that the serpent had used to tempt Eve. At aaminin niyang natutukso siya. Nanigas ang bagang niya.

Lumipat ang atensyon ni Night sa bata. Sa kabilang kamay nito hawak nito ang lollipop na sinisipsip nito. This little fucker was showing him a mischievous grin. Of course, he knows that look. He fucking invented that expression. It's the sort of face that he always gives every time he wants to play, and treating everyone around him like a piece of pawns in a chess game.

"Anong kapalit?" tanong niya.

Being a player himself, alam ni Night na palaging may katumbas na presyo ang lahat ng pabor at hiling. Kung si Lexine ang pag-uusapan, wala siyang kahit anong pagdadalawang isip. Bibigay niya lahat ng mayroon siya––kahit wala nang matira––kahit ikaubos niya pa makapaling niya lang ang babae uli.

Sumipol ang bata. Kumikinang ang mga mata nito at nananabik sa panibago na namang larong sisimulan. "Secret muna para exciting, I know you're willing to give everything for her. Am I right?"

Nagkuyom ang dalawang kamao ng prinsipe ng dilim. Muli niyang pinagmasdan ang pangalan sa lapida. Sumiklab ang matinding emosyon sa kanyang dibdib. Nanginginig ang bawat kalamnan, bawat ugat at maging bawat selula ng kanyang katawan.

Everything for her? Hell yes! Because there will be no rules, no boundaries, no God for him. Kahit sino babanggain niya, wala siyang katatakutan. Minsan na niyang binali ang isang patakaran para kay Lexine at hinding-hindi siya magdadalawang isip na baliin ang kahit anong hahadlang sa kanilang dalawa. He is ready to fight the whole universe to bring her back.

He will make sure to get her back.

And even death itself can never stop him.