HABANG nagdadalamhati ang lahat sa pagkawala ng natanging mortal, isang portal ang unti-unting nabuo sa isang tabi. Palaki nang palaki ang itim at umiikot na ulap na animo isang black hole. Sa gitna nito lumabas ang isang nilalang na nagtatago sa puting balabal.
Sabay-sabay na pumihit ang lahat ng atensyon sa bagong bisitang dumating maliban kay Night.
"Arkanghel na Daniel, Arkanghel na Michael, magandang gabi." Lumuhod ang lalaki at nagbigay galang sa dalawa.
"Abitto," saad ni Daniel.
Nang marinig ang pangalang iyon ay mabilis na nanigas ang katawan ni Night. He knew that name, and it was centuries ago since the last time they saw each other. At alam niya ang dahilan kung bakit narito ito ngayon. Mas humigpit ang kapit niya sa bangkay ni Lexine.
"Narito ako upang sunduin ang kaluluwa ng Nephilim. Personal akong umakyat ng lupa upang masiguro na hindi na muli magugulo pa ang Aklat ng Buhay. Ang pangalan ni Alexine ay matagal nang dapat naidala sa mundo ng mga kaluluwa."
Hindi bumubuka ang bibig ni Abitto gayunman ay naririnig pa rin ng lahat ang boses nito na maihahantulad sa manipis na ihip ng hangin sa malamig na gabi. Puti ang mga mata nito at kulay abo naman ang nanunuyot na balat.
Si Abitto ang pinuno ng mga Keeper. Ang mga Keeper ang tagapangalaga ng kapayapaan sa Mundo ng mga Kaluluwa. Kadalasan na nakasuot ng puting balabal ang isang Keeper. Bibihira ang pagkakataon na umakyat sa mundo ng mga tao ang isang Keeper, lalo na ang pinuno ng mga ito.
"Tagasundo," tawag ni Abitto.
Nanlisik na tila mabagsik na hayop ang mga mata ni Night. "No! You can't take her away from me!"
Walang pinapakitang kahit anong emosyon ang mukha ni Abitto. Para itong isang rebultong bato na nakatayo lamang doon. "Matagal na naming hinahanap ang kanyang kaluluwa. Nang gabing hindi nakarating sa oras ang kaluluwa ng mortal, agad kong naramdaman na may kinalaman ka rito, Tagasundo. Isang mabigat na patakaran ang iyong sinuway. Nawala ang pangalan ni Alexine sa listahan ng Aklat ng Buhay at dahil sa matibay na proteksyon ng kapangyarihang binalot mo sa kanya ay nahirapan kaming matunton ang kaluluwa niya.
"Ngunit, muli nang lumitaw ang pangalan ni Alexine sa pahina. Naputol na ang sumpang tumali sa kanyang kaluluwa sa iyong mga kamay. Wala na ang tanging dahilan kung bakit naririto pa siya sa mundo. Panahon na upang bawiin namin siya."
Now that the Kiss of Death has broken, wala nang magagawa pa si Night para tumutol. Nagtigas ang kanyang bagang. Hindi siya makakapayag. He can't let them touch Lexine.
Mabilis niyang pinaliwanag ang tattoo sa kanang pulsuhan at pinalabas si Gula. Agad niyang tinutok ang patalim ng espada kay Abitto. Sabay-sabay na naalerto ang mga anghel sa paligid at tinutok din sandata ng mga ito sa kanya maliban kay Cael, Ithurielle at Daniel.
"No! I will never let her go. Magkamatayan na pero hinding-hindi ko siya ibibigay sa inyo!" matatag na sambit ni Night.
"Tagasundo, makinig kang mabuti. Ito na ang nakatakda. Hindi mo pwedeng labanan ang nakatakda," maingat na sabi ni Cael.
Pero kahit pa nasa bingid ng panganib ang buhay ni Night ngayon ay wala siyang pakielam. Wala siyang kahit sino o kahit anong katatakutan. Maging kamatayan ay hinding-hindi niya uurungan.
Madilim at matulis ang tingin niya sa bawat anghel na naroon. Mas hinigpitan niya ang hawak sa espada habang ang kabilang braso naman niya ay mahigpit na nakakapit sa bangkay ni Lexine.
"You need to kill me first before you can get her!"
Tahimik lang na nagmamasid si Abitto.
Dahan-dahang humakbang papalapit sa kanya si Daniel pero mabilis na tinutok ni Night ang espada niya rito.
"Night!" babala ni Cael kasabay ang mabilis na paglapit ng mga anghel upang sumugod sa kanya. Ngunit mabilis na tinaas ni Daniel ang isang kamay nito hudyat na `wag kumilos ang mga anghel. Tumigil ang lahat.
Muli, dahan-dahan itong humakbang papalapit kay Night na tila ba pinapaamo ang isang mabagsik na hayop. "Alam ko ang iyong pinagdadaanan Tagasundo. Maniwala ka, nanggaling na ako sa sitwasyon mo ngayon."
May kung ano sa mga mata ni Daniel ang nakatusok sa damdamin ni Night. Because he knows that he's telling the truth.
"Subalit, hindi natin kayang labanan ang mga bagay na nakatakda na. Noong umibig ako kay Leonna, langit at lupa rin ang tumutol sa aming dalawa. Gayunpaman, wala akong pinagsisihan sa aking mga naging desisyon. Si Leonna ang pinakamagandang bagay na nangyari sa akin. At nagbunga ang aming pagmamahalan––ang aming anak na si Alexine. Tumakas ako at bumaba ng lupa nang nalaman kong ipinangak na siya. Wala akong kasing saya noong una kong masilayan ang maliit niyang mukha habang umiiyak."
Natigilan si Night at ang lahat ng naroon. Lahat ay taimtim na nakikinig. "Ngunit, may ibang plano ang Ama para sa atin. May mga bagay na itinakdang mangyari. May rason ang lahat ng ito. Kailangan lamang nating magtiwala sa Kanya."
Umiling si Night. "Kung totoo ang sinasabi mo, bakit niya pa kailangan ipatikim sa `kin ang isang bagay kung kukunin niya rin pala? Ano? Papaasahin niya lang ako? Hindi… hindi ako papayag na kunin niyo sa `kin si Lexine!"
"Tagasundo, kailangan mo nang pakawalan ang aking anak. Mas makakabuti sa kanyang makarating sa mundong iyon kung saan siya dapat na nabibilang. Kung saan mas magiging payapa ang kanyang kaluluwa. Kung saan naroon si Leonna... at ang iyong ina."
Tumagos ang mga huling salita ni Daniel diretso sa puso ni Night. When his mother died right before his eyes, his entire world tumbled down, and when Luwinda turned into a beast, he felt lonelier. Namuhay si Night sa galit sa lahat ng nasa paligid niya. Tanging ang trabaho bilang Tagasundo ang naglibang sa kanya sa paglipas ng daang-daang taon. But when he met Lexine, all those lonely years turned into a vast world of colors and joy. Lexine was the only right thing in all his countless wrongs. But now that she's gone, he no longer knows how to live again.
"Night… kailangan mo na siyang pakawalan."
Tumingin siya muli sa Arkanghel na si Daniel. Alam niyang tama ito. Pero hindi ganoon kadali ang lahat. Kailanman hindi magiging madali sa kanya na bitawan na lang basta si Lexine.
He will not let her go. Never in this life. No way in forever.
"No!"
Night growled and summoned his most enormous beast. Binaon niya ang espada sa lupa at naglabas iyon ng napakalakas na pwersa. Yumanig ang buong lupa at nilipad ng hangin palayo ang mga anghel.
"Tagasundo! Itigil mo na `to!" sigaw ni Cael. Gamit ang espada nito na tinusok rin nito sa lupa ay pilit itong kumakapit upang hindi tuluyang tangayin ng malakas na hangin. Pero walang naririnig si Night. He's now blinded and deaf by his emotions.
Samantala, sa isang tabi nananatili lang na nakatayo si Abitto na tila isang napakatibay na rebulto na hindi naapektuhan ng malakas na pwersang nanggagaling sa espada ni Night.
"Paumanhin, Tagasundo ngunit kailangan ko itong gawin." Binaba nito ang suot na hood.
Ancient letters covered Abitto's bald head like it was part of his skin. They all started to glow. His eyes blazed with white light. Then his mouth began to chant a powerful spell.
"Samala kah ta malla." Hinumpas nito ang dalawang kamay nito.
Agad lumutang ang katawan ni Lexine. Nakawala ito sa mga bisig ni Night. Agad siyang nataranta. "No! Lexine!" He tried to snatch her back, pero mabilis na lumutang ang katawan nito sa mga kamay ni Abitto. Sinugod ni Night si Abitto nang mabilis nitong hinumpas ang isang kamay nito at umangat ang lupa sa paligid niya. Sunud-sunud na lumitaw mula roon ang matutulis na bato. Kinulong siya sa loob ng mga bato na parang hayop.
"Damn you, fucker! I'm going to fucking kill you! Give her back!"
Ngunit kahit anong suntok at sipa ang gawin niya ay hindi niya magawang sirain ang kulungan. He cursed endlessly.
Nilapat ni Abitto ang palad nito sa dibdib ni Lexine. Lumiwanag iyon at unti-unting kumalas sa katawan nito ang kaluluwa ng dalaga.
"Le… xine…" hindi makapaniwalang bulong ni Night.
Hinawakan ni Abitto ang isang kamay ng kaluluwa ni Lexine at ginayak ito papasok ng portal.
No no no no no...
"Lexine, don't go with him! Lexine, please! Don't leave me! Lexine, please!"
***
SHE FELT that she was floating. Her feet glided above the ground. An orb covered in white light was hovering ahead of her. There was a force coming from it, and it was pulling her like a magnet. Lexine was under a spell, and it tastes as sweet as a syrup.
Then she heard a different sound overlaying in the melody. What was that noise? It felt familiar to her. Malapit na niyang maabutan ang puting liwanag. She raised her hand and reach for it.
"Don't leave me! Lexine, please!"
Isang kamay ang humatak sa kanya palayo sa liwanag. Naputol ang tingin niya sa mga mata ni Abitto at agad siyang lumingon sa likuran niya. Ganoon na lang ang pagkagilalas niya nang makita ang itsura ni Night. He's inside a stone cage, raging in anger while extending his arms for her.
She doesn't understand what the hell is happening but when she saw her body lying lifeless on the cold ground, Lexine was snapped back to reality and the truth punched her straight into the face.
She is now dead.
Tears start flowing fast from her eyes. "Night!" She tried to run back to him pero mabilis na pinulupot ni Abitto ang mga kamay sa kanyang bewang. "Night!"
"Don't touch her you son of a bitch! Papatayin kita, tangina ka!" nanggigigil na sigaw ni Night.
Lexine was crying in so much pain but she can't do anything. No matter how hard she fights, she still can't reach the prince of darkness. She badly wants to run back to his arm again and feel the heat of his body… to kiss him… love him. Ngunit masyadong malakas ang lahat ng bagay na nasa paligid nila at patuloy silang pinaghihiwalay.
"Kailangan mo nang sumama sa `kin."
Kinilabutan nang husto si Lexine sa boses ni Abitto. "No! Hindi ako sasama sa `yo" Pinilit niyang tumakas sa mga braso nito pero animo bato sa sobrang tigas ang kapit nito sa kanya.
Dahan-dahang bumagal ang buong paligid. Lexine stretched out her hands and Night did the same. But the world was too cruel to let them touch each other one last time.
"Lexine!"
"Night!"
***
NANGINIG sa pinakamatinding takot ang mga mata ni Night habang unti-unting nakikitang inilalayo sa kanya ang babaeng mahal.
He keeps on shouting her name. He keeps on trying to break the cage but he's now too weak––too tired to fight.
Then slowly, Abitto entered the portal with her soul in his hands and the last thing that Night saw was Lexine's crying face and her lips saying...
"Please save me…"