Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 116 - How can I live?

Chapter 116 - How can I live?

ANG PAGKAMATAY ni Lilith ang naging senyales ng pagkatalo ng mga demonyo ng kadiliman. Bumagsak ang katawan nito sa malalaking bato; bali ang leeg, tirik ang mga mata, may tama ng patalim sa dibdib habang naliligo sa pulang dugo. Mabilis na lumisan ang buong hukbo ng kalabanan. Binaba na ng mga ito ang bandera. Pero wala ni isang anghel ang nagawang magdiwang sa pagkapanalo sa digmaan ng gabing `yon.

Dahan-dahang lumapit ang Arkanghel na si Daniel. Natagpuan nito ang walang buhay na katawan ng anak habang mahigpit itong hinahagkan ng binatang Tagasundo na hindi pa rin tumitigil sa pag-sigaw. Walang ibang maririnig sa buong kapaligiran nang mga sandaling iyon kung hindi ang malakas na hinagpis ng boses ni Night. Nag-eecho ang bawat hiyaw nito sa kalangitan––sa buong mundo.

Isang malaking sampal kay Daniel ang nakikita. Muling bumalik rito ang kirot at pighating naramdaman nito noong namatay si Leonna sa sariling mga bisig. Tila bumalik ito sa nakaraan at nakikita nito ang sarili.

Nang gabing sinugod ni Lilith si Leonna at Andrew sa sasakyan upang kunin ang batang si Alexine, naroon si Daniel. Bumaba ito sa lupa upang iligtas ang mag-ina. Isang napaka madugong labanan ang naganap sa pagitan ng dalawang panig. Sa kasamaang palad ay higit na marami ang mga kalaban kaysa kay Daniel at Ithurielle. Namatay si Leonna dahil hinarang nito ang sariling katawan sa patalim ni Lilith na dapat ay para kay Daniel.

Kagaya ngayon katulad ng Tagasundo, ganito rin labis na nagdalamhati ni Daniel nang iwan ito ni Leonna. Ang pinakamasakit sa lahat dahil sa pangalawang pagkakataon ay wala pa rin itong nagawa upang maprotektahan ang anak nito. Unti-unting napaluhod si Daniel at tahimik na naghinagpis.

Si Ithurielle ay walang tigil sa pag-iyak. Samantalang si Cael naman ay hindi alam kung ano'ng unang gagawin: ang umiyak o ang sumigaw sa galit? Pero natagpuan na lang nito ang sarili na lumalapit kay Night na unti-unti nang namamaos dulot ng walang tigil na pag-sigaw.

Sinubukan ni Cael na hawakan ang Tagasundo pero pinigilan ito ni Ithurielle at agad itong umiling. Binawi ng binatang anghel ang kamay at tahimik na nagdalamhati.

Ilang ulit nang ginawa ni Night ang ritwal ng kiss of death pero hindi na ito muling gumana pa. Paulit-ulit niyang hinahalikan ang mga labi n Lexine. Paulit-ulit din siyang nabibigo.

"Lexine… please come back to me," bulong niya sabay halik sa malamig nitong labi. "Please, come back… come back." At sinubukan niya ulit itong halikan nang mas madiin pero wala pa ring nangyari. Unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa. "Cupcake… come back to me. I need you, I can't live without you, Lexine. Please… please… please…"

Para na siyang baliw pero wala siyang pakielam. Dahil totoong ikasisira niya ng ulo ang lahat nang nangyayari ngayon. Alam ni Night sa sariling hindi na maaring ulitin ang kiss of death dahil isang beses lamang itong magagamit sa isang kaluluwa. Nakita niya kung paano naputol ang pulang taling nag-uugnay sa parehong pulsuhan nila ni Lexine. Ito ang simbolo ng tuluyang pagkawala ng bisa ng kanyang kapangyarihan.

Ang nag-iisang bagay na nag-uugnay sa kanya at sa kaluluwa ni Lexine sa mundong ito ay tuluyan nang nawala. Ngunit, walang kahit sino o anong bagay ang makakasira sa pagmamahalan nilang dalawa. Hindi siya papayag. Dahil hindi niya magagawang tanggapin. Hindi niya kayang harapin ang katotohanang tuluyan nang nawala ang nag-iisang babaeng nagparamdam sa kanya ng pagmamahal at kaligayahan.

Hindi ngayon… hindi bukas... hindi kailanman.

At that moment, Night strongly wishes that he could die too. Because what is the purpose of living forever without the person who gives him the reason to breathe? How can he survive this cruel world if the only woman who gives him strength is no longer in his arms? A life without her has never been an option for him. Now, how can he live?