Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 113 - Come back to me

Chapter 113 - Come back to me

MULA SA DAGAT NG DUGO ay may humatak kay Lexine pataas. Habol-habol niya ang hininga matapos makaahon sa masamang ilusyong binigay ni Lilith.

"Lexine can you hear me? Lexine! Lexine!"

Unti-unting luminaw ang kanyang paningin. Wala na siyang pulang nakikita o kahit anong bahid ng dugo, bagkus, isang pamilyar na mukha ang nasa kanyang harapan. Natulala si Lexine. Kung gawa pa rin ito ng ilusyon ni Lilith ay ayaw na niyang magising pa.

Unti-unti niyang tinaas ang nanginginig na mga kamay. Mabilis na namuo ang luha sa kanyang mga mata at dahan-dahang hinaplos ang pisngi nito.

"Night?"

Hinabol ng labi nito ang loob ng palad niya habang pinaghahalikan iyon. At nang hindi makuntento ay siniil naman nito nang madiin na halik ang kanyang labi.

Nang sandaling matikman uli ni Lexine ang pamilyar at mainit na halik ng binata ay napatunayan niyang hindi ito isang ilusyon kundi totoong nasa harapan niya si Night at muli itong nahahawakan.

Hinapit niya ang batok ng binata at mas lalong diniin ang sarili sa katawan nito. Tumugon ito ng mas malalim na halik. Animo kumukuha ito ng lakas mula sa mga labi niya at para bang nakasalalay ang buong buhay nito sa halik na pinagsasaluhan nila. They kissed each other intensely, wildly as though nothing matters but only the two of them. Under the arms of each other, there were no war, demons, nor angels. It's only her and the prince of darkness inside their realm of eternal bliss.

Kanina lang ay labis na nanghihina si Lexine pero ang mga halik at haplos ng prinsipe ng dilim ang muling bumubuhay at nagbibigay sa kanya ng panibagong lakas. Mas lalo niya itong hinapit ang hinagkan ng buong higpit. Narinig niya ang mahinang pag-ungol ni Night at mabilis itong bumitiw sa kanilang halikan. Nais tumutol ni Lexine dahil gusto niya pang matikman ang labi nito pero nang makita niyang nalulukot nang husto ang mukha ng binata ay bigla siyang naalerto.

`Tsaka niya lang napagmasdan ang itsura nito. Sugatan ito at maraming galos sa buong katawan. Puno rin ng dugo ang damit nito lalo na sa dibdib kung saan niya huling nakitang lumubog ang matutulis na kuko ni Lilith.

"Oh my God!" singhap niya.

"I-im o-okay. I can still handle this… that b-bitch gave me a deep w-wound, may lason ang kuko niya. I need some time to heal but I'll be fine."

Labis na pag-aalala ang naramdaman ni Lexine dahil sa kalagayan nito. Halata sa hirap ng pananalita ni Night na hindi basta-basta ang mga sugat na natamo nito. And speaking of the devil, agad hinanap ng mga mata niya si Lilith.

As if reading the question on her face, Night said, "She's badly wounded and ran away."

Kaya pala sugatan ang binata marahil sa pakikilaglaban uli nito kay Lilith. Hindi na niya namalayan o nakita ang mga nangyari sa paligid dahil sa ilusyong lumamon sa kanya. Inalalayan niya si Night na makaupo nang maayos. Sinandal niya ito sa pader. Ayaw pa rin tumigil nang pagdudugo ng mga sugat nito at natatakot siyang muling malagay sa panganib ang buhay ng lalaki.

"Dito ka lang, hihingi ako ng tulong."

Agad siya nitong pinigilan sa braso. "No, stay here. It's too dangerous. Lilith is still out there."

"Pero `di kita pwedeng hayaang mamatay dito. We need to ask for help."

Pero hindi siya nito pinapakawalan. "I can heal," anito kahit panay ang paglukot ng mukha.

Umiling si Lexine. Sa estado ng mga sugat ni Night at sa bagal nang paggaling nito, duda siyang aabot pa itong buhay sa pag-sikat ng araw. And obviously, Ira wasn't able to help him. Wherever she was right now, it prevented her from healing her dying master.

"Please, Night… halos mabaliw na `ko nang akala ko patay ka na. I don't want to lose you again. I can't, parang paulit-ulit na tinutusok `tong dibdib ko sa sobrang sakit. Hindi ako papayag na walang gagawin at tumunganga lang dito habang panunuorin kang mawala sa `kin!"

Nakipagtitigan si Lexine kay Night. Her eyes were full of tears.

Halata sa mukha nito ang malaking pagtatalo sa kalooban. She knows that it's too risky. But it's better for her to jump in the ocean of war rather than risk his life again. Hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. Her eyes were pleading. "Please, Night. I need to save you."

"But––"

Pinutol niya ang sasabihin nito sa pamamagitan ng madiin na halik. Pinatong niya ang noo rito. "Diba, we will fight this together? Together. Kailangan hayaan mo `kong matulungan ka. Please…"

***

TOGETHER. Mabigat na bumuntong-hininga si Night. A big part of him was saying no. Gusto niyang ikulong na lang si Lexine sa mga bisig niya pero ang nagmamakaawang titig nito ay parang isang mabagsik na hayop na lumalaban sa kanya.

"You need to trust me, Night. Do you trust me?"

Saglit siyang natigilan. Ang babaeng ito, napakatigas talaga ng ulo. Kahit kailan ay hindi ito nakikinig sa kanya. Subalit masyadong malakas ang kapangyarihang taglay ni Lexine. Kahit ano ang gawin nito o kahit ano pa man ang lumabas mula sa bibig nito ay tila nagbabagang apoy na lumulusaw sa yelong bumabalot sa katawan niya... sa buong pagkatao niya.

She's asking if he trusts her? Of course, he does. Buong buhay nga niya ang ipagkakatiwala niya rito. And that feeling alone is too powerful that he can't resist seeing her hurting like this. His grip slowly loosened. Ngumiti ito at hinalikan ang kanyang noo bago ito mabilis na tumayo. Ngunit maagap niya uli itong pinigilan at pinakatitigan nang mabuti.

Those beautiful almond shaped eyes of her, kabisadong-kabisado niya `yon at kahit nakapikit ay palagi niya `yong nakikita. Pumintig nang kakaiba ang dibdib ni Night sa ilalim ng mga mata ni Lexine.

"Please… come back to me. I can't lose you," dahan-dahan pero maingat niyang sambit. He wanted her to absorb each words so that she will never forget them. So that she'll fullfill them.

Lexine looked at him again with that kind of expression that has all the power to cast a spell on him in every way that he can't oppose.

"You will never lose me. I promise, I'll come back."

Muli niya itong kinabig sa batok at ginawaran ng mainit na halik. Nahirapan pa siyang bitawan ang kamay ni Lexine. There is a voice inside him that was telling him not to let her go. Pero dumulas na ang kamay nito at wala na siyang nagawa kundi pagmasdan ang likod ng dalaga habang unti-unti itong lumalayo sa kanyang paningin.

Lexine, please come back to me.

Related Books

Popular novel hashtag