LEXINE NEEDS TO find someone who can heal her dying grim reaper boyfriend. Pero dahil hindi pa rin natatapos ang digmaan ay mukhang mahihirapan siya. Kailangan niyang hanapin si Ithurielle dahil ito lang ang makakatulong kay Night. Hindi niya ito makita sa dami ng kaguluhang nangyayari sa paligid. The entire place was a bloodbath. Panay ang pagsigaw niya sa pangalan nito ngunit nilalamon ng mga malalakas na hiyawan ang boses niya.
"Alexine!"
Pumihit ang ulo niya sa direksyon na pinagmulan ng tawag. Agad niyang nakita si Daniel. Tumuwid siya ng tayo at napangiti nang malaki. Tinaas niya ang dalawang kamay at sumenyas na kailangan niya ng tulong pero ang mukha ng arkanghel ay biglang natakpan ng isang malaking bulto. Tumalon sa kanya ang malaking itim na ahas—higit na malaki sa anaconda sa simbahan—at dinakmal ang kanyang katawan. Bumaon ang matutulis nitong ngipin sa kaliwang balikat niya. Napahiyaw siya.
"Alexine!!!" Mula sa malayo ay nagmadaling binuka ni Daniel ang gintong pakpak at lumipad patungo sa anak. Napahinto si Cael at nanlamig sa nakita. Mabilis na nawala ang kulay sa mukha nito. Mabilis na gumapang paakyat ang higanteng ahas sa pader ng abandonadong hospital.
Natigil si Ithurielle sa pakikipagtagisan ng lakas sa isang ravenium demon. Lumaki nang husto ang mga mata nito nang matanaw kung ano'ng nangyayari. Buong lakas nitong sinipa palayo ang halimaw at nagmamadaling humabol kay Lexine.
Pilit na kumakawala si Lexine sa ngipin ng halimaw, pinagsusuntok niya ang tila bato sa tigas nitong ulo habang tinitiis niya ang sakit dahil sa bawat galaw niya ay lalo lamang bumabaon ang ngipin nito. Libo-libong kutsilyo ang tumutusok sa kanyang mga laman. Sa sandaling nagtama ang mga mata nila ng itim na ahas ay alam na niya agad kung sino ang kaharap.
Walang iba kundi si Lilith.
"Harangin niyo sila!"
Hindi niya alam kung paano ito nakasigaw pero maliksing kumilos ang sandamakmak na demonyo at hinarang sila Daniel, Cael at Ithurielle na tuluyang makalapit sa kanila. Napilitang makipaglaban ang tatlo sa daan-daang demonyo na sunud-sunud na sumusugod sa mga ito.
Patuloy na gumagapang ang ahas hanggang sa nadaanan nila ang butas na bintana ng ikalawang palapag ng gusali kung saan niya iniwan si Night. Mula sa butas, natanaw niya ang nakaupong binata at nang segundong nagtama ang kanilang mga mata ay agad nanigas ang mukha nito. The prince of the darkness's face was beyond the word fear. Everything moved slowly, and she saw how the color left his face, his eyes wide as a saucer, and his trembling lips shouted her name.
"Night!" sigaw niya at pilit na inaabot ang mga kamay rito.
Dinala ni Lilith si Lexine hanggang sa rooftop. Binitawan siya nito at gumulong-gulong ang nanghihina niyang katawan sa malamig na semento. She panted hardly as the oxygen left her lungs. The pain was consuming her like the mouth of a python. Black spots clouded her vision. Tears were flowing endlessly down to her face as she tasted blood, salt, and bitterness.
Nag-anyong babae uli si Lilith. Nawala na'ng dating postura nito. Nangingibabaw sa maputi nitong balat ang malalalim na sugat sa katawan nito na dulot ng pakikipaglaban nito kay Night. Tinapakan ni Lilith ang kagat nito sa balikat niya.
Malakas siyang napahiyaw. "Aahhhhh!"
Tumawa ito habang sayang-saya sa pag-iyak niya. "Kung hindi lang din naman kita mapakikinabangan, mas mabuti pang mawala ka na sa mundong `to!"
Paulit ulit siya nitong tinadyakan. Each blow from the demon's pointy shoes was sending a thousand bolt of shock through Lexine's body. A monstrous laugh followed every kick. Lilith continued to beat with the passion of rage and hatred. Lexine kept on rolling and rolling and rolling like a broken branch whirling by strong wind until her back no longer meets the ground. Lexine's body fell, and her heart jumped out of her chest.
Maagap na kumapit ang dalawa niyang kamay sa maliit na piraso ng nakausling metal sa sirang concrete.
Muling nagpakawala ng isang nauulol na halakhak si Lilith at buong disgusto siyang tinignan. Wala na ang bakas ng kagandahan sa lukot nitong mukha habang ang dilaw nitong mga mata ay nagliliyab na katulad ng apoy.
"Say hi to your death now, darling." Inipit ng sapatos nito ng kanang kamay niyang nakakapit sa bakal.
"Ahhh!" napabitaw siya.
Ang kaliwang kamay na lang niya ang nanatili nakahawak sa metal. Muling inipit ni Lilith ang mga daliri ni Lexine. Ramdam niya ang pagkadurog ng mga buto niya sa kamay. Malakas siyang humiyaw. Sweat and tears soaked her face. She can no longer feel her fingers.
Isang sigaw ang umalingangaw. Suminghap si Lilith, bumilog ang mga mata nito at kasabay niyon ang paglusot ng matalim na espada sa dibdib nito. Bumuka nang malaki ang bibig nito habang mabilis na tumutulo ang dugo mula roon. Sa likuran ng demonyita nakatayo si Night hawak ang espada nito.
Nanginginig na yumuko si Lilith. Disbelief was written all over her face. For an instant, Lexine's chest hurt for her. She was only a victim of a blinded love. Bumalik sa alaala niya ang mga paghihirap na pinagdaanan nito sa kamay ni Lucas. Kung sana ay hindi ito tuluyang nagpalamon sa kadiliman, may pag-asa pa sana na maging masaya ito kapiling ang pamangkin nito. But it was too late for her. All her sins are only punishable by death. This is her end.
Dahan-dahan itong yumuko sa kanya. Nagtama ang mga mata nila. What Lexine saw in the devil's eyes were like a quick flash of images. The disbelief turned to regret to pain and lastly to repentance. And then she screamed.
"Isasama kita sa kamatayan!"
Tumalon si Lilith at hinablot si Lexine pababa.