UMAHON SA MALALIM NA DAGAT si Lexine, malakas siyang suminghap. Pakiramdam niya napupuno ng tubig ang baga niya at hindi siya makahinga. She breathed vigorously and coughed the invisible water out of her lungs. Ang lamig ay napalitan ng matinding init. Sobrang init ng paligid, mahapdi ang balat niya, nakakaamoy siya ng usok at malabo ang kanyang paningin. Where is she? For a brief second, she thought she was in hell, but she knows better because the underworld certainly feels worse than this.
"Lexine!"
Her head abruptly raised as she dizzily looked to wherever the voice was. Her mind memorized every high, low, and texture of it. Even with eyes closed, she can identify its owner. Unti-unting luminaw ang paningin niya at natagpuan niya ang nag-aalalang mukha ni Night. Nasa loob siya ng malaking pentagram. Worries left her body like an evaporated water. This is not hell. This is home, and it is right before her eyes at the other side of the fire.
"Night!" Agad siyang tumayo at nilapitan ito.
"No!"
Humalik ang balat niya sa invisible shield na nakapalibot sa pentagram. Umusok ang braso niya. It stings as though a thousand needles pricked her simultaneously. "Aw––fuck!"
"Just stay there and don't do any more reckless things, you stupid girl!"
Napanganga siya at `di makapaniwalang tumingin kay Night. Talaga bang pagagalitan pa siya nito sa sitwasyon nila ngayon? `Di bale na, may kasalanan naman talaga siya sa prinsipe ng kadiliman dahil iniwanan niya ito at hindi nagsabi sa plano niyang hakbang. Ayan tuloy at tuluyan siyang nadakip ng mga kalaban.
Pinagmasdan niya ito. Tinatamaan ng liwanag ng apoy ang namumutla nitong mukha. Magkasalubong ang kilay nito at nasa mata nito ang matinding pagod gayunman, nangingibabaw pa rin doon ang labis na pag-aalala. Nanikip ang dibdib niya. Naalala niya ang lahat ng masasakit na pinagdaanan ni Night. Gusto niya itong yakapin nang sobrang higpit at sabihin kung gaano niya ito kamahal. Gusto niyang ibulong dito nang paulit-ulit na nandito siya at hindi ito nag-iisa.
Minsang sinabi ng lalaki na binago niya ang buhay nito. Pero ang totoo ay si Night ang bumago ng buhay niya. Sa mga bisig ng makisig na prinsipe ng kadiliman ay natuto siyang huwag matakot at tumalon sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Higit sa lahat, tinuruan siya nito na maging totoo sa kanyang sarili.
The prince of darkness changed her in the most breathtaking ways she has never thought possible. Evening kissed the morning. Moon touched the sun. Sin embraced salvation.
"Night… I badly want to touch you," aniya sa mahinang tinig. It is what her body was itching to do the second she opened her eyes. The tingling was too much and grew into cold and unrelenting pain. The only way to cure this torture was to feel his hands again, to kiss his lips, and to curl up beneath his warm arms and stay there forever.
Lumambot ang mga mata ni Night. Kahit hindi man nito sabihin alam niyang iyon din ang nais nitong mangyari. "Don't worry, baby. I'll get you out of there. Just stay with me, and we'll fight this together."
Nagliwanag ang mukha niya. For now, this is enough. "Yes, together."
"Ahhh! Such a lovely reunion!"
Napatili si Lexine at hindi na nagkaron ng pagkakataon na lingunin ang pinagmulan ng boses nang may malaking itim na anaconda ang biglang pumulupot sa kanyang katawan.
***
"LEXINE! DAMN YOU, bitch! I'm going to fucking kill you!"
Humalakhak na tila isang baliw na mangkukulam si Lilith. "Iyan ba ang sasabihin mo sa `kin anak matapos nating hindi magkita ng daan-daang taon? Don't you miss your mother?"
Kasing pakla ng ampalaya ang ngiti ng prinsipe ng dilim. "Kahit kailan, `di ka naging nanay sa `kin. So, stop your bullshits. Hindi bagay sa `yo!"
Tumaas ang sulok ng bibig ng demonyita. "Alam mo Alexis, hindi naman natin kailangan maging magkalaban. Magkapamilya tayo kaya dapat nagtutulungan tayo. Kayang-kaya kong gawin isang ganap na demonyo ang babaeng kinababaliwan mo. Sa gano'ng paraan, hindi na kayo tutulan ng langit at lupa at habangbuhay na kayong magkakasama. Magandang ideya `di ba?"
"I must say that your offer is a little tempting." He smiled wickedly. "But no thanks, `coz my girl is pure and she'll forever be."
Hinumpas ni Night ang espada niya at isang malakas na pwersa ang tumama sa harang dahilan upang tuluyan `yong masira. Napaatras si Lilith at natumba sa sahig.
Muli itong bumangon ito. She hissed like a snake with eyes sharp and ready to strike as her face contorted in anger. Nagsimulang pumalibot ang napaka-itim na aura sa buo nitong katawan.
"Napaka sutil mo talaga! Pasalamat ka at anak ka ni Lucas kaya pinagpapasensyahan pa kita. Pero ngayong gabi, ubos na ang pagtitimpi ko. Gusto mo `kong kalabanin? Sige, pagbibigyan kita. Magsasama na kayo ni Eleanor sa impyerno!"
Nagpantig ang tenga ni Night. Mabilis na pumaloob ang galit sa kanyang didib. How dare this bitch say his mothers name? Sisiguraduhin niya na hindi matatapos ang gabing ito na hindi niya mapapatay ang demonyitang tiyahin. He prepared his body for the expected blow of the massive storm.
Sinugod niya si Lilith.
***
"NIGHT!!!" sigaw ni Lexine pero agad naipit ang boses niya nang maramdaman ang higpit ng katawan ng itim na anaconda na lumilingkis sa kanya. Nakakakilabot ang dilaw nitong mga mata na nakatitig sa kanya at anumang sandali ay handa siyang tuklawin. Isang maling galaw niya at siguradong pangil at kamandag nito ang unang babaon sa balat niya. Malakas siyang napaungol nang mas sumikip ang lingkis nito sa katawan niya. She can't hardly breathe. She can't feel her limbs.
Biglang bumukas ang pintuan ng bulwagan at niluwa niyon si Cael. "Alexine!" sigaw ng Tagabantay. Sa likod nito nakasunod si Ira. Lumuwa ang mata ng anghel nang makita ang itsura niya.
"Cael, p-please help, Night!" naghihirap niyang sambit.
Lumihis ang tingin ni Cael sa kabilang panig ng bulwagan kung saan kasalukuyang nakikipaglaban ang Tagasundo kay Lilith.
"Ako na'ng bahalang tumulong sa mortal, Tagabantay. Kailangan niyong magapi si Lilith upang matapos na'ng lahat ng ito," wika ni Ira.
Napako sa kinatatayuan si Cael. Nagpalipat-lipat ang tingin nito kay Lexine at sa Tagasundo. Nasa mukha nito ang matinding pagtatalo ng kalooban.
"Sige na anghel! Ako na'ng bahala sa itinakdang mortal!"
Naninigas ang bagang nito. Humigpit ang kapit nito sa hawak na espada. Ilang sandali pa at nagbuga ito ng mabigat na hininga. "Pakiusap, iligtas mo si Alexine."
"Makaasa ka." Agad lumapit si Ira upang labanan ang itim na Anaconda. Binuka ni Cael ang nagliliwanag na pakpak at mabilis na sumugod sa kinaroroon ni Lilith.
Umatake ang anghel mula sa likuran at hinanda ang espada. Pumihit ang demonyita paharap sa anghel sabay taas ng kamay nito. Isang malakas na pwersa ang tumulak sa binata palayo. Nagpagulong-gulong si Cael sa sahig.
Nagkaroon ng pagkakataon si Night na sugurin si Lilith. Sinakal ng Tagasundo si Lilith mula sa likuran gamit ang braso nito. Tinaas ng binata ang hawak na espada at tinutok ang patalim sa demonyita. Mabilis na kumilos si Lilith at tinapakan ng matalim nitong takong ang isang paa ni Night. Kasing liksi ng hangin na tumama ang siko nito sa ilong ng binata. Napaatras ang Tagasundo. Muling tinapat ni Lilith ang palad nito sa dibdib ni Night at parang papel na tumilapon ang katawan ng binata palayo. Tumama ito sa mga malalaking angel scuplture sa sulok ng bulwagan. Nabasag ang mga iyon sa lakas ng impact. Bumagsak ang binata sa sahig at tuluyang natabunan ng mga bato.
Isang malakas na hiyaw ang nanggaling sa likuran ni Lilith. Tumalon si Cael at hinumpas ang espada nito. Sinangga ng demonyita ang atake ng anghel gamit ang kaliwang kamay nito. Hindi alintana ang dugong dumaloy sa palad nito gawa ng patalim. Nakabaon ang talim niyon sa laman at balat nito. Tumulis ang nagdidilim na mga mata ng demonyita at dinakma ang leeg ng anghel gamit ang malaya nitong kamay.
"Kahit kailan talaga pakielamero kayo sa mga plano ko. Isa-isa ko kayong titirisin na parang mga kuto!" Mas humigit ang kapit nito sa leeg ni Cael. Binuhat nito ang binata.