"LEXINE!!!"
Natigilan si Lexine nang marinig ang sigaw ni Night sa kanyang isip pero hindi niya `yon pinahalata dahil nagmamasid si Lilith sa likuran niya. Kasalukuyang nakataas ang dalawa niyang nagliliwanag na mga kamay. Sa paligid niya lumulutang ang napakaraming bola na gawa sa tubig: bawat isa sa mga bubble ay naglalaman ng piraso ng panahon mula sa nakaraan.
Kanina sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagawa niyang kontrolin ang napakalawak na tubig na inapaakan nila. Mula roon lumabas at lumutang ang napakaraming bubbles. Ito ang sinasabi ni Lilith na kakayahan niyang kontrolin ang panahon at oras. Lexine still can't believe that the prophecy was true. Naalala niya ang kinuwento ni Madame Winona na minsan niyang nagawang patigilin ang pagbuhos ng ulan noong bata siya. May espesyal siyang kakayahan na kailanman ay hindi niya inakala na natutulog lang sa loob ng kanyang pagkatao.
Ngayon ay nasa harapan na niya ang napakaraming piraso ng nakaraan; animo isa itong library. Ang kailangan niyang gawin ay hanapin ang tinutukoy ni Lilith na panahon na gusto nitong balikan at puntahan.
"Naiinip na `ko, Alexine. Matagal pa ba `yan?" tanong ng demonyita sa kanyang likuran. Humikab ito habang tamad na pinagmamasdan ang dulo ng matutulis nitong kuko na pinturado ng pula.
Sinasadya ni Lexine na bagalan ang paghahanap. Bukod sa kinakapa niya pa ang bagong tuklas na kapangyarihan ay talagang pinatatagal niya ang kilos nang sa gano'n ay makapag-isip siya ng paraan kung paano makakaalis sa ritwal ni Lilith. At kung totoo nga na si Night ang narinig niya kanina, ibig sabihin nasa malapit lang ito at handa siyang iligtas. Umaasa siya sa pag-asang `yon.
"Wait lang, ngayon ko lang ginawa `to kaya nahihirapan pa `ko," katwiran niya.
"Bilisan mo!"
Huminga nang malalim si Lexine. Nagtitiwala siya na puprotektahan ni Madame Winona ang kanyang lolo. Higit sa lahat ay nagtitiwala siya kay Night na hindi ito susuko na mailigtas siya. Tila naririnig ng mga bubble kung sino ang iniisip niya. Mabilis na umikot ang isang hilera ng mga ito mula sa itaas. Huminto ang mga ito sa kanyang harapan. Namangha siya nang makita kung ano nasa loob ng mga iyon.
Bawat isa ay naglalaman ng lahat ng mga panahon na magkasama sila ni Night. Mula sa gabi na ginawaran siya nito ng kiss of death, sa party ni Xyrille, noong nag-enroll ito sa school nila, nang niligtas siya ng prinsipe ng dilim laban sa ravenium na sumanib kay mang Ben, noong nagtatalo sila sa hospital, nang dinala siya nito sa Paris, ang tuktok ng Eiffel Tower, maging bawat maiinit na halikan at yakapan nilang dalawa. Lahat ng `yon ay nasa kanyang harapan.
Mabilis na nag-tubig ang mga mata ni Lexine. Sa maiksing panahon ay napakarami na pala talaga nilang pinagdaanan ni Night. Isang partikular na bubble ang nakaagaw ng kanyang atensyon. Pinapakita sa loob ng bolang tubig ang piraso ng mga alaala mula sa prinsipe ng dilim. How Night secretly watched her from the shadows. Noong mga panahon habang nagdadalaga siya ay lagi na itong nakamasid sa kanya. Maging sa lahat ng ballet performances at mga competition na kanyang sinalihan ay lihim siyang pinapanood ni Night. Totoo nga ang sinabi sa kanya ni Sebastien.
Pinapakita rin doon ang mga panahon sa tuwing malalagay sa alanganin ang kanyang buhay. Gaya noong muntik na siyang masagasaan ng sasakyan pagtawid niya ng kalsada. Kung `di siya nagkakamali ay grade eleven siya nang mangyari `yon. Habang tahimik na nakamasid sa malayo ay pinahinto ni Night ang kotse upang hindi tuluyang tumama sa kanya.
Maging noong first time niyang makapasok sa isang nightclub dahil 18th birthday celebration ni Belle. Nalasing siya ng husto. Nagsasayaw sila ni Belle sa dance floor. May mga lalaki ang pumapalibot sa kanila at nakahandang pagsamantalahan ang kanyang kalasingan. Pero habang para siyang baliw na gumigiling at tumatalon ay naroon pala si Night at nakabantay sa kanya. Isa-isa nitong tinakot ang bawat lalaking lalapit sa kanya.
Kahit noong nagtungo sila sa Bangkok para magbakasyon may dalawang taon na ang nakalilipas. Kasama niya sila Xyrille, Janice at Ansell. Nagtungo sila sa Thailand to see the Songkran Festival. Pagsapit ng gabi ay naligaw si Lexine at nalayo sa mga kaibigan. Dumaan siya sa isang madilim na eskinita. Hindi niya alam na may masamang loob na pala ang sumusunod sa kanya. Bago pa man siya malapitan ng lalaki ay hinatak na ito ni Night sa dilim. Paglingon niya sa likuran ay walang tao. Lihim na sinusundan lang siya ni Night hanggang sa masiguro nitong natagpuan niya na ang mga kaibigan.
Mula noon hanggang ngayon ay pinuprokektahan at binabantayan siya ng kanyang prinsipe mula sa dilim. Isang bagay na hindi nito pinapakita sa kanya noon dahil lagi lang itong nagtatago sa maskara ng isang walang pusong demonyo. Pero ang totoo ay napakabuti ng puso ni Night. Sa sobrang laki ng puso nito nalulunod siya sa mga bagay na kaya nitong ibigay at gawin para sa kanya.
Kumirot ang dibdib ni Lexine. `Di niya namalayan na umiiyak na siya. Nakita niya sa isang bubble ang gabi na bumubuo sila ng pangarap ni Night na makapagtravel sa buong mundo. Gusto niya na magkaroon pa sila ng maraming panahon upang magawa ang lahat ng iyon. Higit sa lahat, gusto niya pang sabihin dito kung gaano niya ito kamahal.
"Ano ba, mortal? Ginagalit mo ba `ko?" sigaw ni Lilith.
Huminga nang malalim si Lexine. Kung totoo ang sinasabi ng propesiya na may espesyal siyang kakayahan ibig sabihin ay wala siyang dapat na katakutan. Pumikit siya at pinakinggan ang kanyang puso. She heard a voice inside her head.
Alexine, you're more than what you think you are. Be strong my child, your heart is your greatest power.
She felt her mother's loving arms around her. Leonna's gentle voice and warm hands were like a blanket that protects her from this darkness. Pagdilat niya ng mga mata ay alam na niya kung ano ang dapat gawin.
"Sinubukan kong paniwalaan na may kabutihan pa sa puso mo Lilith, pero nagkamali ako," aniya sa matatag na boses.
Naningkit ang mga mata ng demonyita. "Talaga bang dadramahan mo na naman ako? Eh, kung patayin ko na kaya si Alejandro?"
Pero hindi nagpatinag si Lexine. Dahan-dahan siyang pumihit paharap kay Lilith at sa pagkakataong iyon ay may mas matibay na ang kanyang loob. Her eyes were sharp. Her voice was solid.
"Ako ang panibagong Nephilim sa mundong ito ayon sa propesiya? Sige! Paninidigan ko na ang propesiya na `yan!" Inangat niya ang dalawang nagliliwanag na kamay at sabay-sabay na pinagalaw ang mga bolang tubig. Nanlaki ang mga mata ni Lilith.
"Hindi nababagay sa katulad mo ang salitang awa. You killed my parents! Pinahamak mo si Madame Winona, Ansell, pati ang lolo ko. Pinatay mo si Ms. Garcia!" Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ni Lexine.
Sumisiklab ang kanyang dibdib. She can feel the fire flowing inside her veins. Bright yellow light emerged from her skin. It gleams like a burst of the sun. Her body was burning. She feels lightheaded.
"Hinding-hindi na `ko papayag na may saktan ka pang ibang inosente at mas lalong hindi ako magiging sangkapan sa masasama niyong plano ni Lucas!"
Sumigaw si Lexine ng buong lakas at hinumpas ang kanyang mga kamay. Sabay-sabay na humagis ang sandamakmak na bubbles sa direksyon ni Lilith. Binalot ito ng napakalakas na liwanag.
"AHHHHH!" hiyaw ng demonyita.
Sinamantala ni Lexine ang pagkakataon at tumakbo nang mabilis. Kahit pa tila walang simula at walang dulo ang lugar na kinaroroonan niya, wala siyang pakielam. Kailangan niyang mahanap ang daan palabas sa lugar na ito.
"Lexine! Wake up! Lexine do you hear me? Wake up!"
Natigilan siya. Tumingala siya. Panay ang paglikot ng ulo niya. "Night? Night, nasaan ka? Night!"
"Lexine, please, wake up! You need to fight, baby… I need you to fight for us."
"Night!" Hindi niya alam kung saan siya lilingon.
Naririnig na niya ang sigaw ni Lilith. "Lexine! Hindi ka makakatakas sa `kin!"
"Think, Lexine… think."
Hanggang sa wakas at umilaw ang isang bombilya. Tama! Bakit nga ba hindi niya agad naisip ang bagay na `yon?
Lalong lumakas ang tinig ni Lilith.
Mariin siyang pumikit. "Please, please, please show me the way."
Hindi nagtagal at lumitaw mula sa tubig na sahig ang bubbles na hinahanap niya: ang present time. Sa loob ng bilog nakikita niya si Night habang sinisigawan siya nitong gumising. Nakahiga naman siya sa loob ng pentagram na napaliligiran ng nagliliyab na apoy.
"Lexine!!!"
Matutulis na kuko ang lumitaw sa kanyang harapan. Agad hinawakan ni Lexine ang bubbles at sumabog ang nakasisilaw na liwanag. Isang malakas na pwersa ang humigop sa kanya papasok sa loob niyon.