Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 89 - Together

Chapter 89 - Together

MAY KALAHATING oras nang nakatigil ang itim na R8 Audi Coupe V10. Sa tapat ng mansion ng Vondeviejo ngunit wala pa rin plano si Night na pababain si Lexine.

"N-night, l-late na. Hindi ka pa ba u-uuwi?" naghahabol ng hininga na saad niya. Paano ba naman siya hindi kukulangin sa hangin gayong nakakandong siya sa hita ng binata habang pinapapak nito ang kanyang leeg na parang bampira.

"Hmm, later," he murmured as his lips continuously wandered on her neck and jaw.

Hinugot ni Lexine ang lahat ng lakas para makawala sa binata. Nilayo niya ang sarili rito. Tila batang nagmamaktol na umungol ito nang buong pagtutol.

"Night." Kinulong niya sa dalawang palad ang mukha nito at pinakatitigan ang namumungay nitong mga mata.

Ngumuso ito. "Tsk, mamaya na." Muli siya nitong hinapit at ang balikat naman niya ang pinapak.

Nakikiliti siya at hindi napigilan ang maliit na hagikgik. Pero kailangan na nilang maghiwalay lalo na at need niya pang i-check ang kanyang Lolo Alejandro. Buong araw siyang nawala. Nag-aalala na siya sa kalagayan nito.

Muling niyang hinugot ang lakas para kumalas sa binata. "Night, naman, eh. `Di ka pa ba nagsasawa sa `kin? Kanina mo pa `ko pinapapak. Baka maubos na `ko niyan."

"Hinding-hindi `ko magsasawa sa `yo."

She rolled her eyes. Kinilig siya roon pero kung buong gabi siyang magpapadala sa mga banat nito ay hindi na talaga siya makakaalis. "Sige na, bukas na lang tayo magkita. I need to check lolo at may ballet practice pa `ko tomorrow kaya maaga akong gigising."

Ito naman ngayon ang nagtirik ng mga mata sabay mabigat na nagbuntong-hininga. Trenta minutos na niya `tong pinagbigyan nang mag-request itong huwag muna siyang bumaba ng kotse. Pero mukhang aabutin pa sila ng pagtilaok ng manok at hindi pa rin ito makukuntento.

Night cursed under his breath. "I can't get enough of you."

Nakagat ni Lexine ang ibabang labi para pigilin ang ngiti. Quota na siya ngayong araw. Baka ma-overdose na siya sa yakapsul at kisspirin ng prinsipe ng dilim.

Umalis siya mula sa pagkakaupo sa mga hita nito at lumipat sa passengers seat. "Sige na, I need to go. Thank you sa paghatid," aniya at hinalikan ito sa pisngi `tsaka mabilis na umibis ng kotse.

Binaba ni Night ang bintana. Kumaway naman si Lexine bilang pag-bye-bye. Lumakad siya patungong main door ng mansion pero nahigit niya ang hininga nang biglang lumitaw si Night sa tapat niya.

"Ay kalabaw!" Halos tumalon siya sa gulat.

Natatawang pumulupot uli ang mga braso ni Night sa bewang niya at hinapit siya palapit sa katawan nito. Mahinang hinampas niya ito sa dibdib. "Ano ba, aatikin ako sa puso sa `yo! Kailan mo ba titigilan `yang panggugulat mo sa `kin?"

"Miss na kita agad." He pouted like a puppy.

Tumirik ang mga mata niya pero hindi niya rin maalis ang ngiti sa labi. "O.A mo, ha! Five seconds pa lang ganyan ka na. Paano ko pa magagawa ang ibang gusto kong gawin sa buhay ko kung palagi kang nakalingkis sa `kin?"

Bumuntong-hininga ito at hinagkan siya nang buong higpit. "Itanan na lang kaya kita? Magpakalayo layo na tayo. Let's tour around the world."

She giggled. "Talaga?"

"Of course, anything for you."

"Sa'n mo naman ako dadalhin?"

"Hmm, well, we can go to Africa and we'll have a date in the middle of the jungle."

Napahagikgik siya nang ma-imagine na nagpipicnic sila ni Night sa gitna ng gubat habang audience ang giraffe, zebra, unggoy at kung anu-anu pa.

"Or, I can bring you to Maldives and we'll have breakfast in front of the ocean."

She smiled more while thinking about the white sand and blue sea. She can vividly imagine the two of them drinking coffee in the morning while smelling the salty air.

"O kaya naman, dadalhin kita sa Iceland at panunuorin natin ang northern lights." Kinuha ni Night ang dalawang kamay niya at pinatong sa batok nito habang pumulupot naman ang mga braso nito sa likod ng bewang niya. "Then I'm going to ask you: "May I have this dance?"

Malakas siyang tumawa at nakisakay sa trip nito. "It'll be my great honor to dance with the notorious and hottest grim reaper in the history of mankind," biro niya.

Nagsimula silang sumayaw sa mabagal na tempo habang hindi binibitawan ang mga mata sa isa't isa. Lexine can imagine the otherwordly beauty of Aurora borealis above them. Her heart feels so warm she can feel the building tears in her eyes.

"Thank you," aniya.

"For what?"

"For making me smile."

Kinuha ni Night ang isang kamay niya at dinala sa labi nito. He kissed her hands gently and lovingly. "No, thank you for coming into my life."

Right at this moment, Lexine still feels that everything was like a dream. She still can't believe how their relationship has abruptly developed into something incredible. All the fears she has for him disappeared like magic. Hindi niya alam kung paano sila napunta sa ganito, but it's no longer important. Ang mahalaga ay masaya sila. Under his arms, under his kiss, under his beautiful brown eyes—this is the place where she truly belongs.

She wanted to seize the moment. She'd never been so happy like this. It was ironic to think na nararanasan niya ang kaligayang ito sa bisig ng lalaking tinatakbuhan niya noon. But destiny plays a dangerous game that nobody can outdo. Wala kang ibang magagawa kundi ang magpa-agos na lang sa takbo nito at magpadala kung saan ka nito dadalhin.

Fate is such a dirty old bitch.

Sa sobrang alapaap na nararamdaman niya ay `di niya mapigilan ang sarili na mangamba na baka pansamantala lang ang lahat ng ito at isang araw ay agawin na sa kanya ang kaligayahang ito. Animo isang mabigat na bakal ang biglang bumagsak sa dibdib ni Lexine nang maalala uli ang kalagayan ni Alejandro at ng totoong sitwasyon na kinahaharap nila ngayon. Napakasarap isipin ng mga bagay na maaari nilang gawin ni Night nang magkasama ngunit hindi pa sila patatahimikin ng mga kalaban na tumutugis sa kanya. Nagsimulang mamasa ang mga mata niya.

"Hey, what's wrong?" tanong nito at marahang hinaplos ang pisngi niya.

"Naaalala ko lang si Lolo. Until now hindi pa rin ako nakakahanap ng lunas sa sumpang binigay sa kanya. Tapos nawawala pa si Madame Winona. I don't know what to do anymore. Natatakot ako, Night."

They stopped dancing, and his eyes focused on hers. "This will be a very hard battle, Lexine. I know you're scared and worried, but I promise that I'll never let them hurt you. Hanggang nandito ako sa tabi mo, poprotektahan kita. I'll do everything that I can to save your grandfather and the sorceress."

Isang malaking bato ang bumara sa lalamunan niya. Naninikip ang dibdib niya sa labis na emosyong nararamdaman. Sa kabila ng lahat ng panganib at problema na umiikot sa buhay niya ay nagpapasalamat pa rin siya sa Maykapal dahil nandito si Night. Dito siya kumukuha ng lakas para lumaban.

"I'll fight with you. We'll fight this together," saad niya.

Kuminang ang mga mata ng prinsipe ng dilim at binigyan siya ng magaan ngunit napaka init na halik. Saglit lang `yon pero sapat na `yon upang lumobo ang puso niya. Tuluyang nang tumulo ang patak ng luha na kanina pa namumuo sa mata ni Lexine. Mahigpit niyang siniksik ang sarili sa ilalim ng mga bisig nito.

"Sige na, good night. Kailangan na talaga nating maghiwalay. Pagod na rin ako at gusto ko ng magpahinga," aniya at bumitiw sa yakap nito.

Nais man tumutol ay pumayag na si Night. Hinalikan siya nito sa noo bago nagpaalaam at sinabing magkikita sila bukas. Pinagmasdan niya lang itong sumakay ng sasakyan hanggang sa nagmaneho na ito at tuluyang nakalayo.

Hinakbang na niya ang mga paa papasok sa mansion nang makarinig siya ng pamilyar na boses.

"Lexi!"

Paglingon niya ay natagpuan niyang naglalakad si Ansell palapit sa kanya. Napakunot ang noo niya dahil halata ang pamumula ng mukha nito at bahagyang gumegewang pa. Lumukot ang mukha niya nang maamoy ito.

"Ansell? Are you drunk?" Nakatiim ang bagang nito at kakamot-kamot sa ulo na tumayo sa harapan niya. He is indeed drunk. "Kanina ka pa ba?"

He smirked. "Yeah, at kitang-kita ko ang paglalandian niyo." Nahimigan niya ang pait sa boses nito.

Bumuntong-hininga si Lexine at napahawak sa sintido. Pagod na talaga siya sa dami ng nangyari ngayong araw. "Ansell, late na. Umuwi ka na. Sa ibang araw na lang tayo mag-usap, please."

Sa gulat niya ay bigla siya nitong hinigit sa braso. "Lexine, ano ba'ng mayroon sa inyo ng lalaking `yon? Bakit ang dami-dami mong sinisikreto sa `kin?"

"Ansell ano ba nasasaktan ako!" Binawi niya ang braso.

Tila natauhan naman si Ansell at agad siyang binitawan. "Sorry."

Nahilamos nito ang palad sa buong mukha at sunud na hinagod ang buhok nito. Nagbuga ito ng mabigat na hangin at muling humarap sa kanya. Natigilan siya nang makita ang sakit sa mga mata nito.

"Lexine, ano ba talaga ang nangyayari sa `yo? Sino ba talaga si Night? Bakit gano'n siya kabilis at kalakas? Ano `yung nakita kong halimaw sa Pampanga? And most of all, sino ang lalaking paulit-ulit na pumapasok sa katawan ko?"

Nanlaki ang mata ni Lexine. "A-alam mo?"

"Of course, I know! Ever since the night at Xyrille's party naririnig ko na siyang bumubulong sa `kin. Lagi niyang sinasabi na dapat kang protektahan. Saan? Kanino? Sa mga halimaw na `yon? Lexine, fuck! Wala na `kong naiintindihan dito. Magpaliwanag ka naman!"

Natahimik siya nang magsimula ng mag-hysterical si Ansell. She feels guilty dahil nadadamay na `to sa gulo. Lalo na at ginagamit ni Cael ang katawan nito. Nagbuntong-hininga siya. Karapatan rin nitong malaman ang totoo. Wala na siyang choice kundi sabihin sa best friend niya ang lahat.

"Sa loob tayo mag-usap."