KINUWENTO ni Lexine ang lahat kay Ansell. Mula sa nangyari sa kanya noong sixteenth birthday niya, ang kiss of death, ang pagkatao ni Night, si Cael at ang tungkulin nito; ang mga demon, ang sumpa kay Alejandro, si Madame Winona at ang mga sikreto sa pagkatao niya. Ilang minuto na natulala at hindi makasagot si Ansell na animo pi-na-process pa ng utak nito ang lahat ng narinig.
Kasalakuyan silang nasa loob ng kwarto ni Alejandro. Nanatili pa rin itong natutulog sa kama na animo walang kababalaghan ang bumabalot sa katawan nito. Mabigat na bumuntong-hininga si Lexine sa tapat ng malaking picture frame na nakadisplay sa gitna ng dingding. `Yon ang kanilang family picture. Kasama ang kanyang Lolo, sina Leonna at Andrew. Baby pa siya sa picture na `yon. Kung pagmamasdan mabuti ay hindi nga mapagkakaila na kamukhang-kamukha niya si Leonna. Iisa sila ng hugis ng mukha. Sa ina niya rin nakuha ang natural na brown na buhok at maputlang balat na animo binabad sa gatas sa kaputian.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Lexine sa katotohanang hindi niya tunay na ama si Andrew; na anak siya ng isang makapagyarihang Arkanghel. At sa tuwing naalala niya ang malupit na sinapit ng mga magulang sa kamay ng mga kalaban ay nabubuhay ang apoy sa dibdib niya.
Hanggang saan siya dadalhin ng labang ito? Kaya ba nilang matalo ang kasamaan na tumutugis sa kanya? Higit sa lahat, sino ba talaga ang nagtatagong kalaban?
Naputol ang malalim niyang pag-iisip nang biglang tumunog ang electronic vital sign monitor na nasa gilid ng kama ni Alejandro. Nagkatinginan sila ni Ansell bago niya natatarantang nilapitan ang abuelo.
"Lolo!" Bigla na lang itong nangisay. Binalot ng lamig ang buo niyang katawan.
"What's happening?" tanong ni Ansell at maging ito ay nagpapanic na rin.
Hindi niya rin alam. Nag-uunahan na ang mga luha sa kanyang mata. "Please call doctor, Juanito. Pakitawag na rin sila Manong Ben at Rico. Please, ask for help," aniya.
"O-okay." Agad kumaripas nang takbo si Ansell palabas ng pinto.
Napatakip ng bibig si Lexine. Nanghihina ang mga tuhod niya at umiikot ang sikmura sa labis na takot na nadarama. "Lolo, oh my God, lolo."
Sa gilalas niya ay mas lalong lumakas ang pagsi-sezuire ni Alejandro. Lalo siyang napahagulgol at hindi niya alam kung ano ang unang gagawin. Napatingin siya sa screen ng vital sign monitor at nanganganib na'ng guhit ng hearbeat nito.
Napatalon siya nang biglang sabay-sabay na nagbukas-sara ang mga bintana at binalot ang buong kwarto ng napalakas na ihip ng hangin. Napatili siya nang magpantay sindi ang ilaw. Isang maitim na usok ang pumasok mula sa labas. Unti-unting nag-form ang isang itim na anino sa kanyang harapan. Nanlaki ng husto ang mata ni Lexine.
"Magandang gabi, Alexine."
She froze on her feet. Her voice was an elegant siren, and yet it felt like claws scratching her skin. Those three words suddenly threw her to a place where only fear exists. Wala siyang makita kundi anino; wala itong kahit na anong mukha o katawan.
"S-sino ka?"
"Matagal mo na `kong gustong makilala."
Nagimbal si Lexine nang mapagtanto kung sino ang nagsasalita. Ang takot ay mabilis na nahaluan ng poot. Sumiklab na tila bulkan na sumabog ang galit sa dibdib niya. "Ikaw."
Tumawa ang babae. "Ako nga mortal at wala ng iba. Ako ang pumatay sa mga magulang mo, ako ang nag-uutos sa mga demonyo upang tugisin ka, ako ang dahilan ng pagkawala ni Winona at ako rin ang sagot upang mailigtas mo ang pinakamamahal mong abuelo."
Nagkuyom ang mga palad ni Lexine. "Hayop ka! Napakasama mo! Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng `to? Ano ba talaga ang gusto mo sa `kin?"
Muli niyang narinig ang nakakakilabot nitong halakhak. Lalong nagkiskis ang ngipin niya. Gusto niya itong kalmutin kahit alam niyang anino lang ang kausap niya.
"Sasagutin ko ang lahat ng tanong mo sa oras na magkita tayo. Nauubos na ang oras mo, Alexine. `Di magtatagal at papatayin ng aking lason ang pinakamamahal mong abuelo. Nasa kamay mo ang kapalaran niya. Pumili ka, ang buhay ni Alejandro o ang sarili mo?"
Nababahalang bumaling siya sa kanyang lolo. Nadudurog ang puso niya na nakikita ang kalagayan nito. Hindi dapat ito nakakaranas ng ganitong paghihirap ng dahil sa kanya. Kasalanan niya ang lahat ng ito. Maging ang mga magulang niya ay namatay ng dahil sa kanya.
"Please, I'm begging you. Tigilan mo na `to. `Wag mo nang idamay ang mga inosenteng buhay."
Lumapit sa kanya ang anino. Nahigit niya ang hininga at nanigas sa kinatatayuan. "Dalawang gabi na lang ang `yong palugid, Alexine. Pinapangako ko na ililigtas ko ang buhay ng lolo mo sa oras na isuko mo ang sarili mo. Siguraduhin mo lang na hindi makikielam ang prinsipe ng dilim dahil hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin. Kahit ang mayabang mong nobyo ay kayang-kaya kong burahin sa mundong ito."
Mas lalong sumikip ang dibdib niya. Lumiit ang kwarto dahil sa higanteng takot na lumamon sa katawan niya.
"Hanggang sa muli, Alexine. Nanabik na `kong makita ka mahal kong mortal."
Iyon ang huling sinabi ng anino bago ito bumalik sa pagiging usok at lumipad palabas ng bintana. Tumigil na ang pagpatay sindi ng bumbilya. Nahinto na rin ang panginginig ng katawan ni Alejandro at bumalik na sa normal ang vital signs nito. Sa wakas ay nakahinga siya nang maluwag.
Nag-alalang nilapitan niya ang matanda. Panay ang agos ng kanyang luha. Akala niya ay matutuluyan na ito. "Lolo, I won't let anything happen to you."
Hinalikan niya ang noo nito. Naabutan siya ni Ansell, Rico, Belle at Manong Ben sa ganoong posisyon. Nagpalipat-lipat ang mga mata ng mga ito sa kanya at kay Alejandro.
Nag-aalalang nilapitan siya ni Ansell. "Lexi?"
Mahigpit siyang yumakap kay Ansell at tuluyang humagulgol sa mga bisig nito.
***
DUMATING si Doctor Juanito after an hour. Ayon dito ay maayos na uli ang kalagayan ng matanda. Hinabilinan lang siya nito ng mga bagay-bagay at sinabi na magdadagdag ito ng mga private nurse upang mag-bantay sa kanyang lolo. Sumang ayon lang si Lexine sa lahat ng habilin nito. Pinahatid niya kay Rico ang doctor at bumalik na rin sa kanyang-kanyang pagtulog ang mga kasambahay.
Nagpumilit si Ansell na manatili sa tabi niya dahil nag-aalala ito para sa kanya. Hindi na niya ito pinigilan at hinayaan na lang niya itong magpalipas ng gabi sa mansion. Hindi nagtagal at nakatulog na si Ansell sa sofa habang siya naman ay dilat na dilat pa rin.
Nanatili siyang nakatingin sa family picture habang hinahagkan ang sarili. Makailang ulit na siyang bumuntong-hininga. Payapa na'ng paligid pero ang takot sa puso niya ay hindi pa rin humuhupa.
Paulit-ulit na nagpi-play sa utak niya na parang sirang plaka ang mga sinabi ng babaeng kalaban. Muli na namang sumiklab ang galit sa kanyang dibdib. Isang gabi na lang ang natitira niyang oras. Sa pangatlong gabi ay kailangan na niyang mag desisyon kung hindi ay malalagay sa panganib ang buhay ni Alejandro. Hindi niya alam kung saan niya hahanapin si Madame Winona. Walang magawa kahit ang anghel na si Ithurielle o ang anino ni Night na si Ira. Wala ng ibang solusyon at nauubos na'ng oras niya.
All her life, pi-no-protektahan siya ng mga tao sa paligid niya. Nagsakripisyo ang mga magulang niya para iligtas siya. Her lolo Alejandro did everything to give her the best life. Pinagtatanggol siya ni Ansell sa mga nang-bubully sa kanya. Ms. Kritine has always been there for her as a big sister who guides her on her ballet career. Laging nakamasid at nakaalalay ang kanyang tagabantay na si Cael. Tinulungan ni Madame Winona ang kanyang ina upang linlangin ang mga kalaban at binigay nito ang anghel sa kwintas na si Ithurielle. Higit sa lahat, hanggang ang kamatayan na noon niya pa dapat hinarap ay dinaya niya pa rin. Binigyan siya ng pangalawang pagkakataong mabuhay ng prinsipe ng dilim.
Palagi na lang siyang umaasa sa ibang tao. Palagi na lang siyang tumatakbo at nagtatago. Hanggang kailan niya tatakasan ang lahat ng panganib sa buhay niya?
Lumapit siya sa picture at hinaplos ang mukha ng mga magulang. "I'm sorry mommy, daddy. I know that you've sacrificed your lives to protect me and I'll always be grateful for that. Pero `di ako pwedeng palagi na lang magtatago sa anino ng mga tao sa paligid ko. I need to stand up on my own, and protect not only myself, but all the people that I love. Wala `kong nagawa noon para ipagtanggol kayo. Pero si Lolo, ang mga kaibigan ko, si Night. Nandito pa sila sa tabi ko at may pagkakataon pa `kong maproktektahan sila."
Tumigil ang mga mata niya sa mukha ni Leonna.
Alexine, you're more than what you think you are. Be strong my child, your heart is your greatest power.
Naalala niya ang nakasulat sa diary ng kanyang mommy at ang mga katagang lagi nitong sinasabi sa kanya noon. Tama ito, higit pa siya sa kung sinong inaakala niya. She can do better. Wala siyang dapat na katakutan. Hindi na siya ang dating Lexine na iiyak na lang sa isang sulok. Dahil ngayon ay magiging matapang na siya. Hindi na siya papayag na may taong masaktan pa.
Lalaban siya para sa mga taong mahal niya. Lalaban siya para ipaghiganti ang lahat ng buhay na nawala ng dahil sa kasamaan. Nabuo ang isang desiyon sa kanyang kalooban. Hindi na siya uurong pa. Hindi na niya katatakutan ang kamatayan. Sa pagkakataong ito ay isusugal na niya ang lahat kahit maubos pa siya ay gagawin niya.
Sa kanya nagsimula ang lahat... at siya rin ang tatapos nito.